"LET THERE BE LIGHT" Ministries
100 MGA KATOTOHANAN TUNGKOL SA SABBATH
Bakit kailangang ipangilin ang araw ng Sabbath?
Ano ang layunin nito? Kailan naman ito itinatag at para kanino?
Aling araw ang tunay na Sabbath? Marami ang nangingilin ng araw ng Linggo, o unang araw.
Ito ba ay naaayon sa Bibliya?
Mayroo din namang nangingilin ng araw ng Sabado, o ng ikapitong araw.
Ano naman ang batayan nila mula sa Bibliya?
Naririto ang mga katotohanan tungkol sa dalawang araw na ito, ayon sa mga paliwanag na nagmumula sa Salita ng Diyos.
60 Mga Katunayan sa Bibliya Tungkol sa Ikapitong Araw, o Sabado
1. Matapos na lalangin ng Diyos ang daigdig, ang dakilang Diyos ay nagpahinga sa ikapitong araw, o Sabado. Genesis 2:1-3.
2. Tinatakan ng pangyayaring ito ang sabado bilang araw ng kapahingahan. Sa paglalarawan: Nang isilang ang isang tao sa isang araw, ang araw na yao'y tinagurian niyang araw ng pagsilang. Samakatuwid, nang ang Diyos ay nagpahinga sa ikapitong araw, ang araw na yao'y naging Kaniyang araw ng kapahingahan, o araw ng Sabbath.
3. Samakatuwid, ang ikapitong araw ay kinakailangag maging palaging araw ng kapahingahan. Maaari ba namang palitan ang araw ng pagsilang ng isang tao? Hindi. Kung gayon, hindi rin maaaring palitan ang araw ng kapahingan ng Diyos ng isang araw na kung kailan hindi naman Niya pinahingahan. Samakatuwid, ang Sabado o ikapitong araw ay siya pa ring Sabbath (kapahingahan) ng Diyos hanggang ngayon.
4. Binasbasan ng Tagapaglalang ang ikapitong araw. Genesis 2:3.
5. Ginawa rin niyang sakdal ang ikapitong araw. Exo. 20:11.
6. Ginawa rin Niya itong araw ng Sabbath sa halamanan ng Eden. Genesis 2:1-3.
7. Ito ay itinatag bago nagkasala ang tao, samakatuwid ito ay hindi anino (type): sapagkat ang anino ng mga bagay na darating ay itinatag pagkatapos magkaroon ng kasalanan.
8. Ayon kay Kristo, ito ay ginawa para sa tao (Marcos 2:27); ang ibig sabihin para sa buong sangkatauhan, sapagkat ang salitang "tao" ay walang limitasyon, tinutukoy nitong pareho ang mga Hudyo at mga Hentil.
9. Ang Sabbath ay paalala ng paglalang. Exo. 20:11; 31:17. Sa tuwing tayo ay nagpapahing sa araw na yaon, katulad ng ginawa ng Diyos sa panahon ng paglalang, ating ginugunita ang naturang dakilang pangyayari.
10. Ang Sabbath ay ibinigay kay Adan, ang ulo ng sangkatauhan. Marcos 2:27; Genesis 2:1-3.
11. Samakatuwid, sa pamamagitan niya (Adan) na siyang kinatawan, ibinigay din sa buong sangkatauhan. Gawa 17:26.
12. Ang Sabbath ay hindi institusyong pang-Hudyo lamang, sapagkat ito ay itinatag 2,300 taon ang lumipas bago nagkaroon ng Hudyo.
13. Hindi kailanman ito tinawag ng Bibliya na Sabbath ng Hudyo; ngunit palaging “Ang Sabbath ng Panginoon mong Diyos.” Kailangang maging maingat ang mga tao sa pagbibigay ng kahihiyan sa banal na araw ng kapahingahan ng Diyos.
14. Halatang madalas na nagkakaroon ng pagtutukoy sa Sabbath sa panahon ng mga Patriarka. Genesis 2:1-3; 8-10,12; 29:27-28, at iba pa.
15. Ang Sabbath ay naging bahagi na ng dakilang kautusan ng Diyos bago nagkaroon ng pagtatanghal nito sa bundok ng Sinai. Exo. 16:4, 27-29.
16. At pagkatapos, ito ay inilagay sa gitna ng moral na kautusan ng Diyos. Exo. 20:1-17. Maaari kaya itong baguhin samantalang ang natitira pang siyamna kautusan ay tinatanggap ng lahat na hindi maaaring mabago?
17. Ang pangingilin ng ikapitong araw ay iniutos sa pamamagitan mismo ng boses ng buhay na Diyos. Deut. 4:12-13.
18. At pagkatapos, ito ay isinulat Niya sa pamamagitan mismo ng Kanyang daliri. Exo. 31:18.
19. Iniukit Niya ito sa isang tapyas ng bato na ang ibig sabihin, hindi kailanman maaaring baguhin. Deut. 5:22.
20. Ang tapyas ng batong ito ay buong kabanalang iningatan sa arka sa kabanalbanalang dako. Deut. 10:1-5.
21. Ipinagbawal ng Diyos ang paggawa sa araw ng Sabbath, kahit na sa panahong pagmamadali. Exo. 34:21.
22. Pinuksa ng Diyos ang mga Israelita sa ilang bunga ng kanilang pagsalangsang ng Sabbath. Ezek. 20:12-13.
23. Ito ay tanda ng tunay na Diyos, na kung saan nakikilala natin siya na iba sa mga huwad na diyos. Ezek. 20:20.
24. Ipinangako ng Diyos na mananatiling nakatayo ang lungsod ng Jerusalem kung ipangingilin ng mga Hudyo ang Kanyang Sabbath. Jer. 17:24-25.
25. Ang mga Hudyo ay hinayaang lipulin ng mga taga-Babilonya bunga ng paglabag sa araw ng Sabbath. Neh. 13:18.
26. Pinuksa rin ng Diyos ang herusalem dahil sa paglabag sa Sabbath. Jer. 17:27.
27. Nagpalabas ang Diyos ng isang natatanging pagpapala para sa mga Hentil na mangingilin sa araw ng Sabbath. Isa. 56:6-7.
28. Ito ay nagsilbi ring hula na tutuparin sa ating kapanahunan ngayon. Basahin ang buong Isaias 56.
29. Ipinangako ng Diyos na Kaniyang pagpapalain ang sino mang tao na mangigilin ng Kanyang Sabbath. Isa. 56:2.
30. Hinihiling ng Diyos na tawagin natin itong "marangal". Isa. 58:13. Mag-ingat sana kayong nasisiyahan sa pagtawag nitong "ang lumang Sabbath ng mga Hudyo" o "pamatok na nagpapabigat" at iba pa.
31. Matapos na ang Sabbath ay apak-apakan sa loob ng maraming mga salin-lahi, ito ay nakahulang ibabalik sa mga huling araw. Isa 58:12-13.
32. Lahat ng mga banal na propeta ay nagsipangilin ng ikapitong araw.
33. Nang dumating ang Anak ng Diyos, ipinangilin Niya sa buong buhay Niya ang ikapitong araw. Lucas 4:16; Juan 15:10. Gayon Niya sinunod ang halimbawa ng Kanyang Ama sa buong panahon ng paglalang.
34. Ang ikapitong araw ang siyang Araw ng Panginoon. Tingnan ang Apocalipsis 1:10; Marcos 2:28; Isaias 58:13, Exodo 20:10.
35. Si Jesus ay Panginoon ng Sabbath (Marcos 2:28); iyan ay ang ibigin at ipagsanggalang ito, tulad sa asawang lalaki na panginoon ng kaniyang asawang babae, upang mahalin at itangi siya. 1 Pedro 3:6.
36. Ipinakita Niya na ang Sabbath ay isang pagtatatag para sa kapakanan ng tao. Marcos 2:23-28.
37. Sa halip na alisin ang Sabbath, Kaniyang itinuro ng buong ingat ang tamang pangingilin ng araw nito. Mateo 12:1-13.
38. Tinuruan Niya ang Kanyang mga alagad na sa araw ng Sabbath, ang lahat ng gagawin nila ay pawing matuwid lamang. Mateo 12:12.
39. Itinuro Niya sa Kanyang mga apostoles na ang Sabbath ay kailangang ingatan sa loob ng 30 taong darating pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Mateo 24:20 (ang kanilang pagtakas ay naganap noong A.D. 66).
40. Ang mga banal na babae na nakasama ni Jesus ay buong ingat na ipinangilin ang araw ng Sabbath pagkatapos ng Kanyang kamatayan. Lucas 23:56.
41. Tatlumpung taon pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Kristo, ang Banal na Espiritu ay tinawag ito na "ang Araw ng Sabbath." Mga Gawa 13:14.
42. Si Pablo, ang apostol ng mga Hentil, ay tinawag itong Araw ng Sabbath noong taong 45 A.D. Mga Gawa 13:27. Hindi ba ito nalalaman ni Pablo? O kailangan ba nating maniwala sa makabagong guro na nagtuturong ito ay nahinto na sa panahon ng kamatayan ni Kristo?
43. Si Lucas, ang kinasihang mananalaysay-Kristiyano na sumulat sa taong 62 A.D. ay tinawag itong "Araw ng Sabbath". Mga Gawa 13:44.
44. Ang mga nahikayat na Hentil ay tinawag itong Sabbath. Gawa 13:42.
45. Sa dakilang kapulungan ng mga Kristiyano noong taong 52 A.D. sa harapan ng mga apostol at libong mga alagad, tinawag ito ni Santiago na "Araw ng Sabbath". Mga Gawa 15:21.
46. Kinaugalian na magkaroon ng pulong panalangin sa araw na ito. Mga Gawa 16:13.
47. Binasa ni Pablo ang kasulatan sa mga pulong pang-publiko sa araw na yaon. Mga Gawa 17:2-3.
48. Kinaugalian na niya na mangaral sa gayong araw. Mga Gawa 17:2.
49. Sa aklat lamang ng Mga Gawa ay matatagpuan na ang ulat na siya ay nagsagawa ng walumpu't apat na pulong sa araw na yaon. Tingnan ang Mga Gawa 13:14, 44, 16:13, 17:2; 18:4, 11.
50. Walang naging pagtatalo sa gitna ng mga Kristiyano at ng mga Hudyo tungkol sa araw ng Sabbath. Ito ay patunay na ang mga Kristiyano ay nangingilin ng gayon ding araw na ipinangingilin ng mga Hudyo.
51. Sa maraming mga bintang kay Pablo, hindi nila inusig siya tungkol sa pagbalewala sa araw ng Sabbath. Bakit hindi nila ito gagawin kung hindi siya nangingilin nito?
52. Subali't si Pablo na mismo ang tahasang nagpahayag na sinunod niya ang kautusan. "Laban man sa kautusanng mga Hudyo, ni laban man sa templo, ni laban man kay Ceasar, ay hindi ako nagkasala ng anoman." Mga Gawa 25:8. Paano mangyayari ito kung hindi rin niya tinupad ang Sabbath.
53. Ang Sabbath ay binanggit sa Bagong Tipan ng limapu't-siyam na ulit at ito ay iginalang sa gayon ding pamagat sa Lumang Tipan bilang "Araw ng Sabbath".
54. Wala ni isa mang salita, saan mang bahagi ng Bagong Tipan na sinasabing ang Sabbath ay inalis na, pinalitan na o ano pa man.
55. Ang Diyos ay hindi nagbigay ng pahintulot sa kanino mang tao na gumawa sa araw na ito. Mga giliw na mambabasa anong karapatan mayroon kayo na inyo ngang ginagamit ang ikapitong araw sa pangkaraniwang gawain?
56. Walang Kristiyano sa Bagong Tipan, bago o pagkatapos man muling pagkabuhay ni Kristo ang gumawa ng karaniwang gawain sa ikapitong araw. Humanap ng halimbawa at kami ay sasang-ayon. Bakit ang makabagong Kristiyano ay gagawa ng kakaiba doon sa ginawa ng mga Kristiyano sa Biblia?
57. Walang natala na ang Diyos ay nag-alis ng Kaniyang pagpapala o pagbabanal sa ikapitong araw.
58. Tulad sa Eden na ang Sabbath ay ipinangiln bago ang pagkakasala, gayon din ipangingilin sa bagong lupa ito, pagkatapos ng pagtatatag na muli. Isaias 66:22-23.
59. Ang ikapitong araw na kapahingahan ay isang mahalagang bahagi ng kautusan ng Diyos, dahilan sa ito ay nagmula sa Kaniyang sariling bibig, at isinulat ng Kanyang sariling mga daliri sa bato doon sa Sinai. Tingnan ang Exodo 20. Nang magsimula si Jesus ng Kaniyang gawain, ipinahayag Niya na hindi siya naparito upang sirain ang kautusan. "Huwag ninyong isipin na Ako ay naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta." Mateo 5:17.
60. Pinatunayan ni Jesus na ang mga Fariseo ay mga mapagpaimbabaw sa pagkukunwaring iniibig ang Diyos, samantalang binabalewala nila ang isa sa Sampung Kautusan dahilan sa kanilang kaugalian. Sa ganunding paraan, ang pangingilin ng Linggo ay winawalang kabuluhan ang kautusan ng Diyos at ito ay kaugalian lamang ng tao.
Naiharap na namin ang animnapung katotohanan sa Biblia tungkol sa ikapitong araw. Ano ang gagawin ninyo sa mga ito?
Apatnapung mga Katunayan Mula sa Biblia Tungkol sa Unang Araw ng Sanlinggo
1. Ang pinakaunang bagay na natala sa Biblia ay gawaing nagawa sa Linggo, ang unang araw ng sanlinggo. Genesis 1:1-5. Ito ay ginawa mismo ng Manlalalang. Kung ginawa ng Diyos ang langit at ang lupa sa araw ng Linggo, masama ba sa atin na gumawa sa araw ng Linggo?
2. Iniutos ng Diyos sa tao na gumawa sa unang araw ng sanlinggo. Exodo 20:8-11. Kamalian bang sundin ang Diyos?
3. Wala isa man sa patriarka ang nangilin nito.
4. Wala isa man sa mga banal na propeta ang nangilin nito.
5. Sa pamamagitan ng hayag na utos ng Diyos, ang Kanyang banal na bayan ay ginamit ang unang araw ng sanliggo bilang kanilang araw ng paggawa sa loob ng halos apat na libong taon.
6. Ang Diyos mismo ay tinawag ito bilang araw ng "paggawa". Ezekiel 46:1.
7. Ang Diyos ay hindi namahinga sa araw na ito.
8. Hindi Niya ito pinagpala kaialanman.
9. Si Kristo ay hindi namahinga sa araw na ito.
10. Si Jesus ay isang karpintero (Marcos 6:3) at gumawa sa gawaing ito hanggang sa Siya ay sumapit sa ikatatlumpung gulang. Ipinangilin Niya ang Sabbath at gumawa sa anim na araw sa loob ng sanlinggo, na iyan ay tinanggap ng lahat. Kaya nga Siya ay gumawa sa araw ng Linggo.
11. Ang mga apostol ay gumawa rin sa araw na ito.
12. Ang mga apostol ay hindi nangilin nito.
13. Hindi ito pinagpala ni Kristo.
14. Hindi ito pinagpala ng sinomang may banal na kapamahalaan.
15. Hindi ito pinabanal.
16. Walang kautusan na ipinalabas na nag-uutos na ipangilin ito, kaya nga hindi paglabag ang gumawa sa araw na ito, " Sapagka't kung walang kautusan ay walang pagsalangsang". Roma 4:15 (1 Juan 3:4).
17. Saan mang bahagi ng Bagong Tipan ay hindi masusumpungan na may pagbabawal tungkol sa paggawa sa araw na ito.
18. Walang kaparusahan ang inihanda sa paglabag ditto.
19. Walang pagpapala ang naipangako sa pangingilin nito.
20. Walang utos na ibinigay kung paano ito ipangingilin. Kung ibig ng Panginoon na atin itong ingatan gagawin kaya Niya ito?
21. Hindi ito tinawag na Kristiyanong Sabbath.
22. Hindi ito tinawag na araw ng Sabbath kailanman.
23. Hindi ito tinawag na araw ng Panginoon.
24. Hindi rin ito tinawag na araw ng kapahingahan.
25. Walang anumang banal na titulo ang ginamit ditto. Bakit nga natin ito tatawaging banal?
26. Ito ay tinawag lamang sa taguring "unang araw ng sanlinggo".
27. Hindi ito binanggit ni Jesus sa anumang paraan, ni hibdi man ito binaggit ng Kaniyang sariling mga labi, ayon sa mga tala.
28. Ang salitang Linggo ay hindi man lamang nabanggit sa Biblia.
29. Hindi kahit ang Diyos, si Kristo, o ang mga taong kinasihan ang nagsalita na ang Linggo ay isang banal na araw.
30. Ang unang araw ng sanlinggo ay binanggit lamang ng walong ulit sa Bagong Tipan. Mateo 28:1; Marcos 16:2, 9; Lucas 24:1; Juan 20:1, 19; Mga Gawa 20:7; 1 Corinto 16:2.
31. Anim sa mga talatang ito ay tumutukoy din sa unang araw ng sanlinggo.
32. Inatasan ni Pablo ang mga banal na isakatuparan ang kanilang mga gawaing seglar (karaniwan) sa araw na ito. 1 Corinto 16:2.
33. Sa Bagong Tipan, isa lamang ang naitala na nagdaos sila ng makarelihiyong pagpupulong sa araw na ito at ito ay sa gabi pa. Mga Gawa 20:5-12.
34. Wala nang anopamang pagpapahayag an sila ay nagdaos ng mga pulong sa araw na ito bago at pagkatapos nito.
35. Hindi nila kinaugaliang magpulong sa araw na ito.
36. Walang kautusan na maghati ng tinapay sa araw na ito.
37. Isa lamang ang tala na ito ay ginawa. Mga Gawa 20:7.
38. Ito ay ginawa sa gabi- pagkatapos ng hatinggabi. Talatang 7-11. Si Jesus ay ginawa ito ng Huwebes ng gabi (Lucas 22), ang mga alagad ay karaniwang ginagawa ito araw-araw. Gawa 2:42-46.
39. Hindi sinabi ng Biblia na ang unang araw ng sanlinggo ay magiging alaala ng pagkabuhay ni Kristo. Ito ay kinaugalian ng tao, na siyang nagiging dahilan ng pagbabalewala sa utos ng Diyos. Mateo 15:1-9. Ang pagbibinyag ang siyang nagpapaalala sapagkamatay at pagkabuhay ni Jesus. Roma 6:3-5.
40. Kahulihulihan, ang Bagong Tipan ay walang binabanggit na binago na ang Sabbath ng Diyos mula sa ikapitong araw, at wala rin siyang binabanggit na pinabanal ang Linggo- ang unang araw.
Pagkatapos na mapag-aralan ang 100 na maliwanag na katotohanan ng Biblia ukol sa katanungang ito, na nagpapakita ng kaliwanagan na ang ikapitong araw ng sanlinggo, o Sabado, ang siyang Sabbath ng Panginoon mula sa Luma at Bagong Tipan, ano ang ating magiging tugon dito sa ikaapat na utos ng Diyos?
"Sapagka't sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw, At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa.May natitira pa ngang isang pamamahingang Sabbath, ukol sa bayan ng Dios. Sapagka't ang pumasok sa Kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa Kaniyang mga gawa, gaya ng Diyos sa Kaniyang mga gawa. Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway." Hebreo 4:4, 9-11.
"At sa ganito'y nalalaman natin na siya'y (Dios) ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos. Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kanyang utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya. Datapuwa't ang sinomang tumutupad ng kaniyang salita, tunay na sa kaniya ay sakdal ang pag-ibig ng Dios. Dahil dito'y nalalaman nating tayo'y nasa kaniya.Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang Kaniyang mga utos. Sapagka't ito ang pag-ibig sa Dios na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat." 1 Juan 2:3-5, 5:2-3.
"Mapapalad ang nagsisitupad ng kaniyang mga utos, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan (ng Dios). Nangasa labas ang mga aso, at ang mga manggagaway, at mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa dios-diosan, at ang bawa't nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan." Apocalipsis 22:14-15.
"Ito ang wakas ng bagay, lahat ay narinig: Ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao. Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay,maging ito'y mabuti o maging ito'y masama." Eclesiastes 12:13-14.
|
||