![]() |
"LET THERE BE LIGHT" Ministries
![]() ![]() ![]() ![]() ANG SANTUARIO AT TAHANAN NG DIOS
![]() Hindi kailanman matatarok ng walang hanggan ang lalim ng pag-ibig na nahayag sa krus ng Kalbaryo. Doon tumayo ng harapan ang walang hanggang pag-ibig ni Cristo at ang walang-awa at di nagagapos na kasakiman ni Satanas. Ang buong sistemang panrelihiyon ng matandang Israelita, kasama ng lahat ng anino ng anyo at simbolo nito (tingnan ang Hebreo 8:5, 10:1; Colosas 2:17), ay tangi ng isang siksik na hula ng ebanghelyo ni Hesu-Kristo na ipinakikita ang Kaniyang sakripisyo sa krus at ang Kaniyang gawaing ministeryo o paglilingkod para sa sangkatauhan.
Bagama’t inalis na magpakailanman ng kamatayan ni Kristo ang pagsasagawa ng mga ritual at seremonyang ito, ngunit patuloy na makikitang malinaw ang makahulugang katotohanan.Sa bawat hayop na handog o hain, ay ipinakikita ang kamatayan ni Cristo. Sa bawat ulap ng insenso umaakyat ang Kaniyang katuwiran. Sa bawat pagdiriwang ng pakakak ay isinisigaw ang Kaniyang pangalan. Sa dakilang hiwaga ng kabanalbanalan tumatahan ang kaniyang kaluwalhatian.
Sa liwanag na sumisinag mula sa santuario, ang mga aklat ni Moises, kasama ng kanilang detalye ng mga handog at hain, ng kanilang ritual at seremonya, na karaniwang itinuturing na napakawalang kabuluhan at walang pakinabang, ay nagging maningning sa katatagan at kagandahan. Walang ibang paksa na lubusang pinagkakaisa ang lahat ng bahagi ng kinasihang Salita sa iisang magkakaugmang kabuuhan, kundi ang paksa ng santuario. Ang bawat katotohanan ng ebanghelyo ay nakasentro sa paglilingkod sa santurio, at sisilay mula rito na kagaya ng mainit na mga sinag ng araw. Ang bawat anyo o uri na ginamit sa paraan o sistema ng paghahandog ay itinalaga ng Dios upang magdala ng pagkakatulad sa ibang katotohanang spiritual. Nakabatay ang halaga ng mga anyong ito sa katotohanan na ang mga ito’y pinili mismo ng Dios upang aninohan ang ibat ibang bahagi ng sakdal na panukala ng pagliligtas, na natupad sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo. Nginit bakit kinakailangan ang paraan o sistema ng paghahandog?
Ang pagsuway nila Adan at Eba sa mga utos ng Dios ang nagbukas ng pintuan ng kapighatian sa ating sanlibutan Inilublob nito ang buong lahi ng sangkatauhan sa lubhang karimlan at kamatayan ang nagging kahihinatnan ng lahat ng bagay na may buhay. Ngunit inisip ng makalangit at banal na pag-ibig ang isang panukala kung saan ang tao ay maaaring matubos mula sa kasalanan at kamatayan. Ang panukalang ito ay nahayag sa pangako:
“At papag alitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.” Genesis 3:15.
Yamang ang banal na kautusan ay kasing banal na kagaya mismo ng Dios, tanging ang Isa na kapantay ng Dios ang makagagawa ng pagtubos para sa pagsalangsang ditto. Samakatwid, ang binhi ng babae ay maipatutungkol walang iba kundi sa Panginoong Hesu-Cristo (tingnan ang Galacia 3:16). Sa pangakong ito sa ating unang mga magulang tumagos ang sinag ng pag-asa sa kalungkutang bumalot sa mga isipan ng makasalanang mag-asawa. Pagkatapos, nang ang sistema ng paghahandog ay ipaalam sa kanila na ito’y nangangailangan ng buhay ng isang handog na walang-sala (tingnan ang Genesis 4:4), kanilang nakita ng higit na maliwanag ang katotohanan na ang kamatayan ng minamahal na Anak ng Dios ay kinakailangan upang siyang magbayad para sa kanilang kasalanan at maabot ang hinihingi ng sinalangsang na Kautusan. Sa pamamagitan ng sistema o paraang ito ng paghahandog, ang anino ng krus ay umabot pabalik sa pasimula, at nagging isang tala ng pag-asa, na nililiwanagan ang madilim at kakilakilabot na hinaharap, na inililigtas ito sa ganap na pagkasira at sa hindi tiyak na kakilakilabot na panganib.
Ating siyasatin ang ilan sa mga kaugalian at seremonyang ito upang Makita kung anong spiritual na mga katotohanan ang kikislap. Upang mapagtanto ng tao ang bigat ng kasalanan, na siyang dahilan kung bakit mamamatay ang walang-salang Anak ng Dios, siya ay inutusang magdala ng isang malinis na tupa, ipahayag ang kaniyang mga kasalanan sa ulo nito, at pagkatapos sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga kamay kaniyang papatayin o babawian ito ng buhay – ang halimbawa ng buhay ni Cristo. Ang handog na ito para sa kasalanan ay susunugin, na inilalarawan na sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo ang lahat ng kasalanan ay ganap o lubusang matutupok sa apoy sa huling araw (tingnan ang Malakias 4:1-3; Apokalipsis 20:9-10, 13-15).
Ang simpleng paraan ng paghahandog na itinatag ng Panginoon sa pasimula pa upang sumagisag, o ilarawan si Cristo, ay halos ganap na nakalimutan sa panahon ng pagkabihag ng mga anak ng Israel sa Egipto. Sa kanilang paglisan sa Egipto sa Exodo, si Moises, sa pamamagitan ng banal n autos, ay nagbigay sa kanila ng higit na detalyeng pamamaraan na tinatawag sa mga kasulatan bilang ang “santuario at ang mga serbisyo nito” (tingnan ang Exodo 25-38; Levitico 4-27). Ang santuariong ito sa lupa, kasama ang bawat kasangkapan ng paggawa ditto at sangkap, ang bawat uri, pagdiriwang at detalye ng serbisyo nito, ay may espiritual na kahulugan at inilaan upang bigyan ang mananampalataya ng higit na ganap na pagkaunawa sa dakilang panukala kung saan maaaring maligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ni cristo at ng Kaniyang dakilang sakripisyo.
Ang mga Kristiyano na mag-aaral sa kinaugaliang serbisyo ng santurio sa lupa, hindi bilang isang koleksyon ng tuyot, walang buhay na alaala ng lumang pagsamba, kundi bilang isang kahangahangang koleksyon ng ibat ibang banal na bahagi na inilalarawan ang kagilagilalas na panukala ng pagtubos, ay mamamangha sa nahayag na kagandahan. Kaniyang makikita ang magandang kuwento ng pag-ibig ng Tagapagligtas. Kaniyang makikita ang maliwanag na larawan ng saserdote sa damit na kasing puti ng niebe na inaakay na inaakay ang pulang dumalagang baka papalabas sa baku-bako at basal na lambak, upang doon ito ihandog bilang hain para sa kasalanan. Kaniyang mamamasdan na pinatay ang dalagang baka at ang dugo nito na nabubo sa magaspang na mga bato ng lambak, upang ituro na si Cristo ay namatay para sa pinakawalang halaga, para sa pinakamasama (tingnan ang Bilang 9:1-22; Deutronomio 21:1-9). Sino ang makatititig sa tanawing yaon na hindi mapupuspos ang kaniyang puso ng pag-ibig para sa mahabaging Manunubos?
At muli kaniyang titingnan ang larawan ng isang abang makasalanan na nagnanasa na mapalaya mula sa kasalanan. Siya ay uupong kaawaawa na pinapanood ang mayayaman niyang mga kapatid na dumaraan na dala ang mamahaling mgatupa bilang mga handog para sa kasalanan,ang mahihirap na dala ang kanilang mga ibon na batu-bato at kalapati na higit na mas mura, at siya’y lubos na malulugmok sa kawalan ng pag-asa sapagkat wala siyang anumang bagay na may buhay na maihahandog para sa kaniyang mga kasalanan. Ngunit ang liwanag ng pag-asa ay sisilay sa kaniyang mukha habang sinasabi sa kaniya na, “Tanging isang takal ng harina angkasagutan” (tingnan ang Levitico 5:11-13). Habang minamasdan ng makasalanan na inihahandog ng saserdote ang isang dakot ng dinurog na trigo bilang simbolo ng banal na katawan ni Cristo na mamamatay para sa kanya at naririnig niyang sinasabi sa kaniya, “Ang iyong mga kasalanan ay pinatawad”, ang kaniyang puso ay lulukso sa tuwa. O, mayroong higit na makalangit at maluwalhatingkatotohanan na matutuklasan sa pag-aaral ng santuario at ang mga serbisyo nito.
Ang santuario o tabernakulo na itinayo ni Moises sa utos ng Dios ay ang tahanan ng Kataastaasan dito sa lupa. Sinabi ng Dios:
“At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako’y makatahan sa gitna nila” Exodo 25:8.
Habang naglalakbay ang mga Israelita sa ilang, ang tabernakulo ay ginagawa na maaaring ipalipat lipat sa bawat dakong kanilang puntahan; ngunit ito ay isang anyo na may dakilang karilagan. Ang mga dingding nito ay binubuo ng mga tabling patayo na nababalot ng makapal na ginto at nagkakasugpong sa mga tuntungang pilak habang ang bubong ay binuo ng mga hanay ng tabing o tolda, ang pinakalabas ay galling sa mga balat, habang ang pinakaloob ay yari sa linong pinili na may kagandahang niyari na may anyo ng mga querubin o anghel (tingnan ang Ex. 26:2-30). Maliban sa tabernakulo sa labas, na may dambana ng handog na susunugin, at isang hugasang tanso o palanggana (tingnan ang Ex. 27:1-8, 30:17, 21), ang santuario mismo ay binubuo ng dalawang silid na tinatawag na banal at kabanalbanalan dako (tingnan ang Ex. 26:33; 1 Hari 6:16-17, 8:6-10; Hebreo 9:2-3). Ang dalawang silid na ito ay ipinaghiwalay sa isat isa ng makapal at magandang tabing (tingnan ang Ex. 26:31-34), habang ang kaparehong tabing ay siyang pinakapintuan sa pagpasok sa unang silid mula sa labas na tabernakulo (tingnan ang Ex. 26:36-37).
Sa banal na dako ay naroon ang kandelero, sa dakong timog, na may pitong ilawan na nagbibigay liwanag sa santuario araw at gabi (tingnan ang Ex. 25:31-40, 26:35, 40:24-25). Sa bahaging hilagaan ng unang silid na ito ay nakatayo ang dulang ng tinapay na handog (tingnan ang Ex. 25:23-30, 26:35, 40:22-23). Sa tapat o harap ng tabing sa pinakaloob na siyang naghihiwalay sa banal at kabanalbanalang dako ay naroon ang gintong dambana ng kamangyan, kung saan ang ulap ng pabango, na siyang mga panalangin ng bayan ng Dios, ay araw-araw na umaakyat sa Kaniya (tingnan ang Ex. 30:1-10, 40:5, 26-27).
Sa kabanalbanalang dako ay nakalagay ang kaban, ang kaban ng mahalagang kahoy na binalot ng ginto, na kung saan doon nakalagay ang dalawang tapyas ng bato na doon iniukit ng Dios ang Kaniyang kautusan ng Sampung Utos (tingnan ang Ex. 25:10-22, 40:20-21; 1 Hari 8:9). Sa itaas ng kaban, at siyang nagaanyong takip ng banal na kabang ito, ay ang luklukan ng awa, na pinaibabawan ng dalawang kerubin – isa sa bawat dulo, at lahat ay yari sa purong ginto. Sa ikalawang silid na ito ay nahahayag ang banal na presensya ng Dios sa isang ulap ng kaluwalhatian sa puwang sa pagitan ng mga kerubing ito at katapat ng luklukan ng awa. Ito ay isinaayos ng gayon upang ituro na kung tayo ay nagkakasala sa pagsalangsang sa Kautusan ng Dios (tingnan ang 1 Juan 3:4), ay matatamo pa rin natin ang kapatawaran at awa sa pamamagitan ni Cristo na magigingt katanggaptanggap sa Dios at ng sa gayon ay makalalapit tayo sa harapan ng Kaniyang banal na presensya na hindi mamamatay.
Ilagay ninyo ang inyong sarili na tumitingin mula sa itaas kung paanong isinaayos ang santuario at ang mga kasangkapan nito simula sa tabernakulo sa labas at tumitingin ng tuloy-tuloy hanggang sa dalawang silid ng santuario, ay un among makikita ang tansong dambana ng handog (tingnan ang Exodo 40:6), at sa isang tuwid na guhit mula rito ay makikita ang tansong hugasan (tingnan ang Exodo 40:7, 30-32). At mula sa tabing sa labas patungo sa unang silid ay makikita ang kandelero sa kaliwa at ang dulang ng tinapay na handog sa kanan, at katapat na katapat bago ang tabing sa looban ay makikita ang gintong dambana ng kamangyan. Pagkalagpas sa tabing na ito sa loob at patungo sa kabanalbanalang dako ay makikita ang kaban na katapat mo. Sa pagtingin sa buong larawan ng santuario, pansinin na isang ganap na krus ang malinaw na makikita.
Talagang tunay na sa santuario at sa mga paglilingkod nito, ang krus ni Cristo ang makikita na siyang malaking sentro ng buong panukala ng pagtubos sa tao. Sa palibot nito ay nagkalipumpon ang bawat katotohanan ng Biblia. Mula rito ay sumisilay ang liwanag mula sa pasimula hanggang sa katapusan ng luma at bagong dispensasyon. Naaarok at nauunawaan rin nito ang dakilang ibayo, at binibigyan nito ang anak ng pananampalataya ng tanawin ng mga kaluwalhatian ng hinaharap na walanghanggang gantimpala para sa mga tapat na mga banal ng Dios. Ipinahahayag din ng krus ang pag-ibig ng Dios sa buong sansinukob. Ang prinsipe ng sanlibutang ito ay napalayas. Ang mga paratang na sinabi ni Satanas laban sa Dios ay pabubulaanan, at ang kahihiyan o kasiraang kaniyang ibinigay o iniwan sa langit ay aalisin na magpakailanman. Ganundin ang katarungan at ang kawalan ng pagbabago ng kautusan ng Dios ay ipagpapatuloy, at ang mga anghel, gayondin ang mga tao, ay mapapalapit sa Manunubos.
Ito ang tanging santuario ng Dios na lumitaw sa lupa, na siyang binibigyan ng Bibliya ng lahat ng impormasyon, at ang nag-iisang iniutos ng Dios kay Moises na itayo. Ito ang ang ipinahayg ni Pablo na siyang santuario ng unang tipan (tingnan ang Hebreo 9:1). Ngunit wala bang santuario ang bagong tipan?
“Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinabi ay ito: Mayroon tayong isang dakilang saserdote, na nakaupo sa kanan ng luklukan ng karangalan sa mga langit; Ministro ng santuario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.” Hebreo 8:1-2.
Dito ay nahayag ang santuario ng bagong tipan – isang makalangit na tabernakulo. Ang santuario sa lupa ng unang tipan ay itinayo ng tao at ginawa ni Moises. Ngunit ang santuario sa langit ay itinayo ng Dios at hindi ng tao. Sa santuario ng unang tipan ang mga saserdote sa lupa ang gumagawa ng serbisyo. Sa makalangit na santuario ng ikalawang tipan, si Cristo na siyang ating dakilang Mataas na Saserdote, ang naglilingkod sa kanan ng Dios. Kaya nga, ang isang santuario ay nasa lupa, ang isa ay nasa langit.
Ang santuario na itinayo ni Moises ay ginawa ayon sa anyo ng templo sa langit. Ang Panginoon ay nag-utos kay Moises:
“Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo, sa anyo ng tabernakulo at sa anyong lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin....ingatan mo, na iyong gawin ayonsa anyo ng mga yaon na ipinakita sa iyo sa bundok.” Exodo 25:9, 40 (tingnan din ang Hebreo 9:23, 8:5).
Ito ay ginawa upang ang ating pananampalataya ay manghawak sa katotohanan na sa langit ay mayroong santuario na kung saan ang mga paglilingkod nito ay ginagawa para sa katubusan ng sangkatauhan. Ang templo na ito sa langit na kung saan naglilingkod si Jesus para sa kapakanan natin, ang siyang dakilang orihinal, at ang ginawa o itinayo ni Moises ay tanging kopya lamang.
Ang lahat ng pagsamba sa santuario sa lupa ay nagtuturo ng katotohanang may kinalaman sa santuario sa langit. Habang ang tabernakulo sa lupa ay nakatayo pa, ang daan patungo sa tabernakulo sa langit ay hindi pa nahahayag (tingnan ang Hebreo 9:8). Ngunit nang si Cristo ay namatay sa krus, ang tabing ng santuario sa lupa ay nahapak sa dalawa na ipinahihiwatig na isang bago at lalong mas mabuting daan ang itinatag (tingnan ang Mateo 27:51; Lukas 23:45). Ang una ay inalis upang ang ikalawa na batay sa lalong mabubuting pangako, ay maitatag (tingnan ang Hebreo 8:6). Habang si Cristo ay nasa lupa, hindi siya maaaring maging saserdote (tingnan ang Hebreo 8:4), at dahil ditto ay hindi Niya maihahandog ang Kaniyang nabuhos na dugo at magtubos para sa ating mga kasalanan. Ngunit si Cristo ay bumangon at nabuhay mula sa mga patay, umakyat sa langit, at pagkatapos ay nagging Mataas na Saserdote natin upang maiharap niya sa Dios ang Kaniyang sariling dugo na nabuhos para sa atin, at nang sa gayon ay makagawa ng pagtubos para sa kasalanan. Samakatwid ang pagtutubos para sa kasalanan ay hindi nagtatapos sa krus, kundi nagsimula pa lamang pagkatapos na umakyat si Cristo sa langit at simulan ang Kaniyang Gawain ng paglilingkod sa santuario sa langit bilang ating Mataas na Saserdote. Ang sakripisyo ni Cristo, na kinakailangan para sa pagtutubos ay natapos o nalubos na sa krus, nginit hindi ang pagtubos mismo.
Ang malaking pagbabago na ito mula sa santuario sa lupa hanggang sa santuario sa langit ay hindi dapat balewalain. Inihayag ng Dios ang malaking pagbabagong ito sa pamamagitan ng Kaniyang mga propeta – lalo’t higit sa pamamagitan ng iniiibig na disipolong si Juan (tingnan ang Apokalipsis 4:1-5, 8:3-4, 9:13, 11:19, 14:17-18, 15:5-8).
Ngunit hindi lamang isinasamo o iniluluhog ni Cristo ang Kaniyang mahalagang dugo sa harap ng Ama sa santuario na ito sa langit alang-alang sa ating mga kasalanan (tingnan ang Hebreo 9:11-14, 24-28), kundi makikita rin doon ang maharlikang trono ng Dios, na napalilibutan ng di-mabilang na mga hukbo ng anghel, na lahat ay naghihintay na sumunod sa mg autos ng Dios (tingnan ang Awit 103:19-20). Mula sa tahanan na ito ng Dios ang mga anghel na ito ay isinusugo upang maging sagot sa mga dalangin ng mga anak ng Dios ditto sa lupa (tingnan ang Daniel 9:21-23; Hebreo 1:7,14). Kaya nga ang santuario sa langit ay makikita na siyang pinakasentro ng gawain kung saan ang lahat ng banal na kapangyarihang kinakailangan upang mapagtagumpayan ang bawat tukso ni Satanas ay ipinagkaloob sa bawat isa na nakaugnay rito sa pamamagitan ng pananampalataya.
Si Cristo, ang ating Mataas na naglilingkod para sa atin ay handing iabot ang Kaniyang makapangyarihang kamay mula sa makalangit na santuariong ito upang may pagmamahal na hawakang mahigpit ang kamay ng bawat isa na aabot sa pamamagitan ng pananampalataya at tatanggap ng Tulong na inihahandog sa kanila. Ang isa na ang pananampalataya ay nanghahawak sa Makapangyarihang Katulong, ay ligtas na makalalampas sa matatarik na burol ng kahirapan, ang kaniyang sariling kaluluwa ay mapupuspos ng liwanag habang kaniyang ikinakalat o ibinabahagi ang liwanag at pagpapala sa iba. Habang siya ay nananatiling matatag na nanghahawak sa Dios sa pananampalataya, mayroon siyang liwanag at kapangyarihan buhat sa santuario sa itaas; ngunit kung pahintulutan niya ang pag-aalinlangan at kawalan ng pananampalatay na sumira ng mahalagang ugnayang ito, siya ay sasa kadiliman, na hindi lamang magagawang sumulong sa kaniyang sarili, kundi hinahadlangan pa ang daanan ng iba.
Ipinakikita ng Biblia na hindi lamang itong 2 magkaibang santuario; ang templo sa langit, o ang dakong tinatahanan ng Kataastaasan kung saan namamagitan si Cristo para sa atin, at ang templo sa lupa, kasama ng mga tipikal na paglilingkod nito, ang inilaan upang ituro sa lahat ng mga tao ang mga dakilang katotohanang espiritual sa panukala ng kaligtasan o katubusan mula sa kasalanan. Kundi mayroon ding ikatlong templo na lubhang mahalaga na maunawaan. Ito ay ang templo ng katawan ng tao, kung saan nais ng Espiritu ng Dios na mamahala at maghari.
“O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong ktawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios, at hindi kayo sa inyong sarili? Sapagkat kayo’y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios.” 1 Corinto 6:19-20.
Ito ang bagong tipang karanasan na tinutukoy ng Dios sa pamamagitan ni Jeremias at ni Pablo:
“Sapagkat ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pag-iisip, at sa kanilang mga puso’y aking isusulat ang mga ito: at ako’y magiging Dios nila at sila’y magiging bayan ko.” Hebreo 8:10; Jeremias 31:33.
Anong pagpapahalaga! Ninanais ng Dios na ariin tayo upang maging Kaniyang templo kung saan Siya makapananahan at makapaghahari!
Oo, mga kaibigan, ang Ama at si Hesu Cristo ay iniibig kayo ng labis na hindi Nila nais na manatiling malayong malayo sa inyo mula sa langit, kundi ninanais na Manahan mismo sa inyo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu – ang Espiritu ng katotohanan. Ito ng Espiritu ng katotohanan. Ito isa na naroon ay kayamanan at kaluwalhatian!
“Maging ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwat ngayo’y ipinahayag sa kaniyang mga banal: Na sa kanila’y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito’y si Cristo na nasa inyo, na pag-asa ninyo sa kaluwalhatian: na siya naming inihahayag, na pinaaalalahanan ang bawat tao, at tinuturuan ang bawat tao, sa buong karunungan, upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawat tao; Na dahil dito’y nagpapagal din naman ako, na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa, na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan.” Colosas 1:26-29.
Ngunit ang malaking katanungan na dapat nating itanong sa ating sarili ay: Iniibig ko ba ang Dios ng sapat na magiging handa ako na linisin ang aking buhay at kumilos sa paraan na makapananahan at mamumuhay at makapaghahari ang Dios sa akin bilang Kanilang banal na santuario at tahanan ditto sa lupa? anong kaylaking pagpapala ang mapapasaatin kung atin lamang ihahandog an gating buhay sa Dios at pahintulutan Siya na maghari o Manahan sa atin at sa pamamagitan natin! O ikaw ba ay magpapasya na magpatuloy na mabuhay sa kasamaan at kasalanan, magpapatuloy na dungisan ang iyong katawan na templo sa pamamagitan ng labis o kawalang- pagpipigil na mga ugali o nakasanayan, tanggihan ang mapagmahal at mahabaging alok ng Dios, at pabayaan ang dyablo na gawin kang kaniyang sinagoga at tirahan upang mabuhay at maghari ditto sa lupa? Ito ay alinman sa dalawa, sapagkat hindi mo maaaring paglingkurag pareho (tingnan ang Mateo 6:24).
ALIN ANG IYONG PIPILIIN?
“Datapuwat si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay (tahanan) niya ay tayo, kung ating ingatang matibay an g ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pag asa natin hanggang sa katapusan. Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso….Magsipag ingat kayo mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kaninoman sa inyo ng isang pusong masam na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay.” Hebreo 3:6-8, 12.
“Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagkat anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? O anong pakikisama mayroonang kaliwanagan sa kadiliman? At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? O anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya? At anong pakikipagkaisa mayroon ag templo ng Dios sa mga diosdiosan? Sapagkat tayo’y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila, at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan. Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, at kayo’y aking tatanggapin, at ako sa inyo’y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat. Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.” 2 Corinto 6:14-18, 7:1.
|
![]() |