"LET THERE BE LIGHT" Ministries
ANG DIGMAAN NG ARMAGEDON
Ang pangalang "ARMAGEDON" ay nagdadala ng malaking takot at nananatili sa isipan ng marami. Ang iba'y umiisip ng isang malaking digmaang pandaigdig na pumapaligid sa Gitnang Silangan. Tinitingnan ng iba ang Antikristo na nakikipaglaban para sa pamamahala sa sanlibutan.Ngunit ang iba ay patuloy na hindi nalalaman kung ano ang paniniwalaan o aasahan.
Ang salitang "Armagedon" sa kanyang sarili ay nangangahulugan ng "isang simbolikong pangalan" (tingnan Strong's Exhaustive Concordance, #717). Subalit ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo na magkakaroon ng malaking digmaan na kasasangkutan ng buong mundo !
Ang digmaan at awayang ito ay hindi paglalabanan ng literal na mga sandata, tulad ng modernong mga baril, tanke, mga sasakyang- panghimpapawid, o mga sandatahang lakas. Subalit paglalaban, at nagsimula ng labanan, at magpapatuloy na lumaki na may katindihan hanggang ang bawat tao sa mundo ay masangkot.
"At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumal-dumal, na gaya ng mga palaka: Sapagkat sila'y mga espiritu ng demonyo, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanlibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat. Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nag- iingat ng kanyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kanyang kahihiyan. At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon. " Apokalipsis 16:13-16.
Tulad ng makikita, ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo na ang digmaang ito ay paglalaban sa pagitan ng dalawang pangunahing puwersa: ang Diyos, si Cristo, at ang Kanyang malinis o matuwid na tagasunod, lagan sa Diablo, masasamang espiritu, at ang kanyang marumi o masasamang tagasunod. Kung kaya ang digmaang Armagedon ay isang simbulo na nagsasalarawan nitong malaking tunggalian at nangangalit na labanan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas - sa pagitan ng katotohanan at kamalian. At ang espiritwal na digmaang ito ay magsasangkot sa bawat tao sa daigdig sapagkat bawat isa ay magpapasiya kung sino ang susundin - sinuman kay Cristo at katotohanan, o sa Diablo at kamalian: alinman sa buhay na walang hanggan kay Cristo, o sa walang hanggang pagkasira kay Satanas.
Ang digmaan at labanang ito sa pagitan ni Cristo at ni Satanas ay nagpasimula sa langit.
"At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kanyang mga anghel ay nakipagbaka; at hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa boong sanlibutan; siya'y inihagis sa lupa, at kanyang mga anghel ay inihagis na kasama niya." Apokalipsis 12:7-9.
Bagaman ang Diablo ay pinalayas mula sa langit, ipinagpatuloy niya ang kanyang pakikidigma laban sa Diyos at kay Cristo dito sa lupa. Sa loob ng halos anim na libong taon ang labanang ito'y lalong dumagsa at hindi man lang humina. Subalit ang kahulihulihang digmaang ibubunga ng malaking tunggaliang ito, ang dahilan na kung saan ang lahat ng kasaysayan ay patungo, na isinasalarawan ang Biblia bilang ang dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat - ang pagbabakang Armagedon. Ang panghuling labanang ito sa pagitan ng katotohanan at kamalian ay malinaw na isinalarawan sa Apokalipsis kabanatang 12, 13, 14, at 18. At ang buong sangkatauhan ay pumasok sa labanang it ngayon.
Yamang ang Armagedon ay simbulo na nagsasalarawan ng espiritwal na tunggalian sa pagitan ng katotohanan at kamalian, ano ang mga sandatang ginagamit ng Diablo sa dakilang digmaang ito? Mga bagay na inihahalintulad sa palaka na lumabas sa bibig ng Dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng mga bulaang propeta. Ang palaka ay hinuhuli ang kanilang biktima sa pamamagitan ng kanilang dila, at ano ang lumalabas sa bibig ng mga salitang pinagsama-sama hanggang sa makabuo ng pahayag ng paniniwala. Kung kaya may tatlong pagkakakilanlan kung paano sila makahuli ng kanilang biktima sa pamamagitan ng pagsasalita o pagtuturo ng iba't-ibang doktrina ng kamalian.
Para doon sa mga nagnanais na sumunod kay Cristo at sa katotohanan; isang napakalaking kahalagahan na ating malinaw na makilala kung sino ang Dragon, ang Hayop, at ang bulaang Propeta upang maiwasan natin ang madaya ng kanilang iba't-ibang maling doktrina at ng sa gayon ay hindi tayo mawaglit.
Tulad ng ipinahahayag sa Apokalipsis 12, ang Dragon unang una ay si Satanas. At anong pangungusap ng maling paniniwala at maling doktrina ang nagpasimula sa bibig ni Satanas? Ang iba't-ibang mga katuruang espiritwalistik, paganistik, occultik, na kung saan ang mga kaharian ng daigdig ay nakatatag - kasama ang lumang paganong Emperyo ng Roma. Samantalang marami ang naniniwala na ang paganismo ay isang bagay ng lumipas, marami pa rin sa ngayon ang milyun-milyong nakikisangkot sa paganong paniniwala at pagsamba sa diablo.
Ang pangunahing dugo ng paganong relihiyon ay ang pagsamba sa kalikasan. Yamang ang pinakadakilang anyo sa kalikasan ay ang katawan ng tao, at lalung-lalo na ang isipan, ang tao'y naaakay sa pagsamba sa kapangyarihan ng isipan at sa ganyang paraan ay itinataas ang opinyon ng tao kaysa sa banal na kapahayagan.
Lahat ng mga dakilang pangunahing kapangyarihan sa lupa ay nagpapatotoo sa katunayan na nasa paganismo, ang iglesya at estado ay hindi hiwalay - datapuwat magkaisa. Sa Babilonia, Medo-persia, Gresya, at Roma, ang estado ay kadalasang ginagamit sa pagtataguyod at pagbibigay lakas sa paganong relihiyon ng panahon. Panahon at muli magpapanukala ng batas at ang kapangyarihang sibil ay gagamitin upang ipatupad ang pagsamba sa mga paganong Diyos, at mga maling paniniwala.
Sa ngayon, katulad din ng nakaraang panahon, ang espiritu ng pagtataos at pagsamba sa opinyon ng tao, institusyon, at mga tradisyon; ang espiritu ng pagiging makasanlibutan, at ang paghahangad na magkaisa ang iglesya at ang estado upang mapalakas ang iglesya sa pagpapatupad ng kanyang doktrina at utos, ay espiritu ng Dragon. At ang espiritung ito ay lalong lalago at lalong magiging tanyag hanggang sa ito'y humantong sa dakilang panahon ng kabagabagan sa bayan ng Diyos.
Hindi lamang ang mga karumaldumal na espiritung ito ang gumagawa sa panahong ito sa pamamagitan ng kaugalian ng tao at iba pang walang kabuluhang pilosopiya - na nagtataas sa tao kaysa sa maka-Diyos, na nagtataas sa kamalian kaysa sa katotohanan - subalit mayroon pang ikalawang karumaldumal na espiritu na lumabas sa bibig ng Hayop.
Sa Apokalipsis 13, ang hayop na umahon mula sa labi ng Paganong Roma, ang Hayop na pinakipagkaisa ang kanyang sarili sa paganismo upang mapalago ang kanyang bilang, ang hayop na naghari sa loob ng isang libo dalawang daan at anim na pung araw (Apok. 12:6), o isang panahon at mga panahon, at kalahati ng isang panahon (3 ½ prophetic years, Apok. 12:14), o apatnapu't dalawang araw (Apok. 13:3) - bawat isa sa kabuuan ay isang libo dalawang daan at animnapung literal na taon (tingnan Bilang 14:34; Ezek. 4:6), ay walang iba kundi ang Iglesya Katoliko Romano.
Ang dakilang relihiyosong sistema ng Katolisismo ang nagtataas ng organisadong iglesya kaysa sa indibidwal na konsensiya, at kung mayroong salungatan sa pagitan ng Biblia at aral ng iglesya, ang huli ang palaging nagpapalagay na nakahihigit kaysa sa katotohanan ng Biblia. Kung mayroong di pagkakasundo sa pagitan ng konsensiya ng tao at aral ng iglesya, ang iglesya sa pamamagitan ng kanyang tradisyon at opinyon ay palaging nangingibabaw.
Sa kaibahan nitong pangingibabaw ng tuntunin ng iglesya, pinapurihan ni Apostol Pablo ang mga taga-Berea sapagkat "tinanggap nila ang salita ng boong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito" (Mga Gawa 17:11). Saan man ay wala tayong makikita na si Pablo ay nagtanong sa mga mananampalataya na tanggapin ang doktrina sa saligan ng Apostolikang awtoridad, subalit kanyang inihabilin sa kanila na siyasatin ang mga Kasulatan sa kanilang upang pagtibayin ang katotohanan na sa kanila'y itinuro. Ang kaisipan na ang Salita ng Diyos bilang pinakamataas na awtoridad at tuntunin ng buhay ay ang relihiyon at ang katotohanan ng Biblia (tingnan Juan 5:39; 2 Tim. 3:16-17; Isa. 8:20), at ang karunungang ito ang magpapalaya sa atin (tingnan Juan 8:32).
Ang ikatlong karumaldumal na espiritu ay ang espiritu ng bulaang propeta. Ang propeta ay isa na umaangkin na tumanggap ng mensahe mula sa Diyos, at umaangkin na tagapagsalita ng Diyos sa paghatid ng mensahe para sa mga tao (tingnan Bilang 12:6; Deut. 18:22). Ang bulaang propeta ay isang tao na nagpapanggap na nagsasalita para sa Diyos, samantalang sa katotohanan ay hindi (tingnan Jer. 14:14).
Ang Bulaang Propeta ay hindi nangangahulugan na ang Kapapahan, sapagkat ito'y palagi nang umaangkin na tumanggap ng tradisyon kaysa sa kapahayagan ng Biblia at ang karapatan na palitan ang kautusan ng Diyos. Subalit ang iba't-ibang Protestanteng Iglesya ay nagpapanggap na sumusunod sa Biblia at tanging sa Biblia lamang bilang tanging saligan ng kanilang pananampalataya at doktrina. Gayon paman, ating makikita na sumusunod sila sa yapak ng Roma sa pagtataas ng tradisyon at opinyon ng tao kaysa sa katotohanan ng salita ng Diyos! Anupat sila man ay mga bulaang propeta na nanghahawak at, nagsasalita ng kamalian, at gayon ma'y umaangkin na ito ang katotohanan ng Diyos.
Bagaman naiiba ng kaunti sa ibang aspeto, ang Protestanteng iglesya ay magkakasama sa punto ng doktrina na pawang sinasang-ayunan nila at halos magkahawig na magkahawig ng Romana Katolika. Kapag, sa kanyang mataas na layunin, ang Bulaang Propetang ito ng Protestantismo ay sumunod sa yapak ng Roma sa pamamagitan ng pakikipagkaisa at humantong sa kapangyarihang sibil upang suportahan ang kanilang aral at tapakan ang karapatan ng kalayaan ng konsensiya para lamang maipatupad ang kanyang mga aral, siya man ay Magiging larawan ng Hayop (tingnan Apok. 13).
Sa pagtanggi sa katotohanan, tinatanggihan ng tao ang may akdang katotohanan at inihahanda ang kanilang sarili na kunin ang panig ng Diablo sa huling malaking tunggaliang ito. Sa patuloy na pagtanggi ng tanggapin ang awtoridad ng Diyos-ang nagbigay ng kautusan, at sundin ang Kanyang mga utos, ang mga lalaki, babae at mga bata ay tinatalian ang kanilang sarili sa dakilang punong manlalabag.
Walang kamaliang tuwirang tumatama laban sa awtoridad at pamahalaan ng langit at lalong salungat sa dikta ng katuwiran kaysa sa ideya na ang utos ng Diyos ay hindi na umiiral. Ang kautusan ang siyang saligan ng lahat ng pamahalaan, at ganap na walang katuwiran o suporta para paniwalaan na ang Hari ng sansinukob ay hindi binitiwan ang Kanyang tungkulin at iwanan tayo ng walang kautusan! Kahit na madala ka ng Diablo para isaisantabing ganap ang kautusan ng Diyos, o kahit na tanggihan ang isa sa mga alituntunin nito, ang bunga ay pareho lang. Ang sinumang magkasala sa isang punto ay nagpapakita ng paghamak sa buong kautusan, ang kanyang impluwensya at halimbawa ay nasa panig ng paglabag, siya'y nagiging makasalanan sa lahat (tingnan Santiago 2:10). Saanman isaisantabi ang banal na alituntunin, ang kasalanan ay hindi lumalabas na makasalanan, o ang katuwiran ay nakalulugod.
Ang mga kasulatan ay nagpapahayag na ang espiritu ng diablo ay gagawa ng dakilang kababalaghan na halos dadaya sa buong mundo, at sama- samang tipunin ang lahat ng tao para sa huling dakilang digmaan. Ang pinakapunto ng labanan ay ang kautusan ng Diyos, lalung-lalo na ang "Sabbath", na nagtuturo sa Mambabatas bilang tanging Manlalalang at dahil sa ating likas na tungkulin bilang Kanyang nilalang na ibigay ang pagtalima. Ito ang gawain ng mensahe ng ikatlong anghel ng Apok. 14:6-12, at Apok. 18:1-5 kasalungat sa atake sa utos ng Diyos sa pagpapahayag sa sanlibutan ng pagsambang nauukol sa Diyos bilang ating Manlalalang.
Sa pagsasanib ng tatlong bahagi ng Dragon, ng Hayop at ng Bulaang Propeta, ang lahat ng tao sa lupa ay pipiliting makiisa sa isang plataporma ng kamalian laban sa Diyos at ng katotohanan ng Biblia. At yung mga hindi sumunod sa kanilang batas ay papatayin. Kung kaya't sa pamamagitan ng mapandayang doktrina at aral ng tatlong pinagsanib na bahagi ng Espirituwalismo, Katolisismo, at Protestantismo, ang lahat ng nananahan sa upa ay dadalhin sa pagpapasya para sa o laban sa Diyos at sa Kanyang katotohanan (tingnan Apok. 13:15-17).
Ang Diyos ay hindi pinipilit ang kalooban o konsensiya, subalit si Satanas ay palagi nang tutungo sa iba't ibang antas ng puwersa at kalupitan para lamang makamit ang kontrol noong mga hindi niya kayang masulsulan. Sa pamamagitan ng pananakot, o aktuwal na pamimilit, si Satanas ay sinisikap na mapagharian ang konsensiya at makakuha ng pagsamba sa kanya. Upang maisakatuparan ito, siya'y gumagawa sa pamamagitan ng relihiyoso at sekular na awtoridad, na kinikilos sila na magsabatas at magpatupad ng bataspantao na labag sa diyos at sa Kanyang mga utos.
ANG BUONG DAIGDIG AY DADALHIN SA ISANG PAGPAPASYA
Sa muli pa, katulad ng mga kaarawan ni Daniel, ang isang larawan ay itatayo, higit pa kaysa sa gintong larawan sa kapatagan ng Shinar (Dan. 3). Ang usapin ay pareho--ang kautusan at karangalan ng Diyos. Katulad ng mga awitan at kahanga-hangang pagtatanghal na ginawa para kunin ang tanyag na suporta sa imahen ni Nabocodonosor sa lumang Babilonia, sa huling labanang ito ay magkakaroon ng mga himala upang mandaya. Kailanman kung lahat ng panghihikayat ay mabigo, nariyan ang nag-aapoy na hurno na naghihintay upang himukin ang konsensiya. Sa katulad na paraan ang bayan ng Diyos na nag-iingat ng Kanyang mga utos ay haharap sa pagkawala ng lahat ng suportang pandaigdig, at sa bandang huli'y kamatayan, bilang kabayaran ng katapatan sa Diyos at sa Kanyang mga utos. Yaon pananampalatayang natatag lamang sa tiyak na Salita ng Diyos ang makatatayo sa gitna ng malapit na lubos na pagtalikod.
Subalit sa madilim na bahagi sa kasaysayan ng mundo, kung saan sa huling antas ng digmaang Armagedon lumalabas na ang puwersa ng kasamaan ay tiyak na mananaig at ang nalabing masunuring bayan ng Diyos ay malapit nang tatakan ang kanilang patotoo ng kanilang dugo, ang tagasunod ng Diyos ay ililigtas at ang lahat na manggagawa ng kalikuan ay pupuksain. Si Cristo mismo ay darating upang iligtas ang Kanyang masunurin at tapat na tagasunod at dalhin sila sa Kanyang tahanan!
"At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nagyari kailanman mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawat isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat." Daniel 12:1.
"Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan. siya'y sasagot at kanyang sasabihin, hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan; magsilayo kayo sa akin, kayong lahat ay manggagawa ng kalikuan." Lukas 13:25, 27.
"Patitigilin mo ang ingay ng mga taga-ibang lupa...ang sanga ng mga kakilakilabot ay matitigil....Sinakmal Niya (Cristo) ang kamatayan magpakailanman; at papahirin ng Panginoong Diyos ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng Kanyang bayan ay maaalis sa buong lupa; sapagkat sinalita ng Panginoon. At sasabihin sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Diyos, hinihintay natin Siya, at ililigtas Niya tayo: ito ang Panginoon, tayo'y matutuwa at mangagalak sa Kanyang pagliligtas." Isaias 25:5, 8-9.
Nasa sa IYO ngayon ang kapasyahan kung kaninong panig KA masusumpungan sa malaking digmaang ito ng Armagedon sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, sa pagitan ng katotohanan at kamalian, walang miron sa gitna. Bawat tao'y masusumpungan sa isa sa dalawang posisyon. Sila'y maaaring sumama sa mga manlalabag sa pagwawalang kabuluhan sa utos ng Diyos, o makasama doon sa mga tapat na ipinamumuhay ang bawat salita ng Diyos, at nagiingat ng lahat Niyang mga utos.
"Hanggang kailan kayo mangag-aalinlangan sa dalawa ng isipan? Kung ang Panginoon ay Diyos, sumunod kayo sa Kanya; ngunit kung si Baal, sumunod nga kayo sa kanya." 1 Hari 18:21.
"At kung inaakala MO na masama ang maglingkod sa Panginoon, ay piliin MO sa araw na ito kung sino ang iyong paglilingkuran...ngunit sa ganang akin at ng aking sambahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon. At ang bayan ay sumagot at nagsabi, malayo nawa sa amin na aming pabayaan ang Panginoon..." Josue 24:15-16.
|
||