"LET THERE BE LIGHT" Ministries
home  |  Tagalog Tracts

ANG  LIHIM  NA  PAGLILIGTAS  AT  ANG  PAGBABALIK  NI  CRISTO

     Maraming mga tapat na mga Kristiyano ang naniniwala na si Kristo ay muling babalik sa sanlibutang ito sa dalawang kaparaanan - ang isa na lihim, ang isa naman hayag at makikita. Ang una ay tahimik na darating si Cristo upang lihim na kunin o alisin ang Kaniyang mga tagasunod sa lupa bago maganap ang dakilang araw ng kabagabagan at kapighatian. Pagkatapos, pagkalipas ng ilang mga taon, ang hayag at literal na pagpapakita ni Cristo ay mangyayari na kung saan yaong mga hindi handa sa panahon ng "secret rapture" ay magkakaroon ng ikalawang pagkakataon na maihanda ang kanilang sarili sa buong panahon ng kapighatian, na pagkatapos noo'y darating si Cristo upang sila ay iligtas.
     Maraming mga talata sa Biblia tungkol sa ikalawang pagdating ni Cristo. Ngunit ang ilan ba dito ay tumutukoy sa tahimik at lihim na pagbabalik, o ang lahat ng ito ay nagsasalita tungkol sa iisang maluwalhating pangyayari na hayag na makikita? Ating tuklasin kung ano ang itinuturo ng hindi nagkakamaling Kasulatan.
     Ipinahayag ni apostol Pablo na ang pagdating ni Cristo dito sa lupa ay kagaya ng mga sumusunod:
     "Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailanman." 1 Tesalonica 4:16-17.

     "Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: Hindi tayong lahat ay mangatutulog, ngunit tayong lahat ay babaguhin, sa isang sandali; sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin." 1 Corinto 15:51-52.

     Ipinahayag ni Pablo na kung dumating si Cristo, magkakaroon ng sigaw; ng tinig; ng pakakak; ang mga patay na matuwid ay bubuhayin na maguli, at kasama ng nabubuhay na mga banal, ay kukunin mula sa lupa upang salubungin ang Panginoon sa mga alapaap na hindi na magkakahiwalay pang muli.
     Si apostol Juan ay nagpahayag na ang pagdating ni Jesus sa sanlibutang ito ay kagaya ng sumusunod:
     "Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya." Apokalipsis 1:7.

     Sinabi ni Juan na kung si Cristo ay dumating ay nasa mga alapaap, at bawat mata sa lupa ay may pagkamanghang makikita siya, at ang lahat ng angkan sa lupa na nagtakwil sa kaniya ay magsisipanaghoy.
     Ang patriarkang si David ay nagpahayag na ang pagdating ni Jesus sa sanlibutang ito ay katulad ng sumusunod:
     "Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya. Siya'y tatawag sa langit sa itaas, at sa lupa upang hatulan niya ang kaniyang bayan: Pisanin mo ang aking mga banal sa akin; yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain." Awit 50:3-5.

     Ipinahayag ni David na kung si Cristo ay dumating, ay hindi tahimik, kundi magiging panahon ng paghatol na may apoy na susunog at pupugnawin yaong mga nahatulang hindi karapatdapat; at pipisanin ng Dios ang Kaniyang mga banal mula sa lupa upang makasama Niya - yaong mga nagsakripisyo ng lahat upang sumunod sa Kaniya.
     Si propeta Jeremias ay nagpahayag na ang pagdating ng Panginoon sa lupang ito ay kagaya ng sumusunod:
     "...Ang Panginoon ay uungol mula sa itaas, at ilalakas ang Kaniyang tinig mula sa kaniyang banal na tahanan; siya'y uungol ng malakas laban sa kaniyang kulungan; siya'y hihiyaw, gaya nila na magsisiyapak ng ubas, laban sa lahat ng nananahan sa lupa. Ang ingay ay darating hanggang sa wakas ng lupa; sapagkat ang Panginoon ay may pakikipagpunyagi sa mga bansa, siya'y papasok sa paghatol sa lahat ng tao; tungkol sa masasama ay kaniyang ibibigay sila sa tabak. At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na yao'y magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa..." Jeremias 25:30-31, 33.

     Ipinahayag ni Jeremias na kung si Cristo'y dumating, Kaniyang iuungol ng malakas ang Kaniyang tinig; isang sigaw o hiyaw ang ibibigay; magiging maingay sa buong lupa; ang Panginoon ay mangangatuwiran o Kaniyang hahatulan ang lahat ng tao, at ang lahat ng masasama ay papatayin.
     At si Cristo mismo ay nagpahayag kung ano magiging katulad ang Kaniyang pagdating sa lupang ito:
     "...Kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napariritong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanlibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila." Mateo 24:30-31.

     Sinabi ni Cristo na kung Siya ay bumalik sa ikalawang pagkakataon, ay mayroong tanda; lahat ng tao sa lupa ay makikita Siya na dumarating sa mga alapaap ng langit at may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian; ang karamihan ng lahat ng mga tao sa lupa ay hindi magiging masaya, kundi magsisitaghoy; magkakaroon ng matinding tunog ng pakakak; at titipunin ng Dios ang Kaniyang masunurin na mga hirang bilang Kaniya mula sa bawat sulok ng sanlibutan.
     Ang lahat ng mga nabanggit na talata ay ganap na nagkakaisa tungkol sa kung ano magiging katulad ang pagbabalik ni Cristo sa lupang ito sa mga huling araw. Mga tanda ay magaganap bago ang Kaniyang pagdating. Bawat mata sa lupa, bawat tao ng bawat bansa at lahi ay makikita Siya na bumabalik sa kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian; magkakaroon ng malaking ingay, ng hiyaw, ng tinig buhat sa langit, at ang pakakak ay tutunog ng malakas; ang mga patay na matuwid ay bubuhayin mula sa kanilang mga libingan, at kasama ng mga nabubuhay na mga banal ay aagawin sa hangin upang salubungin ang kanilang Panginoon sa mga alapaap sapagkat kanilang piniling isakripisyo ang lahat upang sumunod sa Dios. Habang ang iba sa mga nananahan sa lupa ay masusunog ng maluwalhati at maliwanag na apoy na mamumugnaw na nakapalibot sa Panginoon sapagkat kanilang pinili na huwag Siyang sundin, kundi nagpakasama at dahil doon ay nahatulang hindi karapatdapat sa walang hanggang buhay.
     Nakita natin ng malinaw, na sinasabi ng Kasulatan na talagang hindi tahimik kapag ang ating Panginoon ay bumalik sa lupang ito, sapagkat ito'y may dakilang ingay, hiyawan at malakas na pagtunog ng pakakak.  Ipinahayag rin ng di-nagkakamaling Kasulatan na talagang hindi lihim o sekreto kung si Cristo ay magbalik, sapagkat bawat tao sa lupang ito ay makakakita sa Kaniya sa mga alapaap ng hangin, at bawat isa ay maaaring dalhin sa langit upang mapasa Panginoon magpakailanman, o mapahamak. Kaya nga ang dokrina ng tahimik o lihim na pagliligtas o "secret rapture" ay hindi masusumpungan saanman sa Kasulatan, sapagkat kapag si Cristo ay dumating ito'y mahahayag at makikita ng lahat!
     Yamang ang Kasulatan ay hindi nagtuturo na magkakaroon ng "secret rapture", saan nagmula ang aral at paniniwalang ito? Ang aral at doktrinang ito ay nagmula sa isang babaeng Presbyterian habang siya ay nasa isang pangitain!
     "Ang kuru-kuro ng dalawang yugto ng pagdating ni Cristo (ang isa ay lihim at ang isa pa ay hayag o nakikita) ay unang dumating sa isang dalagitang taga Scotland, si Binibining Margaret MacDonald ng Port Glasgow, Scotland, habang siya ay nasa pangitain 'sa panghuhula'" M.L. Moser, An Apologetic of Premillenialsm, p 28.

     Kaya nga ang aral o paniniwala ng "secret rapture" ay walang pundasyon sa salita ng Dios, kundi kinuha ang pinagmulan nito sa isang nakapagtatakang pangitain!

     Ngunit papaano naman yaong mga talata na nagpapahayag na darating ang Panginoon na kagaya ng "isang magnanakaw sa gabi;" tiyak na pinatitibay nito ang paniniwala sa "secret rapture "? Ngunit sinasabi sa atin ni apostol Pedro:
     "...ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita (ng Dios) ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama....Ang Panginoon ay...mapagpahinuhod sa inyo, na hindi Niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. Datapuwat darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw sa gabi; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawing masusunog." 2 Pedro 3:7, 9-10.

     Ipinahayag ni Pedro, na may pagsangayon sa iba pang mga talata, na kung si Cristo ay bumalik, ay may malaking ugong, at matinding init ang siyang pupugnaw at susunog sa lupa. May katiyakan na tunay na walang katahimikan o lihim tungkol dito! Maliwanag na ang talata patungkol sa pagdating ni Cristo "na kagaya ng magnanakaw sa gabi ay hindi pumapatungkol sa "secret rapture ", kundi patungkol sa mga indibidwal na nabigla, nadatnang hindi handa para sa pagbabalik ng kanilang Panginoon.
     Ngunit papano naman yaong mga talata na pumapatungkol sa ang isa'y kukunin at ang isa'y maiiwan (tingnan ang Mateo 24:37-41); walang duda na pinatitibay nito ang paniniwala sa "secret rapture "?
     Sa talatang ito, inilalarawan ni Cristo ang pagkakatulad ng panahon ng Kaniyang pagdating sa panahon ni Noe at ng baha - at doo'y tiyak na walang lihim o secreto tungkol sa baha! Yaong mga nagsipasok sa daong ay nangaligtas, habang yaong mga tumangging sumunod sa paraan ng Dios ng kaligtasan ay naiwan sa labas. Ngunit bakit sila naiwan? Para ba sa isa pang pagkakataon o pag-asa ng kaligtasan? HINDI! Sila'y naiwan para lipulin!
     Ngunit papano naman ang paniniwala na kukunin o aalisin ni Cristo ang lahat ng Kaniyang mga anak dito sa lupa bago ang panahon ng kabagabagan, kapighatian, pag-uusig, at bago ang gawain ni Satanas na may mga kahangahangang kasinungalingan?
     Ipinahayag ni propeta Daniel na "magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailanman.at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawat isa na masumpungan na nakasulat sa aklat." Daniel 12:1.

     Ipinahayag ni apostol Juan na ang mga banal na anak ng Dios na nabubuhay pagbalik ni Cristo sa lupa ay yaong mga "nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit (pag-uugali), at pinaputi sa dugo ng Cordero." Apokalipsis 7:14.

     Ang apostol na si Pablo nagpahayag ng panahon kung kailan magaganap ang pagparito ni Cristo dito sa lupa:
     "At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, na papatayin ng Panginoong Jesus ng hininga ng kaniyang bibig, at sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin; Siya (si Cristo) na ang kaniyang pagparito ay pagkatapos ng paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagkat hindi nila tinanggap ang pag-ibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas. At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan: Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan." 2 Tesalonica 2:8-12.

     Kaya nga maliwanag na ipinahayag ni Daniel, Juan, at Pablo na ang pagdating ni Cristo at ang pagliligtas sa tapat na mga banal ng Dios ay hindi magaganap kundi pagkatapos ng malaking kapighatian, pagkatapos ng panahon ng kabagabagan, at pagkatapos ng paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan, mga tanda, at kahangahangang kasinungalingan. Ang mga ito ang dadaya sa lahat ng nabubuhay sa kasamaan sapagkat hindi nila inibig at sinunod ang katotohanan, at ang lahat ng mga ito'y mamamatay sa kaningningan ng Kaniyang pagdating. Sa katunayan, si Cristo mismo ay nanalangin na nawa'y huwag alisin ng Kaniyang Ama ang Kaniyang bayan o mga anak "sa sanlibutan, kundi ingatan Mo sila mula sa masama." Juan 17:15.

     Yamang walang panahon na kung saan magaganap ang tahimik o lihim na pagalis o pagkuha (secret rapture) sa mga anak ng Dios mula sa lupang ito, kung gayon wala nang ikalawa pang pagkakataon o pag-asa para sa kaligtasan!
     "...Ngayon kung marinig ninyo ang Kaniyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso." Hebreo 3:15.

     "...Narito, ngayon ang panahong ukol; narito,ngayon ang araw ng kaligtasan." 2 Corinto 6:2.

     Nawa ay ating maunawaan na ang "kaligtasan ay malayo sa masama" (Awit 119:155), sapagkat hindi nila ginanap ang kalooban ng Dios o tinupad man ang Kaniyang mga kautusan, at dahil dito sila'y nagpatuloy na gumawa ng kasalanan (1 Juan 3:3-10). Sa halip ating tiyakin na tayo ay handa ngayon para sa pagbabalik ng ating Tagapagligtas, upang ang Kaniyang pagbabalik ay hindi dumating o masumpungan ang sinoman sa atin na hindi handa na kagaya ng pagdating ng "magnanakaw sa gabi" at tayo ay mawaglit.
     Tayo nawa ay maging mga "anak ng araw" (1 Tesalonica 5:5) na nagpapahayag at nag-iiwan ng kanilang mga kasalanan (Kawikaan 28:13); na lumalakad sa liwanag ni Cristo; na mga "natatakot sa Dios at tinutupad ang Kaniyang mga utos" (Eclesiastes 12:13), at "nanghahawak" [kay Cristo] at "nagsisisi" (Apokalipsis 3:3). Nawa ay maging masikap tayo na gawing "tiyak ang pagkatawag at pagkahirang" sa atin (2 Pedro 1:10) na ating nalalaman na hindi itutulot ng Dios na ang sinomang sa Kaniyang mga anak ay magdanas "ng higit sa inyong makakaya" (1 Corinto 10:13). Atin nawang maunawaan na "lahat ng ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng pag-uusig" (2 Timoteo 3:12), at ito'y sa pamamagitan lamang na ating batahin ng may pagtitiis ang "nangagniningas na suligi" na ito (Efeso 6:10-17), at "ang mahigpit na pagsubok" (1 Pedro 4:12-14), at anumang pag-uusig at sa ganito ang ating pananampalataya o ginto ay "madadalisay sa apoy" (Apokalipsis 3:18). At kung tayo'y masumpumgang tapat, na naninindigang "matibay sa pananampalataya" (1 Corinto 16:13) at masumpungang nagtatapat hanggang sa wakas, kung magkagayon tayo ay "magtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo" at "mangabubuhay tayong kasama Niya" (1 Tesalonica 5:9-10) magpakailanman sa "kaharian ng langit" (Mateo 5:10).

     "Kayo'y mangagingat, mangagpuyat at magsipanalangin: sapagkat hindi ninyo nalalaman kung kalian kaya ang panahon.At ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat, Mangagpuyat kayo." Marcos 13:33, 37.