"LET THERE BE LIGHT" Ministries
home  |  Tagalog Booklets

BAKIT  MAY  PANANAGUTAN  TAYO  PARA  SA PERSONAL,  SOSYAL,  AT  PANGKALAHATANG KASALANAN


First printing, 1996

Copyright  © 1996, held by

“Let There Be Light” Ministries (rs)
PO BOX 1776
Albany, OR 97321
U.S.A.
www.LightMinistries.com


     All rights reserved.  Permission is hereby given to reprint this booklet, provided that it is duplicated in its entirety without any change or comment.

     Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumulat sa alin mang tanggapan:

BOOKLETS
PO BOX 1776
ALBANY, OR 97321
U.S.A.


     Maaari ding sumulat upang tumanggap ng libreng pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng sulatan sa nasabing tanggapan.



BAKIT  MAY  PANANAGUTAN  TAYO  PARA  SA PERSONAL,  SOSYAL,  AT  PANGKALAHATANG KASALANAN

     Mayroong malaking  pagkukulang ng pagkaunawa tungkol sa ating pananagutan
O responsibilidad sa iba't-ibang sangay-maging personal,sosyal at pangkalahatan.
     Tayo ay mananagutan at responsible para sa ating sariling mga gawa o kulang ng paggawa ang aing pahintulot o pananahimik, ang ating kaugnayan sa iba o kulang nito, at ang ating pakikisalamuha at pakikiisa sa iba.
     Sa aklat na ito ating sisiyasatin, mula sa "Sinasabi ng Panginoon" at sa "nasusulat," kung ano ang nais ng Dios na malaman ng kanyang bayan tungkol sa kanilang pananagutan ngayon.

PERSONAL NA PANANAGUTAN O RESPONSIBILIDAD

     Ito ang sangay na kung saan tayo, bilang mga indibidwal, ay magiging responsible para sa ating sariling mga kasalanan at mga kamaliang nagawa na walang nasasangkot na ibang tao.
     Ito ay malinaw na nahayag sa buong kasulatan.
     "Sapagkat tayong alahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Krist, upang tumanggap ang bawat isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama." 2 Corinto 5:10.

     "At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na ngayon tayo sa harapan ng luklukan ang ibang aklat ng buhay : at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa....At sila'y hianatulan bawat tao ayon sa kani-kaniyang mga gawa." APOKALIPSIS 20:12-13 (Tingnan din ang Daniel 7:10).

     "Ito ang wakes ng bagay; lahat ay naririnig; ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagkat ito ang katungkulan ng tao. Sapagkat, dadalhin ng Dios ang bawat gawa sa kahatulan, pati ng bawat kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama." ECLESIASTES 12:13-14. (Tingnan din ang Apokalipsis 22:11-12; Mateo 16:27, 22:11-17; Awit 9:7-8, 50:4; Zepanias 1:12; Roma 2:6 & 9  &  12-16; Gawa 17:30-31; Markos 13:34; 2 Corinto 11:15).

     Ngunit malinaw na katulad ng mga nabanggit ng talata, marami ang nagnanais na tumakas mula sa kanilang personal na pananagutan sa pagsuway sa kautusan ng Dios at sa  nagawang mga kasalanan, sa pamamagitan ng iba't-ibang mga kadahilanan.
     Ang iba'y idinadahilan ang kanilang mga kasalananan sa pagsasabing, "Ganyan talaga ako." Ang iba'y ipinahahayag," Ito ang paraan ng pagpapalaki sa akin." At ang iba pa ay, " Ako'y nasa ilalim ng matinding kahirapan, at ang mga sumusubok na pagkakataon ang nagtulak sa aking padaig." At ang mga bata ginagamit ang kadahilanang ito, " Ang Diablo ang nag-akay sa aking gawin ito." At ang listahan ay magpapatuloy. Ngunit walang dahilan sa ating mga kasalanan sapagkat ang kasalanan ay ginawa dahil piniling magkasala!
     "Walang sinumang tao ang maidadahilan ang kaniyang mg pagkakataon, ang kaniyang edukasyon, o ang kaniyang pag-uugali, na dahilan ng kaniyang pamumuhay na paghihimagsik laban sa Dios. Ang makasalanan ay maging gayon dahil sa kaniyang sariling pagpili."
SIGN OF THE TIMES, MARCH 9, 1882 (vol 1, p 290). (Tingnan din ang Oktubre 14, 1880, Hunyo 16, 1890).

     "Ang pinakamalakas na tukso ay hindi katwiran upang magkasala. Gaano man kalakas ang puwersa na dumating sa iyo upang iyong batahin, ang pagkakasala ay sarili mong gawa. Ang upuan ng kahirapan ay ang hindi nabagong puso." Adventist Home, p 331.

     "Wala sa kapangyarihan ni Satanas na pilitin ang sinuman na magkasala. Ang kasalanan ay indibidwal na gawa ng makasalanan. Bago mahayag ang kasalanan sa puso, ang pagpayag ng kalooban ay dapat maibigay, at pagkatapos na pagkatapos na ito'y maibigay, ang kasalanan ay nagtagumpay, at nagagalak ang impyerno. Ngunit walang dahilan para sa kasalanan, maging malaki o maliit." SIGNS OF THE TIMES, Disyembre 18, 1893 (vol 3, p 85). (Tingnan din ang Maranatha, p 82 & 225; Testimonies, vol 4, p 623: This Day With God, p 318; Manuscript Releases, vol 20, p 385-86).

     Ang iba'y idinadahilan ang kanilang sarili mula sa personal na pananagutan sa pag-aangkin ng pinakamalaking kasinungalingan na noon pa'y pinapaniwalaan, na: " Ginanap na ni Cristo ang kautusan ng Dios para sa akin, kaya hindi na ako dapat mag-alala pa sa aking patulo'y na pagkakasala." Ngunit malinaw na sinasabi ng Dios sa atin.
     "Inyong maririnig ang sigaw `Maniwala ka lamang.' Si Satanas ay naniniwala at nanginginig. Kinakailangan natin na magkaroon ng pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig at pagpapadalisay ng puso Ang Kaisipan ay nagtagumpay na ginawa na ni Cristo ang lahat para sa atin, at tayo'y makakapagpatuloy sa pagsalangsang sa mga kautusan at hindi mananagot para rito. Ito ang pinakamalaking pandaraya na binuo ng kaaway." Selected Messages, ikatlong aklat, p 153.

     Sa katunayan, bawat ministro, pinuno ng iglesya, at indibidwal na nag-akay sa iba na paniwalaan ang malaking pandarayang ito-na maaari nilang iwaling-bahala ang alinman sa bahagi ng kautusan ng Dios- ay may pananagutan sa lahat ng kasalanang nagawa ng mga indibidwal na naniwala sa kanila.
     "Yaong mga pumipilit sa mga kasulatan upang mapatotohanan ang kamalian, ay lubhang nilalapastangan ang Dios, at sa araw ng paghatol, sila'y mananagot sa pagsuway niyaong mga naakay sa pamamagitan ng kanilang mga panlilinlang na iwaling-bahala ang banal na kautusan." Review and Herald, Agosto 13, 1959 (vol 6, p 526).

     Ating pinipili ang sundin alinman sa daan ng Dyablo, o sa daan ng Dios. Walang ibang mapagpipilian at maging kapangyarihan man sa pipilit sa atin na sumunod sa kanila. Kaya't tayo lamang ang magiging responsible sa ating pagpiling magkasala.
     Hindi tayo ipinanganak na mga makasalanan, ngunit ipinanganak na may hilig sa bumagsak na likas na tinanggap mula kay Adan. Ganitong-ganito ang likas na kumuha ni Hesus sa kaniyang sarili ng siya'y ipinanganak.
     "Sapagkat tunay na hindi Niya (Cristo) kinuha sa kaniyang sarili ang likas na mga anghel; kundi kinuha niya ang binhi ng Abraham. Kaya't nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang kapatid..." Hebreo 2:16-17.

     "Sapagkat tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon may walang kasalanan." Hebreo 4:15.

     "Siya ay kailanma'y dalisay at walang dungis; ngunit Kaniyang kinuha ang makasalanang likas." Review and Herald, Disyembre 15, 1896 (vol 3, p 421).

     "Ito ay nasa panukala ng Dios na kunin ni Kristo ang anyo at likas na nabagsak ng tao, upang Siya'y mapaging sakdal sa pamamagitan ng paghihirap, at siya mismo'y magbata ng kalakasan ng matitinding mga tukso ni Satanas upang kaniyang maunawaan kung papano matutulungan yaong mga natutukso." Spirit of Prophecy, vol 2, p. 39. (Tingnan din ang SDA Bible Commentary, vol 4, p 1147, vol 6, p 1074; Review and Herald, Pebrero 24, 1874, Nobyembre 24, 1904).


       Ang pagkakasala ay ating pagpili. Hindi natin maaaring sisihin ang sinuman, omaidadahilan ang ating sarili sa ating pagpiling magkasala, Sapagkat walng katwiran o dahilan para sa kasalanan! Maging si Satanas mismo ay hindi makakasumpong ng anumang dahilan sa pagsisimula ng kasalanan!
     "Walang katwiran o dahilan sa kasalanan. Magiging pinakahuling kahatulan kay Luciper at sa kaniyang mga anghel kapag itatanong ng Dios, ' Bakit nyo ginawa ito?' hindi sila makapagbibigay ng anumang katwiran. At kapag harapin sa huling dakilang araw ang mga makasalanan dahil sa kanilang mga kasalanan, at tanungin,'Bakit kayo sumalansang?' Ang bawat bibig ay tatahimik. Ang makasalanan ay tatayong di makapangusap sa harapan ng Dios." Review and Herald, Setyembre 24, 1901 (vol 4, p 337).

     Tayo ang pumili sa ating makasalanang mga ugali-hindi sila ibiniga'y sa atin ng tayo'y isisnilang. Pinalago natin sila sa pamamagitan ng mga ginawa nating pagpili sa iba't-ibang kalagayan. At maaari nating tanggapin si Hesus at itigil ang pagkakasala sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya at kalakasan, o tanggihan si Hesus at magpatuloy sa ating mga pagkakasala. Ito'y alinman sa dalawa, ngunit di kailanman magiging dalawa.
     "Ang tagapagligtas ay nanalangin para sa kaniyang mga alagad, `Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo ay katotohanan!'  Ngunit ang tumatanggap ng karunungan ng Biblia ay hindi gumawa ng pagbabago sa kaniyang mga nakaugalian at nakasanayan upang maging kasang-ayon sa liwanag ng katotohanan, ano ngayon? Ang espiritu ay nakikibaka laban sa laman, at ang laman laban sa espirit; at isa ditto ang dapat managumpay. Kung ang katotohanan ay nagpabanal sa kaluluwa, ang kasalanan ay kamumuhian at iiwasan, Sapagkat si Cristo ay tinanggap bilang isa marangal na panauhin. Ngunit hindi makikibahagi si Cristo sa isang nahahating puso; ang kasalanan at si Hesus ay hindi kailanman maaaring magsama." Testimonies to Ministers, p 160.

     Kung magkagayon ang kasalanan ay sarili nating pagpili, at walang dahilan na ating maihahandog para ditto. Ngunit sa pamamagitan ni Hesus ating mapananagumpayan ang lahat ng kasalanan at ng sa ganon makatakas mula sa personal na pananagutan. (Para sa karagdagang kaalaman kung papaano natin lahat mapananagumpayan ang personal na kasalanan, sumulat lamang para sa aklat, Ang kalooban-Ang Iyong Kapangyarihan ng Pagpili sa Address na ibinibigay sa harapan ng aklat na ito).

     Ano ang iba pang bahagi na kung saan tayo'y personal na responsable?
     --Tayo'y may pananagutan hindi lamang sa kaalaman ng katotohanan na ating tinataglay, ngunit pati sa karunungan na maaari nating matamo (tingnan ang Review and Harold, Hulyo 10, 1879, Mayo 27, 1890, Pebrero 28, 1899; Temperance, p 114; Testimonies, vol 5, p 280; 1888 Materials, p 1348).
     "Yaong may mga pagkakataon na marinig ang katotohanan, ngunit hindi nagsumikap na marinig at maunawaan ito, na iniisip na kung hindi nila mapakinggan, wala silang pananagutan, ay hahatulang may sala sa harapan ng Dios na katulad sa nakarinig at tumanggi Walang dahilan para doon sa mga pumili na magpatuloy sa kamalian kung saan kanilang maaaring maunawaan kung ano ang katotohanan....
     "Yaong mga kusang inilalagay ang kanilang sarili kung saan sila'y walang pagkakataon na makarinig ng ng katotohanan, at kasama niyaong mga nakarinig ng katotohanan, at nagpatuloy na labanan ang mga katibayan nito." Review and Herald, Abril 25, 1893 (vol 3, p 42) (SDA Bible Commentary, vol 5, p 1145).

     --Tayo'y mananagot sa paraan nakung saan ating napakinggan o nabasa ang salita ng Dios (tingnan ang Peter's Counsel to Parents, p 23).
     --Tayo rin ay may pananagutan sa pagsunod sa katotohanan ng Dios at "ipinapakita sa sanlibutan kung ano ang tunay na idea ng Kristiyanismo--ano ang magkaroon ng katulad ng buhay at ugali ni Kristo" Fundamentals of Christian Education, p 298-99.
     --Kung hindi natin tutuparin ang banal na kautusan ng Dios--lalo't higit ang Sabbath--tayo ay pananagutin ng Dios (tingnan ang Review and Harold, Mayo 6, 1875).
     --Tayo--higit lalo ang ministro--ay magiging responsible dahil sa kagustuhang maging walang alam at pagsuway sa walang batas ng kalusugan at kalikasan (tingnan ang Temperance, p 169; Cousels on Health, p 205-06), at ganun din sa pinsalang ginawa sa ating katawan (tingnan ang Youth's Instructor, Agosto 24, 1893, Setyembre 14, 1893).
     --Tayo ay may pananagutan sa paggawa ng ating tungkulin sa Dios at sa ating kapwa tao (tingnan ang Youth's Instructor, June 21, 1894).
     --Tayo ay may pananagutan sa biyaya at mga katiwalang inilagay ng Dios sa atin, at sa mga talento at kaloob na kaniyang ipinagkaloob sa atin (tingnan Mateo 25:14-30; Review and Herald, Abril 24, 1896, Abril 9, 1901; Youth's Instructor, Hunyo 8 & 15, 1893, Agosto 5, 1897; Christ's Object Lessons, p 373; Publishing Ministry, p 233; SDA Bible Commentary, vol 5, p 1100; Signs of the Times, Nobyembre 20, 1884).
     "Bawat isa sa atin ay responsable sa paggawa ng katiting kaysa doon sa ibinigay ng Dios sa ating kakayahan na gawin." Review and Herald, Abril 24, 1883, vol 1, p 351) (Christ's Object Lessons, p 362-63).

     --Kung ating ilalagay ang ating sarili sa landas ng gawaing magawa para sa Dios, Kung gayon tayo ay responsible sa maaari sanang magawa, ganundin sa "lahat ng kasamaang naging bunga mula roon" Manuscript Releases, vol 4, p 137 (tingnan din ang General Conference Daily Bulletin, Pebrero 23, 1899).
     --Tayo ay responsible para sa paggamit ng panahon, lakas, at sa napabayaang mga tungkulin (tingnan Review & Herald, Abril 21, 1896).
     --Hindi lamang tayo mananagot para sa kakayahan ng kaisipang ipinagkaloob sa atin, kundi maging sa pagpapalago ng mga kakayahang ito!
     "Dapat nating mapalago ang ating mga kakayahan at tayo ay papanagutin para sa kanilang paglago. Sila ay isang banal na pagkakatiwala, at kung hindi natin tuturuan ang ating sarili na magtiwala sa Dios, na sampalatayanan at isagawa ang kaniyang salita, tayo ay managot." Review and Herald, Marso 16, 1911 (vol 6, p 112) (Tingnan din ang Youth's Instructor, Enero 11, 1894; Review and Herald, Marso 7, 1893, Abril 25, 1893; Testimonies, vol 4, p 468-69).

     --Hindi lamang tayo mananagot para sa ating mga ginawa, kundi ganon din sa mga hindi natin ginawa.
     "Hindi lamang tayo mananagot para sa ating mga nagawa, kundi doon sa  mga nakaligtaan nating gawin. Tayo ay kinakailangang managot para sa ating mga ugaling hindi napabuti, sa ating mga hindi napalagong pagkakataon." Review and Herald, Setyembre 22, 1891 (vol 2, p 519) (SDA Bible Commentary, vol 7, p 987; That I make Know Him, p 93).

     --Tayo ay pananagutin sa kabutihan na maaari sana nating nagawa "ngunit nabigong gawin" sapagkat tayo ay " totoong pabaya at tamad na tamuhin ang kaalaman ng kalooban ng Dios" Review and Horald, May 1, 1883 (tingnan din ang May 1, 1888, Youth's Instructor, December 21, 1893, January 2, 1896).
     --Tayo ay magiging responsible sa paggamit ng ating salapi-kasama ang ikasampung bahagi-sa ibang bahagi kaysa para doon sa dapat paggamitan (tingnan ang Spalding and Magan Collection, p 178; Testimonies, vol 2, p 518, vol 9, p 246-50, vol 6, p 387). (Para sa karagdagang pag-aaral tungkol sa paksa ng ikasampung bahagi, sumulat lamang para sa aklat, Ang Isyu ng Ikasampung Bahagi, sa address na ibinigay sa harapan ng aklat na ito).
     "Ang pagkayamot ng Dios ay nagalab laban sa mga nag-angkin na kaniyang mga tagasunod , ngunit pinahintulutang ang mga manggagawang nakatalaga na magtiis sa mga pangangailangan ng buhay habang abala sa masigasig na paglilingkod. Ang mga makasariling ito ay tatawagin upang magbigay sulit, hindi lamang para sa maling paggamit ng salapi ng kanilang Panginoon, Kundi maging sa kapighatian at kalungkutang kanilang dinala sa Kaniyang mga tapat na alipin." Act of the Apostles, p 340.

     --Yaong mga biniyayaan ng mga kayamanan at ari-arian " ay responsible na tingnan at pagaanin ang mga pangangailangan ng kapakanan ng Dios" Review and Herald, Disyembre 10, 1901.
     --Kung ating pahihintulutan ang ating mga sarili na madaya ng kaaway, tayo ay mananagot sa Dios "sa pagkabigo sa isang tapat na pagganap ng tungkulin" Gospel Herald, Abril 1, 1905.
     --Kung ating ipangangaral ang kabulaanan at kamalian na may kinalaman sa alinman sa tatlong dakilang karapat-dapat ng pagka-Diyos, kung gayon tayo ay pananagutin sa malaking pagkalapastangan sa Dios" Spalding and Magan Collection, p 332.

       Ngunit ang personal na pananagutan ay lalawak pa sa higit sa saklaw ng ating sarili hanggang sa masangkot pa ang iba.


Panlipunang Pananagutan o Responsibilidad

     Ang panlipunang responsibilidad ay kung saan tayo ay may pananagutan para sa mga kamalian na ating naisangkot ang iuba maging  tuwiran o di-tuwiran (tingnan ang Signs of the Times, Nobyembre 24, 1887).

     Ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawa ng pananagutang panlipunan.
     --Kung hindi natin ibinabahagi ang mga katotohanang ating nalalaman sa iba, at sila'y nawaglit sa huli dahil ditto, ang kanilang dugo ay nasa ating mga balikat (tingnan ang Acts of Apostles, p 393-94; Review and Herald, Agosto 23, 1908; Christian Service, p 196; Testimonies, vol 6, p 331-32, vol 9, p 86-87; Signs of the Times, Agosto 14, 1901).
     --Tayo ay magiging responsible para sa mga misyonerong panggamot na maaari nating nagawa para sa iba (tingnan ang Testimonies, vol 7, p 62-63).
     --Tayo ay may pananagutan sa nagging bunga ng ating impluwensya, mga salita, mga kilos at mga paniniwala sa iba (tingnan ang Patriarchs and Prophets, p 556; Medical Ministry, p 202-03; Signs of the times, Oktubre 8, 1885).
     "Tayo ay nasa gitna ng panganib ng mga huling araw, at sa masamang panahon na ito ang bawat isa ay responsable sa Banal na Espiritu para sa kaniyang personal na katayuan sa iglesya at sa sanlibutan." 1888 Materials, p 453.

     "Ating inaakay ang iba alinman paakyat sa kagalakan at buhay na walang hanggan , o pababa sa kalungkutan at walang hanggang kamatayan. At kung sa pamamagitan ng ating mga gawa ating pinalalakas o pinupuwersa ang kapangyarihan ng masama na nasa paligidnatin na kumilos, tayo ay nakakabahagi sa kanilang kasalanan." Conflict and Courage, p 201.

     --Tayo ay mananagot sa hindi pagiging mapagtanggi sa sarili at mapagpakasakit sa sari sa "pagbabahagi sa higit na nangangailan at naghihirap" ng mga pagpapala at pampasigla na sinisikap na pagaanin ang mga pangangailangan noong mga karapatdapat at gawan sila ng mabuti.
     "Ang pagbibigay ng tulong na walang pinipili ay kadalasang higit na nakasasamaa kaysa nakakatulong. Ito'y madalas na humihimok ng katamaran at sumisira ng respeto sa sarili." Manuscript Releases, vol 4, p 9-10.

     --Tayo ay responsible sa ating maling halimbawa, maging sa pagkain, pag-inom o pamumuhay (tingnan ang Temperance, p 71-72).
     --Ang mga ministro ay may pananagutan sa moral at katayuang panrelihiyon ng kanilang mga tupa (tingnan ang Patriarchs and Prophets, p 190 & 578).
     --Ang mga ministro ay "dadalhin sa ilalim ng paghatol na kasama ang mga tao "kung hindi nila binabalaan yaong mga gumagamit ng ikasampung bahagi na hindi tama (tingnan ang Counsels and Stewardship, p 86-87 & 106).
     --Ang sinuman sa posisyon ng responsibilidad na piniling sundin ang kanilang sariling daan, "ay responsible sa mga kamalian noong mga naakay na maligaw dahil sa kanilang halimbawa." Review and Herald, Setyembre 14, 1905.

     --Ang mga magulang ay may pananagutan para sa kaligtasan at kalusugan ng pangangatawan ng, at sa pagbibigay ng matuwid na aral sa, kanilang mga anak (tingnan ang Notebook Leaflets, p 78; Review and Herald, Disyembre 24, 1889, Setyembre 10, 1895, Setyembre 15, 1904; Signs of the Times, Pebrero 9, 1882, Agosto 23, 1899; Testimonies, vol 4, p 138 ).
     --Ang mga guro at prinsipal ay responsible sa mga hangal na usapan, pagtutuksuhan, pagbibiruan, mababang uri ng usapan, at ang magulong espiritu na pinahintulutang umiral at makasama sa mga kabataan (tingnan ang E.G. White Biography, vol 4, p 310).
     --Ang mga guro responsible sa mga bata at kabataang nasa ilalim ng kanilang pamamatnubay (tingnan ang Counsels to Parents, Teachers, and Students, p 104).
     --Kung tayo'y sumang-ayon na pahintulutan ang hindi karapatdapat na guro na magturo sa ating mga anak at kabataan, kung gayon tayo ay responsible (tingnan ang Manuscript Releases, vol 4, p 156-57).
     --Kung nakita natin ang isang kapatid na nagkasala, at hindi natin ito dinala sa kaniyang pansin, kung gayon tayo ay naakakabahagi sa kaniyang kasalanan (tingnan ang Leviticus 5:1, 19:17; Ezekiel 33:8-9; Signs of the Times, Nobyembre 24, 1881), at ganundin nakakabahagi sa anumang kasamaan na maaaring maging sanhi dahil sa kasalanang ito.
     "Yaong may kakaunting tapang na sawayin ang kamalian o dahil sa katamaran o kakulangan ng malasakit ay hindi gumawa ng maalab na pagsisikap na dalisayin ang pamilya o ang iglesya ng Dios, ay may poananagutan sa kasamaan na maaaring maging bunga ng kanilang napabayaangtungkulin. Tayo ay kasing responsible sa mga kasamaan na maaaring nasiyasat sa iba sa paggamit ng karapatan bilang magulang o ministro na para bagang ang mga gawa ay ating sariling mga gaw." Patriarchs and Prophets, p 578 (tingnan din ang Desire of Ages, p 441).

     --Kung ating sisikaping idhilan ang kasalanan na ating nakita sa iba, kung gayon tayo'y nagiging kabahagi sa kanilang kasalanan (tingnan ang Signs of the Times, Nobyembre 24, 1881).
     --Kung ating winalang bahala o hindi nagmalasakit sa mga kasalanang ating nakikita sa iba, kung gayon tayo ay responsible sa mga kasalanang ito!
     "Kung ang mga kamalian ay maliwanag sa gitna ng kaniyang bayan, at kung ang mga alipin ng Dios ay nagpasawalang-bahala samga ito, tunay na kanilang sinasang-ayunan at binibigyang-katwiran ang makasalanan, at nagiging parehong may sala at siguradong makatatanggap na ng galit ng Dios; Sapagkat sila'y magiging responsible sa mga kasalanan ng mga makasaalanan." Testimonies, vol 3, p 265-66.

     --Kung hindi natin ibibigay ang pakakak sa tma at tiyak na tunog ng babala--kabilang na ang pagbibigay ng mga pangalan ng ilang masasamang tao (tingnan ang Manuscript Releases, vol 12, p 3-4; 2 Timoteo 4:14-15; 1 Timoteo 1:20; 2 Timoteo 1:15, 2:17, 4:10)--kung gayon tayo ay may pananagutan para sa bawat kaluluwang napahamak dahil sa ating hindi-katapatan (tingnan ang Ezekiel 33:2-6; Youth's Instructor, Disyembre 21, 1893; Testimonies to Ministers, p 405).
     --Kung ating pahihintulutan ang sinumang ministro na nabubuhay sa anumang hayag na kasalanan at tumatangging magsisi, na tumayo sa banal na pulpito ng ating Iglesia at magsalita o maglingkod sa atin, kung gayon tayo ay nagiging kabahagi sa kanyang kasalanan (tingnan ang Pamphlet #28, p 17; Series A#1b, p 23).
     --Kung ating ibinibigay ang ating tulong, salapi at mga pagpapala sa alinmang ministeryo o ministro na nabubuhay sa alinmang kilalang kasalanan, o nangangaral ng anumang bulaang aral, kung gayon tayo ay nagkakasala sa pagtataguyod ng kaniyang kasalanan at sa pagpapalaganap ng kaniyang kamalian, na nagiging kabahagi ng kaniyang masasamang gawa, at ang sumpa ng langit ay sasaatin!
     "Ang sinumang nagpapatuloy, at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios....Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin: Sapagkat ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang gawa." 2 Juan 9-11.

     "Mayroong naktatakot na sumpa para doon sa nanganagral ng katotohanan, ngunit hindi napabanal sa pamamagitan nito, at ganundin para doon sa sumang-ayon na tanggapin at panatilihin ang hindi banal na ministro sa kanila sa salita at aral." Testimonies, vol 1, p 261-62
(tingnan din ang Testimonies, vol 2, p 552).

     --Kung ating piniling mahabag doon sa mga nasa kamalian, na inaaliw sila sa sa kanilang mga kamalian sa halip na sikaping tulungan silang magsisi at talikdan sila, kung gayon tayo ay kabahagi sa kanilang mga kamalian.
     "Mayroong mga lalaki at babae na nagtakwil ng saway at ang pakiramdam ay palaging balangon laban ditto.  Hindi kaaya-aya na mapagsabihan ng ating mga kamalian sa halos lahat ng kaso na kung saan ang pagsaway ay kinakailangan mayroong ilan na ganap na nakakaligtaan ang katotohanan na ang espiritu ng panginoon ay napighati at ang kaniyang gawain ay nasira.  Kahahabagan ng mga ito yaong nagtamo ng saway, Sapagkat ang personal na pakiramdam ay nasaktan.  Ang lahat ng hindi banal na simpatiyang ito, ay inilalagay ang mga nakikiramay kung saaan sila'y nakakabahagi sa kasalanan ng taong pinagkalooban ng saway. Sa siyam na pangyayari na mula sa sampu kung ang isa na sinaway ay iniwan sa ilalim ng pagkadama ng kanyang mga kamalian, maaari sana siyang matulungan upang kaniyang Makita ang mga ito at nang kaniyang mabago." Testimonies, vol 3, p 359 (Tingnan din ang Testimonies, vol 1, p 212-13).

     --Kung ating ipinagtatanggol ang sinumang kriminal mula sa tamang kaparusahan ng kaniyang mabigat na kasalanan lalo't higit sa kaso ng pagpatay gayong nalalaman natin na silay maysala kung gayon tayo ay nakakabahagi ng kanilang  kasalanan (tingnan ang SDA Bible Commentary, vol 2, p 999).
     --Yaong mga naghahasik ng pagtatalo, pagaaway- away, paghihinala, pagkakabahala-bahagi at pagpuna sa kanilang mga kapatid, ay sisingilin sa dugo ng bawat kaluluwang nailigaw dahil sa mga maling impresyon at di-napabanal na mga salitang ito - kabilang na maging yaong mga kaluluwa na naakay sa mali pagkamatay noong mga nag-akay sa kanila sa mali.
     "Ang maling impresyon na naitanim sa isipan ng mga tao ay maaaring manatiling tumagal hanggang sa ang mga gumawa ng mga ito ay patay na." Review and herald, April 27, 1897 (vol 3, p 460) (Tingnan din ang Mind, Character, and Personality, vol 2, p 399).

     --Kung ating tinatanggap ang sinuman na palalo,magpaamataas ,o hambog , kung gayon tayo ay "papapanagutin ng Dios sa pagpatibay sa kaniya sa isang mapanganib na kanlitinlang" Spalding and Magan Collection, p 333 (tingnan din ang Testimonies, vol 2, p 181).
     --Kung ating binibigyang papuri ang mga hindi-tapat at hindi-natalaga ,tayo ay makakaramay sa kanilang kasalanan (tingnan ang Testimonies, vol 3, p 88).
     --Maaari tayong makaramaxy sa kasalanan ng iba,kung tayo'gagawa ng masakit at hindi nararapat na gawa laban sa kanila sa (tingnan ang Signs of the Times, March 21, 1893).
     --Kung tayo ay sangkot sa anumang paraan sa paggawa, pamamahagi, o pagbebenta,o pag-aakay sa iba na umiinom ng alak ,kung gayon tayo ay may pananagutan sa lahat ng mga kasalanan na kanilang sanhi habang lasing! (ting nan ang Review and Herald, May 22, 1892; Temperance, p 28-29, 40-41; Ministry of Healing, p 341).
     --Kung ating piniling bumoto sa mga indibidwal, bagamat hindihindi kaanib ng anumang partido, kung gayon tayo ay responsible sa  mga nagawa nilang kasalanan ang (tingnan ang Gospel Workers, p 391-96; Fundamentals of Christian Education, p 475-86).
     --Kung ating piniling bumoto para sa alin-mang panukalang batas, na mag-aakay sa iba na labagin ang utos ng Dios, at ito'y nagging batas, kung magkagayon tayo ay responsable sa kasalanang kanilang ginawa (tingnan ang Temperence, p 255).

     Totoong karaniwan nang binababalaan ng Dios ang kaniyang bayan hinggil sa pananagutang panlipunan, sa sinasabing:
     "Huwag mong ipatong na madalian ang iyong kamay sa kanino man ,ni huwag kang makaramay sa kasalanan ng iba: ingatan mong malinis ang iyong sarili." 1 Timoteo 5:22.

     Ngunit ang maraming paraan saan tayo lamang natatapos sa mga bahagi ng personal at panlipunang panamagutang sa mga kasalanan ng iba dahil lamang sa tayo ay kaugnay o kaisa sa kanila !

Ang Samahang Pananagutan at Responsibilidad

     Ito ay isa sa mga bahagi  ng maraming tao, at walng-malay ang karamihan . Ngunit ito ay sa pinakamahalagang bahagi na dapat nating maunawaan kung nais makarating sa langit!

     Ang maga samahang pananagutan ay naka-sentro sa mga indibidwal na may pananagutan sa mga kasalanan ng iba dahiol sa kanilang pakikiisa, pagsapi, o pagsama pagsama sa mga grupo ng ibang indibidwal katulad ng mga iglesya, institusyon, mga  Kasapian, at iba, o kabuuan ng isang msamahan. Sa ganito ang sinumang indibidwal ay hindi personal na lumahok sa kasalanang nagawa ngunit sila ay responsible kasamma ng iba pa sa kanilang samahan dahil sa kanilang pakikipag-ugnayan o pakikiisa sa kabuuang samahang ito.
     Ang prinsipyo ng katotohanan is malinaw na itinuro sa salita ng Dios, na makikita sa 2 pangunahing bahagi-ang mga kasalanan ng mga kasapi na responsible, at ang mga kasalanan ng pamunuan ay ginawa ang buong pangkalahatang samahan bawat bahagi.
Ang mga kasalanan ng mga kasapi ay ginawa ang buong pangkalahatang samahan na Responsible

     Karamihan sa atin ay nakakaalam sa kaso ni Achan.Sinabi ng Dios sa kaniyang baying Israel  na huwag silang kukuha ng anumang samsam ng tagumpay sa Jerico, Sapagkat ang mga ito ay ahahandog sa panginoon Ngunit.
     Ano ang ginagawa ni Achan sa utos ng Dios? Kaniyang sinuway ang utos ng Dios sa pagkuha ng ilan sa mga samsam para sa kanyang tolda, sa ganito'y nakagawa ng kasalanang ito ? ay hindi makatao ang  amga kawal ng Israel ay hindi makatayo sa harapan ng kaniyang mga kaaway ,kundi sila'y tu malikaod at tumakas  mula sa mga lalaki ng Ai.
     Sinabi ng Dios sa atin:
     "Ngunit ang mag anak ni Israel ay nakagawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay :sapagkat si Achan...ay kumuha sa itinalagang bagay, at ang galit ng panginoon ay nagningas laban sa mga anak ni Israel....
     "Ang Israel ay nakasala, oo kanilang sainalangsang din ang aking tipan na aking iniutos sa kanila oo, sila'y kumuha rin sa itinalagang bagay, at nagnakaw rin, at sila'y kumuha rin sa itinalagang bagay, at angnakaw rin, at nagbulaan din, at sila'y anglagay rin sa kanilang sariling daladalahan.  Kaya't ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harp ng kanila mga kaaway, sapagkat silay nagging sinumpa." Josue 7:1, 11-12.

     Mahigit sa 36 na mga lalaki ang namatay dahil sa kasalanan ni Achan, Bagamat ang mga lalaking ito ay hindi sumuway sa Dios sa pagkuha ng mga samsam ng Jerico ! Ngunit bakit sila nangamatay ? Sapagkat si Achan lamang ang naka- gawa ng pagkakasala ,dahil sa siya kasapi ng Israel , ibiniling ng Dios ang responsable .Kaya dahil sa kasalanan ng isang tao, ang buong iglesya ay mananagot at Magdurusa.
     "Ang utos ng Dios ay winalang bahala ng isa na hinarang upang magsagawa ng kaniyang mga kahatulan. At ang bansa ay nanagot sa kasalanan ng mananalangsang...
     "Ang kasalanan ni Achan ay nagdala ng kapahamakan sa buong bansa. Dahil sa kasalanan ng isang tao, ang pagsimangot ng Dios ay tatahan sa iglesya hanggang  ang pagsalangsang ay makita at maalis." Patriarchs and Prophets, p 494 & 497 (tingnan din ang Testimonies, vol 3, p 265, 269, 517, vol 4, p 491, vol 5, p 676; Manuscript Releases #449, p 1-2).

     Ngunit higit pang malubha dito ang presensya ng Dios ay inalis mula sa pangkalahatang kabuuhan ng Israel sapagkat mayroong kasalanang sa kampo.
     "...akoy hindi na sasa inyo pa, malibansa inyong ang itinalagang bagay sa gitna ninyo." Josue 7:12.

     Kung kaya ang unang aspeto o bahagi ng pangkalahatang responsibilidad ay ang pagkakasala ng mga kasapi, kahit na maging ng isang tao lamang, ay ginagawang responsible ang pangkalahatang kasapi. Ngunit papaano naman ang mga kasalanan ng pamunuan - sila na mga nagpapatakbo at namamahala sa grupo, iglesya, institusyon, o organisasyon. Maaari ba na maging responsible ang pangkalahatang kabuuan sa makasalanang mga gawa ng kanilang pamunuan?

Ang Mga Kasalanan ng Pamunuan ay Ginagawang Responsable Ang Buong Pangkalahatang Samahan

     Marami sa atin ay nakakaalam sa mga pangyayaring naganap kay Abraham at sa kaniyang asawang si Sara--lalo’t higit sa pagsasabi ni Abraham kay Faraon at Haring Abimeleck na si Sara ay kaniyang kapatid lamang. Ngunit tanging sa Faraon at Haring Abimelech lamang ang ginawang responsible ng Diios sa pagkuha kay Sara bilang kanilang asawa? Hindi.
     "At sinalot ng Panginoon si Faraon at ang kaniyang sangbahayan ng malaking pagsalot..."
Genesis 12:17.

     "Nang magkagayo’y tinawag ni Abimelech si Abraham, at sa kaniya’y sinabi, Anong ginawa mo sa amin? At sa ano ako nagkasala laban sa iyo, na dinalhan mo ako at ang aking kaharian ng isang malaking kasalanan?" Genesis 20:9.

     Dahil dito, dahil sa mga maling gawa ng pinakamataas na pinuno - ang hari o pangulo - ang buong kaharian ay naging responsible. Ngunit hindi lamang sa mga kasalanan ng pinakamataas na pinuno kung kaya ang pangkalahatang kabuuan ay responsable, kundi maging sa mga kasalanan ng iba pang mga pinuno.
     Inutusan ng Dios si Jeremias na humayo at magsalita ng malakas, malinaw at nakahihiwang mga salita sa kaniyang bayan ng Israel. Ang pamunuan ng iglesya ay hindi nagustuhan ang mensaheng ito - lalo’t higit ang bahagi na tungkol sa pagkabagsak ng iglesya mula sa biyaya ng Dios at pagkalinga, na naging kaugnay ng Babilonia, at nasa ilalim ngh ganap na pamamahala nito (tingnan ang Jeremias 21:4-6, 27:2-6 & 12, 28:14, 32:3 & 28, 29:5-6 & 28, 37:9, 25:9-11).

     Hindi na kinakailangang sabihin, na hinuli ng pamunuan ng iglesya si Jeremias at dinala siya sa harapan ng kanilang kapulungan at ito ang kanilang sinabi:
     "Nang magkagayo’y nagsalita ang mga saserdote at ang mga propeta sa mga prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Ang lalaking ito ay marapat patayin; sapagkat siya’y nanghula laban sa bayang ito..." Jeremias 26:11.

     Nang marinig ni Jeremias ang kanilang mga salita, kaniyang sinabi sa kanilang magagawasa kaniya ang kanilang naisin, ngunit kinakailangan nilang maunawaan muna ang pinakamahalagang prinsipyo. Nang magkagayo’y kaniyang sinabi sa kanilang lahat ang prinsipyong ito:
     "Talastasin lamang ninyong mabuti  na kung ako’y inyong ipapatay, kayo’y magdadala ng walang salang dugo sa inyo at sa bayang ito, at sa mga nananahan dito..." Jeremias 26:15.

     Kung kaya hindi lamang ang  pamunuan ng iglesya ang nananagot sa kamatayan ni Jeremias, kundi ang kaniyang dugo ay sisingilin sa bayan o iglesya, at sa lahat ng mga nananahan o kasapi dito! Dahil sa mga makasalanang gawa ng pamunuan, ang buong pangkalahatang samahan - ang mga kasapi at lahat - ay magiging responsable rin.

     Ang prinsipyong ito na nakalimutan ay ipinakita rin sa Bagong Tipan.
     Pagkatapos ng Pentecostes, si Pedro ay nagsalita sa bahay ng Israel na natititpong magkakasama mula sa lahat ng mga bayan. At ito ang kaniyang sinabi sa kanila:
     "Pagkatalastasin nga ng buong angkan ni Israel , na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Hesus na inyong ipinako sa krus." Gawa 2:36.

     Ngunit sino ba ang totoong pumatay kay Hesus? Ang pinakamataas na pamunuan ng iglesya ng Judio sa pakikiisa sa pamahalaang sibil ng Roma . Ngunit sinabi ni Pedro na ang lahat ng mga kasapi ng iglesya ng Judio ay nagkasala sa pagpapako sa Panginoon sa Krus - maging yaong hindi  nakakakilala kay Hesus! Kaya hindi lamang pamunuan ng iglesya ay may pananagutan sa kanilang mga nagawang kasalanan sa tungkulin, kundi ang buong sangbahayan ng Israel ay sama-samang responsable rin. Bakit? Sapagkat sila’y kaugnay , at kasapi ng iglesya ng Judio!
     Kung kaya, dahil sa mga kasalanan ng pamunuan ng iglesya, ang buong iglesyang katawan ay nagiging makasalanan din! At ang prinsipyong ito ay malinaw na nakasaad:
     "Ang kasalanan ng isang bayan at ang pagkapahamak ng isang bayan ay dahil sa mga pinuno ng relihiyon." Christ's Object Lessons, p. 305 (tingnan din ang Desire of Ages, p 738).

     Kung kaya ang kasalanan at pagkapahamak ng isang buong bansa ay dahil sa mga gawa ng pamunuan ng kanilang iglesya. Ngunit ano ang mga bunga sa pagiging sama-samang responsable sa mga kasalanan ng masamang pamunuan ng iglesya dahil sa ikaw ay kasapi, kasama o kaugnay sa iglesyang yaon?
     "Dinggin nyo ito, oh ninyong mga saserdote (o mga ministro); at inyong pakinggan ninyong sangbahayan ni Israel [o iglesyang katawan]; o inyong ulinigin, oh sangbahayan ng hari [o ang pinakamataas na pamunuan]; sapgkat sa inyong nauukol ang kahatulan...
     "Sila’y magssiyaong kasama ng kanilang kawan at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon; ngunit hindi nila masusumpungan siya; Siya’y umurong sa kanila. Sila’y nagsigawa ng paglililo laban sa Panginoon; sapagkat sila’y nag-anak ng ibang mga anak..." Oseas 5:1, 6-7.

     Ano ang gagawin ng Dios kaugnay sa mga kasalanan ng iglesya? Siya’y uurong mula sa kabuuhang iglesya. Kaya, maging yaong ilang kasapi na nagsisikap ng mapanagumpayan ang lahat nilang mga kasalanan, at naniniwala lamang sa dalisay na katotohanan, ay ipinalagay na “ibang mga anak” sa Dios dahil sa kanilang kaugnayan sa kanilang masamang iglesya!
     Ngunit hindi lamang ito ang laki ng paakikitungo ng Dios sa masamang iglesya:
     "Makipagtalo kayo sa inyong ina, makipagtalo kayo; sapagkat siya’y hindi ko asawa, ni ako man ay kanyang asawa; at alisin niya ang kanyang pagpapatutot sa kanyang mukha, at ang kanyang mga pangangalunya sa pagitan ng kanyang mga suso..." Oseas 2:2.

     Ano ang kasalanan ng piniling iglesya ng Dios sa talata sa itaas? Pagpapatutot. Papaano makapagpapatutot ang piniling iglesya ng Dios?
     Ano ba ang relasyon ng iglesya kay Cristo? Isang tapat na asawa ngunit kung piliin ng asawang ito na huwag nang mamuhay para kay Cristo at sa kanya lamang at humiwalay sa kanyang asawa, na nakipag-isa o nakisama sa ibang mangingibig o sa maraming mangingibig, siya’y gumagawa ng pangangalunya o pagpapatutot. Siya kailanman ay hindi isang tapat na asawa ni Cristo, kundi naging isang patutot na iglesya. At pakiusap na unawain na ang iglesya mismo ay hindi nakagawa ng literal ng pagpapatutot, kundi ang pamunuan ng iglesya ang pumili na ipakipag-isa ang buong iglesya sa mapangalunyang pag-ibig sa ibang mga iglesya o relihiyong mga bansa.

     Ano ang tugon ng Dios sa isang dating tapat na asawa na naging patutot na iglesya? Kanyang unang tinawag siya na lumayo sa mula sa kanyang pagpapatutot. Ngunit dahil tumanggi siyang magsisi, isinaisantabi siya ng Dios; kanyang pinalayas siya; o sa ibang salita, kanyang binigyan siya ng “sulat ng paghihiwalay” (tingnan ang Jeremias 3:6-8). Hindi na siya ang asawa ng kanyang dating piniling iglesya, at hindi na Niya asawa ang iglesya! At ang lahat ng ito ay dahil sa mga makasalanang gawa ng pamunuan ng iglesya.
     Ngunit papaano naman ang mga kasapi ng patutot ng iglesyang ito? Sila ba’y isinaisantabi rin kasama rin ng kanilang inang iglesya-hindi na ipinapalagay na bilang anak ng Dios? Malinaw na sinasabi ng Dios sa atin:
     "Oo, sa kanyang mga anak ay hindi ako magdadalang habag; sapagkat sila’y mga anak sa patutot. Sapagkat ang kanilamng ina’y nagpatutot; siya na naglihi sa kanila ay gumawa ng kahiyahiya..." Oseas 2:4-5.

     Kahit na ang pamunuan ng iglesya ang nagsangkot sa iglesya sa mapagpatutot na pag-ibig, ang lahat ng kasapi - ang mga anak o supling ng hindi tapat na inang ito ay itinuturing na nagkasala din ng pagpapatutot. Kung kaya ang lahat ng kasapi ng iglesya ay hindi na mga anak nga Dios, kundi itinuturing ng Dios bilang "mga anak ng patutot" at "anak sa ligaw" dahil sa kanilang kaugnayan at pakikiisa sa kanilang patutot na iglesya at ina!

     Habang ang prinsipyong ito ng pangkalahatang responsibilidad na ibinigay ng Dios ay patuloy na umiiral ngayon, sapagkat ang Dios ay hindi nagbabago (tingnan ang Santiago 1:17; Hebreo 13:8), ang iglesya ba na ating kinaaaniban at kinauugnayan ay nakagawa ng pagpapatutot?
     Ang iglesya Romano Katoliko ay patutot na iglesya sa maraming mga taon (tingnan ang Apokalipsis 17:1-6, 13:1-8; Daniel 7:7-25; Spirit of Prophecy, vol 4, p. 232-233). Ang mga supling o anak ng Roma - lahat ng Protestanteng iglesya (Lutheran, Baptist, Methodist, Pentecostal, Presbyterian, etc.) ay mga patutot din, na tinanggihan ang mga mensahe ng una at ikalawang mga anghel na isinugoi ng langit (tingnan ang Apokalipsis 17:5, 13:14-17; Spirit of Prophecy, vol 4, p. 231-232). Ngunit papaano naman ang mga kapatid ng mga protestanteng iglesya--o ang iglesya ng Seventh Day Adventist? Siya rin ba ay naging patutot?
     "Sino ang tapat na makapagsasabi na ang ating ginto ay dinalisay sa apoy, ang ating mga kasuotan ay hindi nadungisan ng sanlibutan.
     "Nakita ko ang ating tagapagturo na tumuturo sa damit ng tinatawag na katuwiran. Kanyang hinubaran sila, nahayag ang karunihan sa loob, nang magkagayon kanyang sinabi sa akin `Hindi mo baga nakikita kung paanong kanilang pinagtakpang may karangyaan ang kanilang karumihan at kabulukan ng pag-uugali?  Papaanong ang tapat na bayan ay naging patutot. Ang tahanan ng aking Ama ay naging tahanan ng kalakal, ang lugar na kung saan ang makalangit na presensiya at kaluwalhatian ay umalis na.'" Testimonies, vol 8, p 250.

     Ipinahayag mismo ni Cristo ang iglesya ng Seventh-day Adventist bilang isang patutot!  Kung gayon ano ang magiging kahinatnan ng bawat kasapi ng iglesya ng SDA?  Malinaw na sinabi ng Dios sa atin sa Oseas 2:4:
     "Oo, sa kaniyang mga anak ay hindi ako magdadalang habag; sapagkat sila’y mga anak sa patutot."

     Kaya kung tayo ay mga kasapi ng alinmang patutot na iglesya - Romano Katoliko, alinman sa mga iglesya ng Protestante, o maging ng iglesya ng SDA - kung gayon tayo ay responsable sa pangkalahatan sa katakut-takot na kasalanan ng ating iglesya.  At habang tayo ay nananatiling nakaugnay sa ating patutot na inang iglesya, kung gayon ang Dios ay hindi magdadalang-habag sa atin!
     Ang Dios ay tumitingin sa lahat ng mga kasapi ng lahat ng iglesyang patutot - na walang pagsasa-alang-alang sa mga tao na naglagay ng pagkabahala sa lahat ng mga kasalanan at kasuklam-suklam ng iglesya, ngunit patuloy na nananatiling nakaugnay sa kaniya (tingnan ang Gawa 10:34)--bilang kaisa o kasiping ng patutot!  Kung kaya sila ay hindi mga anak ng Dios, hindi mga anak ng patutot.
     "Hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong mga katawan ay mga sangkap ni Cristo?  Kukunin ko nga baga ang mga sangkap ng isang patutot?  Huwag nawang mangyari.  O hindi baga ninyo nalalaman na ang nakikisama sa patutot, ay kaisang katawan niya?  Sapagkat sinasabi niya, Ang dalawa ay magiging isang laman." 1 Corinto 6:15-16.

     Ang salitang Griego na "joined" ay nangangahulugan na makisama (Strong’s #2853).  Sinsabi ni Pablo sa bayan ng Dios na kung sila’y kaisa o kasama ng isn\ang patutot, sila’y ipinapalagay o itinuturing na isang katawan at isang laman - hindi na dalawang sangkap, kundi isa!
     Sinasabi rin ng Dios sa atin:
     "Makalakad baga ang dalawa na magkasama liban na sila’y magkasundo?" Amos 3:3.

     Kung tayo’y kasapi ng isang patutot na iglesya, kung gayon hindi na tayo dalawang sangkap, kundi kaisang laman ng iglesya sa pagpapatutot.  At hindi tayo maaaring makasama sa pagiging kasapi kung wala ang ating pahintulot, o wala ang ating kasunduan na manatiling kasapi.  Kung kaya sa pamamagitan ng ating pagpili at pagkakasundo na patuloy na maging kasapi at kaisa ng patutot na iglesya, tayo ay magiging responsable sa pangkalahatan sa pagpapatutot at hindi na anak ng Dios.

     Ngayon ang iba ay walang pagkabatid na ang kanilang iglesya ay patutot, o maunawaan man lamang ang prinsipyong ito ng pangkalahatan o sama-samang responsibilidad.  Marami ang naging mga kasapi ng kanilang patutot na iglesya nang isilang, at sa ganito hindi nila pinili ang gawin ito.  Ngunit pagkatapos na kanilang malaman ang katotohanan, ngunit pinili na patuloy na manatiling kasapi.  Kung magkagayon hindi na sila mangmang, at magiging makasalanan sa pangkalahatang kasalanan.
     Ano ang ating magiging kaparusahan kung ating pinili na manatiling nakaugnay sa isang patutot na iglesya?  Tayo ay mamamatay na kasama niya!
     Hindi lamang si Achan ang namatay, kundi lahat ng nakaugnay sa kaniya - kasamang kaniyang buong sangbahayan!  Bagamat, hindi nakilahok ang kanyang sangbahayan sa pagnanakaw sa mga samsam, ngunit sila’y namatay na kasama niya, sapagkat sila’y iisang laman.
     "At kinuha ni Josue, at ng buong Israel na kasama niya, si Achan na anak ni Zera, at ang pilak, at ang balabal, at ang dila na ginto, at ang kanyang mga anak na lalake at babae, at ang kanyang mga baka, at ang kanyang mga asno, at ang kanyang mga tupa, at ang kanyang tolda, at ang lahat niyang tinatangkilik...at binato siya ng mga bato ng buong Israel, at sinunog nila sila sa apoy, at binato sila ng mga bato." Josue 7:24-25.

     Malinaw na sinasabi ng Dios sa atin:
     "Lumakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; ngunit ang kasama  ng mga mangmang (yaong mga humiwalay sa Dios at sa kaniyang karunungan) ay mapapariwara." Kawikaan 13:20.

     Kaya kung tayo ay masumpungan na kasama ng mga iglesya na lumayo mula sa Dios at sa kanyang karunungan, kung gayon tayo ay mapapariwarang kasama nila.

     Malinaw ding sinabi ng Dios kung ano ang mangyayari sa pader, o gusali na itinatayo ng kaniyang bayan, na ang pundasyon ay hindi nakatatag kay Cristo:
     "Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin.  Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa, at aking ilalagpak sa lupa, na anupa’t ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw, at mababagsak, at kayo’y malilipol sa gitna niyaon; at inyong malalaman na ako ang Panginoon....
     "Sa makatuwid, bagay ang mga propeta ng Israel na nanganghuhula tungkol sa Jerusalem, at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan at walang kapayapaan, sabi ng Panginoong Dios." Ezekiel 13:13-14 & 16.

     Kung kaya hindi lamang ang gusali ang nabagsak sa galit ng Dios, kundi maging ang lahat ng nanatili sa loob ng gusali: At ang relihiyosong gusali ito?  Ang Jerusalem - ang patotot na Iglesya!

     Maraming mga tao ang taliwas na nag-akala at nag-alinlangan na ang Iglesya ng Jerusalem ay naging patutot, ngunit malinaw na sinabi ng Dios:
     "Ano’t ang tapat na bayan (Jerusalem - tingnan ay talata 1) ay naging tila patutot!  Noong una siya’y puspos ng kahatulan, katuwiran ay tumatahan sa kaniya, ngunit mga namamatay-tao." Isaias 1:21.

     "Dahil sa paghihiwalay sa Panginoon, at pakikipagkaisa sa pagano, na ang iglesyang Judyo ay naging patutot; At ang Roma. Sa ganoon ding paraan ay pinabulok ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paghahangad ng tulong ng mga makasanlibutang kapangyarihan, ay tumanggap ng kaparehong kahatulan." Great Controversy, p 382.

     "Pagkatapos na nagsalita ng tungkol sa katapusan ng sanlibutan, si Hesus ay bumalik sa Jerusalem, ang siyudad na noon ay nauupo sa kapalaluan, at kahambugan, at nagsasabi , `Ako’y nakaupong reina, at hindi ko makikita kailanman ang pagluluksa' (tingnan ang Apok. 18:7)." Selected Messages, book 3, p 417.

     Kaya ang Jerusalem ay naging patutot ng Babilonia na katulad din ng iglesya ng romano Katoliko!  At sino ang espiritwal na kumakatawan sa Jerusalem ngayon?  Ang alinmang iglesya na dating pinili ng Dios, ngunit humiwalay sa kaniya - na naging patutot - kabilang ang iglesya ng SDA (tingnan ang Testimonies, vol 8, p 67-68).
     Ano ang sinasabi ng Dios sa atin na mangyayari sa Jerusalem - o sa lahat ng mga patutot na iglesya?  Ang kanilang gusali ay mangababagsak, at ang lahat na masumpungang nakaugnay sa kaniya ay mababagsak na kasama niya, sapagkat sila’y sama-samang nanagutan.

     Kung ganon, papaano natin maililigtas ang ating sarili mula sa pagkawasak na kasama ng mga masasama sa kalagitnaan ng patutot na iglesya?
     Sa bilang Kapittulo 19, sinasabi ng Dios sa kaniyang bayan kung paanong kanilang matatakasan ang pagkawasak.

     Noong una, ang mga manggagawa ng Dios ay kinakailangang madalisay bago sila makapgministeryo at makagawa para sa Dios.  Ngunit kung sila’y nagkaroon ng kaugnayan sa isang patay na katawan, sila’y magiging marumi sa paghipo at di-angkop na gumwa para sa Dios.  Hindi kinakailangan sa yakapin o sunggaban ng manggagawa ang patay na katawang ito bago siya magimng marumi; ang kinakailangan lamang ayang bahagyang paghipo - maging mula sa lupi ng kanyang damit - at sapat na ito upang maging marumi ang kanyang buong pagkatao.  At mayroon lamang tanging paraan na pinili ang Dios na kung saan ang manggagawang ito ay malinis at nakagawang muli sa Dios.
     Ipinahayag ng Dios na kinakailangang ihiwalay ang maruming manggagawang ito mula sa kampamento ng Israel, at dalawang ulit malinis.  At sinumang manggagawang tumangging gawin ito, ay ihihiwalay mula sa pagiging bahagi ng bayan ng Dios (tingnan ang mga Bilang 19:12, 20).

     Napapaloob sa paraan ng paglilinis na ito ang dumadaloy sa dalisay na tubig na nahahalo sa mga abo ng isang pulang dumalagang baka na inihandog at sinunog.  At  ang sanga ng isopo ay itutubog sa pinaghalo at iwiwisik sa taong marumi sa dalawang nagkaibang panahon.  Sila’y malilinis na at makagagawa nang muli para sa Dios - na tinatanggap na Niya (tingnan ang Bilang 19:11-19).  Ngunit, kung pagkatapos na maging malinis, ang manggagawa ng Dios ay muling magkaroon ng kaugnayan sa patay na katawan, kung gayon sila’y marumi at kinakailangang dumaan muli sa paraan ng paglilinis.
     Ano ang espiritwal na kumakatawan sa handog na pulang baka?  Si Hesus.  Ano ang kinakatawan sa dumadaloy na dalisay o malinis na tubig?  Ang Banal na Espiritu.  Ano ang kumakatawan sa mga manggagawa ng Dios?  Mga nagpapanggap na tagasunod ni cristo.  At ano ang kumakatawan sa patay na katawan?  Ito’y kumakatawan sa ilang bagay na patay sa espiritu (tingnan ang SDA Bible Commentary, vol 4, p 1176) o isang iglesya na patay sa espiritu - patay sa kasalanan, kasamaan, kabulukan, at pagtalikod.  At ano ang kumakatawan sa paghipo sa patay na katawang ito o patutot na iglesya?  Ito ay kumakatawan sa anuman na mag-uugnay sa mga nagpapanggap na tagasunod ni Cristo sa tumalikod na Iglesya - kabilang na ang pagiging kasapi!  Sa ganito, ginagawa tayong lahat na marumi at hindi akma na gumawa para sa Dios kung ating mga pangalan ay nakatala sa mga aklat ng isang marumi at patutot na iglesya.
     Sinasabi ng Dios sa atin:
     "Kung ang sinumang marumi dahil sa bangkay ay, masagi ang anuman sa mga ito, magiging marumi baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot at nangagsabi, Magiging marumi.  Nang magkagayo’y sumagot si Haggai, at nagsabi Gayon nga ang bayang ito, at gayon ang bansang ito sa harap ko, sabi ng Panginoon; at gayon ang bawat gawa ng kanilang mga kamay; at ang kanilang inihahandog doon ay marumi." Hagai 2:13-14.

     Kung kaya ang sinumang nakaugnay sa isang patutot na iglesya- maging sa pamamagitan ng bahagyang paghipo o pakikiisa- ay magiging marumi sa paghipong ito at hindi na maaaring gamitin ng Dios sa kalagayang marumi.  At ang manggagawa sanang ito ng Dios ay mananatiling walang halaga sa kaniya, gaano man kalaki ang pagsisikap at panahong kanilang gugulin sa pagpipilit na paglingkuran Siya, hanggang sa kanilang sundin ang natatanging paraan na ibinigay ng Dios para sa kanila upang maging malinis.
     Ano ang napapaloob sa proseso ng paglilinis na ito?  Ang kaparehong pamamaraan na itinuro ng Dios sa mga Bilang 19.  Ang marumi na magiging manggagawa ng Dios mngayon ay kinakailangang lumabas sa kampamento, na lubusang humiwalay mula sa kanilang marumi at patutot na iglesya, na aalisin ang lahat ng kaugnayan - pagiging kasapi at lahat sa patay na katawang yaon.  At tanging pagkatapos na sila’y lubos na humiwalay mula sa kampamento, na sila’y espiritwal na malilinis sa pamamagitan ng mga abo sa dumadaloy na malinis na tubig sa isopo - o lubos na malilinis (isopo) mula sa lahat nilang personal (kabilang ang panlipunan) at pangkalahatang kasalanan (malilinis na makalawa) sa pamamagitan ng paglilinis ng Banal na Espiritu (dumadaloy na malinis na tubig) at ang handog ni Hesu Cristo (mga abo ng pulang baka).
     Pagkatapos na tayo ay malinis mula sa kasalanang pangkalahatan at responsibilidad, babalik pa bang muli tayo at makikisama sa patutot na iglesya, o anumang ibang patutot na grupo para sa bagay na yaon?  Hindi, hindi kung nais nating maging manggagawa ng Dios ay matanggap niya.

     Maraming tao ang makauunawa na dapat silang malinis mula sa kasalanang personal nilang nagawa, ngunit sila’y walang malay na para bagang sila’y bulag - na sila’y dapat ding malinis mula sa pangkalahatan o samahang kasalanan. Ngunit malinaw na nauunawaan ni Cristo ang paksang ito at malinaw niyang inihayag ang mahalagang katotohanang ito sa Kaniyang bayan:
     "At siya’y dumating sa Botsaida; at dinala nila sa Kanya ang isang lalaking bulag, at ipinamanhik sa Kaniya na siya’y hipuin. At hinawakan Niya sa ang lalaking bulag, at dinala Niya sa labas ng nayon; at nang maluraan ang Kaniyang mga mata, at maipatong ang Kanyang mga kamay sa kanya, ay Kaniyang tinanong siya, Nakakakita ka baga ng anuman? At siaya’y tumingala , at nagsabi, nakakakita ako ng mga tao; sapagkat namamasdan ko silang tulad sa mga punongkahoy na nagsisilakad.
     "Saka ipinatong na muli sa kaniyang mga mata ang mga kamay Niya ; at siya’ay tumitig, at gumaling , at nakita niyang maliwanag ang lahat ng mga bagay. At pinauwi Niya siya sa kaniyang tahanan , na sinasabi , Huwag kang pumasok kahit sa nayon..." Markos 8:22-26.

     Ang bulag na lalaking ito ay hindipinagaling sa loob ng nayon, kundi kinakailangang ihiwalay mula sa kabuuang katawan na yaon bago siya maging malinis ng kanyang pagkabulag. Ilang panggagamot o paglilinis ang kinakailangan ng bulag na lalaking ito bago siya naging ganap na malinis? Dalawa! At bago siya ganap na gumaling ano ang kinakailangan ng niyang gawin sa kaniyang mga mata? Kinakailangan niyang tumingala.Pagkatapos na siya’y ganap na malinis, inutusan siya ni Cristo na huwag ng bumalik papasok sa nayon na kung saan siya inihiwalay. At ganitong-ganito ang paraan na pinili ng Dios para sa kanyang bayan na susundin ngayon tungkol sa pakikipagkaisa, pagiging kasapi o pakikipagugnay sa patutot na iglesia ng Babilonia.

     Ang kaparehong katotohanan ang makikita sa karanasan nila Abraham at Sara.
     Si Abraham at Sara ay nanirahan sa Ur ng mga Caldeo, o Babilonia , at kung saan isang bulok , mapagsamba sa Dios-Diosan, relihiyoso, at matatag na bansa. At ano ang utos ng Dios kay Abraham at Sara na dapat gawin?
     "Sinabi nga ng Panginoon kay Abraham, “Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay para sa lupaing ituturo ko sa iyo."  Genesis 12:1.

     Inutusan ng Dios si Abraham na pisikal na ihiwalay ang kanyang sarili mula sa kanyang matatag, bulok, relihiyosong bansa, at mula sa lahat ng tumangging iwanan ang kanilang mga kasalanan at iwanan ang kanilang bulok na bansa- kahit na ang mga ito’y kanyang malapit na kapamilya.

     Ano ang gianwa ni Abraham? Kaniya bang tinanong ang Dios kung bakit kinakailangan niyang umalis sa panahon na yaon? Hindi.Sinunod ba niya ang kanyang sariling katuwiran na nagkakamali at pagkakahilig na manatili sa loob ng bulok na bansa sa pag-iisip na maari niyang mabago ito sa pamamagitan ng kanyang matuwid na halimbawa at sa pamamagitan ng pagsaway sa mga kasalanan at kasuklamsukalam ng mga kasapi ng kanilang bansa? Hindi.Siya ba’y nagpaliban sa pagsunod, na naghihintay nasabihin sa kanya ng tumalikod na bayan at bansa na kanyang kinabibilangan na umalis na o patalsikin siya, at nang sa gayon siya’y sumusunod sa Dios? Hindi.Walang pagaalinlangang sinunod ni Abraham ang Dios, at "yumaon, na hindi nalalaman kung saan siya paroroon." (tignan ang Hebreo 11:8). At si Abraham ay kinailangang magpakita ng pananampalataya sa Dios, at magtiwala sa kaniya na ginagabayan siya pagkatapos ng kanyang gawin ang unang hakbang sa pagsunod.
     "Nang utusan ng Dios si Abraham na lisanin ang kaniyang basa at mga kaibigan, maaari siyang mangatwiran at tanungin ang mga panukala ng Dios tungkol dito. Ngunit siya’y nagpakita na siya’y may sakdal na pagtitiwala na ang Dios ang umaaakay sa kanya... Siya’y yumaon sa utos ng Dios. Ito ay aral sa bawat isa sa atin. Kapag ang tungkulin ay para bagang nag-aakay sa atin na kasalungat sa ating mga pagnanasa, tayo’y dapat na magkaroon ng pananampalataya sa Dios." Manuscript Releases, vol 10, p 118 (Manuscript #19, Marso 13, 1886).

     Tinanggap ba ni Abraham ang tipan ng pagpapala nang siya ay kasapi ng Ur ng Caldeo o Babilonia? Hindi.Kinakailangan muna niyang sundin ang utos ni Hesus at humiwalay na aalisin ang lahat ng kaugnayan sa Babilonia bago niya natanggap ang tipan ng pagpapala. Ang lahat ng pag-aari ni Abraham ay pangako ng kagandahang loob ng Dios. Ngunit tanging sa kundisyon ng pagsunod na sa kaniya’y ipinagkaloob ang pangakong ito.
     "Pinili ng Dios si Abraham bilang kaniyang mensahero upang maghatid ng liwanag sa sanlibutan. Ang salita ng Dios ay dumating sa kaniya, hindi sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mapanghibong hinaharap sa buhay na ito na may malaking kinikita , ng malaking pagpapahalaga at makasanlibutangkarangalan. “Umalis ka sa iyong lupain at sa iyong mga kamganak, at sa bahay ng iyong ama na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo, ang makalangit na mensahe kay Abraham. Ang patriarka ay sumunod, at yumaon, na hindi nalalaman kung saan paroroon, bilang tagapagdala ng liwanag ng Dios, upang panatilihingbuhay ang Kaniyang pangalan sa lupa. Kaniyang inwan ang kaniyang lupain, kaniyang tahanan kaniyang mga kamag-anak at lahat ng kawiliwiling samahan na naugnay sa maaga niyang buhay upang maging isang manlalakbay at dayuhan.
     "Bago siya magamit ng Dios, si Abraham ay kinakailangang maihiwalay mula sa kaniyang mga dating mga kasamahan, upang hindi siya mapigil ng impluwensiya ng tao o magtiwala sa tulong ng tao. Ngayon na siya ay kaugnay na ng Dios, ang taong ito ay kinakailangan ng magsimulang tumahan kasama ng mga di-kilala. Ang kaniyang pag-uugali ay dapat na maging natatangi na naiiba sa buong sanlibutan. Hinbdi rin naman niya maipaliwang ang kaniyang mga hakbang na ginagawa upang maunawaan sana ng kaniyang mga kaibigan, sapgka’t sila’y mga mananmba sa diyus-diyosan. Anfg Ang mga bagay ng espiritu ay mauunawaan sa espiritu, anupa’t ang kaniyang mga motibo at mga gawa ay di -maabot ng pang-unawa ng kaniyang mga kamag-anak at kaibigan.
     "Ang hindi-nagaalinlangang pagsunod ni Abraham ay isa sa pinakakapansingpansing halimbawa ng pananampalataya at pagtitiwala sa Dios na masusumpungan sa Banal na Talaan. Mayroon ng tanging hubad na pangako na tatamuhin ng kaniyang ianapo ang Canaan, na wala kahit ang pinakamaliit na panlabas nakatunayan, siya’y sumunod kung saan akayin ng Dios, na lubos at may katpatang tumatalima sa mga kundisyon sa kaniyang panig, at may pananalig na tapat na gagawin ng panginoon ang Kaniyang salita. Ang patriarka ay yumaon kung saan ituero ng Dios ang kaniyang tungkulin; siya’y dumaan sa mga kagubatan na hindi natatakot; siya’y pumunta sa mga sa mga bansang mapagsamba sa diyus-diyusan, na may isang pag-iisip: `Ang Diios ay nagsalita; Aking sinunod ang Kaniyang tinig; Kaniyang papatnubayan Kaniyang ipagsasanggalang ako.'
     "Tanging ganong pananampalataya at pagtitiwala na mayroon si Abraham ang kinakailangan ng mga mensaghero ng Dios ngayon. Ngunit marami sa maaring magamit ng Panginoon ay hindi gumagawa ng pagsulong, na dinirinig at sinusunod ang isang tinig ng higit sa ibang mga tinig. Ang kaugnayan sa mga kamag-anak at kaibigan, ang mga dating kaugalian at kasamahan, ang madalas na may malaking kapangyarihan sa mga lingkod ng Dios upang Siya’y makapagbigay ng bahagyang aral lamang, makapangusap sa kanila ng maliit na kaalaman lamang ng Kaniyang mga layunin, at madalas pagkatapos ng panahon Kaniyang ihihiwalay sila at tatawag ng iba na ipagpapalit sa kanilang lugar, na Kaniyang susubukin at susuriin sa kaparehong paraan. Ang panginoon ay makagagawa ng higit para sa Kaniyang mga lingkod kung sila’y nakatalaga ng lubos sa Kaniya, na pinahahalagahan ang Kaniyang gawain ng higit sa kaugnayan ng kamag-anak at lahat ng ibang makalupang samahan." Testimonies, vol 4, p 523-24.

     Kailan naging tagapagdala ng liwanag ng Dios si Abaraham at naging karapat-dapat na maging manggagawa ng Dios? Pagkatapos na siya’y humihiwalay; ibig sabihin na hindi siya tagapagdala ng liwanag ng Dios at hindi maaaring manggagawa ng Dios habang patuloy na kabahagi, kaugnay sa Babilonia! Nais ng Dios na si Abraham ay Kaniyang maging tagapagdala ng liwanag at manggagawa, ngunit kinakailangan munang masubukan si Abraham upang makita kung kaniyang susundin ang Dios at hindi ang sinuman- kabilang ang kaniyang sariling damdamin.
     Magagamit ba ng Dios si Abraham bilang Kaniyang mangagawa siya’y bahagi ng Babbilonia-nang bulok na relihiyosong bansa sa kaniyang kinaaaniban? Hindi. "Bago siya nagamit ng Dios si Abraham ay kinakailangang maihiwalay" mula sa lahat ng nakabubulok na impluwensiya. Nang siya ay umalis, na di nalalaman kung saan paroroon, siya ba ay nagtiwala sa kaninumang tao o impluwensiya nfg tao na aakay sa kanya sa tamang landas? Hindi.Siya’y nagtiwala sa Dios lamang. Maluwag sa kalooban na pinili ni Abraham na humiwalay mula sa lahat ng kaugnayan sa kaharian ng Babilonia ni Satanas, na siya’y nagkaroon ng kaugnayan sa Dios!
     Ngayon muli bang iniugnay ni Abraham ang kaniyang sarili pabalik sa bulok na relihiyosong bansa na kaniyang iniwanan? Siya ba ay bumalik sa Ur ng mga Caldeo? Hindi na. Mayroong poder ng paghihiwalay sa pagitan niya ta ng ibang taga mga Babilonia; siya’y kinakailangang maging dayuhan, ang kaniyang ugali na natatangi na naiiba sa lahat. (Para sa karagdagang pag-aaral, maaaring sumulat para sa babasahing Magkaroon ng Liwanag : Kasaysayan ng Paghihiwalay sa Bilblia--Una at Ikalawang Bahagi, sa address na ibinigay sa babasahing ito).

     Sa katunayan, hindi magdadalantao si Sara ng isang binhi-upang magbunga ng isang bagong nilalang sa likas ng Dios-hangang sa maging siya ay lubusang inihiwalay mula sa Basbilonia at sa lahat ng nakabubulok nitong samahan. At ganundin sa napapangarap na bayan ng Dios, at sa mga magiging manggagawa, ngayon. Walang isa man na nagpapanggap na bayan ng Dios o magiging mangagawa ang magiging karapat-dapat na magkaroon ng kaugnayan sa Dios; ang karapatdapat na magamit ng Dios, habang sila’y nanatiling nakaugnay sa anumang paraan sa patotot na kaharian ng Babilonia.

     Walang posibleng paraan na ang sinumang tao ay lubos na malinis mula sa lahat ng batik at mantsa ng kasalanan habang sila’y nananatiling nakaugnay at nakikiisa sa isang bulok at tumalikod na iglesya na nabubuhay sa pagpapatutot! Ito ang dahilan kung bakit inihayag ng Dios na ang Kaniyang bayan ay makasusumpong ng kanilang kalayaan mula sa kasalanang personal at pangkalahatan sa labas ng bulok na iglesya, at tanging yaong mga umiibig ng sukdulan sa Dios ang pipili na sundin ang kalooban ng Dios at lalakad sa matuwid at makipot na landas na ito ng paghihiwalay.
     Yaong mga tumangging humiwalay mula sa alinmang patutot na iglesya ng Babilonia, ay mananatiling bulag, at magdaranas ng hirap ng galit ng Dios kasama ng kanilang iglesya. Ngunit hindi ibig ng Dios na ang sinuman ay ay magdanas ng Kaniyanng galit, kung kaya patuloy na ibinibigay ang katotohanan na mas maliwanag.

     Ngunit ang ilan ay magtatanong; papaano yaong lahat ng mabuti at matuwid na tao na nasa loob ng iglesya? Siguradong hindi papatayin ng Dios ang matuwid na landas lamang sa sila ay kasapi ng patutot ng iglesya na nauukol na sa pagkaawasak?
     "Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa dakong Jerusalem...at sabihin mo sa lupain ng Israel, ganito ang sabi ng Panginoon; Narito, ako’y laban sa iyo, at aking bubunutin ang aking tabak sa kalaban, at ihihiwalay ko sa iyo ang matuwid at ang masama." Ezekiel 21:1-3.

     Ano ang mangyayari sa mabuti at sa matuwid na tao na nanatili sa samahan ng masasama sa patutot na iglesya? Sila ay ihihiwalay at igigiba na kasama ng kanilang mga kasamahang masasama sa patutot na iglesya!
     Ngunit bakit? Bakit magigiba o mamamatay ang matuwid na kasama ng masama sa iglesya? Sapagkat ang mabuti at matuwid na tao ay tumangging ihiwalay ang kanilang sarili mula sa samahan ng masasama at di inalis ang kaugnayan mula sa nahatulang iglesya! Pinatibay din ng Dios ang katotohanang ito.

     Marami ang lubos na nakakaalam sa mga pangyayaring nakapaligid sa paghihimagsik nina Korah, Dathan, at Abiram. Ang tatlong lalaking ito, kasama ang 250 ibang pinuno ng iglesya, ay nagpasiyang maghimagsik laban sa Dios at sa Kaniyang piniling mensahero, at naghahangad na pamunuan ang lahat ng kasapi ng iglesya na sundan sila sa paghihimagsik.
     Sinabi ng Dios kay Moises at Aaron na ihiwalay ang kanilang sarili mula sa kongregasyon upang Kaniyang mapatay na magkakasama ang lahat ng kasapi at ang mga mapaghimagsik na pinuno ng iglesya. Si Moises at si Aaron ay nagsumamo sa Dios na huwag itong gawin sa pagsasabing:
     "Oh Dios, na Dios ng mga diwa ng lahat ng laman, sa pagkakasala ba ng isang tao ay magagalit ka sa buong kapisanan?" Bilang 16:22.

     Ano ang sagot sa katanungang ito? Oo! Ito ay tinawag na "Pangkalahatang Pananagutan." Ngunit ang ating Dios  na mahabagin at mapagpahinuhod ay nagbigay ng daan ng pag-iwas para sa kaniyang bayan upang maiwasang mapahamak kasama ng kanilang mapanghimagsik na mga pinuno ng iglesya.
     Kaniyang sinabi kay Moises at Aaron sa talatang 24:
     "Salitain mo sa kapisanan na iyong sabihin, lumayo kayo sa palibot ng tabernakulo ni Core, ni Dathan, at ni Abiram."

     Ang Dios ay totoong galit sa lahat ng kapisanan - kabilang ang mga matuwid. Ngunit sa awa Siya’y nagbigay ng daan ng pagtakas - tanging nag-iisang paraan para sa lahat niyang bayan na susundin upang makatakas sa pagkapahamak. At ang kaloob ng Dios na parang ito ay landas ng paghihiwalay. Ang lahat ng tagasunod ng Dios ay dapat na putulin ang lahat ng kaugnayan sa masasama, at lubos na humiwalay mula sa kanila.
     Ipinahayag ni Moises sa talatang 26:
     "At Sinalita ni Moises sa kapisanan na sinasabi, magsilayo kayo, isinasamo ko sa inyo, sa mga tolda ng masasamang taong ito, at huwag kayong humipo ng anumang bagay nila, baka kayo’y mamatay sa lahat nilang kasalanan."

     Kaya kung sinumang kasapi ng iglesya ay tumangging ihiwalay ang kaniyang sarili mula sa mapanghimagsik at manatiling humihipo o may kaugnayan sa anumang paraan sa kanilang anyo ng tolda, sila ay magiging responsable sa pangkalahatan dahil sa mga kasalanan ng masasamang mga pinuno ng iglesya, at sila’y mamamatay na kasama nila.
     "Ang buong kapisanan ay naging kabahagi sa kanilang [Core at kasamahan] kasalanan, sapagkat ang lahat, sa mataas o mababang antas, ay nakiramay sa kanila." Patriarchs and Prophets, p 401.

     "Sila [ang kapisanan] mga kasalanan mula sa galit ng Dios, sapagkat sila’y kabahagi sa mabibigat na kasalanan ng mga taong pinaglagakan nila ng kanilang pagdamay at kanilang pinakisamahan." Testimonies, vol 3, p 354.

     Dahil sa sila’y totoong sama-samang mananagot, at nasa panganib na mawasak sa galit ng Dios kasama ngn mga mapanghimagsik, ano ang ginawa ng karamihan sa kapisanan?
     "Gayon sila nagsilayo sa tabernakulo ni Core, ni Dathan at ni Abiram sa lahat ng dako: at si Dathan at si Abiram ay nagsilabas, at nagsitayo sa pintuan ng kanilang mga tolda, at ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak, at ang kanilang bata." Bilang 16:27.

     Ano ang nangyari pagkatapos  na ang bawat kasapi ay makapagpasiya na lubusang humiwalay, o manatili sa loob at kaugnay ng mga mapanghimagsik at ng kanilang tabernakulo? Yaong mga nanatiling kaugnay ay napahamak - kabilang yaong mga hindi bumigkas ng salitang para o laban sa paghihimagsik! Ang mga asawa at mga anak nina Dathan at abiram ay nabanggit na tanging tumatayo sa loob ng tabernakulo ng mga manghihimagsik, ngunit sila ay dumanas ng  kaparehong pagkawasak. Bakit? Sila ay naging responsable sa pangkalahatan sa mga kasalanan sa mga kasalanan ng masasamang mga taong ito sapagkat hindi sila humiwalay mula sa kanilang tabernakulo!
     Ngunit papaano ang mga anak ni Core? Sila ba ay napahamak din kasama niya at ng sangbahayan ni Dathan at Abiram? Hindi.
     "Gayunma’y hindi namatay ang mga anak ni Core." Bilang 26:11.

     Bakit hindi namatay ang mga anak ni Core na kasama ng kanilang mapanghimagsik na ama at ng iba pa sa masasamang grupo? Sapagkat ang mga matuwid na taong ito ay piniling sundin ang kalooban ng Dios at inihiwalay ang kanilang sarili - natumangging humipo o makiugnay sa mga mapanghimagsik. At bagama’t magiging mahirap para sa kanilang humiwalay mula sa kanilang umiibig, ngunit inibig nila ang Dios ng higit sa ugnayang makalupa. Ang sangbahayan ni Core ay pinutol ang lahat ng pakikiisa at pakikipag-ugnayan sa kanilang mapanghimagsik na mga kapatid at lubusan humiwalay mula sa masamang pulutong. Sila’y tumangging maging responsable sa pangkalahatan at maging kabahagi ng kanilang kasalanan, at iniligtas ng Dios ang matuwid na mga ito mula sapagiging karamay sa kapahamakan!

     Malinaw din na pinatibay ng Dios ang katotohanang ito sa pamamagitan ng karanasan ni Lot.
     Si Lot, kasama ng ilan sa malapit niyang kamag-anak, at tanging matuwid na taong naiwan sa loob ng masasamang kabuuan ng Sodoma at Gomora. Ngunit ipinakita ng Dios kay Lot sa kaniyang pamilya na kinakailangan nilang putulin ang lahat ng kaugnayan sa kanilang bulok na kabuuang samahan at lubos na humiwalay sa Kaniya. Ngunit bakit? Bakit hindi sila maaring magpatuloy na mamuhay sa matuwid at manatiling nakaugnay sa kanilang masamang pangkalahatang kabuuan ng Sodoma?
     "... pinapagmadali ng mga anghel si Lot na sinasabi, magbangon ka, ipagsama mo ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na babae na narito, baka pati ikaw ay madamay sa parusa sa bayan....Itakas mo ang iyong buhay; huwag kang lumingon o huminto man sa buong kapatagan; tumakas ka hanggang sa bundok, baka ikaw ay mamatay." Genesis 19:15, 17.

     Bagama’t si Lot at ang kaniyang pamilya ay matuwid, sinabi ng Dios sa kanila, sa pamamagitan ng mga mensahe ng anghel, na kinakailangan nilang ganap na humiwalay mula sa kanilang masamang pangkalahatan, kabuuan, o maging responsable  sa pangkalahatan sa mga kasalanan niya at mapatay kasama ng mga masasama! Ang lahat ng kanilang katuwiran ay hindi magliligtas sa kanila mula sa pagkawasak na kasama ng masama kung sila’y tumangging  humiwalay! Ngunit pinili ni Lot na mag-antala sa pagsunod, at tumangging humiwalay hanggang sa pinakahuli’t posibleng sandali. At bilang bunga nito, nawaglit ang buhay ng asawa ni Lot!
     "Kung si Lot mismo ay hindi nagpakita ng pag-aatubili sa pagsunod sa babala ng anghel, kundi may kasigasigangtumakas sa mga bundok, ng walang isang salita ng pagsusumamo o pagtutol, ang kaniyang asawa ay makagagawa rin ng pagtakas.  Ang impluwensya ng kaniyang halimbawa ay magliligtas sana sa kaniya mula sa kasalanan na nagsara ng kaniyang kamatayan. Ngunit ang kaniyang pagpapaliban at pag-aatubili ang sanhi ng kaniyang pagpapawalang-halaga sa makalangit na babala." Patriarchs and Prophets, p 161.

     Ano ang ipinakiusap ni Lot? Siya’y nakiusap na huwag ng hingin ng Dios na siya’y ganap na humiwalay at putulin ang lahat ng kaugnayan sa masamang pangkalahatan kabuuhan kundi siya’y pahintulutan na gaya ng dati, na ilipat ang kaniyang pagiging pasapi mula sa malaki’t masamang bayan ng Sodoma patungo sa mas maliit na bayan sa lakas ng bansa.

     Naniniwala si Lot na ang mas maliit na bayan ng Zoar ay maaaring hindi kasing bulok na katulad ng Sodoma - bagaman ito’y nakaugnay sa Sodoma at Gomorra sa iisang kapatagan (tingnan ang Genesis 19:18-20). Ngunit anong nagyari sa Zoar? Ito rin ay kasamang napahamak, sapagkat ito’y kaisa ng Sodoma at Gomorra. At dahil sa kaugnayan at pakikiisa nito sa kabulukan, hindi na ito dalisay kundi bulok na rin (tingnan ang Patriarchs and Prophets, p 167; Genesis 19:30).
     Hindi lamang matanggap ni Lot ang katotohanan na ang matuwid ay kasamang mapapahamak ng mga masama. Sa halip na magtiwala sa Dios at maniwala na kanyang nalalaman ang kanyang ginagawa at sinabi na hindi hinihingi ng Dios sa Kaniyang bayan na gawin ang anumang bagay na magliligtas sa kanila, pinili ni Lot ang mag-aatubiling sumunod sa utos ng Panginoon at dahil dito nawaglit ang kaniyang asawa.

     Ngayon, marami na ang nakaaalam na ang punong-tanggapan ng kanilang iglesya - o ang puso ng sistema ng kanilang iglesya - ay hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos at ito’y lumalago sa kabulukan. Ngunit sila’y naniniwala, na katulad ni Lot, na hindi pupuksain ng Dios ang matuwid na kasama ng masama na sila’y makakasumpong ng maliit na iglesya sa loob ng bulok na sistemang ito na hindi madadamay ng mga kasamaan. At marami ang naglipat pa ng kanilang pagiging kaanib sa mas maliit na iglesya, na naniniwala na ito’y sapat upang malayo sa tumalikod na punung-tanggapan ng iglesya at hindi na madadamay ng kabulukan. Ngunit sila’y wala pa ring kabatiran sa katotohanan na anumang paghipo o pakikianib sa kabulukan - kabilang ang mga indibidwal na iglesya, institusyon at pagiging kaanib - ay bulok din sa pamamagitan ng kanilang kaugnayan sa punong-tanggapan ng iglesya! At sinasabi ng Dios sa atin ang katotohanang ito:
     "Ang dakilang puso ang gawain ay nasa ____; at kung paanong nagbibigay ang puso ng isang tao ng kanyang buhay na daloy ng dugo sa buong bahagi ng katawan, ganun ang ginagawa ng pangasiwaan sa lugar na ito, ang punong-tanggapan ng ating iglesya na naaapektuhan ang kabuuhang bahagi ng mga mananampalataya. Kun ang pusong pisikal ay malusog, ang dugo na inihahatid buhat dito patungo sa sistema ay malusog din; ngunit kung ang bukal na ito ay marumi, ang buong sangkap ay nagkakasakit dahil sa lason ng mahalagang dugo. Kaya ganun din sa atin. Kung ang puso ng gawain ay naging bulok, ang buong iglesya, sa iba’t-ibang mga sangay at kapakinabangan nito, na nagkalat sa ibabaw ng lupa ay magdaranas ng ganun din." Testimonies, vol 4, p 210.

     Kaya, kung ang punong-tanggapan ng ating iglesya ay nakagawa ng pagpapatutot at ito’y bulok, kung gayon walang iglesya o institusyong nakaugnay sa sistemang yaon nahindi rin bulok. At, kung paanong nalaman ni Lot, na walang mas maliit na iglesya o institusyon ng maaari nating matakbuhan, sa pamamagitan ng paglilipat ng pagiging kaanib natin at doon nakasumpong ng kapahinahan, na hindi rin wawasakin dahil sa kanyang pakikiisa sa kabuluhan.
     Kaya ano ang nais ng Dios na gawin ng kanyang bayan kung masumpungan nila ang kanilang sarili na nananahan, o nauugnay, sa alinmang bahagi ng iglesya o pangkalahatang bahagi na nadudumhan ng kasalanan at kasamaan?
     "Kayo’y magsiyaon, kayo’y magsiyaon, kayo’y magsialis doon, huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay; kayo’y magsilabas sa gitna niya; kayo’y mangagpakalinis, kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon." Isaiah 52:11.

     "Kayo’y magsibangon, at magsiyaon; sapagkat hindi ito ang inyong kapahingahan; dahil sa karumihan na lumilipol sa makatuwid bagay sa mahigpit na paggiba." Mikas 2:10.

     Kung masumpungan natin ang ating sarili na tumatahan o namamahinga sa loob ng pangkalahatang kabuuan na marumi at puno ng kasalanan at kasamaan, na katulad ng patutot na iglesyakung gayon inuutusan ng Dios ang Kaniyang bayan na umalis at humiwalay sa kaniya. At ang paghihiwalay na ito ay nangangailangan ng pagputol ng lahat ng kaugnayan upang maging malinis; nang sa gayon hindi tayo magsisihipo sa marumi’t patutot na iglesya napapaloob ang pagputol sa lahat ng ating kauganayan sa kaniya, kabilang ang pagiging kabilang sa aklat na talaan, o tayo’y mananatiling marumi dahil sa paghipong ito at mapahamak na kasama niya. Hindi natin dapat ilipat ang pagiging kaanib mula sa isang iglesya patungo sa ibang iglesya sa loob ng pangkalahatang kabuuhan na marumi. Ngunit dapat nating putulin ang lahat ng kaugnayan salahat ng bagay sa bulok na pangkalahatang kabuuhang yaon!
     Maraming mga tao ang nag-aakala na ang pagiging kaanib nila sa isang patutot na iglesya o sa alinmang bulok na samahan - ay hindi suliranin; na ito ay totoong hindi mahalaga sa Dios kung ang ating mga pangalan ay nasa aklat-talaan; na ang tanging mahalaga ay kung ang ating personal na buhay ay matuwid sa Dios. Ngunit naiiba ang sinasabi ng Dios sa Kaniyang bayan; na kung sila’y kaugnay sa isang masamang samahan, maging iglesya, institusyon, grupo o organisasyon - kung gayon sila ay mahahawa sa mga kasalanan ng samahan ng masamang katawan. Dahil doon, hindi nila matatanggap ang tanda ng Dios, at sila’y mapapahamak!
     Ang prinsipyong ito ng katotohanan - na ang ating mga panglan ay nasa aklat-talaan ng bulok at masamang samahan ang maghahadlang sa atin mula sa pagtanggap ng tanda ng Dios, at pati buhay na walang hanggan, ay malinaw na ipinakita sa pamamagitan ng kasulatan.

     Kung tayo’y kaanib ng bulok at masamang samahan ng Free Masonry, o anumang secret society, kung gayon tayo ay tayo magiging responsable sa pangkalahatan dahil sa kanyang mga kasalanan at hindi makatatanggap ng tanda ng Dios!
     "Kinakailangang putulin ng mga Kristiyano ang bawat tali na gumagapos sa kanila sa mga lihim na grupo na wala sa ilalim ng pamamahala ng Dios. Hindi nila magagawang maging tapat sa mga organisasyong it at maging tapat sa Dios. Maging ang kaugnayan sa mga samahang ito ay kinakailangang putulin o ikaw ay higit na maging kaisa nila...
     "Yaong mga tatayo sa ilalim ng bandila na nabahiran ng dugo ni Prinsipe Emmanuel ay hindi maaaring maging kaisa sa Free Masons o sa anumang lihim na organisasyon. Ang tanda ng buhay na Dios ay hindi mailalagay sa sinuman na pinanatili ang ganong kaugnayan pagkatapos na sumilay sa kaniyang landas ang liwanag ng katotohanan. Si Cristo ay hindi nahahati...Sinabi ng Panginoon, `Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo...at huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi at kayo’y aking tatanggapin, at Ako sa inyo’y magiging Ama, at sa akin kayo’y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong makapangyarihan sa lahat.'" Selected Messages, book 2, p 132, 140.

     Malinaw ding sinabi sa atin na tungkulin nating alilsin ang ating mga pangalan at pagiging kaanib o kasapi mula sa alinmang iglesya na nagtakwil sa katotohanan ng Dios, o hindi tayo makasisiguro na tayo’y kabilang sa unang pagkabuhay - sa gayon wala tayong kasiguruhan ng buhay na walanghanggan!
     "Ang aking (Ellen White) kapatid ay nagpatuloy na mabilis na manghina. Kung siya’y nakakadama ngn ulap na nagtatakip sa kanya kay HESUS, hindi siya makapagpahinga hanggang sa ito’y mawala, at maliwanag na pag-asa ang muling magpasigla sa kaniya. Sa lahat ng dumadalaw sa kanya, siya’y nagsasalita tungkol sa kabutihan ng Dios, at inaangat ngn madalas ang kanyang payat na daliri, naitinuturo paitaas, habang ang makalangit na liwanag ay tatahan sa kanyang mukha, at magsasabi, Ang aking kayamanan ay nakalagak sa itaas! Kagila-gilalas sa lahat na ang kaniyang buhay ng pagdurusa ay lumawig pa. Mayroon siya ng pagdurugo ng mga baga, at iniisip na malapit ng mamatay. Nang magkagayon isang di-nagampanang tungkulin ang ipinakita sa kaniya. Muli niyang iniugnay ang kanyang sarili sa iglesya ng Metodista. Siya ay itiniwalag noong 1843 kasama ang ibang kaanib ng pamilya, dahil sa kanyang pananampalataya . Kaniyang sinabi na hindi siya mamamatay ng payapa Hanggang ang kaniyang pangalan ay maalis mula sa aklat ng iglesya, at pinakikiusapan ang ama na pumunta ng madali at ipatanggal ito.
     "Sa kinaumagahan dinalaw ng ama ang ministro, na sinasabi ang kahilingan ng aking kapatid. Kaniyang sinabi na kaniyang dadalawin siya, at pagkatapos kung hangad niya pa rin na ipalagay siyang hindi na kaanib ng kanilang iglesya, ang kaniyang kahilingan ay ipagkakaloob. Bago dumating angn ministro ang aking kapatid ay nagkaroon ng ikalawang pagdurugo, at ibinulong ang kaniyang takot na hindi sana siya nabuhay upang gawin ang tungkuling ito. Dinalaw siya ng ministro, at daglian niyang ipinahayag ang kaniyang pagnanais, at sinabi sa kaniya na hindi siya mamamatay ng payapa hanggang ang kaniyang pangalan ay maalis mula sa aklat ng iglesya, na hindi siya dapat makiugnay na muli sa kanila kung siya’y tumatayo sa liwanag.
     "Pagkatapos siya’y nagsalita ng tungkol sa kaniyang pananampalataya, at pag-asa, at ang kagandahang loob ng Dios sa kaniya. Ang makalangit na ngiti ay nasa kaniyang mukha, at ang mga labing yaon, ilang sandali bago mabahiran ng dugo, ay ibinuka upang purihin ang Dios dahil sa kaniyang dakilang kaligtasan. Nang iwan ng ministro ang silid kanyang sinabi sa aking mga magulang, yan ay isang matagumpay na kaluluwa; hindi ako nakakita kailanman ng ganito kaligayang kaluluwa!Hindi nagtagal pagkayapos nito ang aking kapatid ay nakatulog kay Hesus, na puno ng pag-asa na magkakaroon ng bahagi sa unang pagkabuhay." Spiritual Gifts, vol 2, p. 163-64.

     Ngayon, walang bagay na nasulat sa pamamagitan ng kasulatan ng Dios na hindi para sa ating ikatututo. Kaya kung pahintulutan natin ang ating pahintulutan natin ang ating pangalan na manatili sa aklat-talaan ng alinmang masamang samahan - lalo’t higit ang patutot na iglesya  - kung gayon hindi natin nagawa ang ating tungkulin, patuloy tayong nagsisihipo sa maruming bagay, hindi tayo makakatanggap ng tanda ng Dios, at tayo’y mapapahamak!
     Ang pagkapahamak na ito ay hindi lamang sa pisikal na buhay, kundi ihihiwalay din tayo mula sa buhay na walang hanggan! Kaya ang paksang ito ng pagiging kaanib sa isang patutot na iglesya ay totoong isang napakahalagang paksa - isang pag-asa ng buhay. Ang ating buhay na walang hanggan ay nakasalalay sa lubos na pagputol ng bawat kaugnayan sa bawat patutot na iglesia ngayon!
     Sinasabi ng Dios sa atin:
     "Tumakas ka na mula sa gitna ng Babilonia, at iligtas ng bawat tao angn kaniyang buhay; huwag kayong mangahiwalay ng dahil sa kaniyang kasamaan..." Jeremias 51:6.

     Kung hindi tayo tatakas sa Babilonia ang patutot na iglesia, kung gayon tayo ay mangahihiwalay ng dahil sa kaniyang kasamaan, at sa ganon mawawaglit natin ang ating kaluluwa at ang pag-asa para sa buhay na walang hanggan! Bakit? Sapagkat tayo magiging mga anak ngn Dios, kundi magiging mga anak ng patutot, at kabilang sa Babilonia.
     Papaano tayo makakatakas sa pagiging mga anak ng patutot, at sa pagkawaglit ng ating kaluluwa? Sinasabi ng Dios sa atin napakalinao:
     "Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya sapagkat anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? O anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya? At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga Dios-Diosan? Sapagkat tayo’y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, ‘Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako’y magiging mkanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan.
     "Kaya nga magsialis kayo sa kanila at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at huwag  kayong magsihipo ng bagay na marumi, at kayo’y aking tatanggapin, at ako sa inyo’y magiging Ama, at sa Akin, kayo’y magiging mga anak na babae at lalaki, sabi ng Panginoong makapangyarihan sa lahat." 2 Corinto 6:14-18.

     Kailan tayo magiging mga anak na lalaki at babae ng Dios? Ito ba ay bago natin putulin ang lahat ng kaugnayan at pakikipagkasundo kay Satanas at sa kaniyang kaharian, o ito ay pagkatapos? Ito ay tanging PAGKATAPOS!
     Habang tayo sa anumang paraan ay makaugnay sa kaharian ng Babilonia ni Satanas, tayo ay mga anak ng patutot - hindi mga anak ng Dios. Ngunit pagkatapos na tayo’y humiwalay at putulin natin ang lahat ng pakikipag-ugnayan, pakikiisa, pakikisama, pakikipagtipon, at pagiging kaanib ng mga alinman sa mga patutot na iglesya na ating hinihipo, tanging sa panahong iyon lamang matutupad ang pangako ng Dios na tatanggapin tayo, at sa atin ay magiging ama, at tayo’y magiging Kaniyang mga anak!
     Ang pagiging kaanib ng iglesya ay iniuugnay tayo sapamamagitan ng paghipo sa patutot na Iglesya. Dahil dito hindi ka anak ng Dios, hindi siya ang anak ng Dios , hindi Siya ang iyong Ama, at ang langit ay hindi mo tahanan! Bakit? Sapagkat ikaw ay karamay sa mga kasalanan ng patutot na iglesya - ikaw ay mabibilang sa Babilonia - IKAW AY RESPONSABLE SA PANGKALAHATAN!

     Ang huling mensahe ng awa, o ang malakas na sigaw ng ikatlong anghel, ay pinakahuling mensahe na maririnig ng sanlibutang ito. Kung ang sinumang tao ay makarinig sa mahalagang mensaheng ito, at nagpumilit sa pagtanggi na sundin ito, sila’y mawawaglit para sa walanghanggan!
     "Ang mensaheng ipinapahayag sa panahon ngayon ay ang huling menshae ng awa para sa nabagsak na sanlibutan yaong mayroon ng pagkakataon na makarinig ng menshaeng ito, at nagpumilit na tanggihang sundin ang babala, ay itinatakwil ang kanilang huling pag-asa ng kaligtasan. Hindi na magkakaroon pa ng ikalawang pagkakataon." Testimonies, vol 6, p 19.

     Dahil ang mensaheng ito ay napakahalaga para sa atin na dapat sundin at huwag tanggihan, kung gayon, ano ang menshaeng ito?
     "Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan, at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian. At siya’y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, [kinakatawanan ng bawat patutot na iglesya - Romanismo, tumalikod na protestantismo, adventismo] at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawat espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawat karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon. Sapagkat dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa. [Lahat ng mga iglesia o denominasyon - tingnan ang SDA Bible Commentary, vol 7, p 979]; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangngakal sa lupa ay nasiyanan dahil sa kapangyarihan ng kanyang kalayawan. At narinig ko ang ilang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayo mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot. Sapagkat ang kanyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kanyang mga katampalasanan." Apokalipsis 18:1-5.

     Ang Ama mismo ay nagsasabi sa lahat ng nagnanais na kaniyang maging bayan na lubusang lumabas sa patutot na iglesia ng babilonia, o sila’y magiging kabahagi ng kaniyang kasalanan-bilang responsable sa pangkalahatan - at sila’y makatatanggap ng mga salot - bilang karamay sa parusa ng kanilang patutot na iglesya.
     Ang mensheng itong ang paghihiwalay at pangkalahatang responsibilidad ay sumama sa mensahe ng ikatlong anghel (Tingnan ang Early Writings, p 277). Ngunit maraming indibiduwal at ministro ang itinutuon nila ang kanilang buong pansin sa unanag kalahati ng mensahe ng ebanghelyong ito. Sila’y nakatuon sa pagtatagumpay sa lahat ng personal na kasalanan sa pamamagitan ni Cristo at ng kanyang katuwiran, o ang kaluwalhatian ng Panginoon, habang kanilang ganap na winawalang bahala ang huling kalahati ng ebanghelyo. Ngunit ang parehong kalahati ay kinakailangang magkasama upang makatakas sa pagkahawa sa kasalanan maging personal, panlipunan o pangkalahatan!
     Ang mensahe ng katuwiran ni cristo o ang unang kalahati ng ebanghelyo ay itinututro ang nagugutom at nauuhaw na mga kaluluwa kay Hesus. Ang mensahe na ganap na maghihiwalay sa iyo mula sa bawat bulok na samahan, lalo’t higit na patutot na iglesia - bilang ikalawang kalahati ng ebanghelyo - ay pinapalaya ang mga tao mula sa pagkabihag na pinamamahalaan ng tao upang ganap na malaya kay Hesus! Ang mensahe ng katuwiran ni Cristo ay inihiwalay ang kaluluwa mula sa pagkahawa o pagiging marumi sa personal at panlipunang kasalanan. Ang mensahe ng paghihiwalay ay pinalalaya ang tao mula sa pagkahawa sa pangkalahatang kasalanan. Ang parehong mensahe ay kinapapalooban ng paghihiwalay, ang isa’y mula sa pangkalahatang kasalanan. At kung ang dalawang ito’y pagsamahin sa iisang kabuuhang ebanghelyo, ikaw ay nagpapahayag ng malakas na sigaw ng ikatlong anghel!
     Ngunit ang pagtatangging sumunod sa alinmang mensahe ay nangangahulagan na hindi ka magiging ganap na sakdal at malaya sa kasalanan - maging personal, panlipunan at pangkalahatan. Dahil dito hindi mo magagawang lubos na maipakita ang matuwid na paguugali ng Dios sa kadalisayan at kawalan ng dungis dahil sa mantsa ng kasalanan! Kaya nga kung iyong kaligtaang sundin ang alinman sa kalahati ng ebanghelyo o ang malakas na sigaw na mensahe ng pangkasalukuyang katotohanan - ikaw ay patuloy na mahahawa ng kasalanan. Kung gayon ikaw ay magiging makasalanan sa pagtakwil kay Hesus sa hindi mo pagpasan ng krus sa pamamagitan ng paghihiwalay mula sa lahat ng personal at panlipunang kasalanan at muila sa laht ng pangkalahatang kasalanan. Dahil dito hindi ka makatanggap ng tatak ng Dios. Tanggihan ang alinman sa mensahe maging ang katuwiran ni Cristo, o paghihiwalay mula sa lahat ng patutot ng grupo ng mga makasalanan - mula sa lahat ng mga iglesya at bulok na samahan - at hindi mo matatanggap ang tatak ng Dios!
     "Ang anghel [ng Ezekiel 9] ay siyang maglalagay ng tanda sa mga noo ng lahat na hiwalay mula sa kaalanan at mga makasalanan, at ang anghel na lumilipad ay susunod, upang lipuling lubos ang matatanda at ang bata." Testimonies, vol 5, p 505.

     Kahit na iyong sundin ang mensahe ng katuwiran ni Cristo at mapanagumpayan ang lahat ng iyong personal na kasalanan, ngunit tumangging humiwalay mula sa iyong patutot na iglesia ikaw ay patuloy na mabibigo na mapasakdal ng lubos sa katuwiran at mawalan ng batik at mantsa ng kasalanan. At ang tatak ng Dios ay hindi kailanman ilalagay sa sinuman na mahahawa ng mantsa ng kasalanan (tingnan ang Testimonies, vol 5, p 212-16). Sa ganito ikaw ay mabibilang na bulok dahil sa iyong patuloy na pakikiisa at pag-anib sa patutot na iglesya!
     Malinaw na sinasabi ng Dios na kung tayo ay kaisa ng bulok, kung magkagayon bulok tayo at hindi na dalisay o malinis.
     "Imposible para sa iyong makiisa doon sa mga bulok, at patuloy na maging malinis! `Anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? O anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman? At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial?' Nais ipaalam ng Dios at ni Cristo at ng makalangit na hukbo sa tao na kung siya’y makiisa sa bulok, siya rin ay magiging bulok." Review and Herald, Enero 2, 1900 (vol 4, p 137).

     Kaya ang pagsunod o pangangaral ng menshae lamang ng ikatlong anghel ay hinahayaan ang tao na mahawa sa pangkalahatang kasalanan. Dahil dito hindi nila matatamo ang buhay na walang hanggan. Ang pagsunod o pangangaral ng mensahe lamang g paghihiwalay, at hindi itinuturo ang taokay Cristo at sa Kaniyang katuwiran, ay hahayaan ang tao na mahawa sa personal at panlipunang kasalanan. Sa ganito di nila matatamo ang buhay na walanghanggan. Ang parehong mensahe ng ikatlong anghel ay kinakailangang masunod upang maganap ang lahat ng katuwiran at ganap na maging malaya mula sa batik at mantsa ng kasalanan kay Hesus!
     Ito ay mensahe ng BUONG EBANGHELYO na lubhang kailangan ng mga tao ngayon - hindi kalahati ng ebanghelyo. Hindi lamang ito pangangaral at paniniwala sa mensahe ng lubos na paghiwalay. Kundi ito ay isang BUONG MENSAHE - ang mensahe ng malakas na sigaw - na siyang pangkasalukuyang katotohanan para sa ngayon.
     "Ang katotohanan sa panahong ito ay sumasaklaw sa buong ebanghelyo." Testimonies, vol 6, p 291.

     Kaya ang katotohanan sa panahong ito - pangkasalukuyang katotohanan - ay sinasaklaw "ang buong ebanghelyo," hindi lamang kalahati. Ang ipangaral ang "pangkasalukuyang katotohanan" ay ang ipangaral ang buong mensahe ng ebanghelyo ng ikatlong anghel - ang katuwiran ni Cristo at ang pagtatagumpay sa lahat ng kasalanan. Kundi maging ang mensahe ng paghihiwalay at pagtakas mula sa pangkalahatang kasalanan. Ating saklawin ang buong menshae ng ikatlong anghel - ang katuwiran ni Cristo at ang paghihiwalay patungo kay Cristo! At kung ating ipangangaral lamang ang kalahati ng mensahe, kung ganun hindi natin ipinangangaral ang pangkasalukuyang katotohanan. (Para sa karagdagang pag-aaral tungkol sa paksang ito, sumulat lamang para sa aklat ng, Ang Huling Mensahe ng Awa, sa address na ibingay sa harapan ng babasahing ito).
     Itong mensaheng ito ng pangkasalukuyang katotohanan ang lubhang kailangan ng bayan ng Dios!
     "Maraming mahahalagang katotohanan ang nakapaloob sa Salita ng Dios, ngunit ang `pangkasalukuyang katotohan' ang kinakailangan ngn kawan ngayon." Early Writings, p 63.

     Marami ang nagugutom at namamatay pa dahil sa kawalan ng pangkasalukuyang katotohanang - malakas na sigaw - mensahe na ipinangangaral sa kanila sa kaniyang kabuuhan!
     "Ipinakita sa akin ng Panginoon na mahahalagang kaluluwa ang nagugutom at namamatay dahil sa pangangailangan ng pangkasalukuyan, nagtatatak na katotohanan, ang pagkain sa tamang kapanahunan; at ang mabilis na mensahero ay dapat na bumilis sa kanilang lakad, at pakainin ang kawan ng pangkasalukuyang katotohanan. Narinig ko na sinabi ng anghel, `Papagbilisin ang mabilis na mga mensahero, papagbilisin ang mabilis na mga mensahero, sapagkat ang usapin ng bawat kaluluwa ay malapit nang mapagpasiyahan, maging para sa buhay, o para sa kamatayan.'" Review and Herald, September 1, 1849 (vol 1, p 11).

     Kung ating piliing manatiling nakaugnay sa personal o panlipunang kasalanan o piliin nating manatiling nakaugnay at kaanib ng alinmang bulok na samahan kabilang ang alinmang patutot na iglesya maging Katoliko, Protestante, Pentecostal, o Adventista kung magkagayon hindi tayo malatatakan ng tatak ng buhay na walang hanggan! (para sa karagdagang pag-aaral tungkol sa paksang ito, sumulat lamang para sa aklat ng Ang Pagtatalo Ukol sa Apokalipsis 18, sa address na ibinigay sa harapan ng babasahing ito).

     Ang ating mahabagin at mapagmahal na Ama ay hindi nais na makita ang sinumang mapahamak sapagkat sila’y tumangging humiwalay sa personal, panlipunan at pangkalahatang kasalan. Ngunit, hindi Niya pipilitin ang sinuman na sundin ang Kaniyang kalooban at iwanan ang patutot na iglesya. Kaniyang pinagkakalooban ang bawat isa ng naiibang prebilehiyo at karangalan na makarinig ng Kaniyang huling mensahe ng awa, at pagkatapos ay iwanan sila upang makapamili-alinman sa manatiling responsable sa personal, panlipunan at pangkalahatang kasalanan ng Babilonia, o lumakad sa matuwid at makipot na landas ng paghihiwalay at pagtanggi at katuwiran.
     Binigyan ng Dios ang Kanyang tunay na bayan ng nag-iisa lamang landas na patungo sa langit at napapaloob sa landas na ito ang paghiwalay mula sa lahat ng mga iglesyang patutot pagiging kaanib at lahat. Sinuman, maging ministro o pangkaraniwang tao, na nangangaral ng kataliwas ay isang bulaang tagapagbantay na ipinahahayag ang salita ng estranghero, at hindi sila gumagawa para sa Dios! Bakit? Sapagkat sinisikap nilang Akayin ang mga tao na sundin ang naiibang landas sa landas na itinuro ng Dios. At ang kanilang maling daan ay hindi nagaakay patungo sa langit!

     Malinaw na sinabi ni Cristo kung aling landas Niya inaakay ang Kaniyang bayan upang doon sumunod, at ang mga kondisyong kinakailanganggampanan upang malakaran ito.
     "Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang pumapasok sa hindi pintuan ng kulungan ng mga tupa kung umaakyat sa ibang daan, ang gayon ay tulisan at magnanakaw. Datapwat ang pumapasok sa pintuan ay siyang pastor ng mga tupa. Binubuksan siya ng bantay pinto; at dinirinig ngmga tupa ang kanyang tinig: at tinatawag ang kaniyang sariling mga tupa sa pangalan, at sila’y inihahatid sa labas.Pagka nailabas na niya ang lahat ng sariling kaniya,ay pinangungunahan niya sila, at nagsisisunod sa kaniya ang mga tupa: sapagkat nakikilala nila ang kaniyang tinig. At sa iba’y hindi sila magsisisunod, kundi magsisitakas sa kaniya: sapagkat hindi nila nakikilala ang tinig ng iba." Juan 10:15.

     "Si Satanas at ang kaniyang mga anghel ay abala sa pagsisikap na akitin palayo ang mga isipan kung maaari ng marami sa liwanag [ng anghel na “magbibigay liwanag sa lupa dahil sa lupa dahil sa kaniyang kaluwalhatian”]. Ang pulutong na nagtakwil dito ay naiwan sa kadiliman. Nakita ko ang anghel ng Dios na binabantayan na may masidhing malasakit ang Kaniyang nagpapanggap na bayan, upang itala ang pag-uugali na kanilang hinuhubog habang ang mensaheng buhat sa langit ay pinagkakaloob sa kanila.  At kung paanong tumatalikod mula sa makalangit na mensahe ang napakaraming nagpapanggap na may pag-ibig kay Hesus na may paglibak, panunuya, at galit, ang anghel na may balumbon ng papael sa kaniyang mga kamay ay gumawa ng kahiyahiyang ulat. Ang buong langit ay puno ng galit na ganun na lamng winalang-bahala si Hesus ng Kaniyang nagpapanggap na bayan....
     "Si Satanas ay nagagalak sa kalagayan ng mga nagpapanggap na tagasunod ni Hesus. Sila ay nasa kaniyang silo.Kaniyang inaaakay ang karamihan na iwanan ang matuwid na landas, at sila ay nagtatangkang umakyat sa langit sa ibang daan.  Nakita ng mga anghel ang maga dalisay at banal na nahahalo sa mga makasalanan ng Sion at sa mapagpaimbabaw na maibigin sa  sanlibutan Sila’y nagbantay sa tunay na alagad ni Hesus; ngunit ang mga bulok ay nasasama sa banal...
     "Nakita ko si Hesus...na inutusan ang mga anghel na akayin palabas ang Kaniyang bayan mula sa marurumi, baka sila’y mangadungisan. Yaong mga masunurin sa mensahe ay tumayong malaya at nagkakaisa." Early Writings, p 245-50.

     Ang mga kundisyon ng buhay na walang hanggan ay hindi mahirap maunawaan. Ang paghihiwalay mula sa lahat ng personal, panlipunan at pangkalahatang kasalanan upang ganap na maging malaya at makubli kay Hesus. Ngunit marami ang pumiling maghimagsik laban sa kalooban ng Dios, lalot higit tungkol sa ganap na paghiwalay mula sa kanilang patutot na iglesya-pagiging kaanib at lahat-at sila’y lumakad sa ibang landas. Ngunit gaano kahangal na maniwala na tayo’y maaring lumakad sa ibang landas kaysa sa tinukoy na kalooban ng Dios, at patuloy pa rin sa iyong daan patungo sa langit! Ngunit inaakay ng mga hindi tapat na ministro ang karamihan sa mga nagtitiwalang kaluluwa na malawak na daan na patungo sa kapahamakan.
     "Ang mga kondisyon upang matiyak ang kaligtasan ay malinaw at payak, upang hindi magkamali doon ang mga naglalakbay na tao. Ang kaligtaan o itakwil ang mga kondisyong ito ay ang pawalan ang lahat ng pag-asa ng kaligtaasan. Tanging ang Dios ang makapagsasabi kung saang kondisyon maaaring iligtas ang bumagsak, mapaghimagsik na tao. Gaano kahangal na gugulin ng tao ang kanilang lakas hangaring umakyat sa ibang daan kaysa sa daan na napakapayak at napakadaling maunawaan na maging ang pinakamangmang ay maaaring magsamantala sa mga kundisyon nito. Ang mga nagpapanggap na teologo ay tila nasisiyahan na gawing mahiwaga yaong malinaw.Kanilang dinadamtan ang mag payak na aral ng salita ng Dios ng kanilang sariling madidilim na mga katuwiran, at nang sa ganoon lituhin ang mga isipan ng mga nakikinig sa kanilang mga aral. Hayaan na ang Panginoon ang magpaliwanag kung ano ang nais Niyang gawin ng makasalanan upang magmana ng buhay na walang hanggan." Signs of the Times, Hulyo 2, 1896 (vol 3, p 304) (Tingnan din ang Abril 1, 1880, Hulyo 31, 1884, Mayo 12, 1890; This Day with God, p 155 & 266; Testimonies, vol 1, p 131).
     Ngunit mayroong magandang kabaliktaran ng pangkalahatang responsibilidad.
     Kung pagkatapos na tayo’y lubos na humihiwalay mula sa lahat ng personal, panlipunan at pang kalahatang kasalanan, na inalis ang lahat ng pakikisama at pagiging kaanib ng mga iglesyang patutot, at tinanggap ng Dios  bilang kanyang mga anak - na nakisama kay Cristo at naging kaisa niya. Anong mangyayari kay Cristo at ng:
     --Kaniyang katuwiran (Review and Herald, March 21, 1893; June 23, 1896; Desire of Ages, page 25).
     --Kanyang Biyaya (Youth's Instructor, September 28, 1899; Steps to Christ, p 78).
     --Kaniyang Buhay (Testimonies, vol 4, p 354; Signs of the Times, March 10, 1887).
     --Kaniyang Dakilang Ministeryo at Gawain ng Pagliligtas at Pagpapasigla (Messages to Young People, p 47; Upward Look, p 305).
     --Kaniyang pagpapakapagod at masigasig na paggawa upang mapagaan ang mga pangangailangan at kapighatian ng sangkatauhan (Mount of Blessings, p 12).
     --Kaniyang kagalakan (Mount of Blessings, p 12; Christ's Object Lessons, p 210).
     --Kaniyang Kapakumnbabaan (Review and Herald, March 5, 1889; Signs of the Times, September 27, 1883).
     --Kaniyang Kahirapan (Review and Herald, July 4, 1912).
     --Kaniyang pagtanggi sa sarili (Review and Herald, December 23, 1884).
     --Kanyang Krus, (Gospel Herald, May 1, 1898).
     --Kaniyang mga pagpapakasakit (Mount of Blessings, p 12; Review and Herald, September 16, 1890; Selected Messages, book 2, p 248).
     --Kaniyang walang hanggang kaluwalhatian (Mount of Blessings, p 12; Upward Look, p 305; Review and Herald, March 6, 1888).
     --Kaniyang maluwalhating kapangyarihan (Manuscript Releases, vol 7, p 130).
     --Kaniyang mga kayamanan (Review and Herald, December 26, 1882).
     --At ng kaniyang luklukan (Review and Herald, December 26, 1882, December 15, 1896).

     Ngunit hindi lamang ang mga nasa itaas; kaisa ni Cristo tayo rin ay magiging karamay at kabahagi ng:
     --Makalangit na likas (Review and Herald, January 12, 1886, July 1, 1890; Signs of the Times, January 16, 1896).
     --Kahabagan ng Dios (Review and Herald, September 22, 1896).
     --Maluwalhating kalayaan sa pagiging mga anak ng Dios (Reflecting Christ, p 377; Amazing Grace, p 313; Education, p 151).
     --Pag-ibig ng Dios (Review and Herald, September 22, 1896).
     --Kagandahang Loob ng Dios (Selecte Messages, book 1, p 326).
     --Kadakilaan ng kaniyang pagpapakasakit (Manuscript Releases, vol 18, p 80).
     --Kagalakan ng kabanalan (Steps to Christ, p 15; Lift Him Up, p 243).
     --Kadalisayan at jkapangyarihan ng Langit (Southern Watchman, July 9, 1903).
     --Makalangit na kapayapaan (Amazing Grace, p 320; In Heavenly Places, p 35).
     --Kapangyarihan ng kanyang pagkabuhay na mag-uli (Desire of Ages, p 209).
     --Tahanan ng mga pinagpala (Review and Herald, August 22, 1912).
     --At Buhay na Walang Hanggan (Desire of Ages, p 25; Counsels on Stewardship, p 25; Review and Herald, March 9, 1905).

     Ang Lahat ng ito ay malayang ipagkakaloob sa lahat ng tututpad ng mga kondisyon sa pamamagitan ng paghihiwalay at pagputol ng kaugnayan sa lahat ng personal, panlipunan at pangkalahatang kasalanan, at sa halip ay iugnay ang kanilang sarili kay Cristo! At ang lahat ng ito ay maaari lamang dahil kay Cristo!
     "Ang mga kasalanan ng sanlibutan ay ibinabaw kay Cristo, at dahil dito siya’y ibinilang sa mga mananalangsang. Kaniyang binata ang sumpa at Siya’y itinuring na mananalangsang, upang ang magsising makasalanan ay madamtan ng kaniyang katuwiran. Siya’y hinatulan sa kasalanang wala Siyang bahagi upang tayo’y ariing-ganap sa pamamagitan ng katuwiran na kung saan wala tayong bahagi. Ipinakita ni Cristo ang kaniyang pag-ibig para sa atin, at naging kinatawan natin, upnag hindi tayo dalhin ng ating kasalanan sa kapahamakan." Review and Herald, June 23, 1896 (vol 3, p 369).

     "Si Cristo’y tinarato nang nararapat sa atin, upang tayo’y tratuhin ng nararapat sa kanya. Siya’y hinatulan dahil sa ati8ng mga kasalanan, na kung saan wala Siyang bahagi, upang tayo’y ariing-ganap ng kaniyang katuwiran, na kung saan wala tayong bahagi. Siya’y nagtiis ng kamatayan sa para sa atin upang tanggapin natin ang buhay na para sa kaniya. `Sa kaniyang mga sugat tayo ay nagsigaling!'" Desire of Ages, p 25 (Tingnan din ang Testimonies, vol 8, p 208-09).

     Samakatuwid sa paghihiwalay mula sa lahat ng kasalanan at masamang pangkalahatang samahan, kabilang ang pag-alis ng pagiging kaanib natin sa lahat ng patutot ng iglesia, pag-iwan sa lahat ng kaugnayan sa kaharian ng Babilonia ni Satanas, tayo ay tumatakas patungo sa naghihintay at nakalahad na mapagmahal na kamay ni Hesus- na magiging kabahagi ng kaniyang buhay at kaanib ng kaniyang kaharian ng katuwiran.

     Kaya sa pagbabalik-aral ng lahat ng ating natutunan mula sa salita ng Panginoon, sinasabi ng Dios sa atin na kung hindi tayo ganap na hihiwalay mula sa lahat ng personal at panlipunang kasalanan, at mula sa bawa’t bulok, tumalikod, patutot na iglesia at pangkalahatang samahan, kung gayon ating hinihipo ang maruming bagay at karamay ng kaniyang mga kasalanan, kalilimutan tayo ng Dios; hindi mahahabag ang Dios sa atin; tayoy makakatanggap ng 7 huling salot; taoy’y maihihiwalay dahil sa katampalasanan ng patutot na iglesia; at walang hanggang parurusahan sa dagat-dagatang apoy.
     Ngunit kung ating susundin ang kalooban ng panginoon, at lubusang hihiwalay sa lahat ng personal, panlipunan at pangkalahatang kasalanan - kabilang ang pag-alis ng pagiging kaanib mula sa aklat talaan ng bulok na iglesia gaano man katagal ang ating pagiging kaanib - at maging  tapat sa Dios hanggang sa wakas, kung gayon hindi tayo magiging karamay ng kaniyang mga kasalanan, kundi masusumpungang nakakubli kay Hesus; hindi tayo kalilimutan ng Dios, kundi isusulat ang ating mga pangalan sa kaniyang aklat ng alaala; ang Dios ay nagdadalang -habag sa atin, tayo ay ikukubli sa 7 huling salot; hindi tayo ihihiwalay, kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan - na matatakasan ang dagat dagatang apoy, tayo ay kabahagi, karamay at nasa ganap na pakikipag-isa kay Cristo at sa lahat ng kaniya!
     Ano ang iyong pipiliin? Iyo ba lamang pakikinggan at susundin ang kalahati ng ebanghelyo - ang mensahe ng katwiran ni Cristo  - at manatiling kabahagi ni Satanas at ng walang hanggang pagkapahamak na kasama ang kaniyang kaharian ng mga patutot ng iglesia ng Babilonia? O iyong susundin ang buong ebanghelyo - na hihiwalay sa lahat ng personal , panlipunan at pangkalahatang kasalanan, na maging kabahagi ni Cristo at ng buhay na walang hanggan na kasama ng kaniyang kaharian ng katuwiran.

     Nawa’y magampanan natin ang ating tungkulin sa harapan ng Dios na mag-aral para sa ating sarili; na hindi pahihintulutan ang sinuman - maging ministro, matanda sa iglesya, guro o asawa na mag-aral para sa atin. Nawa’y ating subukin sa pamamagitan ng Isaias 8:20, ang bawat doktrina o aral na maririnig o mababasa natin, upang ating masabi sa ating sarili, "Malalalaman ko ang aking pinaniniwalaan at mapatutunayan ito mula sa salita na kinasihan ng Dios." Kung hindi tayo mag-aaral para sa ating sarili at hindi aalamin kung ano ang ating pinaniwalaan, at sa katapusan ay di magtamo ng walang hanggang buhay, sino ang sisisihin kundi ang ating sarili.
     "Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, maggagawang walang anomang ikahihiya, na gumgamit ng matuwid na salita ng katotohanan." 2 Timteo 2:15.

     "Tayo ay pinagkalooban ng Dios ng mahahalagang katangian ng pag-iisip at pang -unawa, at tayo ay mananagot sa ating mga kamalian kung hindi natin gagamitin ang isipan sa maningas na pag-aaral ng salita ng Dios. Pinagkalooban tayo ng Dios ng mga kakayahan upang ating maunawaan kung ano ang katanggap-tanggap sa kaniya. Ang ating mga kuro-kuro, ang ating mga kalooban, ay hindi dapat maloklok, kundi ang kalooban ng Dios ang dapat tumaas." Signs of the Times, February 26, 1894 (vol 3, p 101).

     Nawa’y tulungan tayong lahat ng Dios na lubos na maunawaan ang ating pananagutan at responsibilidad, at piliin na sundin lamang ang kanyang kalooban at ang tanging daan na ibinigay para lakaran ng mga tinubos ng Panginoon - ang parehong landas na pinili ni Cristong lakaran.
     "Kaya naman si Hesus, upang mapaging banal sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo ang bayan, ay nagbata sa labas ng pintuan. Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamerto na dalhin natin ang kaniyang pagkadusta." Hebreo 13:12-13.