"LET THERE BE LIGHT" Ministries
home  |  Tagalog Booklets

ANG  KASUKLAMSUKLAM  NA  PANINIRA


First printing, 1995

Copyright  © 1995, held by

“Let There Be Light” Ministries (rs)
PO Box 328
Rogue River, OR 97537
U.S.A.


     All rights reserved.  Permission is hereby given to reprint this booklet, provided that it is duplicated in its entirety without any change or comment.

     Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumulat sa alin mang tanggapan:

BOOKLETS
PO BOX 328
ROGUE RIVER, OR 97537
USA


     Maaari ding sumulat upang tumanggap ng libreng pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng sulatan sa nasabing tanggapan.


ANG  KASUKLAMSUKLAM  NA  PANINIRA

     Ating pag-aaralan ang kasuklamsuklam na paninira na nakatala sa Daniel, Mateo, at Markos.  Kung inyong titingnan ang salitang kasuklamsuklam sa Luma at Bagong Tipan, ito ay nangangahulugang pagsamba sa diyus-diyosan, at ang pagsamba sa diyus-diyosan ay nangangahulugan na pagsamba kay Baal.  Si Baal ay simbolo ng araw.
     Ang salitang paninira ay nangangahulugan ng tatlong bagay - pagkawasak, pamiminsala, at paninira.  Ang tatlong bagay na ito ay nangyari sa kanilang pagkakasunod-sunod.
     Ang mga salita ni Cristo sa Kaniyang bayan, na may kinalaman sa kasuklamsuklam at sa kaganapan nito, ay ang mga sumusunod:
     “At ipangangaral ang ebanghelyong ito ng kaharian sa buong sanlibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.  Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa); kung magkagayo’y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:  Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kanyang bahay.  At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kanyang balabal.” Mateo 24:14-18.

     “Ngunit pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng mambabasa), kung magkagayo’y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea...” Marcos 13:14.

     Dahil dito mayroon tayong malinaw na pagkaunawa ng mga salita ni Cristo - na kapag nakita na ang kasuklamsuklam na paninira na natatyo sa dakong banal, na hindi dapat niyang kalagyan, kung gayon:
     “Ang nsa bubungan ay huwag bumaba, ni pumasok, upang maglabas ng anuman sa kaniyang bahay.  At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kanyang balabal.” Marcos 13:15-16.

     Pagkatapos, nagbigay si Cristo ng karagdagang paliwanag:
     “Kung magkagayo’y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok.  Sapagkat ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.” Lukas 21:21-22.

     Ito ang mga salita ni Cristo sa kaniyang bayan.  Ang mga nasa Judea at Jerusalem ay magsitakas na mula rito kung makita na nila  na ang kasuklamsuklam na paninira ay nakatayo na, at hindi na sila dapat bumalik sa Jerusalem pagkatapos na sila’y makataks.  Ngunit ano talaga ang kasuklamsuklam na paninira sa sinalita ni Daniel?
     Maraming iba’t-ibang teorya at opinyon kung ano talaga ang tungkol sa kasuklamsuklam na paninira, ngunit ang magtiwala sa mga katuwiran at opinyon ng tao ay tunay na kamangmangan.  Ang tanging mga salita na ligtas nating mapagkakatiwalaan ngayon, sa dami ng iba’t-ibang “mga hangin” ng aral na humihihip, ay ang malinaw na “sinalita ng Panginoon”.  Malinaw bang  sinabi ng Dios sa atin kung ano ang kasuklamsuklam sa paninira? Oo!
     “Ipinahayag ni Jesus sa mga nakikinig na alagad ang mga kahatulan na babagsak sa tumalikod na Israel, at lalo’t higit ang kagantihang kaparusahan na darating sa kanila dahil sa kanilang pagtakwil pagpapapako sa Mesias sa krus.  Ang mga hindi nagkakamaling tanda ang nauna sa kalagimlagim na kasukdulan.  Ang nakakatakot na panahon ay darating ng mabilis at bigla.  At binabalaan ng Tagapagligtas ang kanyang mga tagasunod: ‘ Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa), kung magkagayo’y magsitakas sa mga bundok ang mga nasa Judea.  Kapag ang mapagsamba sa diyus-diyosan na pamantayan ng mga Romano ay maitayo sa banal na dako, na umaabot ng ilang sukat sa labas ng pader ng syudad, kung magkagayon dapat ng umalis ang mga tagsunod ni Cristo upang maligtas.  Kapag ang palatandaan ng babala ay makita na, ang kahatulan ay darating na mabilis na yaong mga nagnanais makatakas ay hindi na mag-antala pa.  Siya na nagkaroon ng pagkakataon na makarating sa bubungan ay huwag ng bumaba pa sa kaniyang bahay sa daan.  Kundi magmadali sa kaniyang lakad sa mga bubungan hanggang sapitin niya ang pader ng siyudad, at maligtas ‘mula sa apoy’.  Yaong mga gumagawa sa parang o bukid ay huwag ng maggugol ng panahon na bumalik para sa itinabing panlabas na balabal habang sila’y gumagawa sa init ng araw.  Hindi sila dapat mag-atubili ng isang sandali, baka sila’y  mapasama sa pangkalahatang pagkawasak.” Spirit of Prophecy, Vol. 4, p. 26.

     Kaya, ang  kasuklamsuklam na paninira ay “ ang mapagsamba sa diyus-diyosan na pamantayan ng mga Romano,” at kapag ito’y nakitang natatayo doon s ahindi dapat niyang katayuan, kung gayon ang mga tunay na tagasunod ni Cristo ay tumakas na “na katulad ng apoy” at huwag nang manatili pa sa Jerusalem.  Kung sila’y mananatili, sila’y nasa matinding panganib na mawaglit ang kanilang buhay.  May kaawaang ibinigay ng Diyos sa kaniyang bayan ang maraming palatandaan na siyang babala sa nalalapit ng pagkawasak ng Jerusalem, at isinulat ni Sister White ang ilan sa mga palatandaang babala at pangyayaring ito.
     “Ang mga tanda at kahanga-hanga ay lumitaw, nagbabanta ng pagkawasak at kahatulan.  Isang komento, na kahawig ng isang nag-aapoy na tabak, ang nakita ng isang taon sa syudad.  Isang di-pangkaraniwang liwanag ang nakitang pumalibot sa templo.  Sa mga ulap ay napagmasdan ang mga karwaheng nagtitipon para sa labanan.  Mahihiwagang tinig na may pangungusap ng babala ang binigkas sa korte ng templo, ‘ tayo nang magsiyaon mula rito.’  Ang tarangkahan sa silanganan ng loobang korte, na yari sa tanso, at napakabigat na ito’y may kahirapan buksan ng dalawampung lalaki, at mayroong matibay na bakal na nakakabit sa matigas na paselyo, ay nakita sa hatinggabi na nagbukas sa kanya.
     “Sa loob ng pitung-taon isang lalaki ang nagpatuloy na nagbaba’t-panaog sa mga lansangan ng Jerusalem, ipinapahayag ang kagibaang darating sa bayan...
     Wala ni isa mang Kristiyano ang namatay sa pagkawasak ng Jerusalem.  Ipinagkalooban ni cristo ng babala ang kanyang mga alagad, at ang lahat ng naniwala sa kanyang mga salita ay nagbantay para sa ipinangakong tanda.  Pagkatapos na lukubin ng mga Romano ang syudad, biglaan nilang iniurong ang kanilang mga puwersa, sa panahong ang lahat ng bagay ay para bagang kaaya-aya pa sa mabilisang paglusob.  Sa kalooban ng Dios ang ipinangakong hudyat ay ibinigay sa mga ngahihintay ng mga Kristiyano, at walang pag-aatubili kahit isang sandali sila’y tumakas patungo sa dako ng kaligtasan...” Spirit of Prophecy, vol. 4, p. 31.

     Doo’y tunay na napakaraming mga palatandaang ibinigay upang babalaan ang bayan ng Dios sa nalalapit na pagbagsak ng Jerusalem.  Ngunit ang isa sa pangunahing mga tanda ay ang kometa.  Ganun din ang pinakadakilang tanda na ibinigay na ang kasuklam-suklam na paninira ay nakatayo na.  Ito ang huling pagkakataon na mayroon ang kanyang tunay na tagasunod upang makasumpong ng kaligtasan sa pagtakas, at nang sa ganon mailigtas ang kanilang buhay.
     Sa pagmamasid sa kasysayan ng pangyayaring ito, ang mga kawal ng Romano, s ailalim ni Heneral Cestius, ay pinaligiran ang Jerusalem.  Ngunit nang ang lahat ay parang handa na upang lusubin ito, di-inaasahang kaniyang iurong ang kanyang mga puwersa.  Nang siya’y magsimulang umurong, kanyang itinirik ang kasuklamsuklam na paninira, o ang pamantayan ng Roma s abanal na dako, at yaon ang tanda para sa mga tagsunod ni Cristo upang sila’y magsialis at maghihiwalay mula sa Jerusalem.

     Si Titus, na isang heneral ng Roma, ay bumalik pagkatapos ng ilang panahon ng pag-urong ni Cestius, at ito’y nasa ilalim ng kanyang pamamahala ng ganap na mawasak ang Jerusalem.
     “Ang lahat ng mga hulang ibinigay ni Cristo na may kinalaman sa pagkawasak ng Jerusalem ay ganap na natupad….
     “Katakut-takot ang mga kapahamakang dumating sa Jerusalem sa pagkubkob ni Titus sa syudad.  Ang huling nakawawalang pag-asang pagsalakay ay ginawa sa panahon ng paskwa, na kung saan milyun-milyong mga Judio ang nagkakatipon sa loob ng mga pader nito upang ipagdiwang ang pangkalahatang pagdiriwang.” Spirit of Prophecy, vol. 4, p. 31-32.

     Kaya mayroong Cestius na lumukob sa syudadat pagkatapos iniurong ang kanyang puwersa, at nagtirik ng kasuklamsuklam na paninira.  At pagkatapos mayroong Titus na dumating, na lumukob sa siyudad at pagkatapos winasak ito.
     Sa paglalarawan ng paninirang naganap, isinulat ni Sister White:
     “Ang Jerusalem ay winasak ang templo ay iginuho, at ang kinatatayuan nito ay binungkal na parang bukid.” Christ Object Lesson, p. 296.

     Kung inyong maaalala ang pagsasalarawan ng salitang “paninira” mula sa Griego at Hebreo, ito’y nangangahulugan ng pagkawasak, pamiminsala, at paninira.  Ang pagkawasak ng Jerusalem ay isang literal na katuparan noon, sapagkat siya’y winasak, iginuho, at binungkal sa parang bukid!

     Sa paglalarawan sa pagkawasak ng buhay ng tao, tayo ay pinagsabihan:
     “Sa pagkubkob at sa pagpatay na sumunod, higit sa isang milyon ng mga tao ang namatay…” Great Controversy, p. 35.

     Ngunit bakit napakarami ang kinakailangang mamatay?
     “Pinanday ng mga Judio ang kanilang sariling mga pakpak: kanilang pinuno para sa kanilang sarili ang mangkok ng paghihiganti.  Sa ganap na pagkawasak na dumating sa kanila bilang isang bansa, at sa lahat ng kalungkutang sumama sa kanila sa kanilang pangangalat, kanila lamang inaani ang bunga na itinanim ng kanilang mga sariling kamay.  Sinabi ng propeta, ‘O Israel, iyong ipinahamak ang inyong sarili:’ ‘ sapagkat ikaw ay bumagsak dahil sa iyong kasamaan!” Great Controversy, p. 35.

     Madali nating makikita kung anong mangyayari kapag ang Iglesya ay mangahas na lumayo sa Dios at sa kanyang pangangalaga sa pamamagitan ng hindi pagtalima sa kaniyang kalooban o mga utos.  Ngunit ano ang kahalagahan para sa modernong Israel ng Dios ngayon, ng kasuklamsuklam na paninira?  Mayroon ba itong kahalagahan?  O ito ba ay kasaysayan lamang?
     “Ipinakita sa kanila ni Cristo ang isang balangkas ng mga pangunahing pangyayaring magaganap bago magtapos ang panahon.  Ang kaniyang mga salita ay hindi pa noon lubos na nauunawaan, ngunit ang kanilang kahulugan ay kinailangang mahayag kung paanong ang kanilang bayan ay nangangailangan ng mga pagtuturo na doo’y ibinibigay.  Ang mga hulang kaniyang sinalita ay dalawa ang kahulugan; habang inaanino ang pagkawasak ng Jerusalem, inilalarawan din nito ang mga panganib ng huling dakilang araw.” Spirit of Prophecy, vol. 4, p. 26.

     Dito’y mayroon tayong hulang dalawa ang kahulugan; na may dalawang katuparan.  Ito ay natupad na sa panahon ng pagkawasak ng Jerusalem, at muli ito’y magkakaroon ng isa pang katuparan sa ating panahon.
     “Kung paanong kaniyang binabalaan ang kaniyang mga alagad ng pagkawasak ng Jerusalem, na binibigyan sila ng tanda ng papalapit na pagkawasak upang sila’y makagawa ng kanilang pag-iwas, ganundin kaniyang binabalaan ang kanyang bayan para sa araw ng huling pagkawasak…” Spirit of Prophecy, vol. 4, p. 38.

     Noong una , ang kasuklamsuklam na paninira ay naganap nang ang pamantayan ng Romano ay itinirik sa banal na dako, na umabot ng ilang sukat hanggang sa labas ng Jerusalem. At kung paanong ito ay dalawang hula, at ang pagtitirik  nito ay mangyayaring muli, ano ang maaaring kumakatawan sa kasuklamsuklam na paninira ngayon?  Ano ang pamantayan o watawat ng Roma ngayon?  Ito ay ang pagsamba ng Linggo.  Kaya ang kasuklamsuklam na paninira ngayon ay ang pagsamba ng Linggo - ang pamantayan ng Romano Katolisismo!
     Ating muling tingnan, at pag-ukulan ng pansin ang eksaktong salita ni Cristo:
     “At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotot sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.  Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa) …” Mateo 24:14-15.

     Kaya nakita natin ang larawan ng ebanghelyong ibibigay sa buong sanlibutan, at ang kasuklamsuklam sa paninira na itinirik.  At si Sister White ay sumasang-ayon:
     “Pagkatapos na ang katotohanan ay maipangaral bilang patotoo sa lahat ng mga bansa, sa panahon na ang bawat kapangyarihan ng kasamaan ay gumagawa, kapag ang mga isipan ay nalilito ng maraming tinig na sumisigaw, “Narito ang Cristo,’ ‘ Naroon Siya’, ‘Ito ang katotohanan,’ ‘Ako ay mayroong mensahe mula sa Dios,’ ‘Isinugo Niya ako na may dakilang liwanag,’ at mayroong pag-aalis ng mga palatandaan, at ang pagtangkang ibagsak ang mga haligi ng ating pananampalataya - kung magkagayon, isang higit na pagsisikap ang gagawin upang itaas ang huwad na sabbath, at tuyain ng Dios sa pagpalit sa araw na kaniyang pinagpala at pinakabanal.” Selected Messages, book 3, p. 406.

     Inuulit lamang ni Sister White ang mga salita ni Cristo sa Mateo.  Kaniyang isinulat na “pagkatapos na maipangaral ang katotohonan,“ Kung magkagayon maititirik ang kasuklamsuklam sa pamamagitan ng pagtataas ng maling sabbath.  At sinabi ni Cristo, na ang ebanghelyo ay ipangangaral, at kung magkagayon ang kasuklamsuklam ay maititirik; at kapag ito’y nangyari na, tayo ay inuutusan ni Cristo na umalis sa Jerusalem.
     Isinulat rin niya na bago maitirik ang kasuklamsuklam, mayroong pag-aalis ng orihinal na mga palatandaan ng Adventismo.  Ito ay ginawa na ang pamunuan ng iglesya ng SDA, simula panoong 1909.  Kaya kaniyang isinulat: “Ang pagtatangkang ibagsak ang mga haligi ng ating pananampalataya.”  Ito ay nagpatuloy noong 1955 sa kaganapan kina Martin at Barnhouse.  Ang pamunuan ng SDA ay gumagawa ng kaliwa’t kanang pagpapasailalim ng mga mahahalagang haligi ng naunang Adventismo sa mga evangelical.  Ang iglesya ay hindi na tumatayo sa mga mensahe ng tatlong anghel.  Sila’y nangangaral ng mensahe ng kapayapaan at kaligtasan, na direktong nagbuhat kay Satanas na hindi ito sinalita ng Dios.  (Para sa karagdagang dokumento sa kinatatayuan ng iglesya ng SDA ngayon tungkol sa talong mensahe ng anghel, sumulat lamang para sa aklat na Ang Pagbabago ng Mrnsahe ng Tatlong Anghel sa address na ibinigay sa harapan ng aklat na ito.)

     Ating balik-aralan ang kasaysayan ng lumang Jrusalem, at pagtuunan ng pansin ang panahon ng mga pangyayaring nakapaligid sa pagtitirik ng kasuklamsuklam na paninira, at ganundin sa pagkawasak ng Jerusalem at sa mga nanatili sa loob niya.
     Alalahaning sinabi ni Sister White ang palatandaang nakita bago naitayo ang kasuklamsuklam na paninira.
     “Ang mga tanda at kahanga-hanga ay lumitaw, nagbabanta ng pagkawasak at kahatulan.  Isang kometa, na kahawig ng isang nag-aapoy na tabak, ang nakita ng isang taon sa syudad.” Spirit of Prophecy, vol. 4, p. 31.

     Kailan nagpakita ang kometong yaon sa panahon ng Jerusalem, at maaari ba itong makita sa pinagmulan ng kasaysayan?
     Sa isang artikulo na lumabas sa lathala noong Oktubre 1985 ng Astronomy, itinala nito ang kasaysayan ng mga kometa ng Halley magmula na ito’y makilala at maitala.  Ang mga Tsino ang napunang nagtala ng lahat ng bagay na kanilang nakita o ginawa, at sila’y nag-umpisang magtala ng mga paglalakbay ng mga kometa sa lupa simula noong 239 B.C.  Sa kanilang tamang-tamang mga tala, ang kasaysayan ng mga kometa ay naitala hanggang sa kasalukuyang panahon.
     Ang kometa ng Halley ang kometang nakita noong mga taong nasa Jerusalem noong Pebrero ng AD 66, bago dumating si Cestius at paligiran sila.  Kaya ating nakita na ang kometa ng Halley ang isa sa pangunahing mg tanda ng babala ng nalalapit na pagkawasak sa panahon ng Jerusalem.  Kailan dumating si Cestius at pinaligiran ang syudad?
     “Pagkatapos na paligiran ng mga Romano sa ilalim ni Cestius ang syudad, kanilang di-inaasahang iniwanan ang pagkubkob kung saan ang lahat ng bagay ay kaaya-aya para sa biglaang paglusob… (ang) mga Judio ay nagkakatipon sa Jerusalem upang ganapin ang Pista ng mga Tabernakulo, at dahil dito ang mga Kristiyano sa buong lupain ay nakatakas na hindi nahadlangan.” Great Controversy, p. 30.

     Si Cestius ay dumating sa panahon ng Kapistahan ng mga Tabernakulo nnong AD 66.  Ang panahon na iyon ay noong Setyembre-Oktubre, o sa Taglagas.  Kaya, mayroon tayo ng larawan ng kometa ng Halley na unang dumating bilang babala, at pagkatapos, sandaling panahon, dumating si Cestius at pinaligiran ang syudad.  Nang kanyang bawiin ang kanyang puwersa, siya’y nagtanin o nagtirik ng pamantayan o bandila ng Roma o ang kasuklasuklam na paninira sa banal na dako at pagkatapos ay iniiwanan.

     Kailan dumating si Titus?
     “Katakut-takot ang mga kalamidad na dumatinmg sa Jerusalem nang ang pagkubkob ay ibinalik ni Titus.  Ang syudad ay nawasak sa panahon ng Paskwa, habang ang milyun-milyong mga Judio ay nagkakatipon sa loob ng mga pader nito.” Great Controversy, p. 31.

     Si Titus ay dumating sa panahon nang Marso-Abril, o sa Tagsibol ng AD 70.  Kaya ang kometa ng Halley ay napakita, at si Cestius ay dumating pagbaba ng AD 66, at itinirik ang kasuklamsuklam habang siya’y umaatras.  Pagkatapos sumating si Titus noong Tagsibol ng AD 70, na may tatlo at kalahating taon pagkatapos ni Cestius.  Ang kasaysayang ito ay mapatutunayan sa pamamagitan ni Josephus, at sa SDA Bible Commentary, vol. 5, p. 74-77.  Ang pagkawasak ay totoong nagsimula nang paligiran ni Titus ang syudad sa panahon ng Paskua ng Marso at Abril, ngunit hindi pa gumuho ang templo kundi noong ika-30 ng Agosto.

     Ang katanungang bumabangonng maraming ulit, ay kung ang mga tao ay amyroong higit tatlo at kalahating taon mula ng itirik ang  kasuklamsuklam na paninira hanggang ng mag-umpisa amg pagkawasak, bakit ibinigay kaagad ang utos ng Dios na tumakas na walang “anumang pag-aatubili” (Review and Herald, vol. 3, p 633, kol 3)?
     Ang kasagutan ay malalaki at matitinding kabulukan sa loon ang nakita ng hayagan kaagad pagkatapos na patayin ng mga Judio ang karamihan sa mga umuurong na sundalo ni Cestius.  Ang mga tao ay nadaya din na mamalagi sa Jerusalem ng kanilang mga pinuno ng iglesya at ganundin noong mga  may pakikiramay sa mga kabulukan nito at pagtalokod, sa halip na humiwalay sa pagsunod sa utos ni Cristo.
     “Ang pagpapahinuhod ng Dios tungo sa Jerusalem, ay nagpatibay lamang sa mga Judio sa kanilang matigas na kawalan ng pagsisisi.  Sa kanilang galit at kalupitan tungo sa mga alagad ni Jesus, kanilang itinakwil ang hulimg handog ng awa.  Kaya binawi na ng Dios ang kanyang pagkalinga sa kanila, at inalis ang pumipigil na kapangyarihan kay Satanas at sa kanyang mga anghel, at ang bansa ay naiwan sa pamamahala ng pinuno na kanyang pinili.  Ang kanyang mga anak ay tinanggihan ang biyaya ni Cristo, na sana’y tutulong sa kanila upang masupil ang kanilang masasamang  gawa, at ngayon ang mga ito’y naging mga manlulupig.  Pinupukaw ni Satanas ang mga pinakamasisidhi at pinakamahabang hilig ng kaluluwa.  Ang mga tao’y hindi nag-iissip; sila’y malayo sa katuwiran, - na napamumunuan ng hilig at bulag na galit.  Sila’y naging mala-demonyo sa kanilang kalupitan.  Sa pamilya at sa bansa, kasamang magkakatulad ang mga matataas at mabababang uri, mayroong paghihinala, inggit, poot, kaguluhan, panghihimagsik, pagpatay.  Walang kaligtasan saan mang dako. Ipinagkakanulo ng kaibaigan at kamag-anak ang bawat isa.  Pinatay ng  mga pinuno ng mga tao ay walang kapangyarihan na pamunuan ang kanilang mga sarili.  Ang hindi napipigilang mga hilig ay dahilan upang sila’y maging mga malulupit….
     “Ngunit sa kanilang bulag at mapagpalalong kapangahasan ang pasimuno ng mala-impyernongb gawaing ito ay hayagang nangusap na sila’y hindi nangangamba na ang Jerusalem ay mawawasak, sapagkat ito’y sariling bayan ng Dios.  Upang itatag ng higit na matibay ang kanilang kapangyarihan, sila’y nag-upa ng mga bulaang propeta upang ipahayag, maging nang nilulukob ng mga hukbo ng Romano ang Templo, na kinakailangang maghintay ang mga tao sa kaligtasang nagmumula sa Dios.  Hanggang sa huli, ang karamihan ay nanghawak sa paniniwala na mamamagitan ang Kataastaasan upang magapi ang kaaway.  Ngunit itinakwil ng Israel ang makalangit na sanggalang, at nagyon wala na siyang kalasag.  Malungkot na Jerusalem! Nawasak ng panloob na mga pagkakabaha-bahagi…” Spirit of Prophecy, vol. 4, p 29-31.
     Inyong makikita na si Cristo ay totoong matalino upang sabihin sa kanyang bayan na tumakas kaagad at huwag nang manatili pa sa loob ng Jerusalem pagkatapos na maitirik ang kasuklamsuklam na paninira.  Sinabihan ni Cristo ang kaniyang tunay na bayan na ihiwalay ang kanilang sarili  mula sa Jerusalem, ngunit ang pamumunuan ng iglesya ay umupa ng mga bulaang propeta upang dayain ang mga tao.  Ang mga bulaang ministro at mga pinunong ito ay hayagang ipinangaral na walang sinumang dapat na humuwalay o umalis sa Jerusalem, kundi sila’y dapat na maghintay at manatili sa loob ng kanilang minsang piniling iglesya at organisasyon.  At ang karamihan ay sumunod sa tao sa halip na sa Dios, na ipinapakitang higit nilang iniibig ang tao at kanilang iglesya kaysa sa Dios - na kanilang ipinagpapapanggap na sinusunod at tinatalima!

     Ang katanungan na dapat itanong ay: kung ang kasuklamsuklam na paninira ay dalawang pagkakahula, ibig sabihin na ito ay magkakaroon ng panibagong kaganapan o katuparan sa ating panahon, kung gayon sino ang kumakatawan sa Jerusalem ngayon?
     Sino ang piniling iglesya ng Dios na katulad ng Jerusalem?  Ito ay ang iglesya ng SDA.  Kaya nga, ang Jerusalem ay kinakatawanan ng iglesya SDA!
     “Ang Jerusalem ay pagsasalarawan kung ano ang kahahantungan ng iglesya kung ito’y tumatangging lumakad sa liwanag na ibinigay ng Dios.  Ang Jerusalem ay nilingap ng Dios bilang lagakan ng banal na pagtitiwala.  Ngunit binali ng kanyang bayan ang katotohanan, tinanggihan ang lahat ng pagsusumamo at mga babala.  Hindi nila iginalang ang kanyang mga payo.  Ang mga korte ng templo ay nadumihan ng kalakal at pagnanakaw.” Testimonies, vol 8, p 67.

     Isinulat ni Sister White na ang iglesya ng SDA ay kumakatawan sa Jerusalem kung sila’y tumangging tanggapin ang mga babala at panawagan ng Dios.  Kaya tinanggihan ba ng iglesya ang mga babala ng Dios?  Oo.
     Kung inyong titingnan ang kasaysayan ng iglesya ng SDA, mula 1855 hanggang sa kasalukuyang panahon, inyong makikita na kanilang tinanggihan halos lahat pagsusumamong buhat sa Panginoon na magsisi ng kanilang mga kasalanan at mabagong pabalik sa pagsunod ng kanyang kalooban.  (Para sa pagpapatunay upang bigyang-katibayan ang nabanggit, sumulat lamang para sa aklat ng “Ang Kasuklamsuklam na Paninira at Kasaysayan ng Iglesya” - Ikalawang Edisyon, sa address na ibinigay sa harapan ng babasahing ito.  Ang aklat na ito ay nagbibigay ng katibayan sa taon-taong kasaqysayan ng nagpapanggap na iglesya ng SDA sa pagtangging sumunod sa payo ng Dios).

     Narito ang iba pang patotoo na nagpapakita ng kaugnayan ng iglesya ng SDA at ng Jerusalem:
     “Ang kaparehong panganib ay nakikita ngayon sa mga taong nagpapanggap na lagakan ng kauutusan ng Dios.  Sila’y tunay na mabilis sa pagpuri sa kanilang sarili na ang kanilang panghahawak sa mga kautusan ang malalayo sa kanila sa kapangyarihan ng banal na paghatol.  Sila’y tumangging sawayin sa kasamaan, inakusahan ang mga lingkod ng Dios sa pagiging sobrang masigasig sa paglalagay ng mga ito sa labas ng kampamento.  Ang Dios na galit sa kasalanan ay tumatawag sa mga nagpapanggap na nag-iingat ng kanyang kautusan na humiwalay mulasa lahat ng kasamaan.  Ang ayaw magsisi at sumunod sa kanyang salita ay nagdadala ng malubhang mga bunga sa bayan ng Dios ngayon na katulad na naging bunga ng kaparehong kasalanan sa matandang Israel.  Amyroon hangganan kung saan hindi na Niya iaantala pa ang Kanyang mga kahatulan.  Ang pagkasira ng Jerusalem ay tumatayo bilang isang solemneng babala sa mga mata ng makabagong Israel, na ang mga pagtutuwid na ibinigay sa pamamagitan ng Kaniyang mga piniling instrumento ay hindi maaaring ipagsawalangbahala na malayo sa kaparusahan…” Testimonies, vol 4, p 166-167.

     Ang iba pang patotoo ay nagsasaad ng ganundin:
     “Kung hindi natin susundin ang mga babalang ito, ang mga kasamaang nagpahamak sa Jerusalem ay darating sa atin.” Testimonies, vol 8, p 133.

     Ang iglesya ng SDA ay kumakatawan sa Jerusalem.  Sila ang makabagong Israel ng Dios.  Ang iglesya ng SDA, buhat pa noong 1855, ay hindi nagsisi ng mga kasalanang kanilang ginawa.  Kaya ito’y nangangahulugan na ang Jerusalem ay kumakatawan sa kanila.
     Ang katunayan, ipinatungkol pa ni Sister White ang iglesya ng SDA bilang Jerusalem!
     “Sa loob ng isang linggo bago ako lubos na pumayag na pumaroon sa Battle Creek (himpilan ng Iglesya) hindi ako nakatulog ng lampas sa ala-una.  Sa ibang mga gabi ako ay gising ng alas-onse at sa maraming mga gabi ay sa alas-dose.  Hindi ako nagpasiya mula sa bugso, kundi mula sa paniniwala na sa panahong ito, kinakailangan kong  mag-umpisa sa Jerusalem.” Letter 159, 1900 (tingnan ang “The Elmshaven Years” p 45-46).

     Ang isa pang katanungang dapat na itanong ay : Ang Kasuklamsuklam na paninira ba o ang pamantayan o bandila ng Roma (pagsamba ng Linggo) ay maititirik sa nagpapanggap na iglesya ng Seventh-day Adventist?
     Sa Ezekiel kapitulo 8, ang ilan sa mga kasuklamsuklam na nagaganap sa Jerusalem ay nabanggit.  Habang ang Ezekiel Kapitulo 9 ay nagsasaad ng pagkawasak na mangyayari dahil sa mga kasuklamsuklam.  Ito’y nagsasabi tungkol sa bayan ng Dios na nagbubuntong-hininga at sumisigaw, na sinisikap na pagsabihan at babalaan ang mga tao tungkol sa nagaganap na mga kasuklamsuklam sa loob ng kanilang iglesya.
     Maaari ba na ang mga kasuklamsuklam na ito ay nasa kalagitnaan ng iglesya ng SDA?  Ang Ezekiel ba ay isinulat para sa ating kapanahunan?  O ito ba ay para lamang sa lumang Israel?
     “Ang mga propeta ng Dios ay nagsalita ng kaunti sa kanilang kapanahunan kaysa para sa panahong darating.  At lalo’t higit para sa henerasyong mabubuhay sa huling tanawin ng kasaysayan ng sanlibuitang ito.” Signs of the Times, vol 3, p 445, col 3.

     “Ang bawat isa sa mga naunang mga propeta ay nagsalita ng kaunti para sa kanilang sariling kapanahunan kaysa atin, upang ang kanilang mga panghuhula ay matupad sa atin.
     “Ang lahat ng mga dakilang pangyayari at banal na gawain ng kasaysayan ng lumang tipan ay naulit at nauulit sa iglesya sa mga huling araw na ito.” Selected Messages, book 3, p 338-339.

     “Ang mga lalaking ito ng Lumang Tipan ay nagsalita ng mga bagay na magaganap sa kanilang kapanahunan, at si Daniel, Isaias, at Ezekiel ay hindi lamang nagsalita ng mga bagay na may kinalaman sa kanila bilang pangkasalukuyang katotohanan, kundi ang kanilang mga paningin ay umabot hanggang sa darating, at sa kung ano ang magaganap sa mga huling araw na ito.” Selected Messages, book 3, p  419.

     Partikular na pinangalanan ni siter White si Ezekiel bilang propeta para sa mga huling araw na ito, na nangangahulugan na ang kaniyang mga salita ay pumapatungkol sa atin, ang modernong Israel ng Dios.  Kaya sa tuwing babanggitin ni Ezekiel ang Jerusalem, siya ay nagsasalita tungkol sa iglesya ng SDA!
     Nakatala sa Ezekiel 8 ang mga kasuklamsuklam o karumaldumal na nagaganap sa Jerusalem.  Kung kaya ang mga kauklamsuklam na ito ay magaganap sa iglesya ng SDA!  Ito ba ay imposible?  Ngunit sinasabi ng Dios ang mga ito sa kaniyang bayan.
     “Yaong mga tumanggap ng dalisay na tanda ng katotohanan na ginawa sa kanila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, na kinakatawanan ng tanda ng lalaki na nadadamtan ng kayong lino, ay yaong mga “nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa” sa iglesya.  Ang kanilang pag-ibig sa kadalisayan at sa karangalan at kaluwalhatian ng Dios ay gayon na lang, at sila’y may malinaw na pagkatanaw sa lubhang makasalanan, na sila’y inilalarawan na nasa panlulumo, kaya’t nangangabuntong-hininga at nangagsisidaing.  Basahin ang ika-siyam, na kapitulo ng Ezekiel.” Testimonies, vol 3, p 267.

     Kung kaya ang mga kasuklamsuklam na nakatala sa Ezekiel 8 ay makikitang magaganap sa loob ng iglesya ng SDA!  Bakit si nalalaman ng ating mga kapatid ang mga bagay na ito?  Ito ay sa dahilan na ang mga ministro ay nangangaral ng mensahe ng kapayapaan at kaligtasan, upang ang mga tao ay hindi mag-aral para sa kanilang saili, kundi manatili sa kawalan ng kaalaman.
     Ngunit tayo rin ay sinabihan na:
     “Ang mga nagsisipagbuntong-hininga, nagsisidaing na mga ito ay nanghahawak sa mga salita ng buhay, sila’y sinaway, pinayuhan, at pinamanhikan.  Ang iba na naniwalang puri ang Dios ay nagsisi at nagpakumbaba ng kanilang mga puso sa harap Niya.  Ngunit ang kaluwalhatian ng Panginoon ay umalis na sa Israel; bagaman marami ang nagpatuloy sa mga anyo ng relihiyon, ang Kaniyang kapangyarihan at presensiya ay wala…  Sila’y nagsihibik sa Dios na makita ang relihiyon na hinamak sa mga tahanan ng may mga dakilang liwanag.  Kanilang hinapis at dinalamhati ang kanilang mga kaluluwa sapagkat ang kapalaluan, katakawan sa kayamanan ay nasa iglesya
     “Ang kasuklamsuklam na ipinagbubuntong-hininga at idinadaing ng mga tapat ay lahat ng maaaring makita ng mga mata, ngunit higit pa roon ang mga pinakamasamang kasalanan, yaong mga iminungkahi ang paninibugho ng dalisay at banal na Dios, ay hindi nahayag.  Ang dakilang Maniniyasat ng mga puso ay nalalaman ang bawat kasalanang nagawa sa lihim ng mga manggagawa ng katampalasan.” Testimonies, vol 5, p 210-211.

     Ang mga kasuklamsuklam na ito ay nangyayari sa iglesya ng SDA!  At sa Ezekiel 8, partikular na itinala ng Dios ang ilan sa mga kasuklamsuklam na maaari nating makita kung ating nanaisin.  Ngunit ating pagtuunan ng pansin ang mga ilang huling talata, sapagkat ito ang huling kasuklamsuklam na mangyayari o magaganap bago magsara ang palugit na panahon ang pagtatatak ay magsisimula, at ang pagkawasak ay mag-uumpisa na sa Ezekiel 9.
     “At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana, ay may dalawampu’t  limang lalake, na sila’y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan.
     “Nang magkagayo’y sinabi niya sa akin, nakita mo baga ito, oh anak ng tao?  Magaan bagang bagay sa sangbahayan ni Juda, na sila’y nagsisigawa ng mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa dito?  Sapagkat kanilang pinuno ng karahasan ang lupa, at sila’y nangagbalik uli upang mungkahiin ako sa galit: at narito , kanilang inilalagay ang sanga sa kanilang ilong.
     “Kaya’t akin namang gagawin sa kapusukan; ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako; at bagaman sila’y nagsisidaing sa aking  pakinig ng malakas na tinig, gayon may hindi ko sila didinggin.” Ezekiel 8:16-18.

     Mayroong dalawampu’t limang lalake, na mga sasardote at pinuno sa Israel, ngunt itinatalikod ang kanilang mga likod sa templo ng Panginoon sa labas, at nagsisipagsamba sa araw.  ITO ANG KASUKLAMSUKLAM NA PANINIRA!  At pagkatapos na ito’y mangyari, ang palugit ay magsasara na sa iglesya ng SDA - hindi na mga kasapi, kundi sa pangkalahatang kabuuhan.
     Ngunit kung ang Iglisya SDA ang kumakatawan sa Jerusalem ngayon, sino
naman ang kumakatawan sa 25 lalaking ito na tumangging sumamaba sa panginoong Dios ng langit, kundi sa halip ay sinimba ang araw ng araw- sa gayon ay itinitirik ang kasuklamsuklam na paninira sa Iglisya? Sino ang mga pinunong ito na gagawa nito, na isasara ang palugit na panahon sa pangkahatang Iglisya, at pagkatapos ay aakayin ang ating mga kapatid na sumunod sa kanila sa pagsamba sa araw hanggang sa kanilang ganap na pagkawasak?

     Sa General Conference ng Bulletin ng 1901, ito'y nagsasad ng tungkol sa
General Conference:
     "Ang matatas na lupon ng komperensiyang ito ay dalawmput-lima sa bilang." 1901 General Conference Bulletin, p 379, kol, par 2, sec. 1, article 4.

     Ang pamunoan ng General Conference ay kumakatawan sa dalamput-limang lalaki ng Ezekiel 8 na nagsisimba sa araw sa dakong silanganan at pagkatapos ay aakayin ang mga nadaya nating mga kapatid sa pagsamba ng Linggo! Ang dalawamput-limang lalakinh ito ng General Conference ng SDA ang pinakamatas nakapangyarihan sa Iglisya ng SDA, at ito ay nasahula! Sinasabi ni Ezekiel, "ang tungkol sa dalawamput-imang lalaki" at sila'y bumoto sa dalawamput-lima bilang numeroo ng Lupon na namamahala ng buong Iglisya ng SDA.
     Maging limampung taon pagkatapos ng 1901, kokumentado sa talaan ng iglesya noong 1959 pa, na ang Lupon ng mga Ehekutibo ng Comperensiyang ito ay “hindi hihigit sa 25 ang bilang.”  Ilang panahon pagkalipas ng 1959, ang Lupon ng mga Ehekutibo ay lumaki, at may ilang daan na ngayon.  Ngunit mapapawalang-bisa ba ng katotohanang ito ang hulang patungkol sa pamunuan ng General Conference?  Ang Lupon ng mga Ehekutibo ba ang tanging kapangyarihang nananatili sa liokd ng luklukan ng iglesya ng SDA?  O, buhat ng ito’y lumaki, mayroon bang panibagong Lupon na binuo na siyang namumuno o kumokontrol sa Lupon ng mga Ehekutibo ng General Conference - na ginawa ang bagong Lupon na ito na tunay na kapangyarihan sa likod ng trono.
     Malinaw na tanging ang General Conference ang nakakaalam, kaya ako’y sumulat sa kanila na huminhingi ng kaalaman sa panloob na pangangasiwa sa kabuuhan.  At ito ang napakalinaw na kasagutang aking natanggap:
     “Dito sa General Conference, ang pinakamataas na lupon na ginagawa ng pagpapasiya, ay walang iba kundi ang Lupon ng General Conference.  Mayroon pang ibang lupon na tinatawag naming ‘General Conference Officer’ na binubuo ng may dalawampu’t-lima o dalawampu’t-anim na katao - presidente, mga kalihim, at mga inga-yaman, na may ilan pang inanyayahang indibidwal.  Ang lupon na ito ay isang lupon na tagasiyasat na magpapasiya sa mga bagay na dapat ipasa sa Lupon ng General Conference.” Liham mula sa Tanggapan ng Presidente ng General Conference ng Seventh-day Adventist, B.E. Jacobs - Administrative Assistant ng Presidente, Nobyembre 1, 1990.

     Dahil ang mga Opisyales ng Lupon ng General Conference ang kumukontrol sa mga bagay na dumarating sa Lupon ng General Conference, sila sa katunayan ang tunay na kapangyarihan sa likod ng Lupon ng Comperensiya, at ganundin ng iglesya ng SDA!  At ilang kasapi ang bumubuo ng mga Opisyales ng Lupon na ito?  “May dalawampu’t-lima o dalawampu’t-anim na katao!”  Ito ay kaparehong-kaparehong salita na ginamit ni Ezekiel - “May dalawampu’t-lima”!  Hindi ito isang pagkakataon lamang, kundi isa sa mahalagang palatandaan na malinaw na ipinakikita na ang hula ng mga kasuklamsuklam ng Ezekiel 8 ay para sa iglesya ng SDA, at ang dalawampu’t-limang pinuno ng iglesya, na tumalikod sa Panginoon at sumamba sa araw, ay tumutukoy walang iba kundi sa pamunuan ng General Conference!  Ito ang ganap na katuparan ng hula na masusumpungan sa Ezekiel 8:16!  At pinahintulutan ng Dios ang Kaniyang mga totoo at atpat na anak na magkaroon ng kaalaman tungkol dito at ng hindi masilong natutulog at nadadaya patungo sa pagkawasak.

     PAKATANDAAN - ang kasuklamsuklam na paninira ay itinirik sa iglesya ng SDA nang ang pamunuan ng General Conference ay tumalikod sa Panginoon at sumamba sa araw sa dakong silangan - hindi nang ang buong iglesya ay ganap na maakay na sumamba sa Linggo!  Unang iiwanan ng pamunuan ng General Conference ang Panginoon at Kaniyang Sabbath - na siyang magtitirik ng kasuklamsuklam na paninira - at pagkatapos kanilang aakayin ang ating mga kapatid sa pagsamba ng Linggo.  Marami ang naghihintay sa buong iglesya na magsimulang sumamba ng Linngo bago nila tanggapin na ang kasuklamsuklam nang humiwalay.  Ngunit ang kasuklamsuklam na paninira ay matatayo sa banal na dako kapag ang pamunuan ng General Conference ay magpasiya na tumalikod sa Panginoon at sumamba sa raw, na siyang daan upang ang buong iglesya ay maakay na gumawa ng ganundin!  Maggugugol ng ilang panahon bago masalang pababa tungo sa mga hanay ang pasiya ng General Conference, na sumamba sa araw, at impluwensiyahan ang mga kaanib na sundan sila sa kanilang pagsamba sa araw.  Ngunit bago maakay ang sinumang kaanib o kasapi na gawin ang agyon, ang kasuklamsuklam na paninira ay maitirik na ng lubusan sa iglesya!  Kaya kung anumang mga hakbang ang makikita ngayon na tinatayang mag-aakay sa mga kaanib ng SDA na itaas ang Linggo o sumamba ng Linggo, kung gayon ipinapakita nito na ang pamunuan ng General Conference ay ganap ng tumatalikod sa panginoon at ang kasuklamsuklam na paninira ay naitayo o naitirik na, na ibig sabihin ang paghiwalay mula sa iglesya ay kinakailangan na!  At tanging ang mga tagasunod ni Cristo, na pinanatili ang kanilang mga matang bukas at nalalaman kung ano ang titingnan, ang makakakita sa mga hakbang na tinatahak ng pamunuan ng iglesya upang ito’y matupad.  Sinasabi ni Cristo na kung paanong ang pagtuturo ay kinakailangan ng kaniyang bayan, ito ay ipinagkakaloob, at kung paanong maipagkaloob na ang pagtuturo, at atin nang nag-uumpisahang maunawaan ang ilan sa mga bagay na nagaganap, nangangahulugan na ang katapusan ay malapit na.
     Marami sa mga haligi ng ating pananampalataya ay ibinagsak na ng pamunuan at patuloy na ibinibilang ang mga pangunahin at mahahalagang doktrina na mali upang makisang-ayon at makiisa sa sanlibutan.  At alalahanin na binanggit ni Sister White na pagkatapos na maganap ang mga bagay na ito, kung magkagayon ang huwad na sabbath ay itataas sa mga mata na ating kapatid (tingnan ang Selected Messages, book 3, p 406).  Sa katunayan, binabalaan tayo ni Jeremias ngayon.  “Isang pagbabanta ay nasumpungan sa gitna ng mga lalake ng Juda, at sa gitna ng mga nananahan sa Jerusalem.”  (Jeremias 11:9)

     Sa iba, ito’y isang mahirap na bagay na paniwalaan ng itataas ng mga pinuno ng General Conference ang Linggo sa iglesya ng SDA at dayain ang ating mga kapatid sa pagsamba sa huwad na sabbath na ito.  Ngunit ito ba ay totoo?  Sinusuportahan ba ito ni Sister White? Oo!
     “Mayroong pangangailangan ng pagrereporma sa Sabbath sa atin na mga nagpapanggap na nangingilin ng banal na araw na kapahingahan ng Dios …  Ang Panginoon ay may pakikipagbaka sa Kaniyang nagpapanggap na bayan sa mga huling araw na ito.  Sa pakikipagbakang ito ang mga lalaki na nasa reponsableng posisyon ay gagawa ng direktong kataliwas sa ginawa ni Nehemias.  Hindi lamang nila tatanggihan at ipagwawalang-bahala ang Sabbath, kundi kanilang sisikaping itago ito sa iba sa pamamagitan ng pagtatago nito sa ilalim ng dumi ng kaugalian at sait-saling sabi.  Sa mga iglesya at sa malalaking pagtitipon sa hayag na lugar, ipipilit ng mga ministro sa mga tao ang pangangailangan ng pangingilin ng unang araw ng linggo.” Review and Herald, vol 1, p 405, col 3.

     Ang iba’y naakay na maniwala na ang patotoong ito ay tumutukoy lamang sa mga iglesya at taong nangingilin ng Linggo.  Ngunity bakit pipilitin ng mga ministrong nangingilin ng Linngo ang mga taong nangingilin na ng Linggo na nangilin ng Linggo?  Ang ganitong katwiran ay walang anumang kabuluhan.


     Ilang mga punto ang binigyang-diin sa patotoong nabanggit na ating titingnan:


     1.  “Mayroong pangangailangan ng pagrereporma sa Sabbath sa atin na mga nagpapanggap na nangingilin ng banal na araw ng kapahingahan ng Dios.” Maliwanag na ito’y hindi tumutukoy sa mga nangingilin ng Linggo, kundi tumutukoy sa mga tao ng SDA - ang nagpapanggap ng bayan ng Dios sa mga huling araw na ito.
     2.  “Sa pakikipagbakang ito, amg mga lalaki na nasa responsableng posisyon ay gagawa ng direktang kataliwas sa ginawa ni Nehemias.”  Si Nehemias ay isang repormador sa Sabbath, at ang mga lalaki mismo ng General Conference sy mauunang tatalikod sa pagrereporma sa Sabbath.

     3.  “Ang mga pinunong ito “ay hindi lamang tatanggihan at ipagwawalang-bahala ang Sabbath, kundi kanilang sisikaping itago ito sa iba sa pamamagitan ng pagtatago nito sa ilalim ng mga kaugalian at salit-saling-sabi.  Kanilang gagamitin ang kanilang posisyon ng responsibilidad upang subukin at impluwensiyahan yaong mga ministro at pinunong nasa kanilang pangunguna sa sundan sila sa pagtanggi at pagwawalang-bahala sa ikapitong araw ng Sabbath ng Dios, at sisikaping itago ang tunay na pangingilin ng Sabbath palayo sa ating mga kapatid.

     4.  “Sa mga iglesya at sa mga malalaking pagtitipon sa hayag na lugar, ipipilit ng mga ministro sa tao ang pangangailangan ng pangingilin ng unang araw ng sanlinggo.”  (tingnan din ang Signs of the Times, vol 1, p 405)

     ITO AY ISANG MALUNGKOT NA KATOTOHANAN, NGUNIT SA KABILA NITO AY NANGYAYARI!

     Kapag ang kasuklamsuklam na paninira ay naitirik na, kung magkagayon nalalaman natin na ang palugit ay natatapos na sa samahan, ang pagtatatak ng mga indibidwal ay mag-uiumpisa, at ang pagkawasak ay susunod na mabilis.
     “Nang magkagayo’y sumigaw siya sa aking pakinig ng malakas na tinig, na nagsasabi, Magsilapit yaong mga may katungkulan sa bayan, na bawat isa’y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay.  At narito, anim na lalake (mga anghel) ay nagsipanggaling sa daan ng mataas na pintuang-daan, na nalalagay sa  dako  ng hilagaan, na bawat isa’y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay; at isang lalake ay nasa gitna nila na nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran. (sa Testimonies, vol 3, p 267 tayo ay pinagsabihan na ito ay ang Banal na Espiritu - hindi sa dahilan na ang Banal na Espiritu ay isang anghel, kundi mensahero ng Dios.  Tingnan din ang Epeso 4:30)…
     “At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ka ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon.  At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig, magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya at manakit kayo: huwag magpatawad ang inyong mata, o kayo man ay mahabag; Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata, at ang mga babae; ngunit huwag lumapit sa sinumang lalake na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario.  Nang magkagayo’y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay.” Ezekiel 8:17-18, 9:1-2, 4-6.

     Ang pagkawasak na ito ay nangyayari sa iglesya ng SDA, na nag-uumpisa sa mga masasama at bulok na pamunuan.  At dahil ito ay mag-umpisa sa bulok na pamunuan, kung magkagayon ang lahat ng masasamang itlog ay hindi umalis sa iglesya ng SDA kung paanong nilason ang ating isip upang maniwala.  Ngunit ang lahat ng mabubuting itlog ay nilisan ang iglesya sa pagsunod sa utos ni Cristo, halang ang lahat ng masasamang itlog ay sumuway sa tiyak na utos ni Cristo at nanatili sa iglesya - na pinatutunayan na kanilang iniibig ang kanilang iglesya ng higt sa pagsunod sa Dios - at ang kapasiyahang ito ang nagsara ng kanilang walanghanggang kahahantungan.  Ang mga ito’y kasamang mapapahamak ng kanilang iglesya at ng diyos-diyosang kanilang iniibig, sapagkat sila’y tumangging tanggapin ang buhay na walang-hanggan na kasama ni Cristo sa pamamagitan ng kusang-loob na pag-alis upang makasama Niya.

     Naalala ba ninyo ang tungkol sa kuwento ng isang lalaki na tumatakbo ng paroot parito sa mga liwasang daan ng Jerusalem na sinisikap babalaan ang mga tao na ang pagkawasak ay nalalapit nang mangyari (tingnan ang Spirit of Prophecy, vol 4, p 31; at Great Controversy, p 30)?  Kaniyang binalaan ang mga tao ng pitong taon, ngunit siya rin ay namatay sa Jerusalem.  Bakit?  Sapagkat kaniya ring tinanggihang sundin ang utos ni Cristo na tumakas.  Kaniyang binalaan ang Jerusalem ng higit sa tatlong taon at kalahati.  At pagkatapos ang kasuklamsuklam na paninira ay itinirik, at sa halip na ihiwalay ang kaniyang sarili ds kaniyang iglesya at tumakas kung paanong iniutos ni Cristo na kanyang gawin, siya’y nagpasiyang manatili at magpatuloy na babalaan ang mga tao.  Ngunit wala ni isa mang nabago ng kaniyang mensahe.  Siya’y nagpatuloy sa pangangaral tungkol sa mga kasuklamsuklam at sa mga kahatulang darating o babagsak sa Jeusalem, ngunit siya’y tumangging ipangaral sa mga tao na ang paghiwalay mula sa iglesya patungo kay Jesus - ang kanilang ipinapapanggap na Guro at lider - ay kinakailangan para sa kanilang walanghanggang buhay sapagkat ang kasuklamsuklam na paninira ay naitirik na.  At bagaman siya’y nanatili at nagpatuloy sa pagbababala sa mga tao na ang pagkawasak ay malapit nang mangyari, walang anumang katibayan na ang sinuman ay nakinig sa Kaniyang mensahe at naligtas mula sa pagtakas sa Jerusalem.  Kaya bagamat kaniyang sinuway si Cristo at nanatili upang babalaan ang nmga tao, wala itong nagawang mabuti.
     Yaong mga nanatili ay napahamak lahat kasama ng kanilang iniibig na iglesya.  Ipinapakita na ang pagsubok o palugit sa kanila ay nagsara o natapos na ng sila’y magpasiya na suwayin si Cristo at manatili, bagaman ang pagkawasak ay nangyari pagkatapos ng tatlong taon.  Ang kanilang palugit ay nagsara kung paanong ito ay nagsara sa panahon ni Noe, sa maluwang na liwanag-ng-araw at walang ulap na hahadlang sa paningin.  Pakitandaan lamang ito!  Ang pagtitirik ng kasuklamsuklam na paninira ay nagbabala  na ang pangkabuuhang palugit ng iglesya ay nagsara na, at ngayon ang palugit sa indibidwal ay nagsasara na sang-ayon sa kanilang pakikitungo sa mensahe na humiwalay sa kanilang iglesya sa pagsunod kay Cristo!

     Sapagkat ang lalaking ito’y nanatili sa halip na humiwalay, marami ang sumunod sa kaniyang halimbawa ng pagsuway sa tiyak na utos ni Cristo, at sila rin ay nanatili sa bulok at tumalikod na iglesya.

     Ngayon kaaya-ayang tandaan na sinasabi na ang pangalan ng lalaking ito ay tinawag na Jesus!  (Tingnan ang Jerusalem and Rome: The Writings of  Josephus, p 162 (War VI, 5:3) ).  Ngunit siya’y napatunayan na bulaang Cristo.  Ang kaniyang mensahe ay binubuo ng pagbibigay babala sa mga tao tungkol sa mga kasuklamsuklam at kabulukang nangyayari sa iglesya, at ang kahatulan ay malapit ng dumating, ngunit siya’y tumangging ibigay sa mga tao ang tanging mensaheng magliligtas sana sa kanila ng kanilang buhay na walanghanggan, ang humiwalay mula sa iglesya.
     Hindi ba natin naririnig ang parehong bulaang mensahe ngayon?  Tiyak na tiyak!  Ating naririnig ang marami sa mga bulaang Cristong ito na ipinapahayag ang ganito ring nakadadayang mensahe.  At ang mga ito, kasama ng kanilang mga tagasunod, ay babagsak kasama ng kanilang iniibig at iniidolong iglesya.

     Isinulat ni Sister White ang tungkol sa pagkawasak na mangyayari:
     “Ang palutong na hindi nakadarama ng pagkalungkot sa pagbagsak ng kanilang sariling espiritwal, o tumatangis sa mga kasalanan ng iba, ay maiiwan na walang tatak ng Dios.  Inatasan ng Panginoon ang kaniyang mga mensahero, ang mga lalake na may pangpatay na almas sa kanilang mga kamay: “Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya, at manakit kayo; huwag magpatawad ang inyong mga mata, o kayo man ay mahabag; lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata, at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae: ngunit huwag lumapit sa sinumang tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario.  Nang  magkagayo’y kanilang pasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay.
     “Dito ating nakikita na ang iglesya - ang santuario ng Panginoon - ang unang makadarama ng suntok ng galit ng Dios.  Ang mga matandang lalake, na sa kanila ipinagkaloob ng Dios ang dakilang liwanag at tumatayo bilang mga tagapangalaga ng espiritwal na kapakinabangan ng mga tao, ay ipinagkanulo ang kanilang pagtitiwala.” Testimonies, vol 5, p 211.

     “Sa Kaniyang mga anghel Kaniyang ibinigay ang bilin upang isagawa ang kaniyang mga kahatulan.  Hayaang magsigising ang mga ministro, hayaan silang pumasok sa sitwasyon.  Ang gawain ng paghuhukom au mag-uumpisa sa santuario. ‘At narito, anim na lalake ay nagsipaggaling sa daan ng mataas na pintuang-daan, na nalalagay sa dako ng hilagaan, na bawat isa’y may kaniyang pangpatay na almas sa kanyang kamay; at isang lalake ay nasa gitna nila na nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran: at sila’y  nagsipasok, at nagsitayo sa siping ng tansong dambana!  Basahin ang Ezekiel 9:2-7.  Ang utos ay, ‘Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; ngunit huwag lumapit sa sinuman na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario.  Nang magkagayo’y ‘kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay!’” Testimonies to Ministers, p 431.

     Tuwirang ipinapatungkol ng patotoong ito ang Ezekiel 9 sa iglesya ng SDA at sa mga ministro nito.  Sila ay malinaw na sinabihang magsigasig, sapagkat “ang paghuhukom ay pasisimulan sa santuario.”
     Ito ang mangyayari sa iglesya ng SDA at sa mga ministro nito ; dahilan sa kanilang pagtalikod sa Dios at sa Kaniyang kautusan, kanilang pagsamba at pagtataas sa Linggo, at kanilang pangunguna at pandaraya sa ating mga kapatid na gumawa ng ganundin.
     Ito’y nakakasindak!  Ito ay dahilan kung bakit sinasabi ni Cristo sa atin na kapag nakita natin ang kasuklamsuklam na paninira na nakatayo, tayo ay dapat ng tumakas.  At yaong mga hindi humiwalay, ay ipinapakita sa sila ay hindi mga tagasunod ni Cristo!

     Upang higit na malinaw, ang Jerusalem ay siyang naglalarawaan sa iglesya ng SDA.  Kapag ang pamaunuan at mga ministro ng SDA ay nagpasimulang itaas ang pagsamba sa Linggo sa ating mga kapatid, nangangahulugan ito na ang lahat ng tunay na mga tagasunod ni Cristo ay dapat nang tumakas o umalis sa iglesya.  Ibig sabihin na huwag nang tumigil at manatili pa roon.  Kung ika’y manatili sa halip na umalis, o kung ikaw ay bumalik sa iglesya pagkatapos mong lisanin ito, ikaw ay madadaya sa pananatili at sa paggawa nito ay iyong ipinahamak ang iyong buhay na walanghanggan - katulad ng mga Judio noong una.
     Halos apatnapung taon bago naunawaan ng ga Judio kung ang kasuklamsuklam na paninira.  Nang ito’y maganap, tanging ang mga tunay na tagasunod ni Cristo, na nag-aral ng sapat, ang nakakita o nakakilala nito at nakatakas sa dako na ligtas.  Hindi sila nadaya ng mga bulaang propeta na inupahan ng mga lider ng iglesya upang magturo sa tao na ang lahat ay kinakailangang manatili sa loob ng iglesya na huwag aalis.  At ito’y katulad na katulad sa ating panahon.

     Alalahanin ang mga salita ni Cristo sa Kaniyang mga tunay na tagasunod ay ganito:
     “Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa) (o nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan” Mark 13:14): Kung magkagayo’y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:  Ang nangasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay:  At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabaal.” Mateo 24:15-18.

     “….At ang mga nangasa loob ng bayan (Jerusalem) ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok (pabalik) sa bayan.” Lucas 21:21.

     Sinasabi ni Cristo sa Kaniyang bayan na kung ang pamunuan ng iglesya at ang mga ministro nito ay nagpasimulang itaas ang pagsamba ng Linggo - dahil dito’y ipinapakita na kanilang itinalikod ang kanilang mga likod  sa Panginoon, sumamba sa araw, at ang kasuklamsuklam na paninira ay naitatayo o naitirik na sa iglesya, (na nangangahulugan na makikita natin ito kung tayo ay nagbabantay para dito, at nag-aaral), kung magkagayo’y kinakailangan na nating tumakas palabas  na ng iglesya, kung magkagayo’y huwag na tayong bumalik sa loob.
     “‘Kung magkagayo’y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok!’ Lucas 21:20-21.  Huwag na silang magtagal pa upang kumuha ng anumang bagay mula sa kanilang mga pag-aari, kundi dapat samntalahin ang pagkakataon na makatakas.  Mayroong paglabas, isang tiyak na paghiwalay mula sa masama at pagtakas para sa buhay…. At ganito ang mangyayari sa huling mga araw.” Patriarch and Prophets, p 166.

     Ngunit papaano maipapangalat ng iglesya ng SDA, na dating pinili ng Dios, ang kanyang mga katotohanan ngunit iniisip na sila’y patuloy na mananatiling tunay at tanging iglesya ng Dios sa sanlibutan?  Ang tanging paraan upang subukin at unawain ito, ay ang pagtingin sa kasaysayan ng Jerusalem.
     Noong una, ang pamunuan ng iglesya ay umupa ng mga bulaang propeta upang iligaw ang mga tao sa pamamagitan ng pagtuturo at pangangaral sa kanila na ang kanilang iglesya ay magpapatuloy.  Na walang sinumang dapat mag-alaala, sapagkat ililigtas sila ng Dios mula sa pagkawasak.  Bagaman pinaligiran na ng mga Romano ang templo, pinutol ang lahat ng pagtakas, ang mga bulaang propetang ito ay patuloy na nagpapahayag na ililigtas sila ng Dios; na sila ang tunay na bayan at nag-iisang tunay na iglesya; at ang kanilang iglesya at ang relihiyosong pamamaraan nito ang tanging organisasyon na maaaring gamitin ng Dios, ngunit sa katunayan itinakwil na ng Dios ang kanilang iglesya at ang pamamaraan nito sa nakalipas pang 40 taon.
     “Kanilang (Judio) ninakawan ang Dios ng Kaniyang kaluwalhatian, at dinaya ang sanlibutan ng huwad na ebanghelyo.  Sila’y tumangging isuko ang kanilang sarili sa Dios para sa kaligtasan ng sanlibutan, at sila’y naging mga ahente ni Satanas para sa pangwawasak nito.
     “Ang bayan na tinawag ng Dios na maging haligi at suhay ng katotohanan ay naging mga kinatawan ni Satanas…  Wala nang magagawa pa ang Dios para sa tao sa pamamagitan ng mga kinatawang ito.  Ang buong sistema ay kailangang palisin.” Desire of Ages, p 36.

     Ang iglesya ay naging bulok na hindi na maaaring gamitin pa ng Dios sa anumang paraan upang ipangalat ang Kaniyang ebanghelyo ng katotohanan sa sanlibutan.  Kaya nga Siya’y pumili ng iba - si Juan Bautista, si Cristo, at ang mga alagad, na sa ilalim ng pamamatnubay ng Banal na Espiritu, at hindi gumagawa sa pamamagitan ng bulok na sistema ng iglesya sa alinmang mga sangay nito, ay higit na gumawa upang mahikayat yaong nasa Jerusalem sa katotohanan kaysa nagawa ng buong relihiyosong organisasyon.
     “Nakasanayan sa nating isipin na maliban na isang organisasyong pulutong ng mga manggagawa ang isugo sa bukiran, anumang pagsisikap ay magiging walang kabuluhan.  Ating nadarama na para bagang kinakailangan nating mapabilang sa ilang mga organisasyon kung nais nating makagawa ng mabuti.
     “Ngunit hindi gumawa si Juan Bautista sa ganitong plano.  Ang kanyang misyon ay ihanda ang daan para sa Mesias sa pamamagitan ng Kaniyang mensaheng ipinagkaloob ng Dios; at sa ilalim ng pamamatnubay ng Banal na Espiritu, kaniyang nagampanan ang gawaing itinalaga sa kaniya na hindi tumatawag sa mga sasardote o rabbi upang humingi ng tulong …
     “Pagkatapos matanggap ng mga alagad ang Banal na Espiritu, sila’y humayo upang ibigay sa iba ang liwanag at karunungang kanilang tinanggap.  Sila’y kakaunti sa bilang, ngunit sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu, sila’y nakagawa ng higit para sa pagbabalik-loob noong mga nasa Jerusalem kaysa sa nagawa na malalaking relihiyosong organisasyon.” Review and Herald, vol 3, p 555, col 2.

     Nakalimutan ng mga Judio na hindi umaasa ang Dios sa kanila upang matupad ang kaniyang mga layunin sa lupa, na Siya ay mayroong kalayaang pumili ng iba, at gumawa ng lubos na malaya upang sa kanilang buong sistema ng iglesya, na isapaisantabi sila kung sila’y tumangging ganapin ang kanilang bahagi ng tipan.  Kanilang nakalimutan na ang mga pangako ng Dios ay palaging nasa kondisyon ng pagsunod, bagaman malinaw nang sinabi sa kanila ni Juan Bautista ang mahalagang katotohanang ito.
     “Nalalaman ni Juan na kanilang (mga Judio) iniibig ang kaisipan na, sapagkat sila’y mga binhi ni Abraham, sila’y matibay ng nakatago sa biyaya ng Dios, habang ang kanilang mga gawa ay kasuklamsuklam sa Kaniya… May katapatang ipinakita sa kanila ng propeta ang kakayanan ng Dios na tumawag mga tao na kukuha ng kanilang lugal, at higit na magiging karapat-dapat na mga anak ni Abraham.  Kaniyang sinabi sa kanila ng malinaw na hindi umaasa ang Dios sa kanila upang tuparin ang kaniyang mga panukala; sapagkat maaari siyang maglaan ng mga paraan na hiwalay sa kanila upang ipagpatuloy ang Kaniyang dakilang gawain na dapat magawa sa kadalisayan at katwiran....
     “Kaniyang sinabi sa kanila na hindi nila natupad ang mga kondisyon ng tipan, na magbibigay karapatan sa kanila sa mga pangakong ginawa ng Dios sa isang tapat at masunuring bayan….Ang kanilang masasamang mga gawa ang humadlang sa kanila na matamo ang mga pangako ng Dios na binuo para sa mga anak ni Abraham.  Binigyang katiyakan sa kanila ni Juan na magbabangon ang Dios ng anak kay Abraham mula sa mga batong yaon, na sa kanila’y kaniyang matutupad ang kaniyang pangako, kaysa magtiwala sa talagang mga anak  ni Abraham na nagpabaya sa liwanag na ibinigay sa kanila ng Dios… Hindi nila maaangkin si Abraham bilang kanilang ama, o ang pangakong ginawa ng Dios para sa binhi ni Abraham….
     “Ang mga pangako at pagpapalang ito ay palaging nakabatay sa kondisyon ng pagsunod sa kanilang lugal.” Spirit of Prophecy, vol 2, p 50-54 (tingnan din ang Desire of Ages 106-07; Selected Messages, book 1, p 67; Evangelism, p 695).

     Bagaman maraming mga paalala at babala na ang ibinigay sa iglesya at sa mga kaanib nito, ngunit patuloy na nanghahawak ang karamihan sa mga kabulaanang ipinagsasabi sa kanila ng mga bulaang pastor at inupahang mga minisstro, sa paniniwala na hindi sila saapaat humiwalaay sa kanilang bulok na iglesya, kundi kailangang maghintay sa loob na iligtas sila ng Dios at ang kanilang iniibig na iglesya mula sa pagkawasak.  At ang kaparehong-kaparehong kalagayan ang nakikita nagyon!  At ang ganunding kasinungalingan ang ipinapangarat at itinuturo mgayon sa mga tao ng mga bulaang pastor at upahang ministro!
     Si Sister White ay nagsalita tungkol sa mga bulaang pastor na ito sa iglesya, at kung ano ang dapat gawin ng tunay na bayan ng Dios tungkol dito:
     “Nakita ko na marami sa mga pastor na ito ay tinanggihan ang mga nakaraang aral ng Dios; kanilang itinanggi at itinakwil ang maluwalhating mga katotohanan na kanilang dating mainit na pinanghahawakan at tinakpan ang kanilang sarili ng mesmerismo (espiritualismo) at lahat ng uri ng pandaraya.  Nakita ko na sila’y lasing sa kamalian at inaakay ang kanilang mga tupa sa kamatayan…
     “Kung ang Dios ay mayroong anumang bagong liwanag na ipagkaloob, Kaniyang hahayaang maunawaan ito ng kaniyang pinili at iniibig, na hindi na pupunta pa doon sa mga nasa kadiliman at kamalian upang sila’y pakinggan para lamang maliwanagan ang kanilang mga kaisipan.
     “Ipinakita sa akin ang pangangailangan ng mga naniniwala na tayo ay mayroong huling mensahe ng awa, na hiwalay mula sa mga tao na araw-araw ay umiinom ng mga bagong kamalian.  Nakita ko na maging bata o matanda ay hindi dapat dumalo sa kanilang mga pagpupulong; sapagkat ito’y isang kamalian na pumunta sila roon kung saan nagtuturo ng kamalian na lasong nakamamatay sa kaluluwa at itinuturo na maging mga aral ang mga utos ng tao.  Kung paanong iniligtas tayo ng Dios mula sa gayong kadiliman at kamalian, dapat tayong magsitibay sa kalayaan na doon tayo’y Kaniyang pinalaya at tayo’y mangagalak sa katotohanan.  Ang Dios ay hindi nalulugod sa atin kapag tayo’y pumupunta upang makinig sa kamalian, na hindi na pinipilit pumunta; sapagkat maliban na Kaniyang isugo tayo sa ganong mga pagpupulong kung saan ang kamalian ay iginigiit sa mga tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kalooban, hindi Niya iingatan tayo.  Humihinto ang mga anghel sa kanilang maingat na pagbabantay sa atin, at tayo ay maiiwan sa mga suntok ng kaaway upang mapadilim at mapahina niya at ng kapangyarihan ng kaniyang masasamang anghel; at ang liwanag na bumabalot sa atin ay nagiging kadiliman.” Early Writings, p 123-125.
     Ito ang mangyayari.  Kung tayo ay bumalik, pagkatapos na maitayo ang kasuklamsuklam na paninira, tayo ay lumalakad na taliwas sa mg salita ng babala ni Cristo.  Sinabi sa atin; “humihinto ang mga anghel sa kanilang maingat na pagbabantay sa atin, at atyo ay naiiwan sa mga suntok ng kaaway, upang mapadilim at mapahina niya at ng kapangyarihan ng Kaniyang masasamang anghel; at ang liwanag na bumabalot sa atin ay nagiging kadiliman.”  Kung kaya kahit na gaano karami ang liwanag na nasa atin, kung ating susuwayin ang mga utos ni Cristo, tayo ay madadaya, at pagkatapos hindi na natin nanaising umalis.
     Ilang mahahalagang pagkakatulad ang rin-ang kometa ng Halley ay dumating noong Pebrero ng AD 66, mga 8 buwan bago maitayo o maitirik ni Cestius ang kasuklamsuklam na paninira. Ang kometa ng Halley ay dumating sa ating kapanahunan noong Disyembre ng 1985, at maaring pagkatapos nito natin makikita angg kasuklamsuklam na paninira oo pagsamba sa Linggo na naitayo o naitirik sa Iglisya. Ito ay hayag na magaganap na ibig sabihin na ito ay malinaw na mkikita ng sinomang gising. Malalaman ng mga tagasunod ni Christo kung ano ang kanilang dapat abangan, at kapag kanila nang nakita ito silang magpapasiya ng umalis.
     Ang ibang mga tao’y madadaya sa pananatili sa iglesya, anuman ang mangyari, o gaano man karami ang kabukulan at pagtalikod na nangyayari.  Hindi sila tumitingin dito, mag-alaala man lamang baka maunawaan lamang kung ano ang mangyayari, kung kaya hindi nila lubos na pagtutuunan ng pansin ito kapag ito’y nangyari na.
     “…ngunit ang masasama ay gagawa na may kasamaan, at wala sa masasama na makaunawa; ngunit silang pantay ay mangakakaunawa.” Daniel 12:10.

     Ang ilan sa nakaraang Israel ay nagsitakas nang kanilang maapagtanto na ang kasuklamsuklam ay naitirik na at ganundin tayo, ang Kaniyang bayan ngayon.  Ang mga taong nagsitakas sa panahon ng Israel, ay nagsitakas sa ilalim ng mga kondisyong ito.
     “Ngunit ang maawaing pag-iingat ng Dios ay pinangasiwaan ang mga kaganapan para sa kapakanan ng Kaniyang sariling bayan.  Ang ipinangakong tanda ay naibigay na sa mga naghihintay na Kristiyano, ipinagkaloob ang pagkakataon para sa lahat ng nais sumunod sa babala ng Tagapagligtas.  Ang mga pangyayari ay napawalang-saysay na naging ang mga Judio o Romano ay hindi nahadlangang ang pagtakas ng mga Kristiyano.  Sa panahon pag-urong ni Cestius, ang Judio, na nagmamadaling buhat sa Jerusalem ay sumugod sa papaalis na kawal; at habang abala ang dalawang puwersa, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Kristiyanong makaalis sa bayan.  Sa panahong ito ang bansa ay malinis mula sa kaaway na nais magsikap na hadlangan sila.  Sa panahon ng pagkalublob, ang mga Judio ay nagkakatipon sa Jerusalem upang ganapin ang Pista ng mga Tabernakulo; at dahil dito ang mga Kristiyano sa buong lupain ay nagkaroon ng pagkakataong makatakas na walang gumugulo.  Walang pag-aantala sila’y tumakas patungo sa ligtas na dako.” Great Controversy, p 30-31.

     Ating nakita na kapaag ang kasuklamsuklam na paninira - o ang pamantayan o watawat ng Roma - ay naitirik o naitayo, tanging ang bayan ng Dios ang nakaunawa na naibigay na ang ipinangakong tanda, at sa sumunod na kaguluhan, sila’y makagagawa ng kanilang pagkatakas.  Kaniyang sinabi, “maging mga Judio o Romano ay hindi maaaring humadlang sa pagtakas. “Sila’y nakatakas din na hindi lubos na napapansin, at iligtas ang ating buhay.
     Ngayon ating tingnan ito sa ibang paraan.  Kung tayo’y manatili, kahit nalalaman na natin ang mga salita ni Cristo, maaaring hindi na tayo makatakas.  Isinalaysay ni Sister White ang isang napakahalagang karanasan na kaniyang nakita sa pangitain tungkol sa bagay na ito:
     “Nang gabing iyon ako’y nanaginip na ako ay nasa Battle Creek na tumitingin mula sa gilid na bubog sa pinto at nakita ang isang pulutong na lumalakad palapit sa bahay, daladalawa.  Sila’y mga mukhang mahigpit at determinado.  Nakikilala ko silang lubos…” (PANSININ - Sila’y nakikilala niya ng lubos, kaya sila’y ilang grupo ng tao sa iglesya ng SDA na kaniyang nakilala).  “… At lumapit upang buksan ang pinto upang tanggapin sila, ngunit naisipan kong tingnang muli.  Ang tanawin ay nabago.  Ang pulutong ay napakita ngayon sa anyo ng isang Katolikong prusisyon.” (PANSININ - Ang mga nagpapanggap na pulutong na ito ng SDA ay IPINAGKANULO na ang kanilang banal na pagkakatiwala, at naging imahen o larawan ng Katolisismo - tanging sa ilalim ng pangalan ng SDA - hanggang dumating ang tamang panahon na hayagang usigin ang kanilang di-naghihinalang mga kapatid!  Pakibasa ang Review and Herald, vol 3, p 571, col 1 & 3; vol 4, p 208, col 1; Testimnonies, vol 6, p 144).  “Ang isa’y may hawak sa kaniyang kamay na isang krus, ang iba’y tambo.  At habang sila’y papalapit, ang isa na may dala-dalang tambo ay umikot sa bahay, na nagsasabi ng tatlong ulit: ‘Ang tahanang ito ay labag sa batas.  Ang mga aklat ay dapat samsamin.  Sila’y nagsasalita laban sa ating banal na utos.’  Sinunggaban ako ng takot at tumakbo akong palabas ng bahay, palabas ng pinto sa dakong hilaga, at nasumpungan ko ang aking sarili sa kalagitnaan ng isang pulutong, ang iba’y aking nakikilala, ngunit hindi ako nangaahas magsalita ng kahit isang salita sa kanila sa takot na maipagkanulo.  Sinikap kong maghanap ng dako ng kapahingahan na doo’y maaari akong umiyak at manalangin na walang maiinit, mausisang mga mata saanman ako pumaroon.  Madalas kong inuulit: ‘Kung mauunawaan ko lamang ito!  Kung kanilang sasabihin sa akin kung ano ang aking nasabi o kung ano ang aking nagawa!’
     “Ako’y umiyak at nanalangin ng marami habang aking nakikita ang ating mga aklat na sinasamsam.  Sinisikap kong makakita ng simpatya at awa para sa akin sa mga tingin noong nasa aking paligid, at tinandaan ang mga mukha ng iba na iniisip kong magsalita sa akin at aaliw sa akin kung di lamang sila natatakot na sila’y mapagmasdan ng iba.  Isang beses akong nagtangkang tumakas mula sa karamihan, ngunit sa pagkakita n ako’y nababantayan, aking ikinubli ang aking layunin.” Testimonies, vol 1, p 578.

     Sa pangitaing ito, kaniyang nakita na ang bayan ng Dios ay ipagkakanulo ng kaniyang iglesya, pamunuan, at mga taong kanilang inaakalang SDA, ngunit talagang larawan ng Katolisismo!  (Sa katunayan, inilalarawan ng iglesya ng SDA ang Katolisismo na higit na malapit kaysa iabang iglesya sa Amerika!  Para sa higit na kaalaman tungkol sa katotohanang ito, sumulat para sa aklat na “Ang larawan ng Hayop” sa ibinigay na address sa harapan ng babasahing ito).

     Mga kaapatid na lalaki at babae ito ay nasulat upang babalaan tayo sa mangyayari sa ating kapanahunan!  Sino ang makikinig sa babala at tatakas bago mangyari sa kanila ang pangitaing ito?  Ngunit lubhang napakarami ang hindi dirinig sa babala, at di sila makakatakas, o sila’y madadaya sapgkat hindi nila inibig ang katotohanan upang sila’y maligtas.
     Papaanong nadaya ang Israel?
     “Ngunit sa kanilang bulag at namumusong na pag-aakala ang manunulsol ng mala-impyernong  gawaing ito ay hayagang sinabi na hindi sila natatakot na mawawasak ang Jerusalem, sapagkat ito’y bayang pag-aari ng Dios.  Upang itatag  ng higit na matibay ang kanilang kapangyarihan sila’y umupa ng mga bulaang propeta upang ipahayag maging nang ang mga hukbo ng Romano ay kinukubkob na ang templo, na dapat hintayin ng mga tao ang pagliligtas buhat sa Dios.  Hanggang sa huli, nanghawak ang karamihan sa paniniwala na mamamagitan ang Kataastaasan para sa pagkagapi ng kanilang mga kaaway.” Spirit of Prophecy, vol 4, p 30.

     Ganyan nadaya ang matandang Israel.  Ngayon papaano tayong madadaya nagyon?
     “Ang mga matatandang tao, na sa kanila’y ipinagkaloob ng Dios ang dakilang liwanag at tumatayo bilang mga gabay ng espirituwal na kapakinabangan ng mga tao, ipinagkanulo ang kanilang pagkakatiwala.  Kanilang kinuha ang posisyon o paniniwala na hindi na natin kinakailangang tumingin o maghintay pa sa mga himala at pagpapahayag ng kapangyarihan ng Dios na tulad sa nagdaang mga araw.  Ang mga panahon ay nabago.  Ang mga salitang ito ang nagpatibay sa kanilang kawalan ng pananampalataya , at kanilang sinabi, ‘ Ang Panginoon ay hindi gagawa  ng mabuti, ni gagawa man Siya ng masama.  Siya’y totoong mahabagin upang dalawin ang Kaniyang bayan sa paghatol.’  Kung magkagayon, ‘kapayapaan at katiwasayan’ ang sigaw mula sa mga tao na hindi na kailanman muli itataas ang kanilang mga tinig na parang pakakak upang ipahayag sa bayan ng Dios ang kanilang mga pagsalansang at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.  Ang mga piping asong ito na hindi makatahol ay siyang makadarama ng matuwid na paghihiganti ng nagdaramdam na Dios.” Testimonies, vol 5, p 211.

     Pinagkalooban ng Dios ang iglesya ng SDA ng maraming oportunidad.  Kaniyang ibinigay sa atin ang lahat ng liwanag at pribilehiyo na kinakailangan upang maligtas ang ating sarili at ang iba mula sa walanghanggang pagkawasak.  Siya’y namanhik at nagbabala sa iglesyang ito sa kanilang mga maling tinatahak, na paulit-ulit.  Ngunit ginamit lamang ng iglesya ang awa at pagpapahinuhod ng Dios bilang dahilan upang gumawa ng higit na mga kasuklamsuklam at lumago ng pailalim sa pagtalikod at kabulukan.  O, anong pag-ibig at awa ng ating Dios!  Ngunit ang awa at pagpapahinuhod ng Dios ay may katapusan.
     Ipinahayag ng Dios na yaong may mga kasiyahan sa pagtakwil sa Kaniyang mga katotohanan at mamuhay sa kasamaan at pandaraya sa iba, ay kukunin ang Kaniyang Espiritu ng katotohanan mula sa kanila (tingnan ang Review and Herald, vol 3, p 273, col 1-2), at pagkatapos ipadadala sa kanila ang malaking kamalian upang magsipaniwala sa kasinungalingan, upang mangahatulan sa hindi pagtanggap sa katotohanan na may kahabagang ipinadala sa kanila ng Dios (tingnan ang 2 Tesalonica 2:11-12).  At ganitong-ganito ang mangyayari.

     Ang kometa ng Halley ay dumating na kung kaya dapat nating abangan ang pamunuan ng SDA na umpisahang isagawa ang mga hakbang at mag panukala upang itaas ang Linggo sa ating mga kapatid at akayin sila sa pagsamba dito, na ipinakikita na kausklamsuklam na paninira ay naitirik o naitayo na. Pagkatapos na ating Makita na ito'y maitirik na, tayo ay higit ng handa upang tumakas, sa malaot madali. Kung hindi, tato ay walanghanggang madadaya at mawawaglit.

     Walang katanungan sa aking isipan.  Pag-aaralan ninyo ito sa inyong sarili.  Basahin itong lahat para sa inyong sarili.  Ipanalangin ninyo ito sa Banal na Espiritu upang inyong maalaman kung ito ay katotohanan o hindi.  Kinakailangan ninyong pag-aralan ito sa inyong sarili sapagkat hindi kayo maaaring magtiwala o gawin ang alinmang patotoo ng tao bilang iyong hudyat.  Ipanalangin sa alisin ng Dios ang anumang mga akala o mga kaugalian at tradisyon na inyong narinig o natutunan buhat sa inyong pagkabata, at ng inyong tanggapin lamang ang Kaniyang mga turo at hindi ang turo ng tao.
Tanging sa paraang ito na tayo ay makatatayo sa mga huling araw na ito.  Dapat tayong tumayong matibay sa “sinalita ng Panginoon” at hindi sa sinalita ng tao.

     Ang Paghuhukom ay magsisimula sa bahay ng Dios, at pagkatapos ay lalaganap sa buong mundo (tingnan ang 1 Pedro 4:17; Roma 2:9; Ezekiel 21:2-5).  Itinakwil ng nagpapanggap na iglesya ng SDA ang mga babala at pagsusumamo ng Dios buhat pa noong 1855, at hindi nagsisi.  Wlang paraan na ang estrukturang ito ay magpapatuloy.  Ang Dios ay may hangganan sa Kaniyang pagpapahinuhod.  Maunang darating ang paghuhukom sa iglesya at sa pamunuan  na mayroong higit na liwanag ngunit tumangging ibahagi ito sa iba.
     “Ang panahon ng mapangwasak na kahatulan ng Dios ay ang panahon ng awa para doon sa mga walang pagkakataon na maalaman ang katotohanan.  Magiliw na titingin ang Dios sa kanila: ang Kaniyang puso ng kaawaan ay mababagbag, ang Kaniyang kamay ay patuloy na inuunat upang magligtas, habang ang pinto ay isasara sa mga ayaw magsipasok.” Testimonies, vol 9, p 97.

     Ang paghuhukom ay magsimula sa bahay ng Israel, o sa bahay ng Dios.  Ang unang nakadarama ng palo ng galit ng Dios ay ang mga matatandang lalaki na ipinagkanulo ng banal na pagkakatiwala ng Dios.  Kanilang ibinigay ang kanilang sarili sa kaaway.  Kanilang itinalikod ang kanilang mga likod sa templo ng Panginoon, sumamba sa araw, at inakay ang iba na gumawa ng ganoon din.
     Itataas ng iglesya ng SDA at ng pamunuan nito ang pagsamba sa Linggo at ipipilit sa mga tao.  Ito’y nagpapakita na ang kasuklamsuklam na paninira ay naitirik na, at marami sa mga nadaya nating kapatid ang susunod sa pamunuan ng iglesya sa pagsamba rin ng Linngo!  Maingat na pakatandaan - maaaring maakay kayo ng iglesya na itaas at sumamba sa huwad na sabbath kahit hindi pa naisasabatas ang batas ukol sa Linggo o Sunday law!  Kung kaya huwag isipin na hindi maaaring maitirik ang kasuklamsuklam na paninira sa iglesya kung wala pa ang Sunday law, o hindi tatakas ang bayan ng Dios kundi pagkatapos ng Sunday law.

     Para doon sa patuloy na nagaalinlangan na ang iglesya ng SDA at ang pamunuan nito ay magiging taksil sa Panginoon, isusuko ang Kaniyang Sabbath, at sa huli’y ipipilit ang pagsamba sa Linggo sa ating mga kapatid, nakatipon ako ng mga patotoo at talata sa Biblia na magpapatunay nito.  Kung nais ninyong sumulat para sa pag-aaral na ito, sumulat lamang sa PO Box 328, Rogue River, OR 97537.  Ang pag-aaral na ito ay may mahigit sampung pahina ng mga talata sa Biblia at Patotoo.

     Kung maaari’y manalangin kayo bago kayo mag-aral.  Ipanalangin na alisin ng Panginoon ang anumang akala, anumang bagay na mayroon kayo na hahadlang na maabot ng katotohanan ang inyong puso.  Ipanalangin na ang Banal na Espiritu ang mag-akay sa inyo sa lahat ng katotohanan, at nang magkaroon kayo pagkaunawa na nagbubuhat sa itaas na makakikilala ng tama sa kamalian.  At anuman ang ihayag ng Dios sa inyo, inyong sundin ito.  Huwag pahintulutan ang sarili ninyong paghatol ang mamayani, huwag pahintulutan ang inyong sariling katuwiran ang mamayani at ang magbago ng inyong isipan mula sa ipinakita ng Dios bilang “sinalita ng Panginoon”.
     Napakaraming tao ang nakakakita at nakauunawa kung ano ang nais ng Dios na kanilang gawin, ngunit iniisip at idinadahilan palayo ang Kaniyang kalooban, at sasabihin sa huli “Hindi, hindi ito maaaring magkatotoo, hindi nais ng Dios na gawin ko ito.”  Dapat nating sundin ang salita ng Dios na kusang loob at masunuring kung paanong sinusunod ng maliliit na bata ang kanilang mga magulang, at hindi  naggugol ng anumang panahon sa pag-aalinlangan.
     Bago natin tapusin ang pag-aaral na ito, ang isang malaking katanungan na kinakailangang itanong ay, “Makikita ba na ang pamunuan ng iglesya ng SDA ay gumagawa at nagsasakatuparan ng mga hakbang na tinatayang magtataas ng Linggo sa mga mata ng ating mga kapatid at siyang mag-aakay sa kanila na sumamba ng Linggo, nang sa gayon magpapatunay na ang kasuklamsuklam na paninira ay nakatayo o nakatirik na at ang paghiwalay sa iglesya ay kinakilangan na ngayon?

     Dahil unang ibinigay ang pag-aaral na ito, maraming mga bagay ang nangyari sa mga lalaki na nasa responsableng posisyon sa iglesya ng SDA at patuloy na itataas ang pagsamba ng Linggo sa mga mata ng lahat nating mga kapatid.
     Pagkatapos na ang naunang iglesya ng Kristiyanong Apostol ay makiisa sa mga pagano at maging bulok sa iglesya ng Romano Katoliko (tingnan ang Spirit of Prophecy, vol 4, p 42-46, 195, 396)  isinuko ng mga pinuno nito ang Sabbath at pagkatapos isinakatuparan ang dalawang hakbang ang sinadya upang itaas ang Linggo sa kanilang iglesya at upang akayin ang kanilang mga nangingilin sa Sabbath na kasapi sa pagsambi ng Linggo!  Sa Spirit of Prophecy, vol 4, p 55, ang Dios sa pamamagitan ni Sister White ay sinabi sa Kaniyang bayan kung ano ang dalawang hakbang na ito.


Ang unang hakbang ay magsimulang gumanap ng mga paglilingkod relihiyoso, kung Linggo sa pagpaparangal sa pagkabuhay na mag-uli ni Cristo - o mga serbisyo ng Easter Sunday.
Ang Ikalawang hakbang ay ang umpisahang tawagin ang Linggo na “ang araw ng Panginoon.”
     Sinusunod ba ng pamunuan ng SDA ang dalawang hakbang na ito sa loob ng iglesya ngayon?  At kung totoo, mayroon bang anumang dokumento upang patunayan ito?  Sapagkat kung ang dalawang hakbang na ito ay makikitang nangyayari sa loob ng iglesya, kung magkagayon pinapatunayan nito na ang pamunuan ay nagpasiya nang sumamba sa araw at ang kasuklamsuklam na paninira ay naitirik na - na ibig sabihin na panahon na upang sundin si Cristo at humiwalay para sa Kaniya.  Sinundan ba ng pamunuan ng SDA ang dalawang hakbang na ito ngayon?  Oo!

     Ang mga serbisyo at pagdiriwang kung Easter Sunday ay nagaganap na sa lahat ng mga iglesya ng SDA!
     Sa katunayan sa pahayag ng newsletter ng General Conference noong 1984 nakasaad doon:
     “Ang magandang balita ng Adventista para sa Easter - para sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng denominasyon isang himpilan ng telebisyon - CBS - ang magsasahimpapawid ng Easter Sunday Service mula sa iglesya ng Adventista sa Camarillo sa California.  Ang magiging tagapagsalita ay si Elder Roger Bothwell,Pastor ng College Church sa PUC.  Ang WCBS, sa New York City, ang magsasakatuparan ng serbisyo ngayong Linggo sa ganap na ika-labing-isa ng umaga… kung paanong iuugnay ng CBS sa Roanoke, Boston, Tampa, Bismark, Minot, Madison, Williston, Cincinnati, Champaign, San Antonio, Columbus, Huntsville, St. Louis, La Crosse and Tuscaloosa.  Mga 20 iba pang kaanib na himpilan ang magpapalabas ng programa na huli.”

     Ang iba pang mga iglesya ng SDA na gumaganap ng mga serbisyo tuwing Easter Sunday ay:

California’s Burbank SDA Church (tingnan ang Recorder, March 6, 1989, p 26).
California’s Elmshaven SDA Church (tingnan ang Recorder, June 16, 1986, p 21).
California’s La Sierra Collegiate Church  (tingnan ang Recorder, July18,1988, p 22).
California’s Riverside SDA Church  (tingnan ang Recorder, June 16, 1986, p 16).
California’s Sta. Ana Spanish SDA Church  (tingnan ang Recorder, June 1, 1987, p 8).
California’s Sunnyvale SDA Church  (tingnan ang Church Bulletin, April 11, 1987).
California’s Thousand Oaks  SDA Church  (tingnan ang Recorder, June 3, 1991, p 21).
California’s White Memorial SDA Church  (tingnan ang Church Bulletin, April 11, 1987).
Hawaii’s Area SDA Church (tingnan ang Recorder, June 20, 1988,p 17)
Montana’s Jordan  SDA Church (tingnan ang Gleaner, June 16, 1986, p 18).
Ohio’s Toledo First  SDA Church  (tingnan ang Church Bulletin, April 3, 1993).
Oregon’s Portland  SDA Church (tingnan ang Gleaner, May 5, 1986, p 17).
Oregon’s Mount Tabor  SDA Church (tingnan ang Gleaner, July 7, 1986, p 24).
Washington’s Pasco Riverview SDA Church (tingnan ang Gleaner, May 19, 1986, p 13).
Washington, D.C’s Review and Herald (tingnan ang Review, April 27, 1989, p 7).
     At marami pang mga iglesya ng SDA ang patuloy na gumagawa ng ganundin sa pagdaan ng mga taon!  Malinaw na ang pamunuan at mga ministro ng SDA ay nagsagawa at nagsasagawa at sumusunod sa unang hakbang sa pagtaas at pag-aakbay ng mga kaanib ng SDA sa hayagang pagsamba sa Linggo.  Ngunit paano naman ang ikalawang hakbang - sa pagtawag sa Linggo na araw ng Panginoon kung saan malinaw na ang ikapitong araw ng Sabbath ang Araw ng Panginoon (Tingnan ang Testimonies, vol 6, p 128)?  Sisimulan nga kayang tawagin ng pamunuan ang huwad na Sabbath ng dyablo at ng taong makasalanan, na araw ng Panginoon? Oo!
     Mayroong isang SDA na nagtapos mula sa pangunahinh paaralan ng pagsasanay ng mga Jesuit sa Roma (ang Gregorian University), at may panlilinlang na ipinangangaral sa mga iglesya ng SDA na ang Linggo ay “ang araw ng Panginoon.”  Samuel Bacchiocchi ang pangalan.  Siya’y  nagdaraos ng mga “Seminar ng Araw ng Panginoon sa buong iglesya ng SDA, at ang kaniyang nga aral at mga aklat ay sinasang-ayunan ng pamunuan at mga ministro ng SDA bilang katotohanan.  At siya ay professor pa rin ng Andrews University na nagsasanay ng mga magiging ministro ng iglesya ng SDA!
     Sa kaniyang aklat, From Sabbath to Sunday, ang “Araw ng panginoon” ay tumutukoy na bilang Linggo na mahigit 51 na ulit sa unang 160 pahina lamang!  Ngunit ano ang katayuan ng iglesya sa isyung ito kung ang araw  ba ng Panginoon ay sabado o Linggo?  Saan nakatayo ang iglesya ng SDA ngayon?
     “…Ang pariralang “Ang Araw ng Panginoon’ sa Apok. 1:10…. Higit na pansin ang dapat na ibigay sa posibilidad na ang parirala ay tumutukoy sa taunang pagdiriwang ng pagkabuhay sa mag-uli.” The Sabbath in Scripture and History, by Review and Herald, Pub. Assoc., p127.

     Hindi na tumutukoy ang Araw ng Panginoon sa ikapitong araw ng Sabbath, kundi ang Araw ng Panginoon ay maaaring tumutukoy sa easter Sunday o pagkabuhay na mag-uli sang-ayon sa iglesya!  Sa katotohanan ang ikalawang hakbang ay isinagawa at sinusunod ng pamunuan ng iglesya ng SDA sa pagtataas at paggigiit sa mga kaanib ng SDA na sumamba ng Linggo.  Na malinaw at tiyak na ipinakikita na ang pamunuan ng General Conference ay tumalikod na sa Panginoon at sa Kaniyang Sabbath at sumasamba sa dakong silangan - SAMAKATUWID ANG KASUKLAMSUKLAM NA PANINIRA AY NAITAYO AT NAITIRIK NA SA IGLESYA NG SDA!

     Ngunit ito lamang ba nag dalawang bahagi kung saan itinataas ng pamunuan ng SDA ang Linggo at ipinapakita ang kanilang pagtanggap dito?  Hindi!
     Ang ikalawang pangulo ng British Union Conference ng SDA, na nagngangalang John Arthur, ay ibinigay kailan lamang ang pagkatig ng Adventista sa Sunday law sa England!  Pagkatapos na kaniyang gawin ito, hindi siya natanggal o napangaralan at napagsabihan man lamang, hindi naitaas pa na maging presidente pagkalipas ng 6 na buwan ng British Union Conference!  Siya’y sumulat ng dalawang sulat; ang isa’y sa Prime Minister na si Margaret Thatcher (na may petsang Marso 27, 1986), at ang isa’y sa General Secretary ng Evangelical Alliance na si Clive R. Calver (na may petsang Pebrero 27, 1986).  Sa mga sulat na ito, kaniyang sinabi na kaniyang ibinibigay ang “Pagkatig ng Adventista sa mga nasa oposisyon sa panukalang pagwawalang-bisa ng batas na nagbabawal sa pangangalakal kung Linggo...Si Elder Arthur ay tinanong kung sinuman sa mga lider ng bukiran (SDA) na kaniyang sinangguni ay salunga sa pagpapadala ng mga sulat.  Ang kaniyang sagot ay  hindi, walang anumang pagsalungat, ang lahat ng reaksyon na tinanggap ay positibo”  Prism, May, 1986, p 6, 12 (Ang Prism ay pahayagan ng Newbold SDA College sa England.  TANDAAN: ang mga kopya ng dalawang sulat ay nasa artikulo).
     Ganundin sa New Zealand, isang iglesya ng SDA ang nagdaos din ng pagsamba sa Linggo sa pagpupulong sa iglesya, at ito ay naisahimpapawid pa sa telebisyon sa buong bansa.  Sino ang inaakala ninyo na tagapagsalita sa pagpupulong na ito na pinahihintulutan ang iglesya na nagdaos ng pagsamba sa Linggo na pagpupulong sa iglesya at naisahimpapawid sa buong bansa?  Si Neal C. Wilson, ang pinakamataas na lider sa iglesya ng SDA, at isa rin sa 25 lalaki sa lupon ng tagapangasiwa sa General Conference!
     “Sa Linggo, Mayo 19, ang ating pinakamatandang iglesya sa New Zealand, Ponsonby, ang pinili na pagdarausan para sa isang pambansang pagpupulong ng iglesya na isasahimpapawid, isa lamang sa amin na mga pagpupulong sa New Zealand ng 1985.  Ito ang pagkakataon ng pagdalaw ni Neal Wilson, at ang mga plano para sa musika at pagbasa sa kasulatan ng mga kabataan ay magaganap - di na kinakailangang banggitin ang mga gumagawa sa iglesya!” Australian Record, April 13, 1985, p 16.
     Isa pang halimbawa.  Sa Watsonville, Cal., nagdaos doon ang iglesya ng SDA ng pagpupulong sa iglesya noong Linggo, Enero 12, 1986 na kung saan 9 na iba pang mga iglesya na nangingilin ng Linggo ang lumahok sa isang sama-samang pagsamba.  Ang mga iglesya ng Linggo na naiulat sa bulitin ng iglesya ng SDA sa Watsonville ay ang:
     First Christian
     Unitied Presbyterian
     Freedom United Methodist
     Episcopal
     All Saints Episcopal
     Westview Presbyterian
     La Salva Beach Community
     Watsonville Parish

     Sa maraming mga taong nagdaan ito ay hindi kailanman pinahihintulutang maganap, ngunit ngayon hindi na ito kagulat-gulat sa isipan ng maraming mga ministro ng SDA ngayon.  Upang bigyan kayo ng halimbawa, ako ay may kopya ng sulat (na may petsang Pebrero 25, 1986) mula sa Pastor ng iglesya ng SDA sa Diamond Lake sa estado sa buong komunidad, na inaanyayahan sila na dumalo sa kaniyang SDA na iglesya para sa umagang pagsamba ng Linggo na magaganap sa buong taon.  At ang Easter Sunday ang unang Linggong pagpupulong sa umaga ng iglesya!
     Ganundin isang kapatid na lalaki at kapatid na babae buhat sa Oregon ang sumulat sa akin tungkol sa kanilang pakikipagpulong sa kanilang ministro na SDA.  Kanilang ipinahayag ang kanilang pagkabahala sa kaniya tungkol sa iglesya ng SDA na nangingilin ng Linggo, at kaniyang sinabi, sa kanilang pagkamangha, “Anong mali doon?”
     Marami pang ibang serbisyo o pagpupulong ang idinaraos kung Linggo ng mga iglesya ng SDA, at ang mga katuwiran at dahilan upang ipawalang-sala ang ganoong kasuklasuklam at namumusong na mga gawa, ay iba-iba na kagaya ng kulay ng kameleon.  Ang pagtataas o pagdadakila at pagsamba sa Linggo ay higit na nagiging pangkaraniwan at nagiging maliit na kasuklamsuklam sa mga mata ng ating kapatid.  Totoong ang pamunuan ng iglesya ay tumalikod na sa Panginoon at sa kanyang katotohanan kung paanong sinabi sa Ezekiel 8:16 at ang kasuklamsuklam na paninira ay tumayo!

Tunay , kung paanong binalaan tayo ng Dios sa pamamagitan ni Ezekiel:
     “May panghihimagsik ng kaniyang mga propeta sa gitna niyaon, gaya ng leong umuungol na umaagaw nghuli: sila’y nanganakmal ng mga tao…
     “Ang mga saserdote niyaon ay nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan at nilapastangan ang aking banal na bagay: sila’y hindi nangaglagay ng pagkakaiba sa banal at sa karaniwan o kanila mang pinapagmunimuni ang mga tao sa marumi at sa malinis, at ikinubli ang kanilang mga mata sa aking mga Sabbath, at ako’y nalapastangan sa gitna nila.” Ezekiel 22:25-26.

     Ang iglesya ng SDA at ang pamunuan nito ay humaharap sa araw at sinasamba ito, at ang mga ministro na sumunod sa mga plano upang hikayatin ang kanilang mga kaanib na gumawa ng ganoondin. Ipinapakita sa atin ng malinaw ng lahatng mga bagay na ito na ang kasuklamsuklam na paninira ay nakatayo na at ang pagtataas o ang pagdadakila at pagsamba sa Linggo ay nagaganap. Gayunman napakarami parin sa ating mga kapatid ang hindi tatanggap o maniniwala na ito’y totoo. Sila’y nagpatuloy na manatiling bulag sa katotohanang ito, nagpapatuloy na manghawak sa kanilang iniibig na iglesya na nagging diyusdiyosan sa kanila. SA ganito sinasarhan nila si Jesus sa kanilang puso, at sila’y tumatangging sumunod sa malinaw na utos ni Cristo na humiwalay mula sa kanilang iniibig na diyus-diyosang iglesya.

     O, mga kapatid na lalaki at babae, ang kasuklamsuklam  na paninira (pagsasamba ng Linggo) ay naitayo at naitirik na sa hanay ng iglesya ng SDA. Aasahan mong makikita ang mga serbisyo o pagpupulong ng Linggo na lalago sa buong hanay ng Adventismo ditto at sa labas> Ang babalang tanda na tumakas ay narito sa hayag upang Makita ng lahat na nais makakita. Sino ang tatanggap sa tanda at susundin ang utos ni Cristo, na ipinapakita na sila’y Kaniyang tunay na tagasunod at tatakas o aalis sa iglesya?
     Ang Ezekiel 8:16 ay nagaganap na, at ang Ezekiel 9 ay nagsisimula pa lamang - na may pagpatay na magaganap sa pangkalahatang pagwasak sa masasama pagkatapos na pagsara ang palugit sa sanlibutan (tingnan ang testimonies, Vol. 3, p266-267). Ngunit ang palugit na panahon ay nagsisimula nang magsara ngayon. Ang iglesya ng SDA at ang pamunuan nito ay kinuha na ang katayuan na tumatalikod sa Panginoon, isuko ang katotohanan ng Kaniyang Sabbath, at sumamba sa lingo na ipinapakita na ang pangkalahatang palugit para sa iglesya ng SDA ay sarado na! Ngayon ang palugit para sa indibidwal ay nag-uumpisang magsara na, at gaano karami sa ating mga kapatid ang maaakay na sundin ang kanilang iglesya at gumawa ng ganoon ding bagay? Ilan sa ating mga kapatid ang sumasamba sa iglesya sa halip na sambahin ang Dios? Ilan sa kanila ang susunod sa pamunuan, sa kanilang mga dikta, sa kanilang mga batas at sa mga kautusan ng tao, sa halip na sumusunod sa mga utos ng Panginoon?

     Ang pagtatatak sa Ezekiel 9 ay nagpapasimula na, at nasaan sila na magsisipag-buntung-hininga at magsisidaing dahil sa nagaganap ngayon?  Nasaan sila na masunurin sa Panginoon at magsisihiwalay?  Sino ang patuloy na susunod sa bulaan na iglesyang ito, at sa relihiyosong sistema nito, na nagkukunwaring tunay na iglesya at relihiyosong sistema ng Dios?  Sino ang mag-iiwan sa sinagoga ni Satanas na ito, na ipinagkakasundo ang banal na Sabbath ng Dios upang itaas lamang ang Linggo sa mga mata ng mga tao, at ngayon ay hihikayat ang mga tao na sumamba kung Linggo?  Sino ang magbababala sa ating mga kapatid kung ano ang mangyayari?  Ang ating mga kapatid ay maaakay sa patayan at ni hindi man lamang nila nalalaman.
     Ngayon ang panahon na tumayo at mapabilang sa Dios. Hindi na panahon na manatiling nakaugnay sa bulok at maging “kabahagi ng Kaniyang mga kasalanan.”  Tayo ay sama-samang responsible sa pagiging kabahagi lamang ng bulok na sistema (tingnan ang Jeremias 26:11-15; Ezekiel 21:3; Apokalipsis 18:1-4; Testimonies vol, 3, p 265, 269).
     Dapat tayong lumabas at humiwalay at tumayo para sa ating Dios, at babalaan ang ating mga kapatid na lalaki at babae na gawin ang ganoon din.  Hindi natin maaaring sundan ang lalaking yaon ng Jerusalem, na ang pangalan ay Jesus din, na nagpasiya na pagkatapos maitirik ang kasuklamsuklam, na hindi niya susundin ang kaniyang Panginoon at hindi aalis sa Jerusalem.  Siya’y nagpasiya na manatili n lamang, upang subukin at babalaan ang marami pang ato sa mangyayari.  Ngunit kaniyang ipinahamak ang kaniyang walanghanggang buhay dahil sa kaniyang pagsuway; at wala ni isa mang kaluluwang naibalitang naligtas, kahit na nanatili siya at nagpatuloy sa babalaan sila!  Kung kaya siya’y namatay na walang kabuluhan, kung saan maaari naman sana niyang masunod ang Kaniyang Panginoon at humiwalay, sa ganito’y maipapakita niya sa pamamagitan ng kaniyang halimbawa at apgsunod ang daan ng buhay para sa iba upang makinig at sumunod.  Ngunit ang lahat ay pinagkalooban ng tamang oportunidad upang makatakas, at ang lahat ay gumawa ng kanilang pasiya na umalis o manatili.
     Panahon na para sa bayan ng Dios sa umalis na nagyon.  Ang kasuklamsuklam na paninira ay naitirik na.  Pag-aralan ninyo ito sa inyong sarili.  Huwag pahintulutan ang sinuman, o anumang bagay, na humadlang sa inyo mula sa pag-aaral naito sapagkat ang inyong walanghanggang buhay at walanghanggang kalagayan ay nakasalalay sa inyong pasya.

     Ang pagtataas o pagdakila at pagsamba sa Linggo ay sinimulan na ng iglesya ng SDA.  Ang Ezekiel 9 ay nagsisimula nang maganap ang pagtatatak ay nag-uumpisa na, ang palugit ay nagtatapos na at ano ang iyong magiging pasya?  Inyo bang susundin ang ating Panginoon?  Inyo bang susundin ang Kaniyang mga utos at tatakas sa iglesya, na lalabas at titingin lamang kay Jesus para sa lahat ninyong liwanag at karunungan at kaunawaan, sa halip na magpasailalim sa bulok na sistema at tumingin sa tao?
     Nalalaman ni Cristo kung ano ang Kaniyang ginagawa.  Kaniyang nalalaman na mauunawaan ng Kaniyang mga tagasunod ang tinig ng tunay na Pastor at susunod sa Kaniya saanman Siya naroon, at hindi Siya masusumpungan sa alinmang iglesya ng SDA.  Hindi Siya masusumpungan sa alinmang Laodicea na mga iglesya - Siya ay nasa labas, kumakatok sa pinto!
     “Ang iglesya ay nasa kalagayang Laodicea.  Ang presensiya ng Dios ay wala sa kaniyang kalagitnaan…Anong kakila-kilabot na bagay ang huwag pahintulutang papasukin si Cristo sa Kniyang sariling templo!” Notebook leaflets, p 99, col 1 (tingnan din ang Testimonies, vol 8, p 247-250).

     Si Cristo ay wala sa alinmang iglesya ng SDA.  At kung wala ang presensiya ni Cristo sa iglesya, kaninong presensiya ang naroon?  Kay Satanas.  Ito’y katulad din ng talinhaga ng sampung dalaga.
     Kung inyong titingnan ang huling kabanata ng Christ’s Object Lesson, isinulat ni Sister White na ang sampung dalaga ay kumakatawan sa iglesya na naghihintay sa pagdating ni Cristo, na kabilang ang iglesya ng SDA (ito ay kumakatawan rin iba pang makasanlibutang  iglesya, na nagpapanggap na naghihintay sa pagdating ni Cristo).  Ngunit habang ang lahat ng sampung dalaga ay nangakatulog, ang prusisyon - na binubuo ni Cristo (ang kasintahang lalaki) at Kaniyang asawa (o ang Kaniyang tunay na iglesya) (tignan ang Bible Commentary, vol 7, p 985-986) - ay papalapit.
     Ang prusisyon na ito ay sumigaw sa sampung dalaga, o maaari mong sabihin na sila’y sumigaw sa iglesya ng SDA o sa lahat ng mga iglesya; “Panahon na upang magsigising!  Ang kasintahang lalaki ay dumarating, at hindi Siya masumpungan sa inyong kalagitnaan.  Kinakailangang magsilabas kayo sa inyong mga iglesya upang salubungin at mapasama sa Kaniya.”
     Ang mensaheng ito, isang pagtataas sa Tagapagligtas at pangangaral ng paghihiwalay tungo sa Tagapagligtas, ang tanging mensahe na nagpagising sa sampung dalaga mula sa kanilang pagkakatulog.  Walang ibang mensaheng ibinigay na nagpagising sa kanila.
     Ang maawaing mensaheng ito - na tumingin kay HesuCristo at humiwalay mula sa kanilang iglesya sapagkat si Cristo ay wala na dito, at Kaniyang binubuo na ang Kaniyang bayan - ang tanging mensaheng ibinigay na nagpagising sa kanila; at lahat sila’y nagising.
     Kanilang sinimulang pag-aralan ang kanilang mga Biblia at sindihan ang kanilang mga ilawan upang makita kung ito nga ay totoo o hindi.  At tinanggap nilang lahat na ito ang katotohanan.  Nakita nilang lahat na ang paghiwalay ay isang pangangailangan.  Ngunit sino ang sumunod sa kanilang Tagapagligtas, na ipinapakita na sila’y tunay na tagasunod ni Cristo?  Tanging ang limang matatalino.  Ang pulutong na ito’y pinatunayan na sila’y matatalino sa pamamagitan ng pag-alis at pagsunod sa kanilang Tagapagligtas.  Sila’y nagpapanggap sa sumusunod sa Kaniya at ngayon kanilang pinatunayan ito.
     Ngunit mayroong lima na nanatili.  Pinatunayan ng pulutong na ito na sila’y mangmang sapagkat hindi nila sinunod ang kanilang Panginoon.  Kanilang sunabi ng buod, “Nalalaman namin na ang paghiwalay ay siyang tunay sa mensahe, ngunit hindi pa panahon sa humiwalay ngayon.  Darating sin ang panahon ng paghiwalay, ngunit hindi pa ngayon ang panahon”.  Ang mga mangmang na dalagang ito ay hindi sinunod ang kanilang Panginoon.  Sila’y nagpasiya na piliing sundin ang naiibang landas sa landas na sinasabi ng Dios na kanilang gawin.
     Dumating ang panahon na sila’y humiwalay din, na katulad ng sinasabi ng talinhaga sa Mateo 25:11; ngunit huli na, sapagkat sarado o tapos na ang palugit na panahon.  Ang kanilang palugit ay nagsara dahil sa kanilang pasiya na suwayin ang utos ni Cristo sa pisikal sa humiwalay. Na ganap na magkatulad sa ating nasumpungan sa kasuklamsuklam na paninira sa Lumang Jerusalem.

     Tanging yaon ng Kristiyano na napatunayan sa kanilang sarili na matatalino, na umalis dahil sa utos ni Cristo, nang kanilang mapansin at mapagtanto na ang kasuklamsuklam na paninira ay naitayo na.  Ang iba sa mga nagpapanggap na Kristiyano ay nanatili.  Pinili at kinuha ng mga ito ang naiibang landas kaysa sa landas na iniutos ni Cristo na kanilang dapat tahakin, at sila ay nanatili.  Ang lalaki, na may pangalan ding Hesus, ay nanatili din sapagkat kaniyang idinahilan na kaniyang susubukang babalaan ang higit na maraming tao sa pamamagitan ng pananatili, bagaman sinabi na sa kaniya ng kaniyang Tagapagligtas na umalis.  Ang kanilang palugit ay nagsara dahil sa kanilang pasiya na manatili at suwayin si Cristo, at ating nakikita ngayon na nauulit ang malungkot na kasaysayang ito.


     ANG KASUKLAMSUKLAM NA PANINIRA AY TUMAYO!  Panahon na upang gumising.  Panahon na upang maglinis ng bawat kasalanan sa inyong buhay.  Panahon na upang “maghanda na salubungin ang inyong Dios”, at magsilabas upang salubungin at mapasa kay Jesus, sapagkat ang ating Tagapagligtas ay darating upang kunin ang Kaniyang masunuring bayan bilang Kaniya, at hindi na ito magtatagal.  Ang palugit ay nagsasara na sa indibidwal ngayon - minamahal na mga kapatid - sa mga nagtakwil sa huling mensahe ng awa!

     Aking binabalaan kayo sa Banal na pangalan ng ating Dios at Tagapagligtas na si HesuCristo, na pakiputol ninyo ang gapos na nagbibigkis sa inyo sa iglesyang walang dios.  Inyong iwaksi sila, pawalan ang diyus-diyosang (iglesya) iyon na nasa inyong puso, at makiisa kay Cristo.  Makiisa sa prusisyon.  Mangagsilaban at tumayong kasama ni Cristo at patunayan na kayo ay tagasunod ng Dios, at hindi tagasunod ng tao.

     Nakikiusap ako ating sundan ang ating Tagapagligtas sa labas, at huwag mangahiwalay dahil sa kaniyang mga katampalasanan (Hebreo 13:12-13; 2 Corinto 6:14-18; Apokalipsis 18:4).