"LET THERE BE LIGHT" Ministries
INYO BANG TUTUGUNIN ANG DALANGIN NI CRISTO?
--“UPANG SILANG LAHAT AY MAGING ISA”
First printing, 2000
Copyright © 2000, held by
“Let There Be Light” Ministries (rs)
PO Box 328
Rogue River, OR 97537
U.S.A.
All rights reserved. Permission is hereby given to reprint this booklet, provided that it is duplicated in its entirety without any change or comment.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumulat sa alin mang tanggapan:
BOOKLETS
PO BOX 328
ROGUE RIVER, OR 97537
USA
Maaari ding sumulat upang tumanggap ng libreng pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng sulatan sa nasabing tanggapan.
INYO BANG TUTUGUNIN ANG DALANGIN NI CRISTO?
--“UPANG SILANG LAHAT AY MAGING ISA”
Ano ang higit nating kailangang pag-aralan at ipamuhay ngayon?
“Ano ang maaari kong iharap sa aking mga kapatid na lalaki at babae kay Cristo, na higit na mahalaga sa kanilang pag-aaral at pamumuhay na siyang dalangin ng Tagapagligtas para sa Kaniyang mga alagad? Ang buong ikalabing pitong kapitulo ng Juan ay puspos ng kaibuturan at katabaan.” Bible Echo, April 23, 1894.
Ang ika-17 kapitulo ng Juan ay tunay na puspos ng pagkaing espiritwal, lalo’t higit na mahalaga ang mga sumusunod na talatang ito.
“Ibinigay ko sa kanila ang iyong mga salita: at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama. Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan. Kung paanong ako’y iyong sinugo sa sanglibutan, sila’y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan. At dahil sa kanila’y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan. Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita; upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako’y sa iyo, na sila nama’y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako’y sinugo mo. At ang kaluwalhatiang sa aki’y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila’y maging isa, na gaya naman natin na iisa: Ako’y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila’y lubos malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila’y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.” Juan 17:14-23.
Ang huling dalangin ni Cristo ay para sa Kaniyang mga alagad upang sila ay maging isa, kung paanong Siya at ang Ama ay nagkakaisa. Ngunit ang panalangin ba na ito para sa pagkakaisa at pagkakasundo sa gitna ng mga tagasunod ni Cristo ay para lamang sa mga alagad, o para lamang sa mga iglesya na nakaraan—kabilang na ang iglesya ng Adventista? O ito ay lalo na doon sa mga humiwalay mula sa lahat ng mga iglesya dahil sa kanilang pagsunod kay Cristo at sa Kaniyang pabalita ng malakas na sigaw ng Apokalipsis 18?
“O inyong basahin ang panalangin ni Cristo para sa pagkakaisa, ‘Ingatan mo sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, na gaya naman natin.’ (Juan 17: 11). Ang panalangin ni Cristo ay hindi lamang para doon sa Kaniyang mga alagad ngayon [sa panahon ni Cristo], kundi para sa lahat ng mananampalataya kay Cristo sa pamamagitan ng mga salita ng Kaniyang mga disipulo, maging hanggang sa katapusan ng sanlibutan…Minasdan ni Jesus ang Kaniyang iglesya na lilitaw sa huling mga araw, bago ang pagsasara ng kasaysayang ng sanlibutang ito.” Manuscript Releases, vol 1, p 355.
Ang iglesya ng Dios sa huling araw ay yaong piniling Nalabi na hindi nahawa o nadungisan, o kaugnay sa maruruming babae o iglesya (tingnan ang Apokalipsis 14:4); yaong sumunod kay Cristo na lumabas sa lahat ng mga iglesya sa pagsunod sa Apokalipsis 18! Kinakailangan na tayo ay nasa pakikipagkaisa kay Cristo at sa bawat isa! Ngunit magagawa ba na ang hiwalay na bayan ng Dios ay magkaroon ng ganap na pakikipagkaisa sa bawat isa? Ano ang gawain na nararapat gawin ng bayan ng Dios ngayon?
“Mangyaring basahin nang maingat ang kapitulong ito [Juan 17], at sa may madasaling pagpapahalaga, ay ipamuhay ang panalangin na ginawa ni Cristo sa Kaniyang Ama. Tandaan ang mga talatang mula dalawampu hanggang dalawampu’t tatlo. Ang pagkakaisang ito ay siyang gawain nating dapat palaguin. Maging ang ating mga isipan ay dapat na dalhing bihag kay Cristo, upang ating mabigkis sila, at huwag mag-isip ng masama laban sa ating mga kapatid.” 1888 Materials, p 1150.
Ano ang dapat nating palagiang layunin ngayon?
“Kalooban ng Dios na makita sa gitna ng Kaniyang bayan ang pagkakaisa at pag-ibig sa mga kapatid….Habang hindi kinakailangan na tayo ay magsakripisyo ng isang prinsipyo ng katotohanan, nararapat nating palagiang layunin na abutin ang kalagayang ito ng pagkakaisa.” Patriarch and Prophets, p 520.
Ano ang kailangang-kailangan at mahalaga ngayon?
“Habang tayo’y nalalapit sa panahong mapanganib, ngayon ang panahon na kailangan [mahalaga] na makita sa mga kinakasangkapan ng Dios ang pagkakasundo at pagkakaisa.” Publishing Ministry, p 114.
Ano ang tangi nating kaligtasan ngayon?
“Pakikiisa kay Cristo at sa bawat isa ang siya lamang nating tanging kaligtasan.” Testimonies, vol 7, p 239.
Kaya nga napakahalaga at kailangang-kailangan, kung paanong kalooban ng Dios, para sa Kaniyang tunay na bayan na humiwalay na linangin, hanapin at tamuhin ang pagkakaisa sa bawat isa, at ang pagkakaisang ito ang tangi nating kaligtasan!
Sa katunayan, mayroong ilang magiging bunga kung hindi matatamo ng hiwalay na bayan ng Dios ang pagkakaisang ito sa gitna nila. Ang mga bungang ito ay ang mga sumusunod:
1. Hindi natin matutupad ang gawain ng pangangaral ng mga katotohanan ng Dios maliban na hanapin o hangarin natin ang pagkakaisang ito at ito’y tamuhin!
“Ang pangangaral ng ebanghelyo ay kinakailangan na kasing lawak ng buong sanlibutan ang nasasaklaw, at hindi makakaasa ang mga mensahero ng krus na magaganap nila ang kanilang mahalagang gawain maliban na sila’y manatili na nagkakaisa sa bigkis ng pagkakaisang Kristiyano…” Acts of Apostles, p 90.
“Ganap na pagtatalaga at pagkakaisa ang kinakailangan sa gawaing ito.” Signs of the Times, March 24, 1898.
2. Hindi tayo magiging disipulo o alagad ni Cristo maliban na maabot natin ang pagkakaisa.
“Ito [ang pagkakaisa] ang katibayan ng ating pagiging alagad.” Patriarch and Prophets, p 520.
3. Hindi tayo magiging tunay na manggagawa para sa Dios, o maging Kaniyang saksi, maliban na tayo’y gumawa para sa pagkakaisa.
“Sipi ang Juan 17:21. Ang lahat ng tunay na manggagawa para sa Dios ay gagawa na kasang-ayon sa panalanging ito. Sa kanilang pagsisikap na maisulong ang gawain, ay ipakikita ng lahat ang pagkakaisa ng damdamin at kabuhayan na siyang nagpapahayag na sila nga’y mga saksi ng Dios, na kanilang iniibig ang isa’t isa.” Testimonies, vol 7, p 156-157.
4. Hindi natin matagumpay na maisusulong ang gawain ng Dios na may kalakasan maliban na tayo’y nagkakaisa.
“Upang matagumpay na maisulong ang gawain kung saan sila ay tinawag, ang mga alagad na ito, na malawak na nagkakaiba sa kanilang katutubong likas, sa kasanayan, at sa mga kinaugalian ng buhay, ay kinakailangan dumating sa pagkakaisa ng damdamin, kaisipan, at gawa. Ang pagkakaisang ito ay siyang layunin ni Cristo na nais na matamo....[sipi ang Juan 17:21].” Conflict and Courage, p 288.
“Sinabi ni Cristo na ang pagkakaisa at pagsasamang Kristiyano ay kinakailangan sa layunin ng Dios, dahil dito Kaniyang itinagubilin ito sa Kaniyang mga disipulo. At ang kasaysayan ng Kristiyanismo mula sa panahon na iyon hanggang ngayon ay nagpapatunay na tanging sa pagkakaisa lamang mayroong kalakasan.” Testimonies, vol 4, p 19.
5. Ang ating pagsisikap na hikayatin ang kaluluwa kay Cristo at sa Kaniyang katotohanan ay hindi lubos na magiging matagumpay maliban na tayo ay magkaisa.
“ Kung sa kapakumbabaan at pananampalataya sila ay dumating sa pagkakaisa ng layunin at panukala, ang Dios ay gagawa para sa kanila at kasama nila, at tagumpay ang sasama sa kanilang mga pagsisikap.” Special Testimonies, Series B#18, p 34.
6. Hindi tayo magiging tunay na nahikayat sa Dios maliban na hangarin natin na tayo ay magkaisa at nasa pagkakaisa.
“Mayroon akong mensahe sa mga mananampalataya…na ang lahat ng tunay na nahikayat sa pagpapahayag ng pabalita ng ikatlong anghel ay hindi dapat ipakita sa sanlibutan, sa mga anghel, at sa mga tao, ang pagkakabahabahagi sa lugar ng pagkakaisa.” Manuscript Releases, vol 4, p 297.
7. Hindi natin maaabot ang kasakdalan ng karakter o likas maliban na matamo natin ang pagkakaisa.
“Ang kasakdalan ng likas ay nangangahulugan na sakdal sa pagkakaisa. ‘Upang silang lahat ay maging isa,’ sabi ni Cristo, na gaya mo, Ama, sa akin, at ako’y sa iyo’ (Juan 17:21). Anong bagay na maaaring mangyari ang nasa harapan natin. Hindi baga ito hahawakan ng mahigpit ng ating pananampalataya?” Manuscript Releases, vol 11, p 179.
8. Hindi tayo tunay na tumitingin o naghihintay sa pagdating ng ating Panginoon maliban na manahan tayo ay sa pagkakaisa.
“Ang pagkakaisa at kapayapaan ay nananahan ngayon sa gitna ng ating mga kapatid na tumitingin para sa pagbabalik ng Panginoon.” Testimonies, vol 1, p 48.
9. Ang mga may sakit sa gitna natin ay hindi madalas na gagaling maliban na magkaroon tayo ng pagkakaisa at pag-ibig.
“Ang katanungan ay itinanong, ‘Bakit hindi gumagaling ang mga may sakit sa gitna natin?’ Dahil ito sa kakulangan ng pagkakaisa, at pag-ibig na umiiral sa iglesya.” Manuscript Releases, vol 11, p 179.
10. Hindi natin matatanggap ang pagsang-ayon ng Dios maliban na tayo ay sama-samang nagkakaisa na may pag-ibig at magiliw na kagandahang loob para sa bawat isa.
“Oo, ang relihiyon ni Cristo ay isang sistema ng tunay na kagandahang-asal, at ang tagumpay nito ay malulubos kung makikita ng sanlibutan sa mga taong nagpapanggap ng kabanalan na sila’y mayroong pagkakaisa, na sila’y mga mananampalataya na nagpapakita ng kinagawiang pagkamagiliwing damdamin at kabutihan ng pag-uugali at tapat na pagpapahalaga sa reputasyon ng bawat isa. Hindi tayo makakaasa na tayo’y sasang-ayunan ng Dios maliban na tayo ay gumawa hanggang sa maging likas na natin ang gumawa ng kabutihan, na lumalakad sa mga prinsipyo ng ebanghelyo.” Manuscript Releases, vol 15, p 128.
11. Hindi tayo magiging malapit sa Dios maliban na sagutin natin ang dalangin ni Cristo sa Juan 17.
“Hindi tayo makalalapit sa Dios…habang ang ating mga puso ay hindi nagkakasundo sa sakdal na pagkakaisa, na sinasagot ang panalangin ni Cristo…” SDA Bible Commentary, vol 7, p 937.
12. Hindi natin mapararangalan at mapaluluguran ang Dios maliban na magkaisa tayo.
“…ang ikalabing pitong kapitulo ni Juan…ay nagpapahayag sa atin na ang ating di-pagkakasundo at pagkakabahabahagi ay hindi nakalulugod sa Dios.” Selected Messages, book 3, p 21.
“Ang mga pagtatalo, ang nakalulungkot na di-pagkakasundo, at ang maliliit na mga pagsubok sa iglesya ay di-nakalulugod sa ating Manunubos.” Testimonies, vol 4, p 19.
13. Tayo ay wala sa pakikipagkasundo sa Dios maliban na sikapin natin na magkaisa.
“Maaari nating ligtas na sikaping maging isa sa doktrina at espiritu, at kung magawa na ito, tayo ay nasa pakikipagkasundo sa kalooban ng Dios.” Review and Herald, April 22, 1890.
14. Hindi tayo magkakaroon ng kaugnayan sa langit maliban na tayo ay nasa pagkakaisa.
“Sa isang sanlibutan na walang pagtatalo at pag-aaway, ang kanilang pag-ibig at pagkakaisa ay nagpapatotoo ng kanilang kaugnayan sa langit. Ito ang kapanipaniwalang katibayan ng kabanalan ng likas ng kanilang misyon.” Testimonies, vol 7, p 156-157.
15. Hindi tayo magiging iglesya ng Filadelfia maliban na magtamo at manghawak tayo sa pagkakaisa at pag-ibig na nasa gitna natin.
“Sila (yaong nasa iglesya ng Sardis)…ay nanahan sa kanilang pagkakaiba-iba ng opinion hanggang ang pagkakabahabahaging ito ay maging kasintaas ng mga bundok, na siyang nagpapahiwalay sa kanila mula kay Cristo at mula sa bawat isa, na winawasak ang pagkakaisa at pag-ibig.” Manuscript Releases, vol 6, p 242.
16. Hindi tayo magiging tunay na Nalabing bayan ng Dios na humiwalay sa pagsunod sa sigaw sa hating gabi maliban na hangarin natin na matamo ang sakdal na pagkakaisa.
“‘Narito, ang kasintahang lalaki; magsilabas kayo upang salubungin siya.’ Mat 25:6. Ngayon na ang panahon upang kayo’y magsibangon at igayak ang inyong mga ilawan. Ngayon ang panahon na ating tamuhin ang sakdal na pagkakaisa sa bawat isa. Makaaasa tayo na mayroong mga kahirapan.” Testimonies, vol 8, p 212.
Samakatuwid, hindi natin magagawa ang gawain ng Dios, o tayo ay magiging Kaniyang mga alagad, o magiging tunay na mga manggagawa o saksi para sa Dios, o matagumpay nating maisulong ang gawain ng Dios sa paghihikayat ng mga kaluluwa kay Jesus, o tayo ay magiging totoong nahikayat sa Dios, o maaabot man ang kasakdalan ng karakter o pag-uugali, o tunay na naghihintay sa malapit na pagbabalik ng ating Panginoon, o mapagagaling man ng madalas ang mga may sakit sa gitna natin, o matatanggap ang pagsang-ayon ng Dios, o mapapalapit sa Dios, o mapararangalan o mapaluluguran ang Dios, o magiging kasang-ayon ng Dios, o magkakaroon ng kaugnayan sa langit, o magiging katulad ng iglesya ng Filadelfia, o maging isa man sa tunay na iglesyang Nalabi ngayon—maliban na tayo ay nagkakaisa. At madali nating makikita na hindi natin magagawang makarating sa langit maliban na tayo’y madalang sama-sama sa pagkakaisa.
“Ang ating tanging pag-asa ng pag-akyat sa langit ay maging isa kay Cristo, at pagkatapos sa pamamagitan ni Cristo ang bawat isa ay nararapat na magkaisa kay Cristo….Siya [si Cristo] ay tumatawag ng pagkakaisa, kaya’t kinakailangan nating magkaroon ng pagkakaisa.” Manuscript Releases, vol 17, p 291.
Dahil dito-malinaw nating naunawaan, na kung hindi tayo magkakaisa sa pag-iibigang magkapatid, tayo ay mawawaglit! Malinaw mo ring makikita na ang pagtupad sa panalangin ni Cristo sa Juan 17 ang siyang dapat na unang-unang layunin ng bawat humiwalay na mga kapatid na lalaki at babae sa ating mga Iglesya sa Tahanan. Ito ang dahilan kung bakit ang Juan 17 “ang siyang kredensiyal” na tayo ay mayroon ng tunay na Ebanghelyo ni Cristo (This Day With God, p 120). Ito ang dahilan kung bakit ang Juan 17 “ay siyang kapanipaniwalang katibayan ng kabanalan ng likas ng [ating] misyon” (Counsels to Writers and Editors, p 74). At ito ang dahilan kung bakit ang Juan 17 “ay siyang ating doktrina o batas sa iglesya” (Selected Messages, book 3, p 21).
Ngunit may ilan na naniniwala na hindi na nangangailangan pa ngayon na magkaisa ang nagsihiwalay na bayan ng Dios; kaya ito ba ang tunay na katayuan na dapat panghawakan?
“Kung tayo’y magsisilapit sa Dios, bawat isa, hindi ba ninyo nakikita kung magkagayon ang magiging bunga? Hindi ba ninyo nakikita na tayo’y magsisilapit sa bawat isa? Hind tayo makalalapit sa Dios, at makapaparoon sa iisang krus, na ang ating mga puso ay hindi nagkakatugma sa sakdal na kasakdalan, at sinasagot ang dalangin ni Cristo ‘na sila’y maging isa’ kung paano Siya sa Ama. At dahil dito, nararapat na pagsikapan natin sa espiritu, sa pang-unawa, sa pananampalataya, na tayo’y maging isa, upang ang Dios ay maluwalhati sa atin kung paanong Siya naluwalhati sa Anak; at nang tayo’y ibigin ng Dios kung paanong Kaniyang inibig ang Anak.” SDA Bible Commentary, vol 7, p 937.
Pinaniniwalaan at itinuturo ng iba na ang pagkakaisang idinadalangin ni Cristo ay tanging pagkakaisa lamang sa espiritual, at dahil doon ay hindi na mahalaga na makita ang hayag na pagkakaisa sa mga anak ng Dios ngayon. Ngunit ano ba ang sinasabi ng Dios? Mayroon bang hayag na pagkakaisa na makikita sa gitna noong mga anak ng Dios na humiwalay at mga Iglesya sa Tahanan?
“Nais makita ng Dios ang pagkakaisa…” General Conference Bulletin, April 10, 1901.
Samakatuwid, ipinahayag ng Dios na kinakailangang Makita ang pagkakaisa sa gitna ng ating mga kapatid na nagsihiwalay at sa mga Iglesya sa Tahanan. Kung gayon ang pagkakaisa na nais ng Dios na maganap sa gitna natin ay isang pagkakaisang hayag o nakikita at hindi isang espiritual na pagkakaisa lamang kay Cristo! Sinabi rin sa atin na “ang paghiwalay at pagkakaisa ay kapwa makikita sa ating hanay” (Testimonies, vol 6, p 400-401). At ang iba pang patotoo tungkol sa pagkakaisa na dapat makita sa atin ay masusumpungan sa Manuscript Releases, vol 6, p 235; Reflecting Christ, p 219; Testimonies, vol 5, p 206; Manuscript Releases, vol 2, p 19.
Itong puntong ito—na makita at mahayag ang pagkakaisa sa gitna ng ating mga kapatid na nagsihiwalay at mga Iglesya sa Tahanan—ang malinaw na maghahayag sa sanlibutan na tayo nga ay mga anak ng Dios!
“Kung si Cristo’y nananahan sa mga puso ng mga mananampalataya, ang pagkakaisa ay makikita. Ang pag-ibig ay dadaloy ng malakas mula sa kanila patungo sa iba….Ang kanilang pagkakaisa ay magpapatunay sa isang makapangyarihang paraan na sila nga ay mga anak ng Dios. Ito’y magkakaroon ng hindi-matatanggihang impluwensiya sa sanlibutan, na ipinapakita na ang tao sa kaniyang pagiging tao ay maaaring maging kabahagi ng kabanalang buhat sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanlibutan dahil sa masamang pita.” Signs of the Times, May 2, 1900.
“Magdadala ang pagkakaisa sa gawain ng isang kapangyarihang hindi pa natin nasasaksihan. Ito ang magiging katibayan sa sanlibutan na ang gawain ay sa Dios.” Review and Herald, Nov 12, 1901.
Malinaw na sinasabi ng Dios sa atin:
“Sa kasalukuyan hindi pa nakikita ang pagkakaisa na dapat makita sa ating mga kapatid, kung kaya’t sinasabi ng Panginoon, ‘Magbuklod-buklod.’ Ito ay dapat magawa nang madali, sapagkat wala na tayong panahon pa dapat sayangin.” Manuscript Releases, vol 20, p 223.
Mga kapatid, sa huling panahon na ito na ating kinabubuhayan, ating itataguyod ang isang malinaw na pagkakaisa na makikita sa ating mga Iglesya sa Tahanan, o ating itataguyod ang malinaw na pagkakabaha-bahagi, pagkakaiba, at pag-aaway na makikita sa kalagitnaan natin. Alin ang inyong gagampanan at tatamuhin? Yaong gumagawa upang mahadlangan na matamo ang malinaw na pagkakaisa sa gitna ng mga Iglesya sa Tahanan at bayan ng Dios na nagsihiwalay ay magpapatuloy sa pagkakabaha-bahagi at pagtatalo. At sa paggawa niyaon ay malinaw na ipinapakita na hindi sila mga pinili ng Dios!
“Ang pagkakaiba-iba at pagtatalo ay makikita sa gitna noong mga hindi pinili ng Panginoon, ngunit huwag nawa itong sumibol at magbunga doon sa mga nagpapanggap na kumakatawan kay Cristo. Walang gawaing higit na sagrado at banal para sa mga Kristiyano kundi ang panatilihin ang kapayapaan sa kanilang kalagitnaan. Kung magkagayon kanilang ipakikita sa sanlibutan ang pagkakaisa na siyang idinadalangin ni Cristo na mahayag, at magpapatotoo na isinugo nga ng Dios si Cristo sa sanlibutan upang iligtas ang sanlibutan.” Manuscript Releases, vol 6, p 24.
Mga kapatid, ang dakilang kaaway na haharapin natin sa pagtamo ng malinaw na pagkakaisang ito at pagganap sa kalooban ng Dios para sa ating mga kapatid sa Iglesya sa Tahanan, ay ang SARILI!
“Nang ang mga patotoo ay dumating, ‘winalang halaga nila ang mga salita ng pagsaway na ipinagkaloob sa kanila. Sa pamamagitan ng salita at halimbawa, sila’y napuno ng kanilang sariling mga gawa, at hinadlangan ang gawain na dapat sanang magawa. Ayaw nilang magpasakop sa tama, ayaw nilang pahintulutang ituwid ang mali, at lumakad sa liwanag. Sarili, sarili, sarili, ang kanilang itinatampok. Walang nakitang pagkakaisa, kundi kaguluhan at pagtatalo ang nahayag.’” Pamphlet #146, p 18.
Pinaniniwalaan at itinuturo ng ilan na ang dapat lang nating gawin ay gumawang mag-isa para kay Cristo, at darating na lang ang pagkakaisa kahit na wala tayong direktang pagsisikap upang ito’y matamo. Ngunit ano ang sinasabi ng Dios tungkol dito? Dapat bang may kasigasigan nating pagsumikapan ang malinaw na pagkakaisang ito sa ating kalagitnaan ngayon, o hindi?
“…ang lahat ng nag-aangkin ng katotohanan ay magpupunyagi para sa pagkakaisa ng pananampalataya, at ang idinalanging pakikipagkaisa kay Cristo ay dapat mahayag sa kaniyang mga disipulo, at sa lahat ng maniniwala sa kanilang salita.” Signs of the Times, Sept 12, 1878.
“Ang mga manggagawa para kay Cristo ay magsipagsikap para sa pagkakaisa.” Testimonies to Ministers, p 502.
“Ang mahalagang pagkakaisa ng mga mananampalataya, na inilatag sa Salita ng Dios, ay siyang dapat maging pamantayan kung saan tayong lahat ay dapat magsumikap upang ito’y matamo.” Manuscript Releases, vol 7, p 193.
Aaminin ng iba na ang malinaw na pagkakaisang ito ang siyang pinakamataas na minimithi para sa Kaniyang bayan, ngunit mabilis nilang sasabihin na hindi ito kailanman kayang matamo. Ang malinaw na pagkakaisa bang ito ay isang bagay na maaaring mapasa bayan ng Dios kung kanila itong pagsisikapan? Oo!
“Hindi idinalangin ni Jesus ang isang bagay na hindi natin kayang matamo, at kung magagawa ang pagkakaisang ito, bakit hindi higit na magpunyaging may kasigasigan ang mga nagpapanggap na tagasunod ni Cristo upang matamo ang kondisyon na ito ng biyaya?…Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang pagkakaisang ito ay maaaring matamo, at ang pag-ibig sa mga kapatid ay sasagana, at maaalaman ng mga tao na kasama natin si Jesus at tayo’y nagsipag-aral sa Kaniya. Ang ating buhay ay magiging anino o larawan ng Kaniyang banal na likas.” Manuscript Releases, vol 15, p 88.
“Kapag tayo’y nagsisipagsikap para sa pagkakaisang ito kung paanong nais ng Dios na ito’y ating pagsikapang nasain, ay darating ito sa atin.” Testimonies, vol 8, p 243.
Sa katunayan, yaong mga nagsisunod sa kanilang makasariling pagnanasa, at hindi nagsipagsikap sa pamamagitan ng kanilang lakas na tamuhin ang pagkakaisang ito sa gitna ng ating mga kapatid at mga Iglesya sa Tahanan, ay ipinapakita sa pamamagitan ng kanilang kakulangan sa paggawa hinggil sa bahaging ito na sila ay hindi kaisa at nakabigkis kay Cristo!
“Kapag ang mga kaanib ng iglesya ay puspos ng Espiritu ni Cristo, magaganap nila ang Kaniyang mga utos. Ngunit malibang magpunyagi sila sa lahat nilang kaya na tugunin ang dalangin na, ‘Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita, upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa Akin, at Ako’y sa iyo,’ sila’y hindi mabibigkis sa Kaniya. Ang espiritung pinayabong ng natural na likas ay hindi makapag-aakay sa atin na gumawa na kagaya ng paggawa ni Cristo. Hindi kailanman magkakaroon ng pagkakaisa habang niyayakap ang espiritung ito.” Manuscript Releases, vol 5, p 370.
Kung hindi natin hinahangad ang tunay na pagkakaisa sa gitna ng mga kapatid na nagsihiwalay at sa mga Iglesya sa tahanan, ating itinatayo ang ating mga karakter sa kahoy, dayami, at damo (tingnan ang Review and Herald, Feb 14, 1899). Kung hindi natin idadagdag ang ating mga tinig upang subukan at tamuhin ang pagkakaisang ito sa kalagitnaan natin, kung gayon gagawin natin ang ating sarili, o ang ating sariling particular na gawain o Ministry, na pinakasentro ng impluwensiya at iwawalang bahala natin ang iba na kabilang sa gawain ng Dios!
“…Akin kayong idinadalangin, upang ang kaaway ay madaig. Nais ng Panginoon na gumawa ang Kaniyang bayan para sa pagkakaisa, at tugunin ang panalangin ni Cristo. Narito ang malaki nating sagabal.…Hangga’t ang Banal na Espiritu ay tanggapin at pahintulutan na gawin ang kaniyang gawain sa puso, ang bawat isa ay magsisikap na maging sentro ng impluwensiya sa kaniyang sarili. Ngunit nalalaman natin sa ating karanasan, na sa magkakasamang pagpapasakop sa Espiritu ng Dios ay naroon ang kapahingahan, kapayapaan, at kagalakan. Kaya’t isipin ang tiyak na pangangailangan nang pagpapasailalim sa humuhubog, nagpapabagong kapangyarihan, upang matamasa ang langit sa buhay na ito, at walanghanggang pagpapala sa buhay na hinaharap.” General Conference Daily Bulletin, Feb 22, 1897.
Ano ang magagawa sa atin ng malinaw na pagkakaisang ito pagka nakamit na natin ito?
“Kapag ang nagpapanggap na mga Kristiyano ay nagkaisa,--isa kay Cristo sa Dios,--sila ay mga kinatawan ng iglesya ng mga Panganay.” Review and Herald, Jan 6, 1903.
“Sipi ang Juan 17:21. Ang lahat ng tunay na manggagawa para sa Dios ay magsisigawa ng sang-ayon sa panalanging ito. Sa kanilang pagsusumakit na maisulong ang gawain, ang lahat ay magpapakita ng nagkakaisang damdamin at ugali na naghahayag na sila nga ay mga saksi ng Dios, kung kanilang iniibig ang isa’t isa.” Testimonies, vol 7, p 156-157.
“Sa bawat salita at gawa, ang kabaitan at pag-ibig ay mahahayag; at habang pinupunuang may katapatan ng bawat manggagawa ang itinalagang dako para sa kanila, ang dalangin ni Cristo para sa pagkakaisa ng Kaniyang mga tagasunod ay masasagot, at makikilala ng sanlibutan na sila nga ay Kaniyang mga disipulo.” Review and Herald, Feb 21, 1907.
“Nais ikintal ni Jesus sa iglesya ang katotohanan na sila ay Kaniyang mga kapatid, na kinakailangang sila’y makiisa sa Kaniya bilang mga kamanggagawang kasama ng Dios. Kinakailangan silang maging magkakapatid para sa pagliligtas ng sangkatauhan. Inaasahan ni Cristo ang kakaibang gawain mula sa mga iglesya kaysa sa naibigay na sa kaniya. Hindi maipagkakaloob ng bayan ng Dios ang inaasahan ni Cristo hanggang sa sila’y mangahikayat at mahanda na sundin ang kautusan ni Cristo. Kaniyang sinabi, ‘Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay ko, na kayo’y mangagibigan sa isa’t isa; na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa’t isa.’ Muli Kaniyang sinabi, ‘Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa.’ Kapag sinunod ang utos na ito, ang pananaghili, ang paghahaka ng masama, mahahalay na pag-iisip, at pagsasalita ng masasama ay mawawala. Sa likas noong mga umiibig sa Dios, ang mga kasamaang ito ay hindi magkakaroon ng anumang bahagi. Ang pag-ibig ay nangangahulugan ng paglago sa espiritual ayon sa banal na halimbawa. Pinagkalooban tayo ni Cristo ng isang huwaran sa Kaniyang sariling halimbawa. Kaniyang ibibigkis ang Kaniyang mga tagasunod sa bawat isa at sa Kaniyang sarili. Magagawa nilang ibigin ang bawat isa dahil sa kanilang pagiging isa kay Cristo; sapagkat ang tiyak na bunga ng kanilang pagiging isa kay Cristo ay pag-ibig. Ipinahayag ni Cristo na ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa ay siyang tiyak na palatandaan ng kanilang pagiging disipulo. Siya ang ugat, ang kaniyang mga disipulo ang mga sanga.” The Home Missionary, Aug 1, 1896.
“…tayo’y magsigawa sa pagkakaisa. Ang Panginoon ay gagawang may kapangyarihan, habang pinagsisikapan nating gawin ang ating bahagi nang may katapatan.” Special Testimonies, Series B#13, p 16.
“Kapag nagkakaisa yaong mga naniniwala sa pangkasalukuyang katotohanan, sila’y nagpapakita ng isang magandang impluwensya.” Testimonies, vol 5, p 236.
“‘Upang sila’y maging isa,’ pagpapatuloy ni Cristo; ‘na gaya mo, Ama, sa akin, at ako’y sa iyo, na sila nama’y sumaatin; upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako’y sinugo mo.’ Ang mga salitang ito ay nagbibigay sa atin ng kahangahangang pagkakataon. Hindi ba sisikapin ng bawat isa sa atin na sagutin ang dalangin ni Cristo? Hindi ba tayo magpupunyagi para sa pagkakaisa na siyang kaniyang idinalangin na makita sa kaniyang mga tagasunod? Ano ba ang magagawa ng pagkakaisang ito? –Ang maipakita sa sanlibutan na isinugo ng Dios ang Kaniyang Anak upang iligtas ang mga makasalanan. Yamang ito’y nangangailangan ng mapagpalang bunga, hindi ba magagawa ng mga tagasunod ni Cristo sa kanilang buong kapangyarihan na tamuhin ito?” Southern Watchman, March 1, 1904.
“Upang maging kaisa tayo ni Cristo sa gawaing ito, dapat nating ilagak ang ating sarili sa ilalim ng humuhubog na impluwensya ng Kaniyang Espiritu. Sa pamamagitan ng ibinahaging kapangyarihan sa atin, makikipagtulungan tayo sa Panginoon sa bigkis ng pagkakaisa bilang mga manggagawang kasama Niya sa pagliligtas ng mga kaluluwa. Sa bawat isa na ihahandog ang kaniyang sarili sa Panginoon para sa paglilingkod, na walang ipinagdadamot na anuman, ay ipagkakaloob ang kapangyarihan para sa pagtatamo ng walang sukat na bunga.” Testimonies, vol 7, p 30.
Mga kapatid kong lalaki at babae na nagsihiwalay, anong dakila at hindi masukat na pagkakataon ang nasa harapan natin! Hindi ba natin panghahawakan ng mahigpit ang mahahalagang pangako na ito sa pamamagitan ng pananampalataya at pagkatapos ay gumawa upang tuparin ang panalangin ni Cristo na pagkakaisa natin? Sa pagiging kaisa ni Cristo at ng bawat isa, tayo’y magiging mga kinatawan ng Dios; tayo’y magiging mga saksi at disipulo Niya, at ang Dios ay gagawang may kapangyarihan upang makapagbigay tayo ng magandang impluwensya sa sanlibutan sa pagpapakilala sa kanila na tunay ngang isinugo ng Dios ang Kaniyang Anak upang iligtas ang mga makasalanan- sa ganito’y matatamo natin ang di-masukat na bunga! Ngunit kung walang pagkakaisa sa gitna ng ating mga kapatid na nagsihiwalay at sa ating mga Iglesya sa Tahanan, wala isa man sa mga pangakong ito ay matutupad sa atin! Kung gayon, magsigawa tayo, sa pamamagitan ng panulat, tinig, at sa buhay na sundin ang “Sinasabi ng Panginoon” at huwag pahintulutan ang sarili, o ang ating sariling damdamin at pagnanasa, na gumawa upang wasakin ang pagkakaisa na ito na makita at matamo.
“Hindi natin dapat na palakasin ang anumang masasamang gawa. Yaong ginagamit ang kanilang talento ng impluwensya sa paggawa nito, ay huwag nang gawin pa ito. Huwag silang magsigawa, sa pamamagitan man ng panulat o tinig, sa panig ni Satanas. Sa pagtalima sa ‘Sinasabi ng Panginoon’ hayaan na makita ang pagkakaisa sa paggawa.” Review and Herald, Aug 6, 1901.
Ngunit ang isa sa dakilang kaaway para matamo ang pagkakaisang ito sa gitna ng ating mga kapatid na nagsihiwalay at sa ating mga Iglesya sa Tahanan ay ang isa na dapat labanan ng bawat isa sa atin—ito ay ang pakikipagbaka laban sa hindi-banal na kalayaan! Marami ang naniniwala na tayong lahat ay dapat maging malaya sa bawat isa,na tanging sa Dios lamang magiging isa, sa Dios lamang mananagot, at susunod lamang sa gabay ng Espiritu. Ngunit ito ba ang tamang katayuan na dapat panghawakan?
“Sa maraming mga taon, ako’y tinagubilinan na kayo ay nasa panganib sa pagtingin sa mga bagay sa maling liwanag.…Mayroon kayong mga katangian ng pag-uugali na kinakailangang ganap na mabago, o kung hindi kayo ay magiging hadlang sa gawain, na mag-aakay sa iba na pahintulutan ang mga paghihinala, at magsigawa sa iba’t ibang hanay ng paggawa. Ang gayong paraan ng paggawa ay tiyak na isang pagkakamali, at kung susundin, ito ay magdadala ng mga kahirapan na hindi madaling pangasiwaan….ang inyong pag-uugali ay isang bagay na mahirap para sa inyo na gumawa na kaisa ng inyong mga kapatid….Mayroong ilan na malibang maging tama ang mga bagay-bagay sa kanilang sariling kahatulan, ay magsisilayo o hihiwalay mula sa kanilang mga kapatid na gumagawa. Dahil dito, hindi-nalulugod ang Dios…Akayin ninyo ang inyong mga isipan sa pagkakaisa sa halip na paghihiwalay.” 1888 Materials 1757-1760.
Mayroong lumalawak na kalituhan at lumalagong di-pagkakaunawaan sa gitna ng ating mga kapatid na nagsihiwalay tungkol sa paksang ito ng “KALAYAAN.” Mayroong tunay na kalayaan na napabanal na sinasangayunan ng langit, at mayroon ding hindi napabanal na kalayaan o pagiging independiyente na hinahatulan ng Dios. At ang kakulangan ng malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng dalawang uri ng kalayaan na ito ang nagpahintulot kay Satanas na makalikha ng lahat ng uri ng kaguluhan sa gitna ng ating mga kapatid at Iglesya sa Tahanan sa buong mundo!
Ang tunay na banal na pagiging malaya o independiyente na sinasang-ayunan ng langit ay maikling ipinaliwanag sa mga sumusunod na prinsipyo: Na tayo ay mga independiyenteng kinatawan o magisang mananagot sa Dios sa sarili nating mga gawa at espiritual na buhay—na walang sinuman ang maaaring sisihin kung mawala sa atin ang langit. Tayo ay responsable sa Dios na gumawa ng ating sariling pag-aaral—at walang sinuman ang makapag-aaral para sa atin. Tayo ay responsable na mag-isip para sa ating sarili—hindi tayo maaaring maging anino o tatak ng sinumang tao. Responsable tayo na tulungan ang ating sarili—walang sinuman ang kinakailangang tumulong kung kaya naman natin. Responsable tayo na gawin ang gawaing ibinigay sa atin—walang sinuman ang sisisihin kung hindi ito magawa. Responsable tayo sa sarili nating ikabubuhay—walang sinuman ang may utang sa atin. Responsable tayo na mapanatili ang ating dangal, katuwirang moral, at mga obligasyon sa iba’t ibang pangyayari ng buhay. At tayo ay responsable na tumayo para sa Dios, sa Kaniyang karangalan, at sa Kaniyang katotohanan anuman ang maging kapalit o bunga noon. Makikita natin ng malinaw na nakasentro ang napabanal na kalayaan na ito o pagiging independiyente sa atin bilang mga indibidwal, hindi nakasentro sa paraang makasarili, kundi sa hindi makasariling paraan na hindi makapipinsala o makasasama sa iba.
Ang uri na ito ng marangal at makalangit na kalayaan o pagsasarili ay makikita sa dalawang dakila at matatag na mga prinsipyo ng 10 kautusan ng Dios—isang kalayaan na inilalagay ang Dios na una at pangunahin sa ating mga pag-iisip, damdamin, at gawa, at ang ating kapwa na gaya ng ating sarili. Ang kalayaan o pagsasariling ito, na nakatatag sa pag-ibig sa Dios at sa pag-ibig sa bawat isa na una sa sarili, ay sinasang-ayunan ng langit at siyang karapatan natin na ipakita at sang-ayunan sa lahat ng panahon kung paanong ito ang mag-aakay sa atin sa ganap na pagpapakabanal at sa buhay na walanghanggan. Ang mga bunga na ibubunga ng ganitong uri ng di-makasariling kalayaan ay pag-ibig, pananalig, pagtitiwala, pagsasama, pagkakasundo, pagkakaisa, kaayusan at kapayapaan. At ito ay malinaw na makikita sa pagkakaisa, pagkakasundo at gawain ng Godhead o PagkaDios. Ngunit mayroon ding isang uri ng kalayaan na hindi banal at labis.
Ang hindi banal na kalayaan na siyang ipinagbabawal ng langit ay maikling ipinaliwanag sa mga sumusunod na mga prinsipyo: Na tayo ay responsable o mananagot lamang sa Dios—na walang pananagutang dapat na ipakita sa ating kapwa o kapatid. Tayo ay responsable o mananagot lamang sa Dios para sa ating mga gawa—na walang sinuman ang may kapanagutan sa atin, o magtutuwid, o pupuna sa atin, o magdidisiplina sa atin sa ating mga ginawa—kahit na ang ating mga gawa ay nakasasama o nakapipinsala na sa iba. Responsable tayo na ipakipagkaisa natin ang ating espiritual sa Dios lamang—walang sinuman ang maaaring magbuklod sa pagkakaisa sa isa’t isa sa igleysa o sa gawain man. Tayo ay responsable na paniwalaan at ituro ang naisin natin—na walang pagsasaalang-alang sa pinagkasunduang katotohanan ng mga kapatid. Responsable tayo na sundin ang ating sariling daan—anuman ang maging payo ng ating mga kapatid. At tayo ay responsable lamang sa Dios at dapat na ituon lamang ang ating mga interes sa ating sariling gawain—na hindi isinasaalang-alang ang gawain at kapakanan ng ating mga kapatid. Nakikita natin ng malinaw na nakapaloob sa di-napabanal na kalayaang ito ang ating relasyon o pakikitungo sa iba, sa isang makasariling paraan na nakakaapekto ng masama sa iba.
Ang ganoong di-banal na kalayaan ay maaaring isiping iniibig ng higit ang Dios, ngunit sa katotohanan ay sinasalangsang nito ang utos ng Dios sapagka’t pinahahalagahan nito ang sarili at inilalagay na pinakauna sa ating mga pag-iisip, damdamin, at mga gawa, at ang ating kapwa na pinakahuli o hindi isinasaalang –alang. Ipinagbabawal na mabuti ng langit ang ganitong uri ng kalayaan, at siyang hindi natin dapat ipakita o itaguyod sapagkat ito’y mag-aakay sa ganap na kabulukan at walang hanggang pagkawasak. Ang ibubunga ng makasariling kalayaan na ito ay pagkamuhi, kawalan ng pagtitiwala, pananaghili, paninibugho, pag-aaway, pagkakabaha-bahagi, kaguluhan, pag-aalitan, at paghihimagsik.
Ang di-banal na kalayaang ito ay nagpasimula kay Lucifer at mababakas pabalik sa kaniyang paghihimagsik sa langit!
“…Pinili ni Satanas na sundin ang kaniyang makasarili, malayang kagustuhan.” Desire of Ages, p 762.
Hindi nasisiyahan ang diablo na sarilinin ang di-banal na kalayaang ito, kundi kaniyang pinalaganap pa ang ganitong prinsipyo sa buong hukbo ng langit, at nasilo at nadaya nito ang ikatlong bahagi ng lahat ng mga anghel ng langit. Ang mga ito ang nagpasimula ng labanan o pakikibaka kasama ni Satanas sa kalooban ng Dios at ang mga ito ay pinalayas sa langit (tingnan ang Apokalipsis 12:4, 7-9)! Subalit hindi pa rin nasiyahan si Satanas, kaya’t kaniyang dinala ang malaya’t mapaghimagsik na espiritung ito sa lupa.
Ang kaunaunahang kasinungalingan ni Satanas kay Eba ay nakabatay sa prinsipyong ito ng di-banal na kalayaan (tingnan ang Youth’s Instructor, July 1, 1897). Subali’t ito’y hindi pa rin doon nagtapos. Ang mapaghimagsik na kalayaang ito ay hindi lamang ipinakita ni Lucifer, ng ikatlong bahagi ng mga anghel, at ni Adan at Eba, kundi ipinakita rin ni Cain (Signs of the Times, Dec 16, 1886), ni Faraon (Youth’s Instructor, Nov 30, 1893), ni haring Saul (Signs of the Times, June 1, 1888), ang hari ng Babilonia (Youth’s Instructor, March 28, 1905), ng alibughang anak (tingnan ang Signs of the Times, Jan 29, 1894), ni Judas Iscariote (Signs of the Times, June 5, 1884), at ng mga Laodicea (Review and Herald, April 1, 1890). At ito’y patuloy na makikita at magiging dahilan ng pagbagsak ng marami sa ating mga kapatid na nagsihiwalay hanggang sa sila’y magising at makilala ng malinaw ang pagkakaiba ng tunay at ng huwad na kalayaan!
Yaong mga sumusunod sa di-banal na kalayaang ito ay lalo nang laban sa anumang panawagan, o pagkilos tungo sa ganap at lubos na pagkakaisa ng bawat mananampalataya na nagsihiwalay. Subali’t maaari ba tayong maging kaugnay kay Cristo at tunay na gumagawa para sa pagpapalago ng Kaniyang kaharian ng katuwiran kung nagpapakita tayo ng di-banal na kalayaan? Hindi!
“Ipinahayag ni Cristo, ‘Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok ay nagsasambulat.’ Ipinagkaloob ng Dios sa bawat tao ang kani-kaniyang gawain. Kaniyang inaasahan sa bawat tagasunod Niya na ipakita ang isang impluwensiya na magpapahayag para sa ikasusulong ng Kaniyang kaharian. Siya na hindi masigasig na gumagawa sa pagsusulong o pagtataguyod ng pag-ibig at pagkakaisa at katarungan ay nagpapakita ng isang impluwensiya na salungat kay Cristo.” Special Testimonies, Series B#2, p 44.
Ang hayag na pagkakaisa natin ang nagpapakita sa sanlibutan na tayo nga ay tunay na mga anak ng Dios! Samakatuwid, ang ating hayagang pagkakaisa ang palatandaan at katibayan na tayo nga ay tunay na kaisa ni Cristo! Maaari nating ipahayag ng malakas na tayo ay kaisa sa Dios, subali’t maliban na mapatunayan natin ito sa pamamagitan na matamo natin ang hayag na pagkakaisa natin, atin lamang ipinakikita na tayo lamang ay mga mapagpaimbabaw!
Nawa’y isuko natin ang sarili at ang ating di-banal na kalayaan at hangarin ang tunay na pagkakaisa, maging kaanib man tayo o ministro, nagtatrabaho man tayo o may inaasikasong Ministeryo, upang ito’y makita, at hindi na magpatuloy na mailagay sa kahihiyan ang ating Manunubos!
“Marami sa mga nagpapanggap na umiibig sa Dios at sumusunod sa Kaniyang mga utos ay winawalang kabuluhan ang Kaniyang kautusan. Labis na nalalagay ang Dios sa kahihiyan dahil sa kabiguan ng mga nagpapanggap na mga Kristiyano na ihayag ang pagkakaisa na dapat makita sa gitna ng Kaniyang mga anak.” Review and Herald, Feb 11, 1902.
Kung hindi magsisi ang mga indibidwal na ito sa kanilang pagiging indipendiyente, sila man ay kaanib o ministro, at hindi sundin ang kalooban ng Dios na hangarin ang tunay at hayag na pagiging isa sa kanilang mga kapatid na nagsihiwalay, kanilang tatanggapin ang sumpa ni Meroz, ang kanilang kandelero ay aalisin, at iba ang magtatamo ng kanilang putong!
“Pinasulong ng ilan ang kaisipan na habang tayo’y napapalapit sa pagsasara ng panahon, ang bawat anak ng Dios ay kikilos na hiwalay sa anumang relihiyosong samahan. Subali’t ako’y inatasan ng Panginoon na sa gawaing ito ay walang anumang bagay na kagaya ng pagiging malaya o hiwalay ng tao….Upang ang gawain ng Panginoon ay sumulong na malusog at matatag, dapat na magkaisa ang Kaniyang bayan.” Gospel Workers, p 487.
“Mayroon sa gitna ng nalabi ngayong mga huling araw, kung paanong ganoon din sa matandang Israel, na nais na kumilos na mag-isa at malaya, na hindi handang pasailalim sa mga turo ng Banal na Espiritu ng Dios, at hindi makikinig sa paalaala at payo. Nawa’y lagging itatak sa isip ng mga ito na ang Dios ay may iglesya sa lupa, kung saan Niya ipinagkaloob ang kapangyarihan. Nanaisin ng tao na sundin ang kanilang sariling kahatulan na malaya, na hinahamak ang payo at saway; subali’t kapag ginawa nila ito ng tiyakan, sila’y mangahihiwalay sa pananampalataya, at kapinsalaan at pagkawasak ng mga kaluluwa ay susunod. Yaong mga nagtitipon ngayon upang itaguyod at itatag ang katotohanan ng Dios ay inihahanay ang kanilang sarili sa kabilang panig, na tumatayong magkakaisa sa puso, isip, at sa tinig sa pagtatanggol sa katotohanan.” Selected Messages, book 3, p 23.
“Hindi pinanukala ng Dios na ang Kaniyang manggagawa ay tumayong magkakahiwalay bilang mga malalayang nilalang….Aking idinadalangin na kayo, maging mga ministro o kaanib ng iglesya na ngayo’y tumayong magkakasama sa tulong ng Panginoon, at sa tulong ng Panginoon ay makilaban sa malakas na kapangyarihan ng kadiliman. Pag-aralan ninyong may pananalangin ang ikalabing pitong kapitulo ng Juan. Ang kapitulong ito ay hindi lamang dapat basahin ng paulit-ulit, kundi ang katotohanan nito ay dapat na kainin at tunawin.
“Ang mga salita bang ito na napakahalaga sa atin ay dapat na palaging kalimutan? Ang Dios ay nananawagan doon sa mga nag-aangkin na Kaniyang mga anak na pag-aralan ang mga salitang ito, kainin sila, at isakabuhayan. Hangarin ang pagkakaisa at pagmamahalan, kung hindi, ang kandelero ay aalisin sa kaniyang lugar.” Pamphlet #156, p 12-14.
“Ako ay mayroong mensahe sa mga mananampalataya…na hindi dapat ipakita sa sanlibutan, sa mga anghel, at sa mga tao ng lahat ng tunay nahikayat sa pagpapahayag ng pabalita ng ikatlong anghel, ang pagkakabahabahagi sa lugar ng pagkakaisa.” Manuscript Releases, vol 4, p 297.
Ano ang dahilan, bakit napakaraming suliranin sa ating hanay? Ito ba’y sa dahilan na sinisikap ng Dios na panatilihing nagkakaisa ang ating mga kapatid sa kanilang Iglesya sa Tahanan? O ito’y sa dahilan na marami sa ating mga kapatid na nagsihiwalay ay ayaw makiisa sa pagsunod sa kalooban ng Dios? Ano ang tunay na dahilan ng mga kaguluhan sa hanay natin na mga nagsihiwalay?
“Ang dahilan ng kaguluhan ay hindi mahirap makita. Ang mga mangagawa ay naging magkakahiwalay na hibla, kung saan maaari nilang ituring ang kanilang mga sarili na nararapat ihabing magkakasama upang tulungang mabuo ang hugis. Ang mga ito ang pumipighati sa Banal na Espiritu….Ang di-napabanal na kalayaan ang naglalagay sa atin kung saan hindi makagagawa ang Dios na kasama natin.” Testimonies, vol 7, p 197.
Ang karamihan sa mga suliranin sa gitna ng ating mga kapatid na nagsihiwalay at ng mga Iglesya sa Tahanan ay sa dahilang hindi natin sinusunod ang kalooban ng Dios at hindi nagkakaisa sa ilalim ng iisang pananampalataya kay Cristo. At ang gawin pa itong malala, ay kapag sinikap noong mga nagnanais na gumawa ng kalooban ng Dios na gisin gin ang ating mga kapatid sa pangangailangan na pagkakaisa sa ilalim ng iisang pananampalataya kay Cristo upang maalis si Satanas mula sa ating hanay, kasama na ng mga suliraning ito at ng mga bulaang tagapagturo, marami ang nagsisitayo at nagpapahayag na: “Ito ay kapapahan! Ito ay herakiya! Huwag tayong magkaisa o tumayong magkakasama sa ilalim ng iisang pananampalataya sapagkat nais ng Dios na tayo’y sa Kaniya lamang makiisa sa espiritual, at hindi sa hayag na pagkakaisa sa isa’t isa!” Subali’t binalaan na ng Dios ang Kaniyang bayan na ang ganitong pananalita ay laban sa tunay na panawagan para sa pagkakaisa!
“Nalalamang mabuti ni Satanas na ang kasama ng kaayusan at sama-samang paggawa o pagkakaisa ay ang tagumpay. Alam na alam niya na lahat ng bagay na may kaugnayan sa langit ay nasa sakdal na kaayusan, na ang pagpapasakop at sakdal na disiplina ang makikita sa mga kilos ng hukbo ng mga anghel. Ang akayin, kung magagawa niya, ang mga nagpapanggap na mga Kristiyano na palayo mula sa panukala ng langit ang kaniyang pinagsisikapan; kung kaya’t kaniyang dinadaya maging iyong mga nagpapanggap na bayan ng Dios at pinapaniwala sila na ang kaayusan at ang disiplina ay kaaway ng espiritualidad, na ang tanging kaligtasan para sa kanila ay pabayaan ang bawat isa na gawin ang kaniyang daan, at manatiling kakaiba at hiwalay mula sa karamihan ng mga Kristiyano na nagkakaisa at gumagawa upang mapatatag ang disiplina at pagkakaisa ng paggawa. Ang lahat ng pagsisikap na ginagawa upang maitatag ang kaayusan ay itinuturing na mapanganib, isang pagbabawal sa matuwid na kalayaan, at dahil dito’y kinatatakutan bilang kapapahan. Itinuturing ng mga tapat na kaluluwang ito na isang kagalingan na ipagmayabang ang kanilang kalayaan na makapag-isip at gumawa na malaya’t nag-iisa. Hindi nila tatanggapin ang sabi ng iba. Hindi sila susunod sa kaninuman. Ipinakita sa akin na espesyal na gawain ni Satanas na akayin ang tao na madama nila na paraan ng Dios para sa kanila na gumawa para sa kanilang sarili at piliin ang kanilang sariling daan na hiwalay at malaya sa kanilang kapatid.
“Inaakay ng Dios palabas ang isang bayan mula sa sanlibutan tungo sa mataas na plataporma ng walanghanggang katotohanan…Hindi sila nagkakaiba-iba, na kagaya ng ang isa’y naniniwala sa isang bagay at ang iba nama’y mayroong pananampalataya at mga pananaw na ganap na kataliwas, na kumikilos na malaya sa katawan.” Testimonies, vol 1, p 650.
Huwag ninyong pahintulutan ang sinumang nagsihiwalay na ministry, ministro, o kaanib na sikaping akayin kayo na paniwalaan na nais ng Dios na manatili ang Kaniyang bayan na baha-bahagi, walang kaayusan, at malaya mula sa isa’t isa sa pananampalataya at gawain at pagpupulong, kahit na sila pa ay sumipi ng isang patotoo mula kay Kapatid na White para lamang patibayin ang kanilang kinatatayuan, sapagka’t kanila lamang binabaluktot ang sinipi upang may masabi na hindi kailan man nilayon ni Kapatid na White! Kaya’t sabi mismo ni Kapatid na White:
“…pakiusap, huwag ninyong gamitin ang aking pangalan bilang kumakatig sa inyo sa paghakbang ninyo sa malaya at hiwalay na daan.” Manuscript Releases, vol 17, p 257.
Hindi nais ng Dios na ang Kaniyang bayan na humiwalay ay mapabilang sa hanay ng kawal ni Satanas, na itaguyod ang kaniyang maling mga aral, ipakita ang kaniyang di-banal na pagiging malaya at hiwalay, at iligaw ang mga kaluluwa sa pagkakabaha-bahagi at pagkawasak. Kundi nais ni Cristo na ang lahat ng Kaniyang tunay na bayan na nagsihiwalay ay mapabilang sa hanay ng Kaniyang kawal, na itinataguyod ang Kaniyang dalisay na aral, ipinapakita ang Kaniyang banal na likas o ugali, at inaakay ang mga kaluluwa kay Jesus at sa pagkakaisa at buhay na walang hanggan.
“Ang kawal ay mapapasama kung hindi nila natutunang sumunod sa mga utos ng kapitan. Ang bawat kawal ay dapat na kumilos na sama-sama. Ang pagkakaisa ay kalakasan; kung walang pagkakaisa, walang halaga ang pagsisikap. Anuman ang magagandang katangian ang taglay ng isang kawal, hindi siya ligtas na mapagkakatiwalaang kawal kung inaangkin niya ang karapatan na kumilos na mag-isa at malaya mula sa kaniyang kapwa kawal. Ang sariling paggawa na ito ay hindi mapapanatili sa serbisyo ni Cristo.
“Ang pagpipigil sa sarili ay kailangang kailangan na dapat sanayin ng bawat Kristiyano kung kanilang tutugunin ang dalangin ni Cristo. Hindi siya isang mabuting kawal kung hindi niya isusuko ang kaniyang sariling kahatulan at ang kaniyang sariling mga kuru-kuro upang mapanatili ang pagkakaisa ng paggawa….Ang kaamuan at kapakumbabaan ni Cristo ay palaging nag-aakay sa pagkakaisa at dahil mapapalakas sa nagkakaisang paggawa.” Manuscript Releases, vol 5, p 373-374.
“Yaong kaanib ng kawal ni Cristo ay dapat na gumawang sama-sama. Hindi sila magiging tapat na mga kawal maliban na sumusunod sila sa mga utos. Ang nagkakaisang pagkilos ay mahalaga. Ang isang kawal na kumikilos na hindi isinasaalang-alang ang iba, ay walang tunay na lakas. Upang makapagdagdag ng bagong teritoryo sa kaharian ni Cristo, ang kaniyang mga kawal ay dapat na sama-samang gumagawa….Siya ay nananawagan para sa nagkakaisang kawal, na matatag na kumikilos pasulong, hindi sa isang pulutong na binubuo ng magkakaiba-iba at magkakahiwa-hiwalay.” SDA Bible Commentary, vol 4, p 1146.
“Sa kabila ng lahat ng mabubuting katangian na tinataglay ng isang tao, hindi siya magiging isang mabuting kawal kung siya’y malayang kumikilos at gumagawa mula doon sa mga nakaugnay sa kaniya….Tingnan ninyo ang malakas na pangkat ng mga kabayo. Kung, sa halip na parehong naghihilahan, ang isa’y biglang tumakbong pasulong at ang isa nama’y pabalik, hindi nila maisusulong ang karga, sa kabila ng kanilang matinding lakas. Gayon ang mga kawal ni Cristo ay dapat na gumawang magkakasama, kung hindi ay magkakaroon lamang ng kalipunan ng mga malalayang atom….Ang kalakasan ay nasa pagkakaisa. Ang iilang lalaki at babae na sama samang nagkakaisang, na nasa tanawin ay ang kaluwalhatian ng Dios, ay lalago sa kalakasan at karunungan, at sa pagtatamo ng mga bagong tagumpay.” Signs of the Times, Sept 7, 1891.
Hindi gaanong tinitingnan ng Dios ang bilang noong sama samang nagkakaisa, kundi kaniyang tinitingnan kung sila ba ay nagkakaisa! Kaya’t ang katanungan ay: Saang kawal NINYO pipiliing mapabilang at ipaglalaban?
“Kung saan mayroong pagkakaisa ay may kalakasan. Sama sama tayong tatayo, magkakahiwalay tayong babagsak. Tangi na, at nakasaad na panukala ng kaaway ni Cristo at ng tao, na wasakin ang iglesya tungo sa malalaya at hiwahiwalay na pangkat….Iniibig niyang makita ang di-pagkakasundo at pangangailangan ng nagkakaisang paggawa sa iglesya.” Review and Herald, July 10, 1888.
“…huwag na huwag ninyong kalilimutan kailanman na kayo’y maaaring maging alipin ni JesuCristo, na gumagawang walang pagod para sa pagkakaisa ng mananampalataya na siyang idinalangin ni Cristo na mahayag, o kayo’y gumagawang kalaban ng pagkakaisang ito at laban kay Cristo.” Testimonies, vol 5, p 478.
Walang isa man sa ating mga kapatid na humiwalay, maging sila man ay ministro o kaanib, ang magagawang makarating sa langit hanggang sa may kabatiran nilang isuko ang kanilang di-banal na pagiging malaya, na hihinto na sa pagsalungat at paglaban sa hayagang pagkakaisa sa gitna ng ating mga kapatid, at sa halip ay gagawa tungo sa isang ganap at lubos na pagkakaisa sa iisang pananampalataya kay Crsito bilang ating pangulo! “Ang isang taong may tiwala sa sarili, may espiritung malaya at makasarili ay hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Dios.” Selected Messages, book 2, p 216. At bakit hindi sila makakapasok sa langit? “Kayo gagawa ng isang gawaing malaya at hiwalay sa langit kung paanong kayo’y gumawa sa lupa.” Kress Collection, p 152.
Mga minamahal na mga kapatid na lalaki at babae na nagsihiwalay, sinisikap ng Dios na maging angkop ang Kaniyang bayan sa katuwiran at ihanda sila para sa walang hanggan na kasama Niya sa pag-aakay sa kanila na maging isa sa layunin, iisa sa pananampalataya, isa sa gawain, at isa sa pagkakaisa. Subali’t determinado ang Diablo at ang kaniyang mga kinatawan na nasa ating kalagitnaan na pigilin itong huwag mangyari, at ang ating mga kapatid ay naiipit sa gitna ng labanang ito! Ngunit ang Dios ay may malinaw na layunin sa panawagan sa Kaniyang tunay na bayan na nagsihiwalay na magkaisa. Nais lamang ng Dios na mapasakdal ang ating mga likas at pag-uugali sa pamamagitan ng pagsasama sama bilang isa at upang sa pamamagitan nito ay maihanda tayo para sa paglipat! At yaong mga sumasalungat sa hayag na pagkakaisang ito ay gumagawa upang mapanatili ang ating mga kapatid na nakaugnay sa kasalanan at sa mga kapintasan ng pag-uugali, ang mawaglit sa paglipat, at dahil dito sila’y gumagawa sa kanilang sarili sa labas ng tahanan sa langit!
“Ang kasakdalan ng pag-uugali ay nangangahulugan ng kasakdalan sa pagkakaisa. ‘Upang silang lahat ay maging isa’, sabi ni Cristo, ‘na gaya mo Ama sa akin, at ako’y sa Iyo’ (Juan 17:21). Anong pagkakataon ang nasa ating harapan. Hindi ba natin ito panghahawakan sa pamamagitan ng pananampalataya?” Manuscript Releases, vol 11, p 179.
“…hindi sila dapat tumayo sa isang espiritung hiwalay at malaya, kundi magpasakop sa bawa’t isa bilang mga tagasunod ni Cristo. Ito ang tanging paraan na itinalaga ng Dios upang ang isa ay magkaroon ng impluwensiya sa iba at ang lahat ay mabago at mahubog ayon sa banal na Huwaran, at upang ang lahat ng mananampalataya kay Cristo ay mapabanal sa pamamagitan ng katotohanan.” Manuscript Releases, vol 15, p 357.
“Mayroong kaayusan sa langit, at ito’y dapat na gayahin noong mga tagapagmana ng kaligtasan sa lupa. Habang napapalapit ang tao sa pagtatamo ng kaayusan at alituntunin ng langit, higit silang nadadalang malapit sa kalagayan na kaaya-aya sa harapan ng Dios na siyang gagawa sa kanila na maging saklaw ng kaharian ng langit at mag-aangkop sa kanila para sa paglipat mula sa lupa patungo sa langit…” Testimonies, vol 2, p 697-698.
Kaya nga mga kapatid, patuloy tayong sumulong sa pagsunod sa Dios at tayo’y gumawa upang matamo ang mapagpalang pagkakaisa na ito sa bawat isa pag-ibig!
Ang iba pang maling palagay na gumagawa upang hadlangan ang mga pagsisikap tungo sa pagkakaisa sa gitna natin ay ang paniniwala ng iba na hindi sila maaakay na maligaw kung hindi sila magkakaisa. Subalit ito’y isang mabigat na kamalian.
“Sinasamantala ni Satanas ang kawalan ng pakikiisa nila Kapatid na G sa kabuuhan. Nais nilang tumahak sa hiwalay at paraang malaya, at ang manguna sa halip na magpasakop upang akayin. Si kapatid na G ay may ugaling nananaghili, na kung saan kasama ng kaniyang kalayaan, ang siyang naglayo sa kaniya; sapagka’t sa ganitong espiritu, hindi siya magiging tunay na kaagapay ng kaniyang gumagawang mga kapatid…Hindi siya nagtataglay ng espiritu ng pabalita ng ikatlong anghel. Kaniyang inilayo ang kaniyang sarili mula sa pakikiisa at pakikiramay ng bayan ng Dios…at ito ang dahilan kung bakit siya naiwan sa ganoong kadiliman.” Testimonies, vol 1, p 230-232.
Kasama sa hanay na ito, ang ilan ay hindi nagsisikap na hangarin na maging kaisa ng kaniyang mga kapatid, na naniniwala na tanging sila lamang at ang Panginoon sa mga huling araw na ito, subali’t;
“Hindi dapat madama ninuman na hindi mahalaga kung sila man ay maging kaisa ng kanilang mga kapatid o hindi; sapagka’t yaong hindi natuto na mamuhay rito na magkakasama ay hindi kailanman magiging isa sa langit.” Historical Sketches, p 124.
“Sundin ninyo ang mga aral nito [Juan 17], at kayo’y magkakaisa… Walang sinuman ang tinawag upang lumakad na mag-isa. Sa buhay ni Cristo at sa walang kamatayan ay nahayag sa liwanag. Kaniyang ibinukas ang daan patungo sa kaharian ng langit doon sa mananampalataya sa Kaniya, subali’t hindi Siya nagtalaga sa sinuman ng isang landas na iba doon sa daan na dadaanan ng lahat. Siya ay nananawagan para sa pagkakaisa, kaya’t kinakailangan tayong magkaroon ng pagkakaisa.” Manuscript Releases, vol 17, p 291.
Malinaw na walang sinuman ang matagumpay na makagagawa ng gawain ng Dios habang nananatili silang hiwalay at malaya mula sa kanilang tunay na mga kapatid!
“Kagaya ng iba’t ibang bahagi ng makina, ang lahat ay malapit na nakaugnay sa bawa’t isa…Kinakailangang magkaroon ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba. Walang sinumang kaanib ng samahan ng Panginoon ang makagagawang matagumpay na nag-iisa. Ang bawat isa ay dapat gumawa sa ilalim ng pamamatnubay ng Dios; dapat gamitin ng lahat ang kanilang kakayahan na ipinagkatiwala sa kanila para sa Kaniyang gawain, upang ang bawat isa ay makapaglingkod sa ikasasakdal ng lahat.” Review and Herald, May 13, 1909.
“Namatay ang prinsipe ng ating kaligtasan para sa sangkatauhan upang ang tao ay maging kaisa Niya at ng bawat isa….Walang sinumang kaluluwa ang ginawang malaya at hiwalay sa iba. Dapat na walang pag-aalitan sa tahanan ng Dios; sapagka’t ang kabutihan ng bawat isa ay kaligayahan ng lahat. Hindi dapat magbuo ng pagkakabahabahagi sa pagitan ng bawat tao.” Fundamentals of Christian Education, p 479.
Yaong di-banal at may malayang kaisipan at tumatangging makiisa sa kanilang mga kapatid, ay totoong iglesya sa kanilang sarili, kaya hindi sila bahagi ng tunay na iglesya ng Dios.
“Palaging mayroong mga taong may malaya at hiwalay na kaisipan…Ang mga ito’y humihiwalay sa katawan, at ang bawat isa ay isang hiwalay na iglesya sa kaniyang sarili. Ang lahat ng ito’y hindi maaaring maging tama, ngunit lahat sila’y nag-aangkin na sila’y inaakay ng Panginoon.” Testimonies, vol 3, p 428-429.
Kaya nga yaong hindi gumagawa at nagsisikap at hindi ipinipilit ang pagkakaisang ito sa gitna ng bayan ng Dios sa panulat o sa tinig ay nagpapatunay na hindi sila kaisa kay Cristo. At maliban na ang pagkakaisang ito ay matamo sa gitna ng bayang nagsihiwalay at ng mga Iglesya sa Tahanan, ipinahihiwatig nito na hindi rin tayo magiging kaisa ng Dios!
“Kapag ang bayan ng Dios ay kaisa Niya, sila ay magiging isa sa bawat isa. Ang kanilang pagkakaisa at pag-ibig ay magpapatunay ng kadalisayan ng kanilang pagiging isa kay Cristo. Kapag ang kanilang mga mata ay nakatuong lahat kay Cristo, ang kanilang mga puso ay mabibigkis sa pag-ibig. Kung magkagayon, sila’y tatayong sama-sama upang labanan ang pulutong ng kasamaan, at sila’y magkakaroon ng lakas para sa labang hindi nakikita ng mata. Kanilang ilalagak ang kanilang mga puso sa Panginoon…” Manuscript Releases, vol 15, p 86-87.
Mga kapatid, ang malinaw at hindi maikakailang katotohanan ay nailalagay natin sa kahihiyan, nadudungisan at naikakaila natin si Cristo dahil sa hindi natin pagkakaisa!
“Nasasaktan ang aking kalooban habang isinasaalang alang ko kung paanong nailalagay si Cristo sa kahihiyan dahil sa pagwawalang bahala sa Kaniyang mga turo….Mangagsisisi baga tayo at magiging tagatupad ng salita ni Cristo…? Sipi ang Juan 17:20-24.” Manuscript Releases, vol 18, p 213.
“Labis na naikakaila si Cristo noong mga nag-aangkin na nananampalataya sa Kaniya, at ang mga anghel ay nanggigilalas sapagka’t kanilang ipinagwalang bahala ang Kaniyang dalangin para sa pagkakaisa ng Kaniyang mga tagasunod.” Signs of the Times, Jan 10 1895.
“‘Hindi kayo sa inyong sarili, sapagkat kayo’y binili sa halaga’ (1 Cor 6:19-20). Ang may-ari sa atin ay ang Dios….Hindi natin dapat na isipin na isang kagalingan ang magkaiba o maghidwaan. Tayo’y nasa malapit na bigkis ng pagkakaugnay sa isa’t isa. Kung dumadaloy sa ating mga isip at puso ang iisang nagpapalakas na kapangyarihan, tayo’y makagagawang sama-sama. Ssa kabiguang magawa ito, ating itinatakwil ang Pinagmumulan ng lahat ng espiritual na buhay.” Manuscript Releases, vol 8, p 69.
Papaano natin maaangkin na tayo ay tapat na mga tagasunod ni Cristo gayong naikakaila natin Siya sa ating pagtanggi na makiisa sa ating mga kapatid sa pangkasalukuyang katotohanan na ito na kapuwa nangagsihiwalay? Nais ba nating magpatuloy na maging mga mapagpaimbabaw? Papaano nating maaangkin na maging mga di- makasariling alagad ni Cristo kung ating tinatanggihang tugunin ang Kaniyang panalangin para sa pagkakaisa natin? Kaniyang tinutugon ang ating mga dalangin, bakit hindi natin sikaping tugunin ang sa Kaniya?
Maliwanag, hindi tayo magiging ganap kay Cristo malibang magkaisa tayo!
“Kapag ang piniling bayan ng Dios ay naging isa sa pag-iisip, ang mga hangganan ng kasakiman ay mawawala na kagaya ng isang hiwaga, at napakaraming mga kaluluwa ang mahihikayat, sapagkat ang pagkakaisa ay nakikita sa mga mananampalataya….Kinakailangang sundin ng tao ang salita ng Dios na inihayag sa ikalabing pitong kapitulo ni Juan. At sa kaniya’y maipapahayag ang mga salitang, ‘Sa Kaniya kayo’y napuspos.’” Manuscript Releases, vol 6, p 331.
Nagon kapag ang hayag na pagkakaisang ito ay natamo na, uupo na lamang ba tayo at wala nang gagawin upang mapanatili ang mapalad na pagkakaisang ito? Hindi!
“…[Kapag ang hayag na pagkakaisang ito ay natamo na ng bayan ng Dios,] sa kapakumbabaan at kaamuan ay dapat nilang pagsikapang maingatan at mapangalagaan ang pagkakaisa at pagkakasundo.” Manuscript Releases, vol 5, p 342.
Kaya’t dapat nating pagsikapang maingatan at mapangalagaan ang pagkakaisa at pagkakasundo sa gitna natin matapos nating matamo ito! Subali’t bakit?
“Ang pagkakaisa ay kalakasan; ang pagkakabahabahagi ay kahinaan. Kapag iyong mga naniniwala sa pangkasalukuyang katotohanan ay nagkakaisa, sila’y nagbibigay ng isang malakas na impluwensiya. Nauunawaang mabuti ito ni Satanas. Higit siyang determinado ngayon upang pawalang bisa ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng paglikha ng mga kapaitan at pagtatalo sa gitna ng bayan ng Panginoon.” Testimonies, vol 5, p 236.
“Ipinahayag ng Dios ang Kaniyang kalooban sa panalangin na ito ni Cristo [Juan 17] para sa pagkakaisa ng Kaniyang nananampalatayang bayan. Subali’t mayroong walang-kapagurang laban na pinanatili sa sanlibutang ito, na napasama at nadungisan ng sumpa. Si Satanas ay gumagawa upang gawing walang bisa ang dalangin ni Cristo….sapagka’t kung saan mayroong pagkakaisa ay naroon ang kalakasan, pagkakaisang hindi kayang sirain ng lahat ng kapangyarihan ng impiyerno.” Manuscript Releases, vol 18, p 366. (Tingnan din ang Testimonies, vol 1, p 212-213, 326; Steps to Christ, p 71; Review and Herald, Nov 10, 1885; 1888 Materials, p 1011, Spalding and Magan Collection, p 383; Special Testimonies, Series B#5, p 34-35; Manuscript Releases, vol 18, p 359-360, 364.)
Kaya’t si Cristo ay nagnanasa ng pagkakaisa sa gitna ng Kaniyang tunay na bayan, at si Satanas ay masiglang gumagawa upang labanan ang pagkakaisang ito.
“Ang bayan ng Dios ay pinagbubuklod at pinakakaisa ni Jesus at ng mga banal na anghel sa iisang pananampalataya, upang sila’y magkaroon ng iisang kaisipan at isang paghatol. At habang sila’y sinadala sa pagkakaisa ng pananampalataya, upang makita ng tuwiran sa solemne at mahalagangmga katotohanan para sa panahong ito, si Satanas naman ay gumagawa upang labanan ang kanilang pagsulong. Si Jesus ay gumagawa sa pamamagitan ng Kaniyang mga kasangkapan upang magtipon at magbuklod. Si Satanas ay gumagawa sa pamamagitan ng kaniyang mga kasangkapan upang magkalat at maghati-hati.” Testimonies, vol 1, p 332.
Samakatuwid, iyong mga lumalaban sa isang sakdal na hayag na pagkakaisa at matamis na pagbubuklod sa gitna ng humiwalay na bayan ng Dios ngayon ay tunay na mga kasangkapan at kinatawan ni Satanas. Dahil dito, ating makikilala sa pamamagitan ng kanilang mga bunga kung sino ang mga kinatawan ni Satanas upang hadlangan ang pagkakaisa. Siyasatin nating ang ilan sa masasamang bunga na ito upang malinaw na mahayag ang mga kinatawan ni Satanas sa ating kalagitnaan. Sino ngayon itong mga kinatawan o ahente ng Diablo?
1. Yaong mga nagpaparatang. Ellen G. White in Europe, p 278.
2. Yaong mga gumagawa mula sa bugso o simbuyo. Special Testimonies, Series A#1a, p 5.
3. Yaong mga gumagawa mula sa silakbo. Special Testimonies, Series A#1a, p 5.
4. Yaong mga gumagawa mula sa di-matwid na opinion. Special Testimonies, Series A#1a, p 5.
5. Yaong mga kumikilos na parang bata sa pakikisalamuha sa iba. Manuscript Releases, vol 11, p 49.
6. Yaong mga nagpapahintulot sa mga pagkakaiba ng kuru-kuro na magdulot ng kalamigan at pagwawalang-bahala sa pakikitungo sa iba. Manuscript Releases, vol 12, p 365.
7. Yaong mga nagpapahintulot sa pagtatalo o pag-aaway-away na makita sa gitna ng mga kapatid. Signs of the Times, May 6, 1880.
8. Yaong nagpapahintulot sa kanilang puso sa paghahaka ng masama. Signs of the Times, May 6, 1880.
9. Yaong nagpapahintulot sa kanilang mga personal na damdamin na madaling magising. Manuscript Releases, vol 12, p 365.
10. Yaong nagpapahintulot sa kanilang kapalaluan na madaling masaktan. Manuscript Releases, vol 11, p 49.
11. Yaong nagtatampok sa kaniyang sarili. Pamphlet #146, p 18.
12. Yaong pinapahintulutan ang ugat ng kapaitan na sumibol at ito’y yakapin. Mind, Character, and Personality, vol 2, p 639.
13. Yaong pinahihintulutan ang kanilang dangal na madaling masugatan. Manuscript Releases, vol 11, p 49.
14. Yaong nagpapahintulot sa kanilang mga tainga na makarinig ng kamalian, at pagkatapos ay iulat ang kamalian. Home Missionary, Jan 1, 1892.
15. Yaong nagpapahintulot sa kanilang mga pandama na maghaka ng masama, at pagkatapos ay iulat ang masama. Home Missionary, Jan 1, 1892.
16. Yaong pinapahintulutan ang kanilang mga dila na mag-ulat ng kasinungalingan. Home Missionary, Jan 1, 1892.
17. Yaong balisa sa pagsisikap na ipakita ang kamalian sa kanilang mga kapatid. Testimonies, vol 5, p 238.
18. Yaong mapaghangad sa karangalan. Steps to Christ, p 73.
19. Yaong mga mapanghimasok o mapakialam. Manuscript Releases, vol 15, p 163-164.
20. Yaong mga naniniwala sa erehiya o maling aral. Selected Messages, book 2, p 79.
21. Yaong mga nagkakagatan at nagsisilaan sa isa’t isa. Testimonies, vol 5, p 243.
22. Yaong mga nagdadala ng iba’t ibang kuru-kuro ng pananampalataya. Testimonies, vol 1, p 326-327.
23. Yaong mga nagsasalita ng masama. Publishing Ministry, p 114.
24. Yaong mga kumakatha ng masama. Publishing Ministry, p 114.
25. Yaong mga mapanibugho. Publishing Ministry, p 114.
26. Yaong mga nagpapasok ng espiritu ng pagsalungat sa gitna ng mga Kristiyano. Review and Herald, July 5, 1887.
27. Yaong mga nagpapasok ng pagkakaiba. Publishing Ministry, p 114.
28. Yaong mga nagpapasok ng simbuyo ng damdamin sa iglesya ng Dios. Review and Herald, July 5, 1887.
29. Yaong mga tao na dinadala ang kanilang kapalaluan sa iglesya. Review and Herald, July 5, 1887.
30. Yaong mga nagtatayo ng linya ng pagkakaiba ng sakop sa pagitan ng mga kapatid. Manuscript Releases, vol 6, p 331.
31. Yaong mga pinagmumulan o pinag-uumpisahan ng pagkakalayo-layo sa pagitan ng magkakapatid. Review and Herald, Jan 3, 1893.
32. Yaong patuloy na naghahasik ng binhi ng kawalang pag-ibig. Manuscript Releases, vol 15, p 164.
33. Yaong mga mapag-imbot. 2 Pedro 2:3.
34. Yaong mga nasa katayuan na salungat sa kalooban ng Dios. Our High Calling, p 170.
35. Yaong may mga espiritung mapagpuna. Selected Messages, book 2, p 79; Review and Herald, Aug 27, 1889.
36. Yaong nagiging dahilan ng kaguluhan sa iglesya ng Dios. Review and Herald, Jan 3, 1893.
37. Yaong lumilikha ng kamalian sa iba. 1888 Materials, p 1248.
38. Yaong dahilan ng paghihiwalay ng magkakapatid. Review and Herald, Jan 3, 1893.
39. Yaong lumilikha ng kasalanan sa iba. 1888 Materials, p 1248.
40. Yaong dahilan o nagkakalat ng kawalang pag-asa. Manuscript Releases, vol 18, p 366.
41. Yaong dahilan ng kalungkutan. Manuscript Releases, vol 18, p 366.
42. Yaong dahilan ng kahinaan. Manuscript Releases, vol 18, p 366.
43. Yaong mga nagpaparatang ng kamalian laban sa iba na hindi binibigyan ang mga ito ng pagkakataon na sagutin ang mga paratang. Home Missionary, Jan 1, 1892.
44. Yaong mga nagpaparatang ng kamalian sa iba na hindi binibigyan ang mga ito ng isang malinaw, tiyak na pahayag ng inaakalang kamalian. Home Missionary, Jan 1, 1892.
45. Yaong mga yumayakap sa pananaghili. Conflict and Courage, p 357.
46. Yaong mga yumayakap sa kasamaan na nasa kanilang mga puso. Conflict and Courage, p 357.
47. Yaong mga yumayakap sa mga maling balita na sumisira sa impluwensiya noong mga nasa gawain ng Dios. Testimonies, vol 1, p 251.
48. Yaong mga nagtatangi ng katigasan laban sa iba. Manuscript Releases, vol 2, p 274.
49. Yaong patuloy na napopoot. Manuscript Releases, vol 11, p 49.
50. Yaong mga nagtatangi ng masamang hangarin. Manuscript Releases, vol 11, p 49.
51. Yaong mga yumayakap sa kawalan ng paniniwala. Paulson Collection, p 153.
52. Yaong mga nagtatangi ng lihim na damdamin ng kawalang kasiyahan laban doon sa mga nagpapasan ng gawain. Testimonies, vol 1, p 251.
53. Yaong mga mahilig magparatang. Review and Herald, Aug 27, 1861.
54. Yaong mga mahilig sa pakikipag-away. Manuscript Releases, vol 11, p 49.
55. Yaong mga naghihinala sa iba. Manuscript Releases, vol 12, p 365; Conflict and Courage, p 357.
56. Yaong mga nagpapalaganap ng mga maling ulat na sumisira sa imlpuwensiya noong nagpapasan ng gawain ng Dios. Testimonies, vol 1, p 251.
57. Yaong nagtatakip ng kanilang mga mata sa lahat ng kapurihan at kabutihan noong kanilang kinaiinisan. Home Missionary, Jan 1, 1892.
58. Yaong mga nagbabahagi ng kadiliman sa iglesya ng Dios. Review and Herald, Jan 3, 1893.
59. Yaong mga nagbabahagi ng kawalan ng pananampalataya sa iglesya ng Dios. Review and Herald, Jan 3, 1893.
60. Yaong mga nagpapabulaan sa patotoo ng bawat isa. Manuscript Releases, vol 8, p 67.
61. Yaong mga sumasalaungat o tumututol sa mga gawain ng kanilang kapuwa manggagawa. Counsels on Diet and Foods, p 401.
62. Yaong mga sumasalungat o tumututol sa doktrina ng pagbabagong pangkalusugan. Counsels on Diet and Foods, p 401.
63. Yaong mga lumilikha ng kapaitan. Manuscript Releases, vol 18, p 366.
64. Yaong mga lumilikha ng pagtatalo. Manuscript Releases, vol 18, p 366.
65. Yaong mga mapagpuna sa mga gawi o paraan ng pananamit. Review and Herald, Aug 27, 1889.
66. Yaong mga mapagpuna sa mga ugali. Review and Herald, Aug 27, 1889.
67. Yaong mga pumupula sa taong hinirang ng Dios. 1888 Materials, p 1248.
68. Yaong mga pumupula sa mga taong ginagamit ng Dios. 1888 Materials, p 1247.
69. Sila na ang kanilang minamahal na dios-diosan ay ang sarili. Signs of the Times, May 6, 1880.
70. Yaong mga mapanlinlang. Pamphlet #97, p 45.
71. Yaong mga diktador. Ellen G. White in Europe, p 278.
72. Yaong hindi mga tapat. Selected Messages, book 2, p 79.
73. Yaong may mga espiritung mapagtuligsa. Selected Messages, book 2, p 79.
74. Yaong nakikitungos o nakikipagkasundo sa mga tsismis. Pamphlet #97, p 45.
75. Yaong mga humahamak sa parusa o pagtutuwid. Testimonies, vol 1, p 251.
76. Yaong mga gumagambala sa mga manggagawa ng Dios mula sa paggawa ng kanilang gawain. Review and Herald, Aug 27, 1861.
77. Yaong mga nagkakalat ng paratang laban sa iba. Review and Herald, Jan 3, 1893.
78. Yaong mga nagkakalat ng kawalan ng pagtitiwala sa iba. Review and Herald, Jan 3, 1893.
79. Yaong mga nagkakalat ng malisya o masamang hangarin laban sa iba. Review and Herald, Jan 3, 1893.
80. Yaong mga nagpapangkat-pangkat. Testimonies, vol 5, p 243.
81. Yaong gumagawa ng bagay na direktang kataliwas ng ginagawa ng iba sa kaparehong gawain. Review and Herald, July 5, 1887.
82. Yaong mga nananahan sa pagkakaiba ng opinion o kuru-kuro. Manuscript Releases, vol 6, p 242.
83. Yaong nagnanais na humiwalay mula sa mga kapatid sa iisang pananampalataya. Ellen G. White in Europe, p 278.
84. Yaong mga nananaghili. Review and Herald, Nov 12, 1903; Signs of the Times, Nov 2, 1888; Review and Herald, June 28, 1887; Manuscript Releases, vol 11, p 49.
85. Yaong mga humahaka ng masama tunggol sa iba. Review and Herald, April 22, 1890; Conflict and Courage, p 357.
86. Yaong mga nagtatampok o nagtataas sa sarili. Review and Herald, Nov 12, 1903.
87. Yaong mga nagtatampok sa kanilang mga idea na pinakamataas. Manuscript Releases, vol 2, p 275.
88. Yaong mga nagtatampok sa kanilang mga opinion na pinakamataas. Manuscript Releases, vol 2, p 275.
89. Yaong mga nagbubukas ng kanilang mga tainga sa mga balita na nakasusugat sa kanilang mga kapatid. 1888 Materials, p 1092.
90. Yaong mga bulaang nagpaparatang. Review and Herald, Jan 3, 1893.
91. Yaong mga mapaghanap ng kamalian. Signs of the Times, May 6, 1880; Manuscript Releases, vol 15, p 164; Testimonies, vol 1, p 251; Conflict and Courage, p 357.
92. Sila na mga puspos ng kanilang sariling mga gawa. Pamphlet #146, p 18.
93. Sila na mga puspos ng kapalaluan. Review and Herald, April 22, 1890.
94. Yaong mga nakadarama ng kahalagahan sa paghahanap ng kamalian. Review and Herald, July 5, 1887.
95. Yaong malayang nakadarama na humatol sa iba. Manuscript Releases, vol 2, p 274.
96. Yaong mga kumakalaban sa mga lingcod ng Dios. Testimonies, vol 1, p 251.
97. Yaong mga sumusunod sa damdamin bilang sapat na katibayan. Pamphlet #16, p 10.
98. Yaong mga sumusunod sa impresyong bilang sapat na katibayan. Pamphlet #16, p 10.
99. Yaong mga nagbibigay ng maling katuwiran sa halip na ibigay ang tama. Pamphlet #97, p 45.
100. Yaong mga nagpapadala sa damdaming mainggitin. Signs of the Times, May 6, 1880.
101. Yaong mga nagpapadala sa damdaming naninibugho. Signs of the Times, May 6, 1880.
102. Yaong nagbibigay ng simpatya sa mga taong mayroong espiritu ng paglaban. Testimonies, vol 1, p 251.
103. Yaong mga naghihiwahiwalay. Manuscript Releases, vol 8, p 67.
104. Yaong mga namumuhi sa saway. Testimonies, vol 1, p 251.
105. Yaong mayroong mga espiritung magagalitin. Testimonies, vol 1, p 251.
106. Yaong mayroong espiritung matatakutin. Testimonies, vol 1, p 251.
107. Yaong mga mayroong pakikipag-alit sa iba. Spirit of Prophecy, vol 4, p 340.
108. Yaong mga may pagkamuhi sa iba. 1888 Materials, p 1011.
109. Yaong mga mayroong maikling pagpapahinuhod sa iba. Ellen G. White in Europe, p 277.
110. Yaong mga may maliit na pag-ibig para sa iba. Ellen G. White in Europe, p 276.
111. Yaong mga may espiritu ng paglaban o pagtutol. Testimonies, vol 1, p 250.
112. Yaong mga may masamang ambisyon. Review and Herald, Nov 12, 1903; Signs of the Times, Nov 2, 1888.
113. Yaong mga may masasamang ugali. Ellen G. White in Europe, p 278.
114. Yaong may mga marurumi o di-napabanal na puso. Ellen G. White in Europe, p 278.
115. Yaong naglalagay ng hangganan sa pagitan ng mga kapatid na may iba’t ibang kulay o katayuan sa buhay. Manuscript Releases, vol 6, p 331.
116. Yaong mga nagpapatuloy sa pagkakasala. Manuscript Releases, vol 12, p 365.
117. Yaong nagpapatuloy sa pagiging iba sa iba. Our High Calling, p 170.
118. Yaong mga mapupusok. Steps to Christ, p 73.
119. Yaong may mga interes sa kapakanan ng iba, subali’t nakakaligtaan ang kanilang sariling tungkulin. Review and Herald, April 16, 1889.
120. Yaong mga nagbibigay daan sa galit. Testimonies, vol 5, p 243.
121. Yaong mga nagbibigay daan sa alitan. Testimonies, vol 5, p 243.
122. Yaong mga nagpapasok ng mga bagay na nagiging sanhi ng pagkakabaha-bahagi. Review and Herald, Sept 23, 1909.
123. Yaong mga nagpapasok ng mga bagay na nagiging sanhi ng pag-aaway-away. Review and Herald, Sept 23, 1909.
124. Yaong mga nananaghili sa iba. Acts of Apostles, p 88; 1888 Materials, p 1011; Signs of the Times, Nov 2, 1888; Review and Herald, June 28, 1887; Pamphlet #97, p 45; Testimonies, vol 1, p 251; Manuscript Releases, vol 11, p 49; Review and Herald, Aug 27, 1889.
125. Yaong mga humahatol Ellen G. White in Europe, p 278.
126. Yaong mga nagpapahayag ng paghatol. Review and Herald, Aug 27, 1889.
127. Yaong mga nagtatago ng liwanag sa iba. 1888 Materials, p 1248.
128. Yaong mga tumitingin sa kahinaan ng iba. Review and Herald, April 16, 1889.
129. Yaong mga gumagawa upang magkaroon ng ganap na kakaibang mensahe sa iba. Manuscript Releases, vol 8, p 67.
130. Yaong mga gumagawa upang makipagkompetensiya. Review and Herald, July 5, 1887.
131. Yaong mga gumagawa upang ipakita ang kahusayan o kagalingan.. Review and Herald, July 5, 1887.
132. Yaong salat sa marangal na katapatan o kaprangkahan sa isa’t isa. Pamphlet #97, p 45.
133. Yaong mga nag-aakay sa iba na saluhin ang sisi o kahihiyan laban doon sa mga taong kanilang inaayawan o kinamumuhian. Home Missionary, Jan 1, 1892.
134. Yaong nagpapahintulot na maghari ang inggit. Our High Calling, p 170.
135. Yaong nagpapahintulot na maghari ang selos. Our High Calling, p 170.
136. Yaong nagpapahintulot na maghari ang pag-aalitan. Our High Calling, p 170.
137. Yaong nagpapahintulot sa kanilang mga dila na ipahayag ang pananaghili ng kanilang mga puso. Testimonies, vol 4, p 337.
138. Yaong mga tumitingin sa mga kamalian o kasiraan. Conflict and Courage, p 357.
139. Yaong mga tumitingin sa mga kapintasan. 1888 Materials, p 1248.
140. Yaong di-nagpapakita ng pag-ibig sa kapatid. Conflict and Courage, p 357.
141. Yaong mga lumamig ang pag-ibig kay Cristo sa kanilang mga puso. Conflict and Courage, p 357.
142. Yaong mga kumaligta kay Cristo. Conflict and Courage, p 357.
143. Yaong mga mahilig magreklamo. Manuscript Releases, vol 15, p 164.
144. Yaong mga nagpapalaki sa kamalian noong mga taong kanilang kinaiinisan. Home Missionary, Jan 1, 1892.
145. Yaong ginagawa ang isang tao na may-sala dahil sa isang salita. Manuscript Releases, vol 15, p 125.
146. Yaong itinuturing ang kamalian ng iba na higit na marami kaysa kanila. Review and Herald, July 5, 1887.
147. Yaong hindi nagpapahalaga sa mga matuwid na saway na ipinagkakaloob sa kanila. Pamphlet #146, p 18.
148. Yaong mga gumagawa ng mga pangungusap upang subukin at saktan ang iba. Ellen G. White in Europe, p 276.
149. Yaong mga nagpapakita ng kakaunting pagtitiis para sa iyong mga kapatid. Ellen G. White in Europe, p 277.
150. Yaong mga sumusukat sa iba sa pamamagitan ng kanilang sariling mga pamantayan. Review and Herald, Aug 27, 1889.
151. Yaong mga nagrereklamo laban sa Dios. Signs of the Times, May 6, 1880.
152. Yaong mga nagrereklamo laban sa kanilang mga kapatid. Signs of the Times, May 6, 1880.
153. Yaong kapwa walang pag-aalaala at malasakit sa kapakinabangan ng mga kapatid. Review and Herald, July 5, 1887.
154. Yaong kapwa walang pag-aalaala at malasakit sa tagumpay ng kanilang mga kapatid. Review and Herald, July 5, 1887.
155. Yaong hindi alisto sa pagkilala ng kanilang sariling mga kamalian. Review and Herald, July 5, 1887.
156. Yaong hindi alisto sa pagkilala ng kanilang sariling mga kasalanan. Review and Herald, July 5, 1887.
157. Yaong mga hindi nakikipagkasundo doon sa mga hinirang ng Dios upang siyang magdala ng Kaniyang pabalita. 1888 Materials, p 1245.
158. Yaong hindi mahigpit sa kanilang sariling kapintasan ng pag-uugali. Review and Herald, July 5, 1887.
159. Yaong mabilis sa pagbabalita ng mga hinala sa iba. Review and Herald, Jan 3, 1893.
160. Yaong mga hindi naglilinis ng kanilang kaluluwa na siyang templo. Signs of the Times, May 6, 1880; Testimonies, vol 4, p 337.
161. Yaong hindi umiibig sa lahat ng kanilang mga kapatid. Pamphlet #97, p 45.
162. Yaong hindi nagmamahal sa kanilang kapwa na kagaya ng kanilang pagmamahal sa sarili. Review and Herald, July 5, 1887.
163. Yaong mga hindi nagdadalisay ng kanilang mga puso. Signs of the Times, May 6, 1880.
164. Yaong hindi nagnanasa ng pagkakaisa sa lahat ng mga kapatid. Pamphlet #97, p 45.
165. Yaong walang espesyal na malasakit na gawin ang lahat ng mga bagay sa kanilang kapatid sa ganap na katwiran o kawastuan. Review and Herald, July 5, 1887.
166. Yaong mga sumasalungat o tumututol sa pagpapatupad ng kaayusan sa gitna ng bayan ng Dios. Review and Herald, Aug 27, 1861.
167. Yaong mga humahadlang doon sa pinili ng Dios. 1888 Materials, p 1248.
168. Yaong mga humahatol sa iba. Selected Messages, book 2, p 79.
169. Yaong mga magagalitin o mayayamutin. Manuscript Releases, vol 11, p 49.
170. Yaong may di-matwid na opinion laban sa iba. Paulson Collection, p 153-154; Testimonies, vol 8, p 84; 1888 Materials, p 1011.
171. Yaong mga mayayabang. Review and Herald, April 22, 1890; Signs of the Times, May 6, 1880; Review and Herald, Nov 12, 1903.
172. Yaong nakikibahagi sa lihim na mga bulong-bulungan. Pamphlet #97, p 45.
173. Yaong nagpapakilala sa iba sa maling impormasyon. Review and Herald, July 5, 1887.
174. Yaong mga nagpapanggap na mayroong mabuting pang-aninaw sa pagtuklas ng batik sa likas. Review and Herald, Jan 3, 1893.
175. Yaong mga nagpapanggap na mayroong mabuting pang-aninaw sa pagtuklas ng mantas sa likas. Review and Herald, Jan 3, 1893.
176. Yaong mga nagtataguyod o nagsisimula ng pag-aalitan o away. Review and Herald, July 5, 1887.
177. Yaong mga nagtataguyod ng pagkakaiba-iba. Review and Herald, July 5, 1887.
178. Yaong mga nanduduro. 1888 Materials, p 1247.
179. Yaong may espiritung mapag-alinlangan. Selected Messages, book 2, p 79.
180. Yaong may ugaling pabigla-bigla o padalos-dalos. Steps to Christ, p 73.
181. Yaong nagtatanong kung bakit may mga hinirang ang Dios upang gumawa ng Kaniyang gawain. 1888 Materials, p 1248.
182. Yaong nagtatalo tungkol sa mga bagay na may maliit na halaga. Manuscript Releases, vol 6, p 242.
183. Yaong mga nagtatalo tungkol sa mga bagay na hindi subukan na galing sa Dios. Manuscript Releases, vol 6, p 242.
184. Yaong mga mapaghimagsik. Review and Herald, Jan 3, 1893.
185. Yaong mapaghinanakit kapag nasasaktan o nasusugatan. Steps to Christ, p 73.
186. Yaong mga tumatanggap ng maling balita na nakasisira sa impluwensiya noong mga gumagawa sa gawin ng Dios. Testimonies, vol 1, p 251.
187. Yaong tumatangging ibaba ang kanilang sarili upang si Jesus ay mailuklok sa kanilang mga puso. Signs of the Times, May 6, 1880.
188. Yaong mga nagbabalita ng mga pala-palagay o akala na itinuturing na katotohanan. Home Missionary, Jan 1, 1892.
189. Yaong mga nagbabalita ng kamalian noong mga taong kanilang kinaiinisan. Home Missionary, Jan 1, 1892.
190. Yaong mga nagpapabalam o humahadlang sa gawain ng paglago sa gitna ng bayan ng Dios. Review and Herald, Aug 27, 1861.
191. Yaong pumipigil o nagpapabagal sa gawin ng pagbabago sa gitna ng bayan ng Dios. Review and Herald, Aug 27, 1861.
192. Yaong mahilig magsiksik ng kaniyang sarili. Steps to Christ, p 73.
193. Yaong sakim. Spirit of Prophecy, vol 4, p 340; Review and Herald, April 22, 1890.
194. Yaong mga nagsasalita ng tungkol sa masamang ugali ng iba. Review and Herald, April 16, 1889.
195. Yaong sa pamamagitan ng kanilang espiritu ay sinisikap na hadlangan o labanan ang impluwensiya ng ministro ni Cristo. Manuscript Releases, vol 15, p 163-164.
196. Yaong naghahanap ng dungis sa pag-uugali ng iba. Testimonies, vol 4, p 337.
197. Yaong naghahanap ng kapintasan sa ugali ng iba. Testimonies, vol 4, p 337.
198. Yaong naghahanap o naghahangad ng karangyaan o kasikatan. Review and Herald, July 5, 1887.
199. Yaong mga nanghahawak sa kamalian ng iba na kanilang kinaiinisan. Home Missionary, Jan 1, 1892.
200. Yaong nagluluklok sa kanilang sarili bilang mga hukom sa pagpapapasok o pagtanggap ng mga masasamang kaisipan. Home Missionary, Jan 1, 1892.
201. Yaong mga naghahasik ng binhi ng pagdududa o pag-aalinlangan tungkol sa iba. Manuscript Releases, vol 15, p 163-164.
202. Yaong mga naghahasik ng binhi ng paglililo o pagtataksil sa iba. Manuscript Releases, vol 15, p 163-164.
203. Yaong mga nagsasalita ng masama laban sa iba. Mind, Character, and Personality, vol 2, p 639; Manuscript Releases, vol 15, p 163-164.
204. Yaong mga nagsasalita ng mga salitang walang kabuluhan. 1888 Materials, p 1247.
205. Yaong mga nagkakalat ng kasinungalingan. Selected Messages, book 2, p 79.
206. Yaong mga nagpapalaganap ng mga panatikong aral. Review and Herald, Sept 12, 1893; Spiritual Gifts, vol 4b, p 159.
207. Yaong mga nagpapalaganap ng kalungkutan. Manuscript Releases, vol 18, p 366.
208. Yaong nagkakalat sa ibang kaisipan ng kanilang kapaitan o galit tungkol sa iba. Home Missionary, Jan 1, 1892.
209. Yaong nagkakalat sa ibang kaisipan ng kanilang masasamang haka. Home Missionary, Jan 1, 1892.
210. Yaong nagkakalat sa ibang kaisipan ng kanilang hinala tungkol sa isa’t isa. Home Missionary, Jan 1, 1892.
211. Yaong nagkakalat ng kahinaan. Manuscript Releases, vol 18, p 366.
212. Yaong mga tumatayong malayo o hiwalay doon sa ginagamit ng Dios. 1888 Materials, p 1248.
213. Yaong tumatayo sa pagitan ng Dios at ng tao. 1888 Materials, p 1248.
214. Yaong tumatayo na handang hadlangan ang bawat pagsulong na nais ng Dios na gawin ng Kaniyang bayan. Review and Herald, Aug 27, 1861.
215. Yaong nagpipilit na maging bago at pambihira. Manuscript Releases, vol 8, p 67.
216. Yaong nagpupunyagi para sa mataas na kapangyarihan. Review and Herald, Nov 12, 1903.
217. Yaong mga mapag-hatid dumapit. Signs of the Times, May 6, 1880.
218. Yaong nagsasamantala sa kamalian ng iba. 1888 Materials, p 1247.
219. Yaong nagtutuon sa maliliit na kahirapan at pinalalaki iyon na kasinlaki ng bundok. Manuscript Releases, vol 15, p 145.
220. Yaong mga nakikinig at nagkakalat ng mga balitang laban sa iba. 1888 Materials, p 1092.
221. Yaong mga nag-uusap-usap ng mga kamalian ng iba. Ellen G. White in Europe, p 279.
222. Yaong mga nag-uusap-usap ng mga kasalanan ng iba. Ellen G. White in Europe, p 279.
223. Yaong nagtuturo ng mga bagay na nagsusulong sa pagkakabaha-bahagi. Review and Herald, Aug 27, 1861.
224. Yaong nagwawasak ng mga bagay na pinanukala ng Dios na dapat maitatag o maitayo. Review and Herald, Aug 27, 1861.
225. Yaong mga nagbabalita sa iba sa halip na sabihin doon sa taong kanilang mismong pinag-uusapan. Pamphlet #97, p 45.
226. Yaong nag-iisip ng masama sa iba. Mind, Character, and Personality, vol 2, p 639.
227. Yaong nagsisikap na hulihin ang iba sa kaniyang mga salita. Manuscript Releases, vol 15, p 125.
228. Yaong nagsisikap na hadlangan ang gawain na dapat magawa. Pamphlet #146, p 18.
229. Yaong ayaw patalo o ayaw sumuko. Signs of the Times, May 6, 1880.
230. Yaong gumagamit ng kanilang impluwensiya upang sirain ang impluwensiya ng ministro ni Cristo. Manuscript Releases, vol 15, p 163-164.
231. Yaong gumagamit ng kanilang mga salita upang sirain ang impluwensiya ng ministro ni Cristo. Manuscript Releases, vol 15, p 163-164.
232. Yaong nagbabantay upang may makitang kasamaan o kasalanan sa iba. Testimonies, vol 1, p 251.
233. Yaong matamang nagbabantay para sa lahat ng kamalian noong kanilang kinamumuhian. Home Missionary, Jan 1, 1892.
234. Yaong nagbabantay para sa mga kamalian ng kanilang mga kapatid. Testimonies, vol 5, p 238.
235. Yaong tumitingin sa iba na walang pagtitiwala. Pamphlet #97, p 45.
236. Yaong tumitingin sa iba na may kapanaghilian. Pamphlet #97, p 45.
237. Yaong mga nagpapahina sa iglesya ng Dios. Review and Herald, Jan 3, 1893.
238. Yaong ayaw pasailalim o pasakop sa tama. Pamphlet #146, p 18.
|