"LET THERE BE LIGHT" Ministries
PAGKILALA AT PAGTAKAS SA LAODICEA
First printing, 1994
Copyright © 1994, held by
Let There Be Light Ministries (rs)
PO Box 328
Rogue River, OR 97537
U.S.A.
All rights reserved. Permission is hereby given to reprint this booklet, provided that it is duplicated in its entirety without any change or comment.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumulat sa alin mang tanggapan:
BOOKLETS
PO BOX 328
ROGUE RIVER, OR 97537
USA
Maaari ding sumulat upang tumanggap ng libreng pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng sulatan sa nasabing tanggapan.
PAGKILALA AT PAGTAKAS SA LAODICEA
Ano ang Laodicea? Alam ng marami sa atin na ang Laodicea ay "malahininga" at "aba, at maralita, at dukha, at bulag, at hubad" Apokalipsis 3:16-17. Ngunit ito na ba lahat ang pakahulugan sa Laodicea? Kinakailangan tayong magkaroon ng malinaw at buong kaalaman kung ano ang Laodicea bago tayo umasa na makilala at tumakas mula rito at sa hatol ditong pagsuka. Kaya ano ang Laodicea?
"Ang kalagayan ng Iglesya na kinakatawanan ng mga mangmang na dalaga, ay tinutukoy rin na kagaya ng kalagayan ng mga taga Laodicea." Review and Herald, August 19, 1890 (vol 2, p 420).
Ang Laodicea ay kapareho rin ng mga mangmang na dalaga kung saan ang pintuan ng kanilang palugit na panahon ay nagsara na habang wala silang Cristo (tingnan ang Mateo 25:10-13). Ngunit hindi lamang ito; sinabi rin sa atin ang iba pang bagay tungkol sa mangmang na dalaga o sa mga taga Laodicea.
"Ginagamit ni Satanas yaong mga nag-aangkin na sila'y naniniwala sa katotohanan, ngunit ang kanilang mga liwanag ay naging kadiliman, bilang kaniyang mga kasangkapan upang salitain ang kaniyang mga kabulaanan, at magkalat ng kaniyang kadiliman. Sila'y totoong mga mangmang na dalaga, na pinipili ang kadiliman kaysa liwanag, at hindi pinaluluguran ang Dios." Review and Herald, August 19, 1890 (vol 2, p 419).
Kaya ang mga Laodicea, o mangmang na dalaga, ay mga kasangkapan ng Diablo upang siyang magkalat ng kabulaanan at kadiliman sa maraming lugar. At ilang magkaibang kampo mayroon sa huling araw at kapanahunang ito? Mayroon lamang dalawang kampo sa dakilang tunggalian na ito-maging kampo ng Dios, na siyang Kaniyang kaharian ng katuwiran, o kampo man ni Satanas, na siyang kaniyang kaharian ng Babilonia. Mayroon lamang dalawang kampo kung saan tayo magiging kabahagi sa huling palugit na panahong ito bago ang ikalawang pagdating ni Cristo. Maaaring bahagi tayo sa kampo o iglesya ng Dios, o bahagi ng kampo o iglesya ng Diablo.
Saang kampo o iglesya kabilang ang Laodicea? Ang ilan ay naniniwala na ang Laodicea ay siyang bumubuo sa espesyal na ikatlong kampo. Sila'y naniniwala na mayroong iglesya ng Dios, iglesya ni Satanas, at iglesya ng Laodicea sa mga huling araw na ito. Ngunit yamang mayroon lamang dalawang kapangyarihan na doo'y maaari tayong umugnay-kay Cristo o kay Satanas, kung gayon mayroon lamang dalawang kampo at iglesya ngayon. Maaaring ito ay iglesya ni Cristo, o iglesya ni Satanas: maaaring ito'y ang Nalabi ng Dios, o ang Babilonia!
Yamang ito ang katotohanan, kung gayon saan sa dalawang iglesyang ito kabilang o bahagi ang Laodicea? Sinasabi ng Dios sa atin na ang Laodicea ay isang kasangkapan ng Diablo, na nangangahulugan na sila'y bahagi ng iglesyang Babilonia ni Satanas.
Ngunit maaari ba na ang isang iglesya ay maging bahagi ng Babilonia at kasabay noo'y Laodicea rin? Karamihan sa mga tao ay naniniwala at magsasabi na: "Hindi ang iglesya ay maaaring Babilonia o Laodicea, ngunit hindi maaaring sabay na maging bahagi ng dalawa. Kung ang iglesya ay Laodicea, kung gayon hindi ito maaaring maging Babilonia, o kung Babilonia ay hindi maaaring maging Laodicea." Ngunit ito ba ang tamang posisyon na dapat panghawakan at itaguyod? Maaari ba na ang iglesya ay sabay na maging Laodicea at Babilonia?
Ang pagbagsak o pagguho ng Babilonia ay isang katayuan o posisyong may kaugnayan sa Dios, at ang Laodicea ay isang kalagayan o kondisyong may kaugnayan sa Dios. Kung kaya't ang iglesya ay maaaring nasa katayuan o posisyon ng Babilonia, ngunit nasa kalagayan o kondisyon rin ng Laodicea. Malinaw na sinasabi ng Dios sa Kaniyang bayan na:
"Ang panawagan para sa piging ng ebanghelyo ay unang dapat ipagkaloob sa mga lansangan. Ito'y kinakailangang ibigay doon sa mga nag-aangking sila'y nasa mga lansangan ng karanasang Kristiyano sa mga kaanib ng iba't ibang mga iglesya. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. Apokalipsis 2:7. Sa mga iglesyang ito ay mayroong tunay na mga mananamba at mayroong huwad na mananamba...Ang babala para sa huling iglesya ay kinakailangan ring maipangaral sa lahat ng mga nag-aangking mga Kristiyano. Ang mensahe sa mga taga Laodicea, na kagaya ng isang matalas, may dalawang talim na tabak, ay kinakailangang ipagkaloob sa lahat ng mga iglesya." Testimonies, vol 6, p 76-77.
Ang mensahe ng Laodicea "ay kinakailangang maibigay sa mga kaanib ng iba't ibang mga iglesya" na ibig sabihin ay doon sa tumalikod na Protestantismo. Ngayon kailan ba naging Babilonia ang mga iglesya ng Protestante? Noong 1844. Kaya bagama't ang mga iglesya ng Protestante ay Babilonia na, sinabi ng Dios na ang mensahe ng Laodicea ay kinakailangan pa ring maibigay sa kanila! Ito'y nagpapatunay na ang isang iglesya ay maaaring sabay na maging Babilonia at Laodicea: hindi mo maaaring paghiwalayin ang dalawa. Ang iglesya ay maaaring nasa katayuan o posisyong Babilonia, at nasa kalagayan o kondisyon rin ng Laodicea.
Dahil dito, mayroon lamang dalawang kampo sa dakilang tunggaliang ito; hindi tatlo. Ang kampo ng Dios ang kaharian ng katuwiran, o ang kampo ni Satanas ang kaharian ng Babilonia. At ang Laodicea ay tiyak na nasa kampo ni Satanas.
Sinasabi rin ng Biblia sa atin na walang pagkakatulad si Cristo at si Satanas, na sila'y walang anumang pagkakasunduan o pagsasama sa bawat isa (tingnan ang 2 Corinto 6:14-16). Yamang ang Laodicea ay nasa kampo ni Satanas, kung gayon saan naroroon si Cristo? Hindi Siya maaaring maging bahagi ng iglesya ng Laodicea! Malinaw na ipinaaalam ng Dios sa Kaniyang bayan:
"Ang iglesya ay nasa kalagayang Laodicea. Ang presensya ng Dios ay wala sa kaniyang kalagitnaan." Notebook Leaflets, book 1, p 99.
Kaya't si Cristo ay hindi bahagi ng Laodiceang iglesya ni Satanas! Ang Kaniyang presensya ay hindi masusumpungan doon. Si Cristo at si Belial ay walang anumang pagsasama o pagkakasundo, at maging ang kanilang mga tagasunod (2 Corinto 6:17-18). Maaaring tayo'y maging kasama ni Cristo o hiwalay sa Kaniya (tingnan ang Mateo 12:30). Maaari tayong maging bahagi ni Cristo, o hindi sa Kaniya (tingnan ang Marcos 9:40). Maaari tayong para kay Cristo, o laban sa Kaniya (tingnan ang Lukas 9:50). At kung tayo ay laban kay Cristo, kung gayon ano tayo? Anti-Cristo! Kung tayo'y laban kay Cristo, tayo ay mga anti-cristo. At ilang anti-cristo mayroon? Napakaraming mga anti- Cristo-lalo't higit sa huling mga araw na ito (tingnan ang 1 Juan 2:18).
Ngayon, ang Laodicea ba ay para kay Cristo o laban sa Kaniya? Sila'y mga kasangkapan ng Diablo, samakatuwid sila'y mga laban kay Cristo, o anti-Cristo.
Ang iglesya ng Laodicea ay talagang anti-Cristo, ngunit iniisip nila na sila'y para kay Cristo! Iyan ang dahilan kung bakit sila ay bulag sa malaking pandarayang kanilang kinalalagyan, at sa malaking panlilinlang na dumating sa kanila. Sila'y totoong walang Cristo. Si Cristo ay nakatayo sa labas ng Laodicea, at kumakatok sa kanilang mga pintuan upang makapasok (tingnan ang Apokalipsis 3:20). Ibig sabihin na ang iglesya ay ganap na walang Tagapagligtas sa loob, dahil sila'y walang Cristo.
Nais ba natin na tayo'y maging bahagi, at kaanib ng isang iglesyang Laodicea na walang Cristo? Hindi, sapagkat kung ito'y walang Cristo, kung gayon sino ang namamahala rito? Ang diablo. At nanaisin ba natin na magkaroon ng kaugnayan sa Laodiceang iglesya na pinamamahalaan ng diablo? Hindi, hindi kung nais nating maging tahanan ang langit. Ngunit higit na mahalaga, nanaisin ba natin na magkaroon ng kaugnayan ang Laodicea sa atin?
Maaari nating ipatanggal ang pagiging kasapi o kaanib natin sa iglesya at humiwalay mula sa mga Laodiceang nangabagsak, na siya nating dapat at kinakailangang gawin. Ngunit ang tunay na katanungan ay: INIHIWALAY NA BA NATIN SA ATING SARILI ANG LAODICEA? Kung hindi pa rin natin inihihiwalay ang pagiging Laodicea mula sa ating mga puso, kung gayon, tayo'y laban pa rin kay Cristo. Bagaman pisikal na hiwalay na tayo mula sa iglesyang anti-Cristo, kung hindi pa rin natin inihihiwalay mula sa ating mga puso ang ating pagiging Laodicea, mananatili pa rin na wala tayong Cristo, hahatulan pa rin tayo, at hindi magtatamo ng buhay na walanghanggan.
Ang isang halimbawa ng solemne at malungkot na katotohanang ito ay masusumpungan sa Lumang Tipan may kinalaman sa asawa ni Lot. Siya ay pisikal na humiwalay sa Sodoma at Gomorrah bago pa ito wasakin, ngunit siya ay nasawi rin sa pagkawasak na yaon. Bakit? Sapagkat ang kaniyang puso ay hindi nabago. Ang kaniyang puso at pagmamahal ay nakaugnay pa rin sa Sodoma at Gomorra! Kaya bagama't siya'y pisikal nang nakahiwalay mula sa masamang bayan na yaon, ang kaniyang puso ay bahagi pa rin dito, at siya ay namatay sa pagkawasak na yaon. At ganoon rin ang maaaring mangyari sa atin ngayon.
Ako'y naniniwala na ang katayuang ito ng pagiging pisikal na hiwalay mula sa isang Laodiceang iglesya na anti-Cristo, subalit hindi inaalis ang pagiging Laodicea mula sa ating mga puso ay isang malaking panlilinlang o silo kaysa kung ikaw ay patuloy na nasa loob ng iglesya. Bakit? Sapagkat noong tayo'y pisikal nang humiwalay mula sa iglesya ng Laodicea, naniwala tayo na nakatakas na tayo mula sa hatol sa kanila; at kung walang anumang pagbabago sa ating puso, tayo ay higit na nasa malaking pagkadaya kaysa doon sa mga tao na patuloy pa ring nakaugnay sa tumalikod na iglesya. Ang parehong pulutong ay pupuksain dahil sa pagiging Laodicea, subalit iisipin noong mga humiwalay mula sa iglesya, ngunit hindi sa pagiging laodicea, na sila'y makakapunta sa langit at hindi mahahatulan na kasama ng iglesya. At sa pagkadayang ito, ano pa ang pangangailangan na kanilang makita ang pagbabago ng kanilang mga gawa? Kaya't sila'y nasa malaking silo ng diablo.
Ngayon para doon sa nakakita at nakaunawa na ang Laodiceang iglesya na walang Cristo ay bumagsak na, at piniling sundin ang katotohanan ng Dios at ipatanggal ang kanilang pagiging kaanib at ang kanilang kaugnayan dito at pisikal na nagsihiwalay mula sa kanya, papaano natin malalaman sa ating sarili kung tayo'y naroroon pa rin sa kalagayan o kondisyon ng pagiging Laodicea? Papaano natin malalaman kung tayo ay apektado pa rin ng pagiging Laodicea at wala pa ring Cristo? Paano natin malalaman? Dapat nating siyasatin ang paglalarawan at gawa ng Laodicea, at pagkatapos ating ihambing ang ating buhay sa mga paglalarawang ito, at ating tingnan kung ginagawa natin ang alinman sa kaparehong bagay. At kung ginagawa nga natin ang gayon, ipinapakita nito sa atin na tayo'y kabahagi pa rin ng Laodicea. Samakatuwid, tayo'y laban kay Cristo. At maliban na tanggapin natin ito nang may kapakumbabaan, pagsisihan ang mga kamaliang ito at alisin ang pagiging laodicea mula sa ating mga puso, na determinadong hindi na muling malulugmok pa sa kalagayang ganito kundi susulong na palayo mula rito patungo sa makipot at makitid na daan, ay hindi natin tatanggapin ang tatak ng Dios (tingnan ang SDA Bible Commentary, vol 7, p 963).
Habang tayo'y nahahawa sa pagiging laodicea, hindi tayo maaaring gamitin ng Dios (tingnan ang General Conference Daily Bulletin, February 28, 1893). At kung tayo'y magpapatuloy sa kalagayang Laodicea, kung gayon tayo'y nakatalaga para sa galit ng Dios at sa huling pitong salot na lilipulin kasama ng iba pang nasa Babilonia (tingnan ang Manuscript Releases, vol 19, p 176).
Kung gayon ano ang paglalarawan sa Laodicea? Bago natin tingnan ang ilan sa mga paglalarawan na ito, ako'y nangangamba na marami sa ating mga kapatid na lalaki at babae, lalo't higit yaong matatagal na sa pananampalataya, ay hindi sisiyasatin ang kanilang mga buhay upang makita kung sila nga ay totoong Laodicea. Sila'y magsisitanggi na ipatungkol ang mensaheng ito sa kanilang sarili, na iisipin na ito'y patungkol lamang sa iba. At sa paggawa ng ganitong bagay, kanilang ipinapakita na sila nga'y totoong Laodicea.
"Ang mensahe sa mga taga Laodicea ay para doon sa mga tao na hindi nagpapatungkol nito sa kanilang sarili." Counsels to Writers and Editors, p 99.
Kaya kung masumpungan natin ang ating sarili na nagsasabing; "Hindi, ang mensaheng ito ay hindi tumutukoy sa akin. Ito ay para sa iba," kung gayon ano ang nais ipakita nito sa atin? Na tayo ay mga Laodicea! Sa katunayan, kung ipagwalang bahala natin ang mensaheng ito at hindi natin isakabuhayan, kung gayon tayo ay mapapalayo mula sa Dios!
"Kung ito [mensahe para sa Laodicea] ay ipagwalang bahala at tanggihan, itatakwil ng Panginoon yaong ang mga kalagayang espiritual ay di-kanais-nais." Special Testimonies, Series B#2, p 20.
Ano ang gagawin ng Dios sa atin kung ating ipagwalang bahala at tanggihang ipatungkol ang mensaheng ito sa ating sarili upang makita kung tayo nga ay mga Laodicea? Itatakwil Niya tayo bilang hindi mga karapatdapat sa walang hanggang buhay. Nais nyo bang mawala ang inyong putong? Nais nyo bang mawala sa inyo ang inyong Tagapagligtas?
Ngunit bakit itatakwil ng Dios yaong nagwalang bahala sa mensaheng ito?
"Ang salita ng Dios ay hindi makagagawang matagumpay sa puso kung ito'y nahahadlangan ng di-paniniwala." Manuscript Releases, vol 15, p 91.
Kung ang ating puso ay nahahadlangan ng di-paniniwala, kung gayon ang Dios ay hindi makagagawang matagumpay sa ating mga puso upang alisin mula rito ang pagiging Laodicea. Dahil dito, ang ating mga ugali ay hindi mababago, mahihinto na tayo sa pagsulong sa makipot at makitid na daan, at tayo'y nasa panganib na mahulog o maiwan sa daan o maitakwil. Hindi nais ng Dios na makita ang sinuman sa Kaniyang mga anak na mapalayo sa Kaniya lalo't higit yaong mga nagsihiwalay na mula sa lahat ng mga Laodiceang iglesya na pinamumunuan ng diablo. At dahil sa Kaniyang di-masukat na pag-ibig sa ating kaya Niya ibinigay sa atin ang mensaheng ito.
Nawa'y huwag nating sarhan sa labas ang mensahe na ito para sa Laodicea dahil lamang sa kawalan ng pananampalataya-lalo't higit yaong ilang taon na sa mahalagang mensahe na ito ng paghiwalay. Sana'y huwag natin itong ipagwalang bahala. Huwag natin itong pagsarhan sa pagtatanggol sa sarili sa pagsasabing; "Wala bang ibang tao na nangangailangan ng ganitong pagsaway?" Manuscript Releases, vol 11, p 289. Nawa'y huwag nating pahintulutan ang anumang pagsasanggalang na humadlang sa daan upang ang mensaheng ito ay maisakabuhayan sa ating mga puso. Kundi may pananalanging dinggin ang bawat paglalarawang ibinigay at gawang naitala, at ating siyasatin ang ating sariling buhay upang makita kung ito nga ay angkop sa atin. At huwag lamang basta pakinggan yaong mga halimbawa na hindi naaangkop, at pagkatapos may pagtitiwala sa sariling ipagwawalang bahala yaong naaangkop. Kundi magsumamo kayo sa Banal na Espiritu upang kilusin kayo sa inyong mga kasalanan, at sa katuwiran, at sa kahatulan. Magsumamo kayo na linisin ang inyong puso at buhay, na kayo ay mabago-mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, mula sa inyong mga pag-uugali tungo sa magandang halimbawa na ibinigay ni Cristo sa Kaniyang buhay; na nagsisilago sa ganap na kasakdalan bilang mga lalaki at babae kay Cristo.
Bago kayo magpatuloy sa pagbabasa, aking hinihingi sa inyong may kapakumbabaan na manalangin kayo sa Dios para sa Kaniyang makalangit na tulong upang malinaw ninyong makita ang inyong sarili kung paanong nakikita Niya kayo, at pagkalooban kayo ng malinaw na pagkakilala at kaalaman tungkol sa inyong buhay.
Ano ang paglalarawan sa Laodicea? Anu-ano ang mga ginagawa ng mga Laodicea? Ano ang kahulugan ng pagiging Laodicea?
1. Inaabuso o pinagmamalabisan ang karapatan o pribilehiyong ipinagkaloob ng Dios Selected Messages,
book 1, p 357.
2. Ang pagmamahal o pag-iisip ay nakalagak sa sanlibutan Colosas 3:2.
3. Tinutulungan ang kaaway sa pagpapahina doon sa mga nagsusulong ng gawain ng Dios (tulad sa isang
bombero na nakikipaglaban sa kapwa bombero) Testimonies, vol 4, p 87.
4. Pinahihintulutan o pinapayagan ang mga anak na humubog ng isang ugaling walang-ingat, at nakasasama
Testimonies, vol 7, p 66-67.
5. Pinahihintulutan o pinapayagan ang mga anak na makipagkaibigan sa may masasamang impluwensya
Testimonies, vol 7, p 66-67.
6. Pinahihintulutan ang kanilang mga sarili na isipin na ang kaalaman at karunungan ay masusumpungan
saanman o kanino man maliban sa Dios Colosas 2:4.
7. Pinahihintulutang ihiwalay sila ng mga pagsubok mula kay Cristo Notebook Leaflets, book 1, p 99.
8. Pinahihintulutan ang mahahalay na salita na lumabas mula sa bibig Colosas 3:8.
9. Tinutukoy din bilang, at ginaganap din ang pagiging, mangmang na dalaga Review and Herald, vol 2, p
419-420.
10. Sila'y mga tulog Selected Messages, book 1, p 196.
11. Sila'y magagalitin at puno ng kapootan Colosas 3:8.
12. Sila'y mga namumusong Colosas 3:8.
13. Sila'y mga mapakiapid Colosas 3:5.
14. Sila'y mananamba sa diosdiosan Colosas 3:5.
15. Sila'y walang mababang kalooban Colosas 3:12.
16. Hindi mababait Colosas 3:12.
17. Hindi mapagpahinuhod Colosas 3:12.
18. Hindi maamo Colosas 3:11.
19. Hindi mahabagin Colosas 3:12.
20. Hindi nagbabago sa kaalaman kay Cristo Colosas 3:10.
21. Hindi mapagpasalamat Colosas 3:15.
22. Sila'y hindi malinis Colosas 3:5.
23. Nakikipagkaibigan sa sanlibutan Review and Herald, vol 2, p 221-222.
24. Tumalikod sa pagbabagong pangkalusugan Review and Herald, vol 2, p 269-274.
25. Tumalikod sa pananampalataya SDA Bible Commentary, vol 7, p 966; Review and Herald, vol 2, p 615-
616, vol 3, p 181-182.
26. Nakikiayon sa sanlibutan Experience and Views, p 26 (1854).
27. Tinitingnan ang mga bagay-bagay sa maling liwanag kung paanong nais ni Satanas na kanilang tingnan
SDA Bible Commentary, vol 7, p 961.
28. Naniniwala na sila'y banal na at hindi na maaaring magkasala pa Review and Herald, vol 1, p 194.
29. Sila'y walang-ingat sa kapakanan ng kanilang sariling espiritual Australasian Union Record, April 15,
1912 (p 477-479).
30. Dinadala ang suliranin sa damit sa labis Spiritual Gifts, book 2, p 222.
31. Ipinagwawalang bahala ang katotohanan Periodical Resource Coll, vol 2, p 536-538.
32. Nahuhubog ang sariling pag-uugali ng higit at kakaunti ang kay Cristo SDa Bible Commentary, vol 6, p
1101.
33. Iniibig na itaas o parangalan ang sarili Manuscript Releases, vol 18, p 193.
34. Hindi sinunod ng mga anak ang kanilang mga magulang sa Panginoon sa lahat ng bagay Colosas 3:20.
35. Hindi pinaluluguran ng mga anak ang Panginoon Colosas 3:20.
36. Walang Cristo Selected Messages, book 1, p 357.
37. Sila'y matamlay at pormal Early Writings, p 107.
38. Sila'y malamig at walang buhay Selected Messages, book 1, p 357.
39. Sila'y kaayon ng sanlibutan Early Writings, p 107.
40. Bulok ang pananampalataya Series B#7, p 13.
41. Bulok ang prinsipyo Series B#7, p 13.
42. Sila'y mapag-imbot o sakim Review and Herald, vol 1, p 363; Colosas 3:5.
43. Sila'y mga nadaya sa sarili Pamphlet #138, p 47.
44. Sila'y mapanlinlang o mandaraya SDA Bible Commentary, vol 7, p 962.
45. Kulang sa maalab na pananampalataya Testimonies, vol 4, p 87.
46. Nagtitiwala sa sariling karunungan Signs of the Times, vol 3, p 83.
47. Nagtitiwala sa kakayahan ng tao Manuscript Releases, vol 18, p 193.
48. Salat sa Banal na Espiritu Periodical Resource Collection, vol 2, p 536-538.
49. Nakikita ang dumi sa mga mata ng iba, ngunit hindi ang biga sa kaniyang sariling mga mata
Testimonies to Ministers, p 296.
50. Hindi pinaluluguran ang Dios Series B#7, p 13.
51. Hindi nasisiyahan o nalulugod sa gawain ng Dios Life Sketches, p 329 (1888).
52. Hindi dinidinig ang tinig ni Cristo Apokalipsis 3:20.
53. Hindi nagpapaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na
ukol sa espiritu Colosas 3:16.
54. Hindi pinahihintulutan na manahan sa kanila ang salita ng Dios Colosas 3:16.
55. Hindi pinahahalagahan o pinasasalamatan ang mga dakilang liwanag at maraming oportunidad SDA
Bible Commentary, vol 7, p 961.
56. Hindi nakikipagbakang may karangalan sa mga kahirapan, panganib, pagsubok, at pagsisiyasat ng Dios
Review and Herald, vol 2, p 275.
57. Hindi nagbabata ng tapat na patotoo sa pagbabagong pangkalusugan Manuscript Releases, vol 1, p
281.
58. Hindi nagbabata ng tapat na saksi para sa katotohanan SDA Bible Commentary, vol 7, p 962;
Manuscript Releases, vol 1, p 281.
59. Hindi hinahangad na makipagkaisa sa kapareho ng pananampalataya Testimonies, vol 8, p 104.
60. Hindi sinusunod ang mga tagubilin na ipinagkaloob sa kanila ng Dios SDA Bible Commentary, vol 7, p
964.
61. Hindi sinusunod na mabuti ang mga prinsipyo ng pananampalataya Testimonies, vol 4, p 87.
62. Hindi ipinababatid ang liwanag sa iba Pamphlets, #39, p 9.
63. Hindi tumutupad sa mga hinihingi ng salita ng Dios Signs of the Times, vol 2, p 318-319.
64. Hindi nagpapatuloy sa pananalangin Colosas 4:2.
65. Hindi pinagyayaman ang mga biyaya ng espiritu sa buhay Pamphlet #39, p 9.
66. Hindi inilalaganap ang liwanag sa ibang nasa paligid nila Pamphlet #39, p 9.
67. Hindi ginagawa ang gawain ni Cristo Series B#7, p 13.
68. Hindi sinusunod ang mga tagubilin sa ika-17 kapitulo ng Juan Loma Linda Messages, p 86.
69. Hindi nangagtitiis o nagbabata para sa isa't isa Colosas 3:13.
70. Hindi pinatatawad yaong may sumbong laban sa kanila o kaaway nila Col 3:13.
71. Hindi ganap na nauunawaan ang hiwaga ng Dios Colosas 2:2.
72. Hindi nagbibigay ng malinaw na babala sa iba Testimonies to Ministers, p 296.
73. Hindi ibinibigay ang katotohanan sa iba Selected Messages, book 2, p 92; Faith I Live By, p 306.
74. Hindi bukas ang mga pakinig Apokalipsis 3:20.
75. Hindi nag-aangkin ng pagtitiwala sa Dios na kagaya sa isang bata Manuscript Releases, vol 18, p 193.
76. Hindi pinahiran ang mata ng makalangit na pangpahid sa mata Apokalipsis 3:18.
77. Hindi nag-aangkin ng gintong dinalisay sa apoy Apokalipsis 3:18.
78. Hindi nag-aangkin ng mga biyaya ng Espiritu Manuscript Releases, vol 18, p 193.
79. Hindi nag-aangkin ng kapangyarihan ng Dios Notebook Leaflets, book 1, p 99.
80. Hindi nag-aangkin ng buong pusong pagsunod sa Dios Manuscript Releases, vol 7, p 264.
81. Hindi nag-aangkin ng masigasig na pagsisisi Pamphlets, #39, p9.
82. Hindi dinirinig ang sinasabi ng Banal na Espiritu Apokalipsis 3:22.
83. Hindi inaalam na may tapat na puso kung ano ang kalooban ng Dios Review and Herald, vol 2, p 381-
382.
84. Hindi nalalaman kung paano magbibigay ng kasagutan sa bawat nagtatanong Colosas 4:6.
85. Hindi nalalaman kung ano ang dalisay na relihiyon Series B#7, p 13.
86. Hindi gumagawang kasama ng Dios Panphlets #39, p 9.
87. Hindi iniibig ang iba, pati na ang mga di-mananampalataya, na kagaya ng ginawa ni Cristo Pamphlet
#138, p 47.
88. Hindi nagpapakita ng pag-ibig Colosa 3:14.
89. Hindi mapagkawanggawa Review and Herald, vol 4, p 105-106.
90. Hindi nagpapakita ng masigasig na pagsisikap para makapanagumpay Pamphlet #39, p 9.
91. Hindi sinusunod ang katotohanan upang makita ng sanlibutan na sila'y na kay Jesus at nagsipag-aral sa
Kanya Periodical Resource Collection, vol 2, p 573-575.
92. Hindi binubuksan ang pintuan ng puso kay Cristo Apokalipsis 3:20.
93. Hindi nakapanagumpay na gaya ni Cristo Apokalipsis 3:21.
94. Hindi nakikita ang kasalanan Testimonies, vol 6, p 77.
95. Hindi maalab na nananalangin Review & Herald, vol 2, p 381-382; Panphlets #39, p 9.
96. Hindi idinadalangin ang mga manggagawa ni Cristo Colosas 4:3.
97. Walang-ingat sa pananalangin Pamphlet #39, p 9.
98. Hindi nalilirip na ang buong langit ay patuloy na interesado sa pagiging handa natin Review and Herald,
vol 2, p 307-308.
99. Hindi nalilirip na si Cristo'y malapit nang dumating Review & Herald, vol 2, p 307-308.
100. Hindi nalilirip na tayo ay nabubuhay na sa mga pinakahangganan ng langit Review and Herald, vol 2, p
307-308.
101. Hindi sinasamantala ang panahon Colosas 4:5.
102. Hindi pinag-aaninag o ipinapakita sa iba ang mga sinag ng liwanag na ibinigay ng Dios Manuscript
Rel, vol 15, p 92.
103. Hindi tumutugon sa di-mahahalagang pagpapala Selected Messages, book 1, p 357.
104. Hindi sinasaliksik ang mga Kasulatan Pamphlet, #39, p 9.
105. Hindi nagbibigay ng magiliw na kasiglahan at pag-ibig sa iba Pamphlet #39, p 9.
106. Hindi nagpapakita ng kasigasigan na kasukat sa dakilang katotohanang tinanggap Southern
Watchman, February 27, 1902.
107. Hindi nagsisiawit na may biyaya sa puso Colosas 3:16.
108. Hindi nagsasalitang may biyaya o may lasang asin Colosas 4:6.
109. Hindi humahapong kasama ni Cristo Apokalipsis 3:20.
110. Hindi pinapagod ang mga kapangyarihan ng isip Review and Herald, vol 2, p 307-308.
111. Hindi tinuturuan ang mga anak ng utos at utos, bilin at bilin sa salita ng Dios Testimonies, vol 7, p 66-
67.
112. Hindi nagtitiwala sa Dios na walang-paggaalinlangan Signs of the Times, vol 2, p 318-319.
113. Hindi nauunawaan ang kapayakan ng pananampalataya Signs of the Times, vol 2, p 318-319.
114. Hindi lumalakad sa liwanag Review and Herald, vol 2, p 363-364.
115. Hindi lumalakad na may karunungan sa mga di-mananampalataya Colosas 4:5.
116. Hindi nagbabantay o nagpupuyat na may pagpapasalamat Colosas 4:2.
117. Gumagawa para ipakitang mapagpakumbaba Colosas 2:18.
118. Mga manlilinlang o manloloko SDA Bible Commentary, vol 7, p 962.
119. Pinagtutuunan ng labis na pansin ang suliranin sa kasuotan Spiritual Gifts, book 2, p 222.
120. Iniiwasan ang katotohanan This Day With God, p 278.
121. Itinataas ang sarili SDA Bible Commentary, vol 7, p 962; Review and Herald, vol 2, p 363-364;
Southern Watchman April 16, 1907.
122. Itinataas ang sarili sa pagpapakita ng kapalaluan Manuscript Releases, vol 18, p 193.
123. Higit na itinataas o dinadakila ang makasanlibutang kalakal o gawain kaysa makalangit na kalakal o
gawain Pamphlet, #39, p 9.
124. Hindi nagpapakita ng personal na pagsisikap sa pagliligtas ng iba pang kaluluwa Pamphlet #39, p 9.
125. Nagpapakita ng malisya o paghihinala Colosas 3:8.
126. Nagpapahiwatig ng pagbabalatkayo o pagpapaimbabaw SDA Bible Commentary, vol 7, p 962.
127. Nagpapahiwatig ng pakunwaring di-pagtatapat Selected Messages, book 1, p 357.
128. Nabigong sundin ang dalisay na liwanag ng katotohanan Review and Herald, vol 5, p 99-100.
129. Mga amang nagpapahina sa kanilang mga anak Colosas 3:21.
130. Mga amang nagmumungkahi sa mga anak sa galit Colosas 3:21.
131. Puno ng kapalaluan ng kuru-kuro o opinyon Review and Herald, vol 2, p 363-364.
132. Sumusunod sa mga aral ng mga tao Colosas 2:22.
133. Lumilimot sa Dios Selected Messages, book 1, p 357.
134. Kinalimutan na ang Dios ay walang itinatanging mga tao Colosas 3:25.
135. Puno ng paghihimagsik Selected Messages, book 1, p 357; Periodical Resource Collection, vol 2, p
536-538.
136. Puno ng pagtitiwala sa sarili Series B#2, p 20.
137. Pinagkalooban ng malaking liwanag, ngunit walang ginagawang anuman ukol dito Selected
Messages, book 2, p 92.
138. Ang Dios ay wala sa kanilang kalagitnaan Notebook Leaflets, book 1, p 99.
139. Pumupunta sa mga lugar ng aliwan o libangan Testimonies, vol 3, p 41.
140. Matamlay o hindi buo ang puso sa Dios SDA Bible Commentary, vol 7, p 963; Review & Herald, vol 3,
p 181-182.
141. May matigas na puso Series B#7, p 13.
142. Mayroong pangalan, ngunit walang sigla o init para sa Dios Testimonies, vol 4, p 87.
143. May nakababagot na karanasang Kristiyano Manuscript Releases, vol 1, p 281.
144. May masasamang pita Colosas 3:5.
145. May marupok o mahinang ugnayan sa Dios SDA Bible Commentary, vol 6, p 1101.
146. May labis na pagmamahal Colosas 3:5.
147. May kakaunting paglilinang sa puso Pamphlet #39, p 9.
148. Walang karanasan na pag-ukulang abutin ang pinakasukdulang kakayanan upang masumpungan ang
katotohanan Review and Herald, vol 2, p 307-308.
149. Narinig ang katotohanan, ngunit hindi ito iniangkop sa kanilang sarili SDA Bible Commentary, vol 7, p
964.
150. Ang puso ay hindi napalambot Manuscript Releases, vol 18, p 193.
151. Ang puso ay hindi nagkalakip na magkakasama sa pag-ibig sa lahat ng kapwa mananampalataya
Colosas 2:2.
152. Tinutulungan ang iba patungo sa mali o ibang mga landas sa pamamagitan ng mga maling salita at
gawa Series B#7, p 13.
153. Ikinukubli ang liwanag sa ilalim ng takalan Manuscript Releases, vol 18, p 337.
154. Pinipigilan ang pagsulong ng gawain ng Panginoon Manuscript Releases, vol 18, p 337.
155. Ang mga lalaki'y mapapait sa kanilang asawa Colosas 3:19.
156. Hindi iniibig ng mga lalaki ang kanilang asawa ng nararapat Colosas 3:19.
157. Mga tamad sa bukiran ng Panginoon SDA Bible Commentary, vol 7, p 961.
158. Di-nababatid kung gaano kasama o kasalanan ang sariling mga gawa This Day With God, p 278;
Manuscript Releases, vol 18, p 232.
159. Nagwawalang-bahala sa mga babala at paalaala ng Panginoon Australasian Union Record, April 15,
1912 (p 477-479).
160. Walang malasakit sa paglago ng gawain ng Dios Review & Herald, vol 2, p 221-222.
161. Malamig ang pakikitungo sa Dios Review & Herald, vol 2, p 221-222; Signs of the Times,vol 2, p 318-
319.
162. Nagpapairog sa panlasa Review and Herald, vol 2, p 269-274.
163. Nagpapairog sa masasamang pita o nasa Review and Herald, vol 2, p 269-274.
164. Hindi mapagpasalamat sa Dios Selected Messages, book 1, p 357; Manuscript Releases, vol 18, p
232.
165. Mayabang o palalo Manuscript Releases, vol 18, p 193.
166. Hindi napupukaw na gawin ang gawain na nais ng Dios na kanilang gawin Manuscript Releases, vol
15, p 317.
167. Hindi masaya kung kinakailangang magsakripisyo upang tulungan yaong mga nangangailangan
Review and Herald, vol 4, p 105-106.
168. Hindi nakasuot ng mapuputing damit Apokalipsis 3:18.
169. Hindi tunay na nahikayat Manuscript Releases, vol 18, p 193.
170. Hindi patay sa mga kasalanan Colosas 2:13.
171. Hindi ginagawa ang lahat ng bagay sa pangalan ng Panginoon Colosas 3:17.
172. Hindi nagagalak na sundin ang halimbawa ni Jesus sa lahat ng mga bagay Review and Herald, vol 4, p
105-106.
173. Hindi kasama si Cristo Apokalipsis 3:20.
174. Hindi inaakay o pinangungunahan ng Banal na Espiritu Manuscript Releases, vol 11, p 317.
175. Hindi nabubuhay sa mataas na pribilehiyo at mga responsibilidad Review and Herald, vol 2, p 307-
308.
176. Hindi hinuhubad o iwinawaksi ang mga kasalanan Colosas 2:11.
177. Hindi mayaman sa pananampalataya Review and Herald, vol 2, p 275-276.
178. Hindi mayaman sa mabubuting gawa Review and Herald, vol 2, p 275-276.
179. Hindi hinahanap ang mga nawawaglit Manuscript Releases, vol 9, p 61.
180. Hindi nakatayong matatag na sakdal o lubos sa kalooban ng Dios Colosas 4:12.
181. Hindi maalalahanin Pamphlet #39, p 9.
182. Hindi naghihintay sa Kasintahang lalaki Review and Herald, vol 2, p 615-616.
183. Hindi nalalaman na siya ay bulag Apokalipsis 3:17.
184. Hindi nalalaman na siya ay maralita Apokalipsis 3:17.
185. Hindi nalalaman na siya ay hubad Apokalipsis 3:17.
186. Hindi nalalaman na siya ay dukha Apokalipsis 3:17.
187. Hindi nalalaman na siya ay aba Apokalipsis 3:17.
188. Sumasali sa mga paaralan ng pag-awit na kasama ng mga tagasanlibutan Testimonies, vol 3, p 41.
189. Salat sa masikap at di-napapagod na paggawa Selected Messages, book 1, p 196.
190. Salat ng malaki sa kapangyarihang moral at kabanalan Review & Herald, vol 2, p 275-276.
191. Hindi iginagayak ang ilawan Review and Herald, vol 2, p 615-616.
192. Nahahalo sa mga kalaban ng katuwiran Series B#7, p 13.
193. Nabubuhay sa kariwasaan o kaginhawahan Youth's Instructor, p 274-275.
194. Nabubuhay para sa sarili Our High Calling, p 348.
195. Nabubuhay sa kadiliman Life Sketches, p 329 (1888).
196. Nabubuhay sa hungkag na pormalidad Selected Messages, book 1, p 357.
197. Nawala ang unang pag-ibig Review and Herald, vol 2, p 615-616.
198. Matamlay ang pag-ibig kay Cristo Our High Calling, p 348.
199. Ang pag-ibig kay Cristo ay nauwi sa labis na pagpapahalaga sa sarili Our High Calling, p 348.
200. Umiibig at nabubuhay para sa sarili SDA Bible Commentary, vol 7, p 962.
201. Mahilig sa mga seremonya Our High Calling, p 348.
202. Mahilig magpalayaw sa sarili This Day With God, p 278; Review and Herald, vol 2, p 269-274;
Manuscript Releases, vol 18, p 232.
203. Iniibig ang matanghal o dakilain ang sarili Pamphlet #138, p 47.
204. Ginagawa ang Sabbath na nakayayamot sa mga di-mananampalataya Notebook Leaflets, book 1, p
56.
205. Ginagawa ang sarili na kasiraan sa katotohanan Notebook Leaflets, book 1, p 56.
206. Ginagawa ang kanilang sarili na katitisuran sa iba Selected Messages, book 1, p 180; Notebook
Leaflets, book 1, p 56.
207. Hindi ginagawang kaibi-ibig ang sarili sapagkat hindi gumagawa ng hakbang upang mahalin
Notebook Leaflets, book 1, p 56.
208. Hindi ginagawang kaibig-ibig ang sarili dahil nagpapakita ng masamang ugali Notebook Leaflets,
book 1, p 56.
209. Hindi ginagawang kaibig-ibig ang sarili dahil ginagawa ang katotohanan na paksa ng pag-aawayan
Notebook Leaflets, book 1, p 56.
210. Nagpapakita ng pagwawalang-bahala at kawalang malasakit Review & Herald, vol 2, p 615-616.
211. Inabuso ang kaawaan ng Dios Series B#7, p 13.
212. Ang isipan ay pinahintulutang mahubog ng asawa Pamphlet #138, p 47.
213. Ang isipan ay hindi naliliwanagan ng Espiritu ng Dios Testimonies, vol 6, p 77.
214. Ang isipan ay hindi nakatuon sa langit Pamphlet #39, p 9.
215. Hindi dalisay ang hangarin o motibo SDA Bible Commentary, vol 7, p 966.
216. Nagrereklamo sa mga tuwirang saway sa kanila This Day With God, p 278; Manuscript Releases, vol
18, p 232.
217. Napapabayaan ang mga anak sa espiritual na mga bagay Testimonies, vol 7, p 66-67.
218. Hindi tinatanggap ang pangangailangan ng Tagapagligtas Signs of the Times, vol 3, p 83.
219. Walang maalab na pag-ibig sa puso para sa Dios Selected Messages, book 1, p 357.
220. Hindi tunay na nagpapasan ng gawain Periodical Resource Collection, vol 2, p 536-538.
221. Walang nakapagpapabanal na kapangyarihan sa buhay Selected Messages, book 1, p 357.
222. Walang tunay na pagpapahayag ng kasalanan Signs of the Times, vol 3, p 83; Manuscript Releases,
vol 18, p 41.
223. Hindi mabuting impluwensya sa iba Pamphlet #138, p 47.
224. Hindi sumasagana sa pananampalataya na may pagpapasalamat Colosas 2:7.
225. Hindi nagbabantay sa mga taong susubok at sisira sa kanila sa pamamagitan ng pilosopiya at tradisyon
Colosas 2:8.
226. Hindi malamig o mainit man, kundi malahininga sa kanilang mga gawa Apokalipsis 3:15.
227. Hindi patay sa kasalanan Colosas 3:3.
228. Hindi mo makilala mula doon sa mga hindi naglilingkod sa Dios SDA Bible Commentary, vol 7, p 963.
229. Hindi matibay sa pananampalataya Colosas 2:7.
230. Hindi maalab sa espiritu Pamphlet #39, p 9.
231. Hindi puspos ni Cristo Pamphlet #39, p 9.
232. Hindi mapagpasalamat sa Dios Colosas 3:17.
233. Hindi mapagpakumbaba Periodical Resource Collection, vol 2, p 536-538.
234. Hindi tinutularan ang matiising Tagapagligtas Pamphlet #138, p 47.
235. Hindi tinutularan ang mapagsumakit na Tagapagligtas Pamphlet #138, p 47, #39, p 9.
236. Hindi nakatuon ang mata kay Cristo Colosas 2:19.
237. Hindi iniibig ang kapwa na gaya ng kanilang sarili Pamphlet #138, p 47.
238. Hindi pinapatay ang katawan Colosas 3:5.
239. Hindi sakdal ang pag-uugali SDA bible Commentary, vol 7, p 964.
240. Hindi dalisay ang puso SDA Bible Commentary, vol 7, p 966.
241. Hindi handa o naghihintay sa pagpapakita ni Cristo Pamphlet #39, p 9.
242. Hindi nauunawaan na si Cristo ay Dios Colosas 2:9.
243. Hindi napagtatanto na si Cristo ang Ulo o Pangulo at Siya'y nag-aangkin ng lahat ng kapangyarihan
Colosas 2:10.
244. Hindi nauunawaan na ang mga araw ng kapistahan, mga Sabbath nito, at mga bagong buwan ay pinawi
na sa kamatayan ni Cristo Colosas 2:16-17; Manuscript Releases, vol 7, p 333-334, vol 5, p 210;
Fundamentals of Christian Education, p 398.
245. Hindi nangauugat at nangatatayo kay Cristo Colosas 2:7.
246. Hindi hinahanap ang Panginoon Manuscript Releases, vol 18, p 41.
247. Hindi hinahanap ang mga bagay na nangasa itaas Colosas 3:1.
248. Hindi humihingi ng karunungan kung paano gagamitin ang mga pag-aari sa ikasusulong ng
kaluwalhatian ng Dios sa sanlibutan Pamphlet #39, p 9.
249. Hindi lubusan o ganap na nahikayat o nabago Southern Watchman, February 27, 1902.
250. Hindi nagsisilakad kay Cristo Colosas 2:6.
251. Nagsisisunod sa mga utos ng tao Colosas 2:22.
252. Nilalabanan ang gawain ng Dios Life Sketches, p 329 (1888).
253. Nakikibahagi sa espiritung makasanlibutan Review and Herald, vol 2, p 221-222.
254. Nagbibigay ng pagpuna sa iba sa halip na iukol ito sa kanilang sarili Manuscript Releases, vol 11, p
289.
255. Nabalutan na ng espiritu ng sanlibutan Manuscript Releases, vol 1, p 281.
256. Inilalagay ang kanilang sarili sa mga lugar ng tukso na kung saan nakikita naririnig nila ang maraming
bagay na laban sa Dios at nakasasama sa espiritualidad Review and Herald, vol 2, p 221-222.
257. Nananalangin nang walang dahilan o layunin Pamphlet #39, p 9.
258. Pakitanggilas na pagpapakabanal Series B#2, p 20.
259. Nagpapanggap na sinusunod ang buong kautusan ng Dios, ngunit hindi SDA Bible Commentary, vol 7,
p 962; Review and Herald, vol 4, p 105-106.
260. Palalo Selected Messages, book 2, p 69; SDA Bible Commentary, vol 7, p 962.
261. Tinanggihan ang kondisyon ng pag-ibig ng Dios Series B#7, p 13.
262. Handang ipagtanggol ang sarili This Day With God, p 278.
263. Mapanghimagsik Manuscript Releases, vol 18, p 232.
264. Nakakatanggap ng saway mula sa Dios Apokalipsis 3:19.
265. Tumatangging ipatungkol ang mensahe sa kanilang sarili Periodical Resource Collection, vol 2, p 536-
538; Youth's Instructor, p 274-275.
266. Tumatangging linisin o alisin ang dumi sa pintuan ng puso Review & Herald, vol 6, p 513-516.
267. Tumatangging ihabi ang mga prinsipyo ng katotohanan sa buhay Review & Herald, vol 2, p 381-382.
268. Tumatangging isuko ang sariling kuru-kuro kahit na ibigay pa ang sapat na katibayan na kataliwas ng sa
kaniya Selected Messages, book 2, p 69.
269. Nagtitiwala sa pakiramdam SDA Bible Commentary, vol 7, p 966.
270. Nagtitiwala sa impresyon o sapantaha Spiritual Gifts, book 2, p 222.
271. Ang relihiyon ay bumaba at naging anyo na lamang Manuscript Releases, vol 19, p 255.
272. Atubiling tanggapin ang mga pagpapalang buhat sa langit Periodical Resource Collection, vol 2, p
536-538.
273. Tinututulan ang pamamanhik ng Tagapagligtas Series B#7, p 13.
274. Nilalabanan ang paggawa ng biyaya Selected Messages, book 1, p 357.
275. Nagpapakita ng personal na kahinaan sa pananatiling palalo Manuscript Releases, vol 18, p 193.
276. Kinakaligtaan ng mga pinuno o panginoon na sila'y mayroong Panginoon sa langit Colosas 4:1.
277. Hindi ibinibigay ng mga panginoon ang matuwid at katampatan pakikitungo sa kanilang mga alipin
Colosas 4:1.
278. Ang Sabbath ay nagiging pagtigil lamang sa pisikal na gawain Manuscript Releases, vol 19, p 255.
279. Isinasakripisyo ang pananampalataya kapalit ng makasanlibutang kapakinabangan Series B#7, p 13.
280. Nasisiyahan nang malugmok sa kasiyahan o kawalang ginagawa Selected Messages, book 1, p 357.
281. Nasisiyahan na sa kung ano sila at sa kung ano ang kanilang natamo Review and Herald, vol 2, p 363-
364.
282. Hinahanap ang mga palakpak noong mga nasa paligid nila Early Writings, p 107.
283. Mapagmapuri Review and Herald, vol 2, p 381-382.
284. Mga nadaya ng kanilang sarili Review and Herald, vol 2, p 363-364.
285. Mapagpahalaga sa sarili Manuscript Releases, vol 18, p 193.
286. Nagtitiwala sa sarili Manuscript Releases, vol 18, p 193.
287. Nag-aakalang siya'y mabuti kaysa iba Review and Herald, vol 5, p 99-100.
288. Nasisiyahan sa sarili Review & Herald, vol 2, p 381-382; Youth's Instructor, p 274-275.
289. Hindi na nangangailangan Selected Messages, book 2, p 69.
290. Makasarili Review & Herald, vol 1, p 363; vol 4, p 105-106; Pamphlet #138, p 47.
291. Madamot sa ibang mga bagay SDA Bible Commentary, vol 7, p 962.
292. Kinalilimutan ng mga alipin na sila'y tatanggap ng ganting mana mula sa Dios Colosas 3:24.
293. Ang mga alipin ay hindi nagsisigawa ng buong puso na gaya ng sa Dios Colosas 3:23.
294. Ang mga alipin ay hindi nagsisitalima sa kanilang panginoon na buhat sa kanilang mga puso, kundi
buhat sa bibig lamang Colosas 3:22.
295. Naglilingkod sa Dios at sa kayamanan SDA Bible Commentary, vol 7, p 966; Review and Herald, vol 3,
p 181-182.
296. Nagpapakita ng matigas at di-matuwid na espiritu doon sa ilang kapananampalataya Testimonies, vol
8, p 104.
297. Nagpapakita ng katigasan, kalamigan, at salat sa simpatya maliban doon sa ilang itinatangi
Manuscript Releases, vol 9, p 61.
298. Nagpapakita ng napakaliit na katibayan na sila'y tuwirang ginagabayan ng Dios Review and Herald,
vol 2, p 221-222.
299. Nagpapakita ng napakaliit na pagtanggi sa sarili o sariling pagpapakasakit Review and Herald, vol 2,
p 269-274.
300. Hindi nagpapakita ng pagmamahal sa ilang kapananampalataya Testimonies, vol 8, p 104.
301. Hindi binibigyan ng halaga ang mga pagkakataong ibinigay ng Dios Selected Messages, book 1, p
357.
302. Winawalang halaga ang mga paanyayang awa ng Dios Series B#7, p 13.
303. Tamad sa hanapbuhay Pamphlet #39, p 9.
304. Ipinagbili sa kasalanan Series B#7, p 13.
305. Matagal na sa katotohanan, ngunit may maliit lamang na paglago sa espiritual at banal na buhay
Pamphlet #39, p 9.
306. Ang espiritual ay natutulog Review and Herald, vol 2, p 615-616.
307. Matigas ang ulo Periodical Resource Collection, vol 2, p 536-538.
308. Matigas sa di-pagsampalataya Selected Messages, book 2, p 69.
309. Ang damdamin o simpataya sa gawain ng Dios ay inalis Life Sketches, p 329 (1888).
310. Palalo sa kaalaman sa Biblia Selected Messages, book 1, p 357.
311. Palalo sa pagtatamo ng kaalaman at kapakinabangang Espiritual Selected Messages, book 1, p 357.
312. Nagsasalita at kumikilos na parang hindi na nangangailangan ng higit na liwanag Review & Herald, vol
2, p 381-382.
313. Hindi isinasakabuhayan ang patotoo sa kanilang sarili, kundi sinisiil pa ang iba dito Spiritual Gifts,
book 2, p 222.
314. Salat sa pananampalataya at pag-ibig Signs of the Times, vol 2, 318-319.
315. Patuloy na naglalagay ng mga sagabal o pagitan laban sa iba (lahi, relihiyon, o alipin) Colosas 3:11.
316. Nangagbubulaan sa isa't isa Colosas 3:9.
317. Iniisip na sila'y ganap na kay Cristo, ngunit hindi pa Review & Herald, vol 1, p 194.
318. Iniisip na nasa kanila ang lahat ng katotohanan Selected Messages, book 1, p 357.
319. Ginagawang banta ang kautusan laban doon sa umaapi sa kanila Manuscript Releases, vol 11, p 317.
320. Nagsisikap na maging kapangyarihan na namamahala o namumuno Testimonies to Ministers, p 296.
321. Nagsisikap na magningning sa pamamagitan ng sariling liwanag Manuscript Releases, vol 15, p 92.
322. Ang pagtitiwala ay nasa kaniyang sarili Signs of the Times, vol 3, p 83.
323. Ang katotohanan ay hindi nakapagdala ng pagbabago sa puso, kundi nagpatuloy na kagaya ng dati
Spiritual Gifts, book 4b, p 29.
324. Hindi pinahalagahan ang katotohanan bilang banal at nagpapabanal Review and Herald, vol 2, p 221-
222.
325. Sinisikap na saliksikin o usisain ang mga bagay na iningatan ng Dios na lihim Colosas 2:18.
326. Hindi bumabangon at sumisilang para sa Dios Manuscript Releases, vol 18, p 41.
327. Hindi hinahayaang maghari ang kapayapaan ng Dios sa kanilang mga puso Colosas 3:15.
328. Nagiging saksi laban sa Dios dahil hindi naglilingkod sa Kaniya SDA Bible Commentary, vol 7, p 963;
Pamphlet #39, p 9.
329. Ang mga babae ay hindi nagpapasakop sa lahat ng bagay sa kani-kaniyang sariling asawa sa
Panginoon Colosas 3:18.
330. May ambisyon o hangaring makasanlibutan SDA Bible Commentary, vol 7, p 962.
331. May isipang makasanlibutan Review and Herald, vol 1, p 363.
332. Hindi buong pusong naglilingkod Periodical Resource Collection, vol 2, p 473-475.
333. Binibigyang-daan na walang pagtutol ang mga pakanang mahusay na nailatag ni Satanas Australasian
Union Record, April 15, 1912 (p 477-479).
334. Masigasig na nabubuhay sa relihiyong pansarili Our High Calling, p 348.
Ngayon pipiliin ng iba na bumangon at labanan ang tuwirang patotoo o saway na ito. Ngunit sa paggawa niyaon kanilang ipinapakita na sila ay isang sumpa sa gawain ng Dios sa halip na isang pagpapala. Nalalaman natin na mayroong babangon na mga suliranin, at bubunutin at liligligin ng mga suliraning ito yaong ayaw sumunod sa Dios sa bawat hakbang. Ngunit yaong nais sumunod ng lubusan sa Dios ay lalakas at mabibigkis sa pagkakaisa.
Ipinakita kay Ellen White ang isang pangitain na may kinalaman sa panahon na ating kinabubuhayan ngayon. Ang pangitaing ito ay tumutukoy sa dalawang pulutong ng mga tao ang isang pulutong ay tumanggap sa mensahe ng Laodicea at inalis ito mula sa kanilang mga puso, habang ang isa'y itinakwil ang mensahe at nagpatuloy na namuhay bilang mga Laodicea. Ipinakita rin sa kanya kung ano ang nangyari sa bawat pulutong pagkatapos na sila'y makapagpasya. Pakibasa ng maingat:
"...Ipinakita sa akin ang bayan ng Dios, at nakita ko na sila'y nililiglig mabuti. Ang ilan na may malakas na pananampalataya at taghoy na nakapanlulumo, ay namanhik sa Dios. Ang kanilang mga mukha ay maputla at kinababakasan ng malalim na pagkabalisa, nagpapahayag ng kanilang pakikipagpunyaging panloob. Katatagan at malaking kasigasigan ang nahayag sa kanilang mga mukha; malalaking butil ng pawis ang nalaglag mula sa kanilang mga noo. Manakanaka ang kanilang mga mukha ay lumiliwanag sa mga tanda ng pagsang-ayon ng Dios, at muli ang gayon ding solemne, taimtim, sabik na tingin ay namahay sa kanila....
"Nakita ko ang ilan na hindi nakibahagi sa gawaing ito ng pagtitiis at pamamanhik. Para manding wala silang pasanin at walang bahala. Hindi nila nilalabanan ang kadilimang nakapaligid sa kanila, at ito ang kumulong sa kanila gaya sa isang makapal na ulap. Ang mga ito ay iniwan ng mga anghel ng Dios at naparoon upang saklolohan ang mga taong masikap at nananalangin. Nakita kong nagmamadaling tumutulong ang mga anghel ng Dios sa lahat ng mga nakikipaglaban ng buo nilang kaya upang bakahin ang masasamang anghel at nagsisikap tulungan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng matiyagang pagtawag sa Dios. Subalit iniwan ng Kanyang mga anghel iyong mga hindi gumagawa ng anumang pagsisikap na tulungan ang kanilang mga sarili, at hindi ko na sila nangakita. Samantalang ang mga nananalangin ay nagpapatuloy sa kanilang taimtim na paghibik, kung minsan may sinag ng liwanag buhat kay Jesus ang dumarating sa kanila, upang pasiglahin ang kanilang mga puso at liwanagan ang kanilang mga mukha.
"Itinanong ko ang kahulugan ng pagliliglig na aking nakita at ipinaunawa sa akin na ang makagagawa nito ay ang tapat na patotoong hihingin ng Tapat na Saksi sa mga taga Laodicea. Ito ay magkakaroon ng impluwensya sa puso ng tatanggap, at aakay sa kanya na itaas ang pamantayan at ibuhos ang buong katotohanan. Magtitindig sila laban dito, at ito ang magiging sanhi ng pagliliglig sa gitna ng bayan ng Dios.
"Kahit kalahati man lamang ng patotoo ng Tapat na Saksi ay hindi pinakinggan. Ang solemneng patotoo na kinabibitinan ng kapalaran ng iglesya ay bahagya nang pinahalagahan, kung hindi man lubos na niwalang kabuluhan. Ang patotoong ito ay dapat makagawa ng malalim na pagsisisi; lahat ng tapat na tatanggap nito ay susunod dito at malilinis....Nang magkagayon ang aking pansin ay nabaling sa pulutong na nakita ko, na nililiglig na mabuti. Itinuro sa akin na iyong dati kong nakita ay tumatangis at dumadalangin sa kadalamhatian ng espiritu. Ang pulutong ng mga anghel na nagbabantay sa paligid nila ay pinag-ibayo ang dami, at sila ay nabihisan ng isang baluti mula sa kanilang ulo hanggang sa kanilang mga paa. Humahakbang silang maayos, gaya ng isang pulutong ng mga kawal. Nababadha sa kanilang mga mukha ang mahigpit na pakikipagbaka na kanilang tiniis, ang nakapanlulumong pakikipagpunyagi na kanilang naraanan. Gayon man ang kanilang mga bikas, kinababadhaan ng matinding pighati ng kalooban, ay nagningning na ngayon sa liwanag at luwalhati ng langit. Natamo nila ang tagumpay, at pinukaw nito sa kanila ang pinakataimtim na pagpapasalamat; at banal, taimtim na katuwaan.
"Ang bilang ng pulutong na ito ay nabawasan. Ang ilan ay naliglig at naiwan sa daan. Ang walang ingat at walang bahala, na hindi sumama roon sa nagpahalaga ng sapat sa tagumpay at kaligtasan upang matiyagang mamanhik at lumuhog para rito, ay hindi nagtamo nito, at sila'y naiwan sa kadiliman, at ang kanilang mga lugar ay madaling kinuha ng iba na nanghawak sa katotohanan at sumama sa karamihan. Ang mga masasamang anghel ay gumigitgit pa rin sa paligid nila, ngunit wala na silang magawa sa kanila.
"Narinig ko iyong mga may baluti na nagsalita ng katotohanman na may malaking kapangyarihan. Ito ay nagkabisa. Marami ang nangagagapos; ilang babae, ay ng kanilang mga asawa, at ilang mga bata ay ng kanilang mga magulang. Iyong mga tapat na hinadlangang makarinig ng katotohanan ay masigla na ngayong nanghahawak dito. Nawala na ang lahat ng kanilang takot sa kanilang mga kamag-anak, at tanging katotohanan lamang ang natataas sa kanila. Ito ay lalong mahal at higit na mahalaga kaysa buhay. Itinanong ko kung ano ang nakagawa ng ganitong malaking pagbabago. Isang anghel ang sumagot: Iyan ang huling ulan, ang panahon ng kaginhawahan mula sa harap ng Panginoon, ang malakas na sigaw ng ikatlong anghel.
"Malaking kapangyarihan ang kasama ng mga piniling ito." Testimonies, vol 1, p 179-183.
Anong uri ng pakikipagbaka o pakikipagpunyagi ang mararanasan ng bayan ng Dios? Isang pakikipagpunyaging panloob isang pakikipagbaka sa pagiging laodicea. Kapag kinikilos tayo ng Banal na Espiritu at sinasabi sa atin na tayo ay nagkakasala laban sa Dios, ang sarili ay bumabangon at sinasabing: "Hindi ko ito iiwanan." Ano ang nais ng Dios na gawin natin? Ang ipako natin ang ating sarili, at gawin ang unang hakbang sa pagsunod sa Kanya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng ating pagpili. At sa paggawa nito, ibibigay Niya sa atin ang biyaya at lakas upang makahakbang na muli, at dahil doo'y mapapanagumpayan natin ang kasalanang yaon. Ito ay isang pakikibakang panloob. Ang kaharian ng langit ay nasa kalooban, at ang tanging daan upang matamo ang kahariang yaon ay sa pamamagitan ng paggamit sa lakas ng ating pasya o pagpili. (tingnan ang Lucas 17:20-21; Mateo 11:12, sumulat rin kayo sa amin para sa aklat na Ang Pagpili).
Ano ang mangyayari kung hindi natin pagsikapang panagumpayan ang pagiging laodicea? Ano ang mangyayari kung hindi tayo magpakasakit o magtiis, na ginagamit ang bawat pagsisikap, bawat katiting na lakas upang supilin at gamitin ang pagpili o kalooban natin na lumakad sa makitid na landas at panagumpayan at alisin ang pagiging laodicea sa bawat bahagi ng ating buhay? Tayo'y ganap na makukulong ng kadiliman ni Satanas, at tayo'y iiwanan ng mga anghel ng Dios sa ating kalagayang walang pag-asa.
Mga minamahal na mga kapatid na lalaki at babae, marami ang maiiwan sa daan, ngunit ang bilang ng hanay na nagsihiwalay ay madaling kinuha ng iba na sumasama at kinuha ang kanilang mga putong. Maraming maniningning na mga bituin ay malilihis at babagsak sa kanilang kinalalagyan, at magsisiparoon sa kadiliman. Totoo, tayo'y nabubuhay na sa napakaselan at solemneng kapanahunan.
Ngunit ano ang mangyayari kung ating siyasatin ang ating buhay upang makita kung tayo'y mayroon ng mga ugali ng pagiging laodicea, at atin itong panagumpayan-na inaalis sa ating mga puso? Tayo ay malilinis at mabibihisan ng baluti mula sa ating mga ulo hanggang sa ating mga paa. Hindi lamang tayo malilinis ng tuwirang patotoo na ito sa Laodicea, kundi magkakaisa rin ang bayan ng Dios nang sa gayon tayo'y makahakbang ng maayos.
Kaya nga, ano ang mangyayari kung magpabaya tayo na ihiwalay o alisin ang pagiging laodicea mula sa ating mga puso? Iiwan tayo ng mga anghel sa kadiliman, at tayo'y walang hanggang mawawaglit. Ngunit ano naman ang mangyayari kung ihiwalay natin ang lahat ng pagiging laodicea mula sa ating mga puso at pag-uugali sa matiisin, mapanalangining pagsisikap? Pag-iibayuhin ng mga anghel ang pagbabantay sa atin, tutulungan tayo sa pagdadalisay ng ating mga ugali, at tatanggapin natin ang huling ulan, o ang kaginhawahan mula sa harap ng Panginoon, o ang malakas na sigaw ng ikatlong anghel, o ang kapangyarihan mula sa itaas, o ang Banal na Espiritu.
Samakatuwid, INIWAN SA ATIN ANG PAGPILI KUNG ANONG KAPALARAN ANG ATING TATANGGAPIN!
Malinaw na ipinahayag ng Dios sa Kaniyang bayan:
"Walang isa man sa atin ang tatanggap ng tatak ng Dios habang ang ating mga likas ay may anumang batik o mantsa. Iniwan sa atin ang paglunas sa mga kapintasan ng ating mga pag-uugali, at ang paglinis sa templo ng ating mga kaluluwa mula sa bawat karumihan. Kung magkagayon, ang huling ulan ay darating sa ating na gaya ng pagdating ng unang ulan sa mga alagad sa panahon ng Pentecostes." Testimonies, vol 5, p 214.
Ano ang nakataya sa atin hinggil sa tuwirang patotoo na ito sa Laodicea? Ang pagtanggap ng huling ulan! Dahil dito, ang ating buong kahihinatnan ay nakabitin sa kawalang katiyakan. Naiisip ba natin ito? Naiisip ba natin na ang nakataya dito ay ang pagtatapos ng gawain ng Dios sa sanlibutang ito. Ang nakataya ay ang tatak ng buhay na Dios ang mapatatag sa katotohanan upang hindi na tayo makikilos pa (tingnan ang SDA Bible Commentary, vol 4, p 1161). Ang nakataya dito ay ang buhay na kasama ng Dios at Tagapagligtas sa walanghanggang panahon. Atin bang naiisip ito? O ang ating mga mata ay bulag na iniisip natin na higit na mahalaga ang KASALANAN kaysa sa buhay na walang hanggan kasama ng ating mahabaging Dios?
Kung itakwil natin ang mensaheng ito para sa Laodicea, at tanggihang isakabuhayan ito sa ating sarili at alisin mula sa atin, kinukuha natin ang lugar na hahadlang sa pagtatapos ng gawain ng Dios. Tayo rin ay magiging laban doon sa nagsisikap na babalaan tayo at ang pintuan ng palugit na panahon ay magsasara kung tayo'y magpapatuloy sa pagiging Laodicea na tatawagin sila at ang kanilang mensahe ng paghiwalay na mula sa Diablo. Dahil dito, tatanggapin natin ang Tatak ng Hayop, at tayo'y mawawalan ng buhay na walanghanggan! Tunay na ang kapalaran o kahihinatnan ng lahat ay "nakasalalay" sa pagtanggap o pagtakwil sa tuwirang mensaheng ito ng pagsasara ng pintuan.
"Kung magkagayo'y nakita ko ang mga taga Laodicea. Sila'y gagawa ng malaking pagsisikap. Sila kaya'y magtatagumpay?...Sila'y darating sa katapusang magkakasama, at hindi nila masabi kung saan paroroon ang kanilang sarili, sapagkat sila'y nawala sa maulap, kakilakilabot na takot na bumalot sa kanila. Pagdadalamhati ng espiritu ang darating sa kanila. Lakas loob ba nilang tatanggapin na sarado na ang pintuan? Ang iukol kay Satanas ang para sa Dios o kung ano ang nagawa ng Banal na Espiritu ay kasalanan sa Banal na Espiritu. Kanilang sinasabi na ang pagsasara ng pintuan ay mula sa Diablo at ngayon kanilang inaamin na ito'y laban sa kanilang sariling buhay. Sila'y mangamamatay." Manuscript Releases, vol 13, p 301-302.
Sinasabi sa atin ng Dios nang taimtim:
"Dapat nating maingat na isaalang-alang ang ating mga kaugalian at gawa, at ating iwaksi ang makasalanan, at minamahal na mga hilig. Mayroon akong liwanag buhat sa Dios hinggil sa paksang ito, at pinagsisikapan ko na maibigay ang liwanag na ito sa ating mga kapatid...Nais kong isulat ito sa maraming mga pahina; ngunit nakadarama ako ng buong kataimtiman hinggil sa bagay na ito kung kaya't bahagya na akong mangahas na humawak ng panulat sa aking mga kamay.
"Sinasabi ko sa inyo, mga kapatid kong lalaki at babae, tayo'y nabubuhay sa kalagayang Laodicea...Kung may higit mang nangangailangang magpatirapa sa bato at mawasak, ito'y ang mga kapatid sa California at ang lahat sa ating mga iglesya...Kinakailangan nating magsibangon at gumawa bilang isa. Kinakailangan nating maging masigasig at buhay. Mga kalagim-lagim na bagay ang kasunod sa pagkawasak ng buhay ng tao. Ngunit nakatatanggap lamang ang bagay na ito ng kakaunting pansin. Ang sanlibutan ay hindi mababalalaan: ngunit dumarating ang araw ng Panginoon na di-inaasahan, na tulad sa isang magnananakaw sa gabi." Spalding and Magan, p 45.
Ang panahon ay napakaikli na, at naihanda na ni Satanas ang lahat ng bagay naghihintay na lamang ng pahintulot upang maisakatuparan ito sa isang dumadaluhong na matinding galit sa ating natutulog na mga kapatid. Kaya ako'y nagsusumamo sa inyo, na kung maaari huwag kayong umalis sa inyong kinatatayuan kung saan ninyo binabasa ang aklat na ito hanggat hindi ninyo napagpapasyahan na alisin ang lahat ng bakas ng pagiging laodicea mula sa inyong puso at mula sa inyong mga likas. Huwag kayong magsialis hanggat hindi kayo nakakapagpasya ng ganito sapagkat ang inyong walang hanggang kapalaran o kahihinatnan ang nakataya. Tayo ay nasa pinakahangganan na ng makalangit na Canaan. Ang tanging bagay na humahadlang sa atin para makarating sa pinagpalang paraiso na iyon ay ang kasalanan na pinili nating patuloy na panghawakan.
Ipinahayag ng Dios:
"Huwag ninyong lisanin ang dakong ito hanggang sa kayo'y maging karapatdapat para sa gawain. Maaari kayong maging pagpapala sa gawain ng Dios o kayo'y maging isang sumpa. Alin ang inyong pipiliin?" 1888 Materials, p 588.
Ito ang malaking katanungan na dapat nating itanong sa ating sarili. Alin ang ating pipiliin? Iniiwan sa atin ang pagpili kung anong kapalaran ang pipiliin natin maging paghiwalay mula sa iglesya ng Laodicea at pagwaksi mula sa ating mga puso ng pagiging laodicea na dahil doo'y aanihin natin ang walanghanggang gantimpala kasama ng ating maluwalhating Panginoon, o tayo'y manatiling kasama ng Laodicea at sa pagiging laodicea at aani ng walang hanggang gantimpala na kasama ng Diablo sa pagkawasak.
Mayroong langit na walang Laodicea na dapat matamo, at isang impiyerno na kasama ng Laodicea na dapat layuan!
ALIN ANG INYONG PIPILIIN?
|
||