"LET THERE BE LIGHT" Ministries
home  |  Tagalog Booklets

JEREMIAS
Ang  Pabalita  noon - ay  siyang  Pabalita  ngayon!


First printing, 1998

Copyright  © 1998, held by

"LET THERE BE LIGHT" MINISTRIES (rs)
PO BOX 1776
Albany, OR 97321
U.S.A.
www.LightMinistries.com


     All rights reserved.  Permission is hereby given to reprint this booklet, provided that it is duplicated in its entirety without any change or comment.

     Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumulat sa alin mang tanggapan:

BOOKLETS
P.O. BOX 1776
ALBANY, OR  97321
U.S.A.




JEREMIAS
Ang Pabalita noon - ay siyang Pabalita ngayon!


     Tinawag ng Diyos si Jeremias bilang Kaniyang bantay at mensahero “upang mag-alis at magbagsak at upang magsira at magwasak” ng mga natatag nang mga bansa at kaharian bago paman siya makapagtayo at makapagtatag (Jeremias 1:5,10).  Ngunit paano matutupad ang kanilang pagkawasak?  Sa pamamagitan ng pagsalakay ng ibang nakukutaang bayan at kaharian (Jeremiah 1:18) - bilang mensahero ng Panginoon na nagsasalita ng salita ng Panginoon (Jeremias 1:9, 6:17)!
     Ang lahat ng mga bansa at mga kahariang ito ay sumamba sa diyos o mga diyos, kung kaya sila’y naging relihiyosong mga bansa at kaharian.  Ngunit alin nga bang matatag na relihiyosong bansa at kaharian ang dapat na alisin, ibagsak at wasakin?  Ang mismong itinatag ng Panginoon at maingat na itinayo at itinatag na maging kaniyang sarili.  Ito ay ang Jerusalem, kasama ang lahat ng mga bayan na nakaugnay sa kanya (Jeremiah 1:15).
     Ang buong lupa (kaharian) ay dapat na wasakin, kasama ng mga hari nito (nangungunang) puno o pangulo), kanyang mga prinsipe (lider), kaniyang mga saserdote (ministro), at kaniyang bayan (Jeremias 1:18).  Syempre lahat sila’y magsisilaban sa sumasalakay na kahariang ito (o ang mensahero ng Panginoon), upang ipaglaban at iligtas ang kanilang sariling natatag na kaharian.  Ngunit hindi sila magtatagumpay sapagkat ang Panginoon ay wala sa kanila kundi nasa kanyang mensahero (Jeremias 1:19) Bakit?  Dahil sa “lahat nilang kasamaan” kanilang iniwan ang Diyos, ang kanilang ipinagpapanggap na sinasamba at sinusunod, at gumawa ng ibang diyos na gawa ng kanilang mga sariling kamay, at kanilang sinamba (Jeremias 1:16).

     Paanong sila’y naging ganito?  Ano ang naging dahilan upang kinailangang wasakin ang dating dalisay at piniling iglesya ng Diyos kasama ang buong relihiyosong kaharian nito?  Ating balikan ang kasaysayan mula sa aklat ni Jeremias.

     Tinawag ng Dios ang Kanyang bayan palabas ng Egipto (isang bulok na relihiyosong bansa kung saan ang lahat ay nahahawakang bihag sa ilalim ng impluwensiya ng tao) upang makiisa sa kanya sa ilang at ang lahat ng nagnanais na sumunod sa Diyos ay lumabas papunta sa ilang - ang lupain na hindi hinasikan o naitatag (Jeremias 2:2) Walang taong dumaraan o tumatahan doon (2:6), kung kaya ang tangi nilang maaaring tingnan at pagtiwalaan ay ang Panginoon.
     Sinabi ng Dios sa kanila na ang laht na magpapatuloy na sumunod sa kaniyang tinig, at tutupad ng lahat ng Kaniyang utos, ay patuloy na magiging Kaniyang bayan at Siya ay magiging kanilang Dios (11:4) Sapagkat kanilang sinunod ang mga kondisyong ito, sila’y naging “kabanalan sa Panginoon at mga pangunahing bunga ng kaniyang halaman sa bagong lupaing ito (2:3).  Kung kaya tinupad ng Diyos ang kaniyang sumpa at tipan sa kanila sapagkat kanilang sinunod Siya (11:5).

     Ang Diyos ay naging kanilang asawang lalaki (31:32) at sila’y ipinapagasawa sa kanya bilang asawang babae (3:14).  Ngunit unti-unti nilang nakalimutan na sila’y banal na ipinapagasawa sa Panginoon at kanilang ipinilit ang kanilang likod hindi ang kanilang mukha sa kanya (2:27) at naging patutot dahil gumawa ng pangangalunya - nagpatutot sa maraming mangingibig (3:1-2, 6).  Dahil dito, sila’y nagsihiga sa kalituhan (3:25).
     Ang Diyos, sa Kanyang pagmamahal at awa, ay tinawag ang tumalikod na iglesyang ito na manumbalik sa Kanyang tabi bilang isang tapat na asawa at itigil na ang kanyang patutot na pagibig (3:1, 22).  Kanyang tinatawag ang kanyang bayan na magtamo ng “bagong tipang” karanasan (4:3-4, 14), na hindi nila natamo noong una (2:19, 9:26).  Sila lamang ay nagsusuot ng panlabas na kasuotan - nabubuhay sa kasinungalingan - sa paghahayag sa Panginoon (ng kanilang bibig) samanatalang kanilang iniwan Siya sa kanilang kalooban (12:2, 5:1-2).  Ang kaniyang bang piniling bayan - ang kanyang asawa (iglesya) ay nanumbalik sa Kanyang tabi, at itinigil ang kanilang patutot na pagibig?  Hindi (3:7)!  Kanilang itinakwil ang Salita ng Diyos ang Kanyang kautusan (6:19) at hindi nangahiya o nangamula man - sa lahat nilang kasamaan (6:15).  Kaya pinigil ng Diyos ang ambon at ang huling ulan na ibuhos sa Kanila (3:3).

     Nang kanilang iniwan ang Diyos - ang bukal at pinanggagalingan ng buhay na tubig (katotohanan - 2:13) at walang ambon o huling ulan, na dumating sa kanila, wala silang anumang makapawi na kanilang uhaw.  Sa tuyo’s na kalagayang ito, kanilang bang itinigil ang kanilang paghihimagsik laban sa Diyos at tumingin sa kanya upang humingi ng tulong na mapawi ang kanilang kauhawan?  Hindi sila'’ nagsigawa ng mga balon upang subukin at hawakan ang ibang tubig (2:13).  Ngunit saan sila pumaroon upang matamo ang ibang tubig na ito?
     Sila’y tumakbong pabalik sa Egipto at maging sa Babilonia (Asiria) upang subukin at pawiin ang kanilang kauhawan sa pamamagitan ng paginom at pagiimbak ng kanilang maiitim na tubig (doctrina 2:18).  Ngunit sila’y nanatiling tuyo’t at uhaw, at hindi makakuha ng sapat sa bagong tubig na ito upang masiyahan sila sapagkat ang kanilang mga balon ay nangasira (2:13) Kung kaya, dahil sa kanilang iniwan ang Diyos at tumangging manumbalik sa kanilang Bukal ng Buhay na Tubig, ang walang katapusang tanawin ay pinasimulan ng patuloy na pagbalik sa Egipto at Babilonia upang tumanggap ng kanilang maiitim na tubig, ngunit natuklasang na kailanman sila’y hindi magkaroon ng sapat na makapapawi sa kanilang kauhawan.
     Ngunit ito bang nakakagalit na pagkauhaw na karanasan at kalagayan ay nagtulak sa kanilang itigil na ang kanilang pagpapatutot at manumbalik na sa Diyos.  Hindi!  Sila ay nagpatuloy sa pagpapatutot (2:25), na nagsigawa ng higit na kasanlaan ng lahat ng ibang patutot - na nanguna sa kanila sa kasamaan (5:28) Kung kaya sila’y naging pangulo nila sa paggawa ng masama, na pinakagrabeng patutot sa lahat, at nagturo pa sa ibang maging kagaya nila (2:33, 3:13).

     Walang sinuman, maging ang Diyos mismo, ang makapagpapayo sa kanila mula sa kanilang matitigas na daan (2:24, 5:13).  At maging ang Juda, ang kapatid ng Israel (ang kanilang may pinakamalaking bahagi ng may 10 tribo or bahagi) at pinapalagay na bahagi pa rin ng Israel na kahit di umaasa at sumusuporta sa kanyang sarili ay nagpatutot din (3:8).  Ang Juda ay siyang mas mapanganib na dalawa sapagkat silang nagpapanggap na sumusunod sa Panginoon ng kanilang buong puso, o mayroong “bagong pakikipagtipang” karanasan, ngunit isa lamang palang malaking pagpapaimbabaw (3:10).  Sa paningin ng Diyos, ang Israel (iglesya) ay higit na lalong matuwid kaysa kanyang kapatid na Juda (3:11).

     Ang dating dalisay ng iglesya ng Diyos ay naging yungib ng mga magnanakaw (7:11).  Ang kaniyang mga pastor, ang mangangalakal sa kaluluwa ng mga tao, ay naging mga bitag ni Satanas (maninilo) upang bitagin, alipinin, at wasakin ang bayan ng Diyos (5:26, 12:10).  Kung kaya ang kanilang bao sa ulo ay nangabasag (2:16).  Ang iglesya ay naging bulok, kulungan ng bawat karumaldumal at kasuklamsuklam ng mga ibon (12:9, 5:27), at magiging yungib ng mga dragon (9:11).  Ito ay tinawag ding “Ang dakilang bayan“ (22:8), na sa kanya ay nasumpungan ang dugo ng mga propeta (2:30) at ng mga kaluluwang walang sala (2:34, 19:4).  Ang lahat ng mga taong nakaugnay at nakiisa sa kanya ay kabahagi rin ng kanyang mga kasalanan - bilang nadamay sa kasalanang pangalahatan (2:29, 6:27-28, 26:15).

     Dahil sa lahat ng ito, ang Diyos ay naghahanda na paghihiwalay na mangyayari sa gitna ng Jerusalem (6:1).  Ito’y kinakailangan upang ang kanyang bayan ay makalabas mula sa kanilang bulok na relihiyosong bansa, na siyang humahawak sa kanilang bihag sa ilalim ng impluwensya ng tao, upang pumaroon sa karanasan sa ilang at muling makita at madama ang kanilang pangangailangan sa Diyos (3:14-19).  Ang Diyos ay matagal na nagpahinuha sa kanilang patuloy na kasamaan, ngunit hindi makapagpapahinuhod kailanman (6:11-12).
     Iniisip ng iba n sa pamamagitan ng pamumuhay ng isang banal na halimbawa sa loob ng Jerusalem ay marami ang makakasunod sa kanilang halimbawa, ngunit ito’y hindi nangyari dahil sa laki ng kasamaan sa gitna ng iglesya (6:29).  Ang mga ninuno ay tumakbo patungong Egipto at Babilonia upang tumanggap at uminom ng kanilang maiitim na tubig (doktrina), at ngayon ang iglesya mismo ay siyang maging pinanggagalingan ng maiitim na tubig (doktrina) na siyang ibinubuga sa iba (6:7).  Kung kaya ang katotohanan (ang dalisay at buhay na tubig) ay nawala at nahiwalay sa gitna ng iglesya (7:28).
     Bagaman gumagawa ang iglesya ng mga kasuklam-suklam na kasamaan, sila’y nag-aangkin ng sila ay walang ginagawang masama, na sila’y malinis at walang kasalanan, at sila’y dalisay, malinis at walang dungis (2:21-23, 35).  Kanila ring inangkin na hindi sila itatakwil ng Panginoon bilang Kanyang bayan at ang kanyang galit ay hindi darating sa kanila (5:12).  Ngunit itinakwil sila ng Panginoon bilang kanyang bayan (6:30)!  Kanyang inihiwalay ang kanyang sarili mula sa kanyang dating tapat na asawa at iglesya (3:8).

     Bagama’t ito’y totoo, ngunit maririnig ang mga sinungaling na tinig ng mga bulaang propeta (mga pinuno), at mga ministro (mga saserdote) ng iglesya na nagsasabi, “Kapayapaan, Kapayapaan, tayo pa rin ang piniling bayan ng Diyos at ang kaniyang tanging iglesya, huwag kayong matakot, hindi tayo nahihiwalay sa dakong ito” (7:4, 5:14).  Ngunit sinabi ng Dios.  “Kung inyong pagbubutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa at patuloy na gagawa ng mabuti, ay patahanin ko nga kayo sa dakong ito at hindi na iiwan pa ito” (7:5-7).  Ngunit kanilang nakalimutan na tanging nasa kondisyon ng pagsunod sa Dios at sa kaniyang salita, at ang pagkilala at pagiwan ng kanilang mga kasalanan na ang mga pangako ng Dios ay matutupad sa kanila at sila’y mananatiling kanyang bayan at iglesya (3:12-13, 4:1).

     Ngunit sila’y tumangging pakinggan at sundin ang mga kondisyon upang ipagkaloob ang mga pangako ng Dios, kung kaya itatawil sila ng Panginoon sa kanyang paningin (7:15).  Kanya ring sinabi sa kanyang tunay na bayan na huwag manalangin para sa iglesya, ni mamagitan man para sa bayang ito, sapagkat hindi sila didinggin (7:16).  Sa katotohanan, hindi na rin nais ng Dios na mamalagi pa sila sa Kanyang sangtnaryo, at walang isa man sa mga saserdote ay banal o maaaring gumawa ng serbisyo sa sangtnaryo (11:15).  Ni hindi rin diringgin ng Dios ang bayan na dumadaing para sa kaligtasan o babaguhin ng Dios ang Kanyang kaisipan (11:14).  Ang Dios ay tumangging tawagin silang “Aking bayan” kundi tinawag silang “ang bayang ito” (8:5).
     Nang dahil sa lahat ng kasamaang patuloy at walang kahihiyang ginawa, pinabayaan ng Dios ang Kaniyang dating dalisay na iglesya at inihiwalay ang Kaniyang sarili sa Kaniyang dating masunuring bayan (12:7).  Kaniya pang kinamuhian ito (12:8).  Ngunit hindi ito nalalaman ng kanyang bayan (8:7).  Ang mga saserdote at mga sumusuporta sa iglesya ay nagsisipanghula ng kabulaanan na mula sa imahinasyon ng kanilang mga sariling puso, na nagsasabi, “Sapagkat nakita ng Dios na karapat-dapat ilagak ang kanilang banal na orakulo (Kautusan) sa ating relihiyosong bansa (8:8), kung magkagayon ang mapanghulang kahahantungan ng iglesya ito ay siya’y makakalagpas na ligtas hanggang sa katapusan (23:16-17).  Mayroong kapayapaan at tagumpay na inihula sa ating iglesya, at hindi kasamaan.  Kung kaya ang lahat ng itoy nagsasalita ng paghihiwalay at pagkawasak ay hindi nangyayari (8:10-11).  Ngunit sinabi ng Dios na silay hindi makararating sa langit kundi mahahagis (7:14, 8:12).
     Ang lahat ng kasamaan ng ginawa ng iglesya at ng kanyang pamumuan ay hindi sa dahilang sila’y nadaya sa pagggawa nito, kundi ito’y sinadyang ginawa, sapagkat mayroong pagbabanta laban sa Dios (11:19-10).  At dahil dito, ang buong lupain ay nasira (12:10-11, 23:15).  Ang lahat ng kasalanan at kadiliman ng buong lupain ay nakapataw sa mga pintuan ng iglesya at doon sa lahat na nasa loob ng kaniyang mga pintuan.
     Ang nakararami sa iglesya ay tumangging - ibigay ang pakinig sa salita ng Dios sa pamamagitan ng kanyang mensahero, o makita man kung anong bunga ang maipapakita ng kanilang iniibig na iglesya.  Sila ay bulag na nagtitiwala sa mga kabulaanang salita ng kanilang mga pinuno (7:8) at nasiyahan na sapagkat kanilang inibig na magkagayon (5:31).  Ang iba’y umaasa na ang mga kabulaanang salita ng kanilang mga pinuno ay mangyayari, at umaasa ring na ang lahat ng kasamaan ay matitigil, ngunit wala ng pag-asa sa pagbabago ng pabalik sa Dios mula sa loob ng iglesya (13:23).  Ito’y hindi magbabago na mula sa masama patungo sa mabuti kundi magpapatuloy sa paggawa ng kasamaan (mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan - 8:5, 9:3).  At maging si Jeremias mismo ay iniisip na lubusan nang humiwalay sa kanila (9:2).  Siya ay humiwalay na mula sa mga pagpupulong at hindi na dumalo sa mga paglilingkod sa iglesya o mga kapisanan (16:8, 15:17) maliban na inutusan siya ng Dios na yumaon at magsalita sa mga tao sa mga ganitong pagpupulong (17:19).

     Sa pasimula, ang Israel ay katulad ng isang dalisay na linong pamigkis na pinakapit ng Panginoon sa kanyang sarili (13:11).  Ngunit pagdaan ng panahon, sila’y tumangging sumunod o pakinggan man lamang ang mga kautusan ng Dios at mga salita kung kaya’t walang tubig na ibinigay sa kanila (13:1).  Sila’y pumaroon sa Babilonia upang uminom ng tubig mula sa pangunahing pinanggagalingan nito (Euphrates) at sinubukang itago ito na huwag malalaman.  Ngunit ang mensahero ng Dios ay humukay sa ibabaw ng daya at inihayag sa lahat na nagnanais makita ang tunay na kalagayan ng iglesya.  Dahil ang iglesya ay nagpatuloy na uminom ng tubig ng Babilonia, ito ay naging wasak, bulok at walang halaga (13:7), na hindi napapakinabangan sa anuman (13:10), na dapat na itapon at lipulin (13:14).
     Ang bayan ay nanalangin sa Dios na baguhin ang Kaniyang kaisipang at muling paligiran sila bilang kanyang bayan - na iniisip na ang Dios ay nanatili sa kanyang kalangitan (14:7-9).  Ngunit hindi na sila tinanggap ng Panginoon bilang kanyang bayan (14:10).  Siya ay tumanggap makinig sa anumang mga panalangin o pamamagitan man para sa kanila (14:11).  Subalit ang mga pinuno ng iglesya ay nagsasabi kung ano ang kataliwas (14:13) at binabalaan ng Dios ang lahat ng makikinig ng padaraya at kasinungalingan na sinasalita ng kanilang bulaang tagapagbantay (14:14-15).
     Marami sa mga tao ay nananatili paring tumangging maniwala o kilalanin ang salita ng Panginoon - na Kanya nang tinanggi at itinakwil sila bilang Kanyang bayan.  Ang iba ay umaasa na ang ganoong pangyayari ay hindi nangyari at dala ng takot at pagkagulat na ang ganoon ngang bagay ay maaaring totoo, ay muling nananalangin sa Dios, na ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan at muling nanawagan na Kaniyang baguhin ang Kaniyang kaisipan at huwag sirain ang kanyang tipan sa kanila (14:19-22).  Dininig ba ng Dios ang mga panalanging ito at sila’y tinanggap na muli bilang Kaniyang bayan?  Hindi!  Ang Dios ay pagod na s kanilang pagsisisi (15:16), at Siya ay determinado na na ang paghihiwalay ay kinakailangan, sila’y kinakailangang lumabas mula sa kanilang iglesya (15:1).

     Hindi na kailangang sabihin, na ang karamihan ay tumagging sumunod sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mensahero.  Kanila pang piniling lumaban laban sa Dios at sa kanyang kalooban, kaysa handang dalhin ang sakit ng paghihiwalay ng kanilang sarili mula sa kanilang iniibig-ngunit masamang iglesya.  Ang iba ay sinubukang magdahilan at lumilibot upang magbangon ng mga pagaalinlangan sa isipan ng iban tungkol sa pangangailangan ng paghihiwalay sa pagsasabi; “kung kami ay magsisihiwalay, saan kami masisilabas” (15:2)?  Ngunit ang sagot ng Dios dito ay - (15:2).
     Ngunit mayroong mga tapat na nakarinig - at nakasumpong ng mga salitang ito ng Dios, at kinain na may kagalakan upang sundin ang ipinahayag na kalooban ng Dios kaysa sumusunod sa kagustuhan ng tao o ng kanilang sariling kalooban (15:16).  Ang mga nalabing ito ay buong puso at buong galak na sinunod ang kalooban ng Dios, na inihiwalay ang kanilang sarili mula sa kanilang masamang iglesya, sila’y nanumbalik sa Dios, (15:17) at ito ay nakabuti sa kanila (15:11).  Tinanggap sila ng Dios bilang kanyang bayan, at sila ay nangakatayo sa harapan Niya (15:19).  Inihiwalay ng mga ito ang mahalaga mula, sa walang halaga, at naging tagapagsalita ng Dios na ipinahahayag ang mga salita ng Panginoon sa pabalita ng paghihiwalay sa Dios mula sa masamang iglesya (15:19).  Ang utos ng Dios sa kanila ay “ang mga tao ay lalapit sa iyo para sa katotohanan, ngunit hindi ka manunumbalik sa iglesya para turuan sila” (15:19).
 At bagamat ang mga pinuno ng iglesya ay gagawin ang lahat upang labanan sila t ang kanilang pabalita ngunit hindi sila magtatagumpay o mapatitigil nila an paglago ng mensahe, sapagkat ang Dios ay kasama ng Kanyang nalabi upang ipagtanggol at iligtas sila (15:20-21).
     Hindi nais ng Dios ang mga bagong hikayat na napasama sa masamang iglesya (16:2-4).  Kanya nang inalis ang lahat ng Kanyang kapayapaan, kagandahan loob at mga malumanay na kaawaan mula sa kanila (16:5).  Marami sa mga kasapi ng iglesya ay gumagawa ng pangangalakal sa araw ng Sabbath - na sinesira ito kaysa ang pangingatan itong banal - at sila’y tumangging magbago (17:20-23).  Ang mismong iglesya at bayan na maingat na itinayo ng Panginoon na maging Kanyang sarili, at itinanim upang magbunga ng kaluwalhatian sa kanyang pangalan, ay Kanyang ngayong ibabagsak at bubunutin (45:4, 18:9-10).  Kanya lamang itatayo at itatanim ang mga susunod sa Kanyang tinig at handang ihiwalay ang kanilang sarili mula sa kanilang bulok na iglesya (24:5-7).

     Ang Dios, dahil sa Kanyang walang hanggang pag-ibig at kaawaan, ay muling sinubukang ipaunawa sa mga kasapi ang tunay na kalagayan ng kanilang iglesya.  Kaniyang sinabi sa kanila sa sila’y katulad ng sisidlang putik ng magpapalyok sa Kanyang mga kamay (18:1-6).  Kanya ring sinabi sa kanila na anumang mga pangako ang ipinagkaloob sa kanila, kung silay magpapatuloy sa paggawa ng kasamaan at hindi siya sundin, hindi niya gaganapin ang anuman sa mga pangako sapagkat ang mga pangakong ito ay nakabatay sa isang kondisyon - na hinihingi ang pagsunod upang matupad ang mga yaon (18:9-10).
     Sinubukan ng Dios na papagsisihin ang kanyang bayan ngunit sila’y tumangging gawin anumang bagay na ninais ng Dios na gawin nila (32:23).  Kanilang inisip na sila’y malayo na sa pagsalanopang upang lumalik pa at magsisi, at sinabi, “walang pag-asa”, at nagpatuloy na sa kasamaan (18:11-12).  Kanilang ipinawalang bahala ang panawagan ng Dios at nagpatuloy sa pagtulak sa iba na nangatisod mula sa dating landas - yaong mga katotohanang (mga haligi) ibinigay sa kanila sa pasimula (18:15).  Ngunit sila’y patuloy na naniniwala na ang Dios ay nasa kanilang kalagitnaan, na ang kanilang mga saserdote ay nagsasalita ng katotohanan, na ang kanilang matatalinong tao ay nagbibigay ng tapat na payo at gabay, at ang Dios ay patuloy na nagsasalita sa pamamagitan ng kanilang mga pinuno - na pinaniwalaang sila bilang tinig ng Dios sa mga tao (18:18).
     Kanilang dinadaya ang kanilang mga sarili sa paniniwalang ang mukha ng Dios ay palaging nagbabantay sa kanila na pinahahalagahan sila at ang kanilang iglesia, samantala sila mismo ang tumalikod sa kanya at hindi siya hinarap (32:33).  Ngunit ang katotohanan na ang mukha ng Dios ay umalis na sa kanila at sila’y tinalikuran na Niya (18:17, 33:5).  Napakaraming kasuklamsuklam ang ginangawa sa loob ng iglesia (32:34).  Sila’y naghimagsik ng napakahaba at nakalagpas na sa palugit, at pinalayas ng Dios ang Kanyang dating dalisay at piniling bayan mula sa Kanyang harapan (52:3).  Ang iglesia at ang mga kasapi nito ay nakatadhana sa hula na mawawasak mula sa banal na mukha ng Dios (32:26-32).  Iniutos ng Dios na ang sisidlang lupa ng magpapalayok, nakumakaawan sa buong iglesia, ay magigiba at mababasag - nagpapakahulugan na ang iglesia ay hindi kailanman mabubuo na muli (19:10-11).  Ito ay magpapatuloy sa paggawa ng kasamaan hanggang sa ito’y mawasak.  Ang kanilang kasalanan ay nasulat ng panulat na bakal na may dulo ng diamante (17:1), at ang mga pangalan noong patuloy na kaugnay ng iglesia ay hindi nakasulat sa mga langit sa itaas, kundi sa ilalim ng lupa (17:13).

     Silang mga nagsitiwala sa mga tao na nagsabi sa kanilang manatili sa loob ng bulok na iglesia sa halip na humiwalay, ay susumpain (17:5).  Sila’y nagsitiwala sa katwiran ng tao, na iniisip na sila’y naghahawak sa katotohanan at sa mga haka-haka at teorya (17:9) at ito ang nagtulak sa kanila na paniwalaan ang kasinungalingan na sila’y matuwid at ang mensahero ng Dios ay mali.  Kung kaya sila’y nag-umpisang usigin ang mensahero ng Dios upang subukin at patigilin ang mensahe ng paghihiwalay na ibinigay ng Dios sa ikaliligtas ng kanilang iglesia (17:18).
     Ang mensahero ng Dios ay sinaktan at ikinulaong (20:1-2) na buong magdamag (20:3) ng mga nangangaral ng mga kabulaanan at pilit na gumagawa upang sirain ang kanyang mensahe sa mga mata ng mga tao (20:1, 6).  Ang mensahero ng Dios ay sinubukang pigiling ibigay ang mensahe, ngunit ito’y katulad ng isang apoy sa mga buto a ito’y kinakailangang salitain upang ang lahat ay makarinig ay makapagdesisyon (20:7-9).  At maging yaong mga iniisip niyang kanyang mga kaibigan ay nagbabantay sa kanyang bawat salita upang subukin at baliin ito at magtagumpay laban sa kanya - na hinahanap ang makaganti sa kanya sa pagsasabi ng mga ganong bagay tungkol sa kanilang iglesia (20:10).  Ngunit ang kanilang iglesiang iniibig ay nakatalaga na sa pagbagsak at hindi na mababawi, at ang lahat nitong salapi, ang mga pakinabang, at ang mga kasapi nito ay mangadadala sa Babilonia at upang pigilan ng Babilonia (20:4-5).
     Kung magkagayon ang buong iglesia, kasama ang lahat na nakaugnay sa kanya sa anumang paraan, ay magiging kabahagi ng Babilonia, at wala ni isa man - maging ang Dios mismo - ang makapipigil na mangyari ito (21:4-6).  Ang tinig ng kalayawan at ng kasayahan ay hindi na maririnig kailanman sa iglesia, maging ang tunog ng mga batong gilingin ay hindi na rin maririnig sa kanya kailanman; ang liwanag ng ilawan ay hindi na nagliliwanag sa kanya kailanman.  At ang tinig ng kasintahang babae (na parehong nasa labas) ay hindi na maririnig sa kanya kailanman (25:10, 16:9).

     Ang hari ay humiling kay Jeremias na manalangin sa Dios para sa kanyang tulong, ngunit walang panalangin ang naihandog sapagkat hindi diringgin ng Dios (21:1-3).  Nasabi na ng Dios ng maikatlong ulit na huwag idalangin ang bayang ito (7:16, 11:11, 11:14).  Ang iglesia ay patuloy na madudulas sa kadiliman, na masusudlong sa kasamaan, hanggang sa mangabuwal (23:12).  Ngunit ang Dios, sa kanyang dakila at walanghanggang pag-ibig at, awa ay naglaan ng daan ng pag-iwas sa mga tao upang hindi mapahamak.  Kinakailangan silang magsihiwalay na kusang-loob mula sa kanilang masamang iglesia o mapahamak kasama ng kanilang iniibig na iglesia (21:8-9).  Kaya nga “ang daan ng buhay (ang paghiwalay) at ang daan ng kamatayan (ang pananatili sa loob) “ay malinaw na ipinakita sa lahat.  At ang lahat ay sinubukan kung sino ang kanilang susundin - ang Dios o ang tao.
     Ang dahilan, na ang lahat ng ito ay ang masamang gawa na piniling sundin ng mga pinuno at mga ministro ng ofesyo.  Kanilang pinanghahawakan sa kanilang mga kamay, ang sulo ng bulaang hula, na ipinangangaral ang mga kabulaanan sa mga kawan (23:1-2) doon mismo sa mga pulpito (23:11).  Ito ay pinahihintulutan sapagkat ang pinakapunong-tanggapan ng buong iglesia ang nasa likod ng lahat ng ito at siyang nagbibigay ng pahintulot dito (23:13).  Ang pamunuan ng iglesia ang mismong gumagawa ng pangungulunya at nabubuhay sa kasinungalingan.  Kanila ring pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa sa kasamaan na anopa’t walang humihiwalay sa kanyang kasamaan.  Silang lahat ay parang naging Sodoma sa Panginoon, at ang mga kasapi ng iglesia na parang Gomorra (23:14).
     Muling binabalaan ng Dios ang mga tao na huwag makinig kaninuman sa pinuno ng kanilang iglesia, sapagkat silang lahat ay magtuturo ng mga kabulaanan at dinadayo sila (23:25-26) Silang lahat ay nakatayo sa payo ni Satanas (23:22) at binabago ang katotohanan (23:36).  Kaya’t kinalimutan at iniwan sila ng Dios bilang kanyang bayan, at itinakwil sila at ang kanilang iniibig na iglesia mula sa kanyang banal na harapan (23:39).

     Ang mensahero ng Dios at ang mga bulaang propeta ay parehong mangangaral sa mga tao.  Ang mga salitang sinalita ng mensahero ng Dios ay mga salitang katulad ng apoy, na nagbigay liwanag sa mga puso ng nakarinig --na sumusuot sa kanilang madilim na batong puso at ipinapakita ang matuwid nguni’t makitid at matuwid na landas na dapat tahakin upang makarating sa Dios (23:29).  Habang ang mga bulaang pastol ay nangangaral ng mga kabulaanan, na inililigaw ang tao na magkamali mula sa daan ng katotohanan (23:31-32) at ginagawa ang lahat ng kanilang magagawa upang nakawin sa mga tao ang mga salita ng tunay na bantay ng Dios (23:30).  Ang pagsunod sa alinmang mensahe ang magsasabi kung ikaw ay magiging trigo, o walang halagang dayami (23:28).  Kaya nga ang buhay na walang hanggan ay nakasalalay kung aling mensahe ang sinunod!
     Silang mga susunod sa Dios ay kinakailangang kusang loob na humiwalay mula sa aknilang masama at itinakwil na iglesia “para sa kanilang ikabubuti” (23:5).  Ngunit hindi ito itatakwil ng Dios, sapagkat kanyang ipinangako na sila’y itatayo at itatatag, na gagawin ang kanyang “bagong pakikipagtipan” sa kanila na magiging kanilang Dios at sila’y Kanyang magiging bayan.  Kanyang isusulat ang Kanyang kautusan sa kanilang mga puso at sila lamang na sumunod at humiwalay sa Kanya na ipinamuhay ang “bagong pakkipagtipang” ito - ang magiging anak ng Dios at ang Kanyang piniling bayan (24:6-7), at magbubunga ng mabuting bunga na katulad ng mga igos (24:5).  Samantalang silang pumili na sundin ang bulaan na mensahe ng kanilang bulaang tagapagbantay, na tumatangging humiwalay mula sa kanilang iniibig na iglesia - na hindi sinunod ang Dios - ay mangagbubunga ng masasama at bulok na igos, na hindi na magagamit ninuman kundi upang ipahamak (24:8-10).


     Ang parehong mensahe ay higit na naging hayag at matatag.  Ang mensahero ng dios ay nagsalita ng malinaw sa lahat ng kasapi ng iglesia na dahil sa kanilang kasamaan.  Ang kanilang iglesia at ang buong kabuuan nito ay babagsak at mawawasak - na naging lubhang wasak - na gaya ng Silo (26:2-7).  Ang tipan at ang kaluwalhatian at ang preswensya ng Dios ay aalisin ng lahat mula sa kanila (na gaya ng kaban mula sa Silo - tingnan ang Awit 78:60-61; 1 Samuel 4:3, 11).  At ang dating dalisay at piniling iglesia at bayan ay magiging kabahagi ng Babilonia (27:12, 32:3, 28), at matatatag sa Babilonia (29:5-6, 28)!  Habang ang bulaang tagapgbantay at tagapagsuporta ng iglesia at bayan ay nagsisinungaling sa pangalan ng Dios, na ipinahahayag na ang paglingap ng Dios ay nananatili sa kanila at hindi na kinakailangan pang humiwalay sapagkat ang kanilang iniibig na iglesia ay hindi kailanman magiging kabahagi , o matatag man sa Babilonia, at hindi matutuyo o mawawasak (27:14-17).  Kanilang pinaaasa ang mga kasapi sa mga kasinungalingan (28:15), at tinuturuan silang maghimagsik laban sa kalooban at utos ng Dios (28:16).  Kanilang iniibig ng higit ang kanilang masamang iglesia at ninanais para sa Diosna baguhin ang Kanyang pag-iisip at muling lingapin sila, na nagsipanaginip upang ang kanilang kasinungalingan ay magiging totoo.  Kung kay kanilang dinadaya ang kanilang mga sarili at ang iba ay naniwala sa kasinungalingan (29:8-9).

     Ang lahat ng salita ng Panginoon ay sinulat sa aklat at binasa sa mga tao, at marami ang nangakinig na ang iba’y nangakinig sa mga sulat sa aklat ngunit hindi nakinig sa katauhan ng mensahero (36:1-16).  Nugnit sinira ng Hari ang kopya ng aklat sa harapan ng ibang mga pinuno ng iglesia at marami ang sumunod sa kanyang mapanghimagsik na halimbawa (36:21-24).  Sila’y nagpatuloy na tumanggi sa mga salita ng Dios, at upang dayain ang mga tao sa paniniwalang ang iglesia ay hindi kailanman mauugnay sa Babilonia, habang sinasabi ng Dios na ang Babilonia ay hindi kailanman hihiwalay sa kanila (37:9).
     At si Jeremias, pagkatapos na ang mga kawal ng Babilonia ay hindi inaasahang ihiwalay ang kanilang puwersa sa panahong ang lahat ng bagay ay pawang kaaya-aya para s madaliang paglusob, ay kusang loob na ihihiwalay ang kanyang sarili palabas ng iglesia sa mga mata ng mga tao (37:12).  Kanyang inihiwalay ang kanyang sarili sa panahon na kung saan ang iglesia ay nag-aangkin ng tagumpay mula sa kanilang mga kaaway, at pawang nakikipagpayapaan at muling nakikipagmabutihan sa Dios na pinalabas na ang mensahe ng bulaang tagapagbantay ay tama.  Kung magkagayon, yaong mga piniling manatili sa loob ng iglesia ay higit na nabihag sa mga daya, habang yaong mga humiwalay na, o yaong mga nag-iisip na gawin ito, ay sinusubukan sa kanilang pananampalataya at pagtitiwala sa Dios at sa Kanyang mga salita.
     Dahil si Jeremias ay kusang loob na humiwalay sa paningin ng mga tao, ang mga pinuno ng iglesia ay nagalit, sinaktan siya at itinapon siya sa bilangguan.  Sila’y tumangging lubusan siyang alisin mula sa iglesia, na sinisikap na huwag sundan ang kanyang halimbawa, kung hindi man ang kanyang mensahe (37:13-15).  Ang lahat ng sumasamba at umiibig sa kanilang masama at bulok na iglesia ng higit sa Dios ay dumating laban sa mensahero at hiningi ang kanyang kamatayan sa pagsasabi ng mapangmusong na salita laban sa kanila at sa kanilang iglesia (26:8-11).  Higit lalo ang pamunuan ay nagnanais na patayin siya sa pagsasalita ng mga ganoong bagay sapagkat ang pananampalataya at pag-asa ng mga tao sa iglesia ay humihina (38:4).  Sila’y naniniwala na ang mensahero ay hindi hinahanap ang ikabubuti ng mga tao sa pagtawag sa kanila palabas at sa pagsasabi sa kanila na ang kanilang iniibig na iglesia ay nakaugnay sa Babilonia (38:2-4).

     Ating nakita, na maging ang Dios at ang bulok na pamunuan ay sinisikap na iligtas “ang iglesia”.  Sa pamamagitan ng awa at katotohanan, sinusubukan ng Dios na iligtas ang Kanyang iglesia na mga taong tapat mula sa kanila palabas ng kanilang masamang iglesia para sa kanilang kabutihan.  Habang ang pamunuan ay sinisikap, sa pamamagitan ng mga kasinungalingan at puwersa, na iligtas ang kanilang iglesia na mapahamak sa pagpapanatili sa mga tao sa loob niya at ng kanyang kasamaan - na inaakalang para sa kanilang kabutihan.  Kung kaya isang buhay at kamatayang pakikibaka, sa pagitan ng mensaherong katotohanan ng Dios at mensahe ng kabulaanan ni Satanas, ay lumaki ang handangpaghiwalay mula sa iglesia ay isang pagkakataon para sa buhay, ngunit ang manatiling nakaugnay sa kanya ay siguradong kamatayan (21:8-9).  Ang lahat ay may pagkakataon na makarinig at sumunod, at ang lahat ay makagagawa ng desisyong umalis o manatili.

     Binihag ng Babilonia ang iglesia at ibinagsak ang kanyang mga kuta at mga haligi - isa-isa - na inaalis ang lahat ng bagay na banal (52:13-14, 17-23).  Nang sila’y matapos, ang iglesia, sa lahat ng nakakita, ay may kakaibang hitsura kaysa ng pasimula.  Ang mga tao sa lahing yaon ay nasa ilalim ngayon ng pangunguna, pagpigil at pamumuno ng Babilonia.  Maging ang mga taga-ibang lupa ay makikita at mauunawaan na ito’y sa pamamagitan ng patuloy na pagsuway sa Dios at sa kanyang kalooban, na ang iglesia at yaong mga nakakabit sa kanya, ay walang hanggang nawasak mula sa kung ano sila dati (40:2-3).  Kung kaya ang dating dalisay at piniling iglesia ng Dios at bayan ay naging lubos na sira, at bahagi ng Babilonia (25:9-11).
     Ito’y hindi lamang nagyari sa iglesia at sa kanyang mga siyudad o bayan na nakaugnay sa kanya, kundi nangyari rin sa lahat ng iba’t-ibang relihiyosong mga bansa at kaharian (mga iglesia) sa buong lupain (25:26)!  Ang minsang piniling iglesia ng Dios, kasama ang lahat na ibang natatag na iglesia, ay uminom ng alak na galit ng kasamaan ng Babilonia (25:15-18).  Lahat sila, walang isa man na hindi, ay uminom mula sa saro, at lahat ay nangalasing (25:19-26).  Ang lahat ay puno ng suka at karumihan at wala ni isa mang natatag na iglesiya ay malinis o dalisay (25:27).  Ang bawat isang natatag na iglesiya sa buong sanlibutan ay bumagsak sa Babilonia, at siyang naging kabuuan ng kaharian ng Babilonia - kasama na ang pagkakasapi ng mga iglesiyang ito (27:2-6, 28:14).

     Dahil sa lahat ng mga kasuklamsuklam na ginagawa sa gitna ng iglesiya (44:2-4) at sa lupain (44:22), ang dating dalisay at piniling iglesiya ng Dios at bayan ang unang makararanas ng galit ng Dios at pagkawaasak ay darating sa kanila; at itoy babagsak sa lahat ng mga iglesia (mga bansa 25:29).  Ginantimpalaan ng Dios ang kanyang dating dalisay at piniling iglesia ng Dios at bayan ng doble o ibayo para sa kanilang mga kasalanan (16:18; 17:18) At ang mga ibon na lumilipad sa gitna ng langit ay nagtipong magkakasama upang pagpistahan ang kanilang mga laman (19:7).
     Ang hari (pinuno) ng dating piniling iglesia ng Dios ay hindi na nakaligtas.  Kanyang pinangunahan ang mga kasapi nga iglesia na sundin ang kanyang halimbawa ng paghihimagsik at pagsuway sa Dios at sa kanyang kalooban.  Siya’y tumangging humiwalay sa iglesiya.  At ng huli na ay sinubukan upang makatakas sa parusa.  Ngunit hindi siya nakatakas.  Siya ay binihag ng Babilonia (39:4-5), ang kahutulan ay inilagda sa kaniya (39:5), ang kahatulan ay inihatol sa kanyang sariling mga anak at ang iba na pinatay sa harap niya (39:5-6).  Ang kanyang mga mata ay inalis - na siya’y naging bulag at inilagay sa pangawan o bilangguan, at natatag sa loob at naging bahagi ng babilonia (39:7).  Pero dahil sa siya ay bulag hindi niya kailanman nakita na siya ay naroroon na (52:11).

     Ngunit hindi lahat ay naging bihag o naging bahagi ng Babilonia.  Mayroong kaunting nalabi na maagang inihiwalay ang kanilang sarili mula sa iglesia dahil sa lahat ng kasuklamsuklam na ginagawa sa loob nito, at sila’y nakatakas sa kapangyarihan ng Babilonia (40:11, 15).  Ngunit sila ba’y ligtas sa pagiging bihag?  Hindi.  Marami ang nadalang bihag, una’y sa pamamagitan ng unang pangkat ng mga pinuno na dinadala sila sa isang daan (41:10), at ang iba’y sa pamamagitan ng ibang pangkat ng pinuno na dinadala sila sa ibang daan na patungong Egipto upang maging kabahagi nito (41:16-17).
     Ang huling pangkat na ito ng mga pinuno ay panlabas na kinikilala ang propeta na galing sa Panginoon at nagtatanong sa kanya para sa daan at gabay (42:1-2).  Kanilang ipinapakitang sila’y handang sumunod sa anumang daan na mula sa Dios - na ibinibigay sa pamamagitan ng Kanyang propeta - ipinapakita sa kanila kung saan nila pangungunahan o dadalhin ang mga tao.  Ngunit hindi nila sinabi sa propeta ang kanilang mga balak na dalhin ang mga tao na maging bahagi ng egipto (42:3-6).  Inihayag ng propeta ang kanilang mga natatagong balak, at binabalaan ang lahat na nalabi na huwag sumunod sa mga pinunong ito at maging kabahagi ng Egipto (42:7-14).  Malinaw niyang sinabi sa kanilang kanilang lahat na hindi nais ng Dios na sila’y pumaroon, at kung kanilang susuwayin ang kalooban ng Dios at maging kabahagi ng Egipto, ay kanilang sinasayang ang kanilang buhay (42:15-19).
     Ang mga pinuno, at ang lahat na totoong palalo na baguhin ng Dios, ay nag-aalinlangan na ang propeta ay totoong galing sa Panginoon.  Kanilang sinabi na ang propeta ay nagsisinungaling, o mayroong nagsabi sa kanya ng kanilang mga hangarin papunta ng Egipto, na ito’y hindi ipinahayag ng Panginoon (43:2-3).  Kaya nga kanilang kinuha ang karamihan sa mga nalabi, kasama si Jeremias, at dinala sa Egipto (43:4-7).  Ang mga pinunong ito’y inisip na sa pagtakas doon, na sila’y magiging ligtas na at hindi mapapasailalim ng kapangyarihan ng Babilonia.  Ngunit ang Egipto’y bibihagin din at mapapasailalim ng kapangyarihan at kabahagi ng Babilonia (43:8-13).
     Sinabi ng Dios sa lahat ng nalabi, na pinangunahan upang maging kabahagi ng Egipto, na kusang ihiwalay ang kanilang sarili mula rito at sa kanilang masuwaying mga pinuno, o sila’y mapapahamak at mawawala ang kanilang buhay doon (44:2-14).  Ang kaunting bilang ng lahat na tinawag na nalabi , ay humiwalay sa pagsunod sa kalooban ng Dios (44:28).  Ngunit ang karamihan sa nalabi ay nanatiling sumunod sa kanilang masuwaying pamumuno at piniling manatili sa Egipto.  Bagamat sila’y humiwalay sa iglesia, ang karamihan sa kanila ay hindi natuto ng aral na walang sinuman ay dapat tumingin sa tao, o magtiwala sa tao o umasa ng tulong mula sa tao, ngunit dapat tumingin sa Dios para sa lahat nilang gabay at tulong (17:5).
     Ang karamihan sa nalabi ay tumangging sumunod sa Dios at tumangging ihiwalay ang kanilang pakikipag-ugnay sa Egipto (sanlibutan) na nagpapatuloy na sundin ang kanilang sariling masasamang mga lakad (44:17); at ang lahat dahil sa kanilang pag-ibig para sa kanilang asawa (44:15).  Kaya, bagaman ang mga ito’y hiwalay mula sa iglesia, sila’y hindi na inari ng panginoon (44:26) at ang mga ito rin ay naging bahagi ng Babilonia (44:30, 46:1-26).

     Ito ang layunin ng Dios na ang tatlong lahi pagkatapos na ang bawat relihiyosong bansa (iglesia) sa buong sanlibutan ay mabihag, maugnay, mapamunuan at maging bahagi ng babilonia (27:7), na kanyang tatawaging papalabas ng babilong (na bilang lahat ng iglesia) ang lahat na magnanais na muling maging kanyang bayan (27:22, 29:10-14, 30:3).  Pagkatapos ng tatlong lahi, ang mapaghimagsik at masama, na naunang dinala sa babilonia, ay mamamatay, at ang panibagong pulutong ng mga indibiduwal ay susubukin upang makita kung sino ang nais nilang sundin ang Dios o ang tao.  Muling tatawagan ng Dios ang kanyang bayan palabas mula sa kanilang tumalikod ng relihiyosong bansa, patungo sa karanasan sa ilang na kung saan doon lamang masusumpungan ang kanyang biyaya (31:1-2) Dahil sa kanyang walang hanggang pag-ibig at awa, kanyang tatawagin at ilalapit ang sinomang hindi lalapit sa kanya na humiwalay para sa kanya (31:3).  Kanyang layunin na kanyang itayo at itatag tanging ang mga ito bilang kanyang bundok ng Sion (31:4-6) at nalabing bayan (31:7) Siya’y magigigng Ama lamang doon sa handang humiwalay sa Babilonia, na binubuo ng lahat ng relihiyosong bansa-kasama na ang dating piniling iglesia ng Dios.  Ang lahat ng mga bansa - walang isa man na liban - silang lahat ang bumuo kung ano Babilonia, at tanging yaong mga taong inihiwalay ang kanilang sarili mula sa kanilang Babiloniang iglesia na bumalik na mag-isa sa Panginoon, ay tatanggapin pa rin bilang piniling bayan ng Dios (31:8-9, 32:37-41, 33:6-11).
     Ngunit pagkatapos na ang panahon ay lumipas, marami ay naging pabaya at nagsawalang bahala na sila’y kabahagi ng babilonia.  Hindi nila nais na ang kanilang kapayapaan ay masira at tumangging humiwalay mula sa kanilang mala-Babilonia iglesia nang ang panawagan ay dumating sa kanila.
     Nasumpungan na mula sa lahat ng mga taong nakarinig ng panawagan na humiwalay at muling maging katangi-tanging bayan ng Dios, tanging ang maliit na nalabi ang kusang sumunod (Ezra 8:1-14).  Nasumpungan na ang karamihan ay piniling suwayin ang kalooban ng Dios, at nagkulang sa kanilang subukan.  Napag alaman rin na wala isa man sa mga anak ni Levi yaong mga ministro na itinalaga upang sundin ang lahat ng kalooban at mga ipinaguutos ng Dios - sa simula, ay naghiwalay ng kanilang sarili sa pagtalima sa kanya (Ezra 8:15).  Bagaman ang ilan ay kusang inihiwalay ang kanilang sarili sa huling pagkakataon na kanilang magagawa (Ezra 8:16-20), ang kanilang hindi agad na pagsunod ang nagtulak sa iba na sundin ang kanilang halimbawang mabilisang desisyon na makasama yaong mga handang humiwalay, na magtutulak sa iba na sundin ang kanilang halimbawa ng pagsunod at gayon din ng paghiwalay.  Ngunit ang kanilang kakaiba at walang - ingat na kawalan ng pagsunod (pagsuway) ay isang malungkot na pagpapakita ng kanilang tunay na pag uugali tungo sa mga layunin ng Dios para sa kanyang bayan.

     Ang buong nakalulungkot na kasaysayang ito ay higit sa nauulit ngayon! Isinaysay sa atin ng propeta.
     “Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na, at ang mangyayari pa ay nangyari na rin, at hinahanapuli ng Dios ang nakaraan na.” Eclesiastes 3:15.

     Kung kaya, ang ngayari na - ang kasaysayan ng Lumang Tipan - ay nauulit na mangyayari ngayon, at ang mangyayari pa - sa hinaharap - ay nangyari na sa nagdaan kasama sa kasaysayan ng Lumang Tipan ang Aklat ni Jeremias pati na ang lahat ng kanyang mga mensahe.  Kaya nga ang lahata ng mga bagay na inyong nabasa I\ay hindi lamang kasaysayan, kundi nauulit sa mga iglesia ngayon.

     Kaya muli, lahat ng mga bansa (mga denominasyon o mga iglesia) - na walang isa nang hindi - lahat ng mga iglesia ay uminom ng alak ng galit ng katampalasanan ng Babilonia.  Lahat ng denominasyon, pati na ang dating piniling iglesia ng Dios ngayon (Apok. 18:3) ay nangakiapid at nagpatutot sa kanya, at lahat ay kaugnay, napamunuan at bahagi ng Babilonia - na binubuo ang kanyang kaharian.  At ang tatlong lahi ay lumipas na buhat ng lahat ng mga iglesia ay naging patutot ng Babilonia - pati na ang dating piniling iglesia ng Dios (tingnan 8T 250)!

     Ano ang gagawin ng dios sa lahat ng mga patutot ng iglesia na bumuo ng Dakilang Babilonia?  Malinaw na sinasabi sa atin ng Aklat ni Jeremias.

     Ang Babilonia ay tunay na mawawasak, kasama na ang lahat ng kasapi, o sa anumang paraan ay kaugnay sa kanya (Jeremias 51:1, 12, 50:30).  Silang lahat ay matutulog ng walang hanggang pagtulog ng kamatayan (51:31, 57).  Ngunit hindi pinababayaan ng Dios ang kanyang bayan o pahihintulutan silang mapahamak ng walang alam kasama ng Babilonia (51:5)!
     Ang panginoon ay patuloy na nagbabangon ng kanyang tapat na tagapagbantay na nagsisipangisda at nagsisipangaso para sa kanyang bayan upang ilabas sila mula sa Babilonia (16:14-16).  Ang Dios ay tumatawag muli para doon sa lahat na nagnanais na maging kanyang pinling bayan upang ipahayag ito sa pamamagitan ng handang paghiwalay mula sa lahat ng kanilang Babiloniang iglesia, na manumbalik sa kanya na nagsisiiyak at nagsisisi para sa lahatnilang kasalanan, tungo sa isang tipanang pakikipagsundo nahindi kaylanman malilimutan (50:4-5).  Ang lahat ng kasapi sa lahat ng mga iglesia iniligaw ng kanilang mga pinuno at mga ministro, at nalimutan kung kanino sila makakasumpong ng kapahingahan - hindi sa kanilang mga iglesia, kundi sa panginoon (50:6).

     Kung nag kagayon ang Dios ay nagsugo ng isang bansa upang lusubin ang buong kaharian ng Babilonia at lahat ng pag-aari niya (50:9).  Kanyang isinugo ang kanyang bantay at tagapagtaas ng watawat (51:12), na binuksan ang kanyang lalagyan ng almas, na inilabas ang lahat ng kanayang almas (ang kanayang tunay na bayan- 50:25, 51:19-23), at kasabay nito ay ang pagsalakay sa buong kaharian ng Babilonia na tinatawagan ang lahat na luamabas at humiwalay mula sa kanya (50:8).  Ang kanyang tabak ay inilagay laban sa kanya at sa kanyang tagasunod (50:35-37), at maguutos sa kanyang mananamsam at magpapalis upang linisin ang kanyang bayan mula sa kanya (50:10, 51:2).  Siya ay mayroon ding kanyang mamamana na hinilagpusan ang kanilang pana laban sa kanya, at wala isa man sa kanilang matatalas na pana (mga salita) naibalik na may kabuluhan (50:9, 14, 29, 51:3, 11).  Ang lumulusob na kawal ay hindi manghihinayang (50:14), kundi hihiyaw ng malakas para sa lahat ng bayan ng Dios na magsitakas (50:15, 41-42).  Kung kaya kanilang pipigilan ang mga Babiloniang iglesia sa kanilang pagsisikap na mapaalis upang makapaghasik at makapag ani ng malaki sa kasapi ng kanilang bansa (50:16).  Ang sanggalangang dako at kuta (kabuuhan) ng Babilonia ay mangabubuwal (50:15, 51:44), at walang maiiwanang natakpan o hindi hayag sa kanya (50:26).

     Ang Dios, sa kanyang walang hanggang awa at pag-ibig, ay tumatawag sa lahat ng kanyang bayan na humiwalay mula sa lahat ng mag iglesia upang hindi sila madungisan ng mga patutot na babae- na maging bahagi ng kanilang mga kasalanan at pagkawasak - at mapahamak ang kanilang mga kaluluwa na kasama niya (51:6, 45).  At ito’y tunay na mangyayari sa dating piniling iglesia ng Dios ngayon: sila’y hindi makaparoroon sa langit, kundi mangapapahamak - papunta sa impyerno (tingnan ang 3RH 69, Kol. 3)!

     Ang babilonia ay nakuntento na manatili na walang ginagawa na may matibay na pagpigil sa kanilang mga kasapi, at nagsiurong na sa pakikipaglaban (51:30).  Ngunit pagkatapos na ang mensahena lumakas sa malakas na sigaw ay ibigay (Apok. 14:7-12, 18:1-5) at ang mga kawal ng Dios ay nakibaka laban sa kanya.  Siya’y lalaban upang hawakan ang kanyang kasapi na mahigpit kasama niya - na tumangging pawalan sila (Jeremias 50:33).  Bagaman siya’y nagsihugong na may dakilang tinig itoy wala ng magagawang mabuti, sapagkat walang walang makapagpapatigil sa kanya na masamsam at malipol, at lahat ng kanyang bihag ay mapapalaya - kung talagang nais nila (51:53-58, 64) Ang Panginoon ay malakas higit sa lahat ng kaharian ng Babilonia, at lahat ng kasapi ng kanyang bihag ay makaririnig ng kanyang tinig at pipili na umalis o manatili - susundin ang Dios o susundin siya (50:34).
     Ngunit katulad sa panahon ni Jeremias, pipiliin ng karamihan na suwayin ang Dios, at kanilang ulitin ang kaparehong karanasan ni Haring Zedekias.  Silay hindi kusang hihiwalay mula sa kanilang iglesia sa pagsunod sa kalooban ng Dios.  Sila’y magiging bulag, kabahagi ng Babilonia, at mamamatay doon, ngunit kanilang hindi makikita.  Habang yaong kusang humihiwalay mula sa kanilang iglesia, at nabuhay sa “Bagong Tipang” karanasan, ay tatangapin ng Dios.  Magiging kanyang anak na muli at ang Dios ang kanilang magiging Ama.  Sila ang magsisimula na maitayong muli ang kanyang templo, at bagaman lahat ng balakid ay laban sa kanila, maraming matitibay na pagsusumikap ay ginawa upang hadlangan at patigilin sila, ngutint ang kanilang manunubos ay mas malakas ng higit sa lahat ng kalaban.  Sila ang tatapos ng pagtatayo ng kanyang templo, sila na pinakabatong buhay nito (1 Pedro 2:5) at mapapa sa kanilang Panginoon magpakaylanman.

     Kung kaya ngayon, kung paanong sa mga araw ni Jeremias, ang landas ngbuhay (paghiwalay mula sa lahat ng mga iglesia) at ang landas ng kamatayan (manatiling kaugnay at kasapi sa loob), ay malinaw na ipinakikita sa lahat ng magnanais na makita at marinig.  Ang kasaysayan ay tunay na nauulit ngayon at lahat ay gagawa ng kanilang desisyon, na pipiliin kung alin panig ng labanan ang kanilang paninindigan at pino ang kanilang lalabanan - si Kristo o si Satanas.
     “Hanggang kaylan kayo mag-aalinlangan sa dalwang isipan?  Kung ang Panginon ay Dios, sumunod nga kayo sa kanya...” 1 Hari 18:21.

     “Datapuwa’t si Kristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan.  Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo, ngayon kung marinig ninyo ang kanyang tinig, huwag ninyong papagmatigasinang inyong puso...” Hebreo 3:6-8.

     “At kung maalala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran...ngunitsa ganang akin at ng aking sangkabahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.” Joshua 24:15.