"LET THERE BE LIGHT" Ministries
home  |  Tagalog Booklets

ANG  MALUWALHATING  WALANGHANGGANG
EBANGHELYO  AYON  SA  SALITA  NG  DIOS


First printing, 1998

Copyright  © 1998, held by

"LET THERE BE LIGHT" MINISTRIES (rs)
PO BOX 1776
Albany, OR 97321
U.S.A.
www.LightMinistries.com


     All rights reserved.  Permission is hereby given to reprint this booklet, provided that it is duplicated in its entirety without any change or comment.

     Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumulat sa alin mang tanggapan:

BOOKLETS
P.O. BOX 1776
ALBANY, OR  97321
U.S.A.


     Maaari ding sumulat upang tumanggap ng libreng pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng sulatan sa nasabing tanggapan.





Ang Maluwalhating Walanghangganggang Ebanghelyo Ayon sa Salita ng Dios


     Napakaraming "ebanghelyo" ang itinuturo, pinaniniwalaan at ipinahahayag ngayon katulad din naman ng iba't ibang paniniwala ng relihion. Lahat ng "mga ebanghelyo" na ito ay di maaring magkatotoo, sapagkat ang bawat isa'y sumasalungat sa ilang kaparaanan kabilang na ang lahat. Ngunit paano masusumpungan ng isang karaniwang tao ang tunay na "Ebanghelyo" at maiwasang sayangin ang oras na maniwala at sumunod sa huwad? Ang kasagutan sa tanong na ito ay simple lang: dapat tayong bumalik sa Biblia, ang banal na kasulatan ng Dios, kung saan masusumpungan ang tunay na Ebanghelyo at subukin lahat ang mga sinasabi ng tao kung ito'y totoo sa pamamagitan ng Banal na Salita.
     Sinabi ng Dios sa atin:
     "Sa kautusan at sa patotoo! kung sila'y hindi magsalita ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga [o liwanag] sa kanila." Isaias 8:20.


     Ang Biblia ay Banal na Salita ng Dios sinulat upong tumulong sa atin na maiwasang malinlang tungo sa kapahamakan, at maipakita sa atin ang tamang landas tungo sa buhay na walanghanggan. Ang Banal na Salitang ito ay hindi sinulat ng masama at mapanuso na mga tao, kundi sinulat ng mga banal na tao ng Dios na "kinilos ng Banal na Espiritu" (2 Pedro 1:21) at ang pinakamainam na salin na pag-aralan ay ang "King James version". Kung kaya't sa pagsusuri ng Banal na Salita na ang karaniwang tao ay makaunawa kung ano ang tunay na Ebanghelyo. At ang lahat ng mga Kasulatan, hindi lang ang ilan, ay kinasihan ng Dios at ito'y basihang lahat ng doktrina, sa pagpuna, sa pagtama ng kamalian, at ng turo ng katuwiran.(1)

     Ano ba ang sabi ng Dios, sa pamamagitan ng Banal na Biblia, ang tungkol sa Ebanghelyo? Ang Ebanghelyo sa literal na kahulugan ay ang pagdala ng mabuti at masayang pabalita sa iba.(2) Ngunit anong klase ba ng mabuting pabalita? Ang Ebanghelyo ay patungkol sa kaligtasan ng sangkatauhan.(3) Ngunit bakit kailangan ng tao ang kaligtasan? Upang masagot ang katanungang ito, dapat tayong bumalik mula sa pinakasimula ng kasaysayan ng mundo.
     Nang lalangin ng Dios ang mundo, Kanyang ginawa ito ng sukdulang kagandahan at kamahalan.(4) At dito sa walang kapintasang mundo, nilalang ng Dios si Adan at Eba.(5) Sila ay sakdal, sa katawan, isipan, at espirituwal. Pinagkalooban sila ng Dios ng lahat nilang kailangan para sa lubos nilang kaligayahan. Ang lahat ng ito'y ipinagkaloob na may puspos na habag sa ilalim ng isang kundisyon.
     "At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka." Genesis 2:16-17.

     Subalit si Adan at Eba ay kapwa na nagalinlangan sa Dios at piniling kumain ng bunga ng ipinagbawal na puno, at sila'y lumabag sa sinalitang kautusan ng Dios anupa't sila'y nakagawa ng kasalanan.(6) Sila'y biglaang nahulog mula sa kanilang mataas at tampok na posisyon ng katuwiran, at napunta sa ilalim ng kaparusahan ng kasalanan - kundi ang kamatayan.(7)

     Dahil hindi ang Dios ang nagtulak kay Adan at Eba na labagin ang Kanyang Utos at magkasala, sino ang awtor, o ang may pananagutan sa paglalang, ng kasalanan at kamatayan? Si Lucifer, o Satanas, o ang Diablo.(8) Ang Biblia ay nagpahayag na sa dahilang pinili ng tao na magkasala sa hindi pagsunod sa Dios - ang kanilang Manlalalang at Awtor ng buhay - na labagin ang Kanyang kautusan, dalawang malaking bagay ang nangyari.

#1) Si Adan at Eba ay kapwa sumailalim bigla sa paghahari ni Satanas. Sila'y naging walanghangang alipin niya at namuhay ng miserable at wasak na pamumuhay ng pagkaalipin sa kasalanan. Hindi na muling makasunod sa kalooban ng Dios, sapagkat si Satanas na ang kanilang naging hari at- pinuno.(9)

#2) Ang kasalanan ay di makakapanahan sa presensya ng Dios na di matutupok ng Kanyang kaluwalhatian at kaningningan. Kung kaya't ang tao ay humaharap sa walanghanggang pagkahiwalay mula sa Dios - ang kanilang mapagmahal na Hari.(10)

     Ngunit bakit hindi nalang gawin ng Dios, dahil sa pag-ibig Niya sa Kanyang nilalang, na palitan o baguhin ang Kanyang binitiwang salita o kautusan upang mailigtas ang tao sa resulta ng paglabag ng kautusan at magkasala? Hindi maaari, sapagkat ang Dios ay di makapagsi-sinungaling; Siya'y di magpapalit ng isipan o baguhin man ang Kanyang kalooban upang tumugon sa sitwasyon; Siya'y di dalawang-mukha at hinding-hindi mapagkunwa.(11)
     Maliwanag Niyang sinabi:
     "Ang tipan Ko'y hindi Ko sisirain ni Akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa Aking mga labi." Mga Awit 89:84.

     Kaya't alam natin na ang Dios ay Isa na di ikakatwa ang Kanyang bayan - Siya ay Dios na lubos nating mapagkakatiwalaan, at alam na tayo'y makakapanahang ligtas sa Kanyang mga kamay.(12)
     Kung babaguhin o papalitan ng Dios ang Kanyang kautusan upang iligtas ang tao sa kanilang mga kasalanan ito'y magpapatunay lang na Siya ay mali ng pagbigay sa tao ng kautusan na di naman nila kayang tupdin. Kaya ang Dios, hindi si Satanas, ang may kapananagutan sa kasalanan! Ito'y magdudulot ng pagkabagsak ng kaharian at gobyerno ng Dios, at si Satanas ay mabibigyang dahilan sa kaniyang rebelyon. Kaya di maaaring baguhin o palitan ni isang utos ng Kanyang kautusan upang iligtas ang tao sa kanilang mga kasalanan.

     Subalit hindi pinabayaan ng Dios ang Kanyang masuwaying nilalang na manatili sa walanghanggang pagkawalay mula sa Kanya (ang pinagmulan ng lahat ng buhay) na manatiling walanghanggang alipin ni Lucifer (ang nag-umpisa ng lahat ng kamatayan), sa walanghanggang pagka-alipin ng kasalanan at kamatayan ng wala anumang pagasa na muling makabalik sa pagkakasundo sa Dios, sa Kanyang kautusan, at masayang pakikipag-ugnayan sa Kanya muli. Hindi pahihintulutan ng Dios na si Satanas ay magwagi magpakailanman, bagkus Siya'y nagbigay, nang may labis-labis na halaga, ng isang daan ng pagkalaya sa sinuman at lahat ng may tunay na pagnanais na maka-alis mula sa mahigpit na paghawak ng Satanas at bumalik sa pakikiisa at pakikisundo sa kanilang mapagmahal na Dios. At itong daan ng pagkalaya
ay ibinigay ang madaliang tao na nagpasya sa kasalanan.
     "At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kanyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong." Genesis 3:15.

     Sino itong "binhi" ng babae na dudurog sa ulo ni Satanas, o makakadaig at makakahigit sa kanya, at bigyan ang sangkatauhan ng daan ng pagkalaya mula sa malakas nitong kaaway? Si Jesukristo.(13) At sino si Jesukristo? Ang Anak ng buhay na Dios.(14)

     Ang Dios Ama na lubos ang pagmamahal sa sangkatauhan ay kusang-loob na nagbayad ng pinakamalaking halaga na kaya Niyang ibayad upang iligtas tayo - ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak na si Jesukristo upang bigyan tayo ng daan ng pagkalaya, upang maligtas tayo mula sa kasalanan, mula kay Satanas, at mula sa walanghanggang kamatayan!
     "Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan; kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya. Na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa Kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay, at Akin siyang ibabangon sa huling araw." Juan 3:16-17, 6:40.

     Ang paglabag sa alituntunin at kautusan ng Dios ang naghiwalay sa atin mula sa Ama, at tayo'y nalayo ng pakikisundo sa Kanya kundi mayroong pagaalitan sa Kanya at sa Kanyang katuwiran. Ang ating mga kasalanan ang gumawa ng malawak at malaking agwat sa gitna ng Dios at sa atin.(15) Subalit sa pamamagitan ni Jesukristo - ang naguugnay sa gitna ng Dios at ng tao(16) - ang Ama ay nagbigay ng daan upang tayo'y magkaroon ng pagaalitan sa kasalanan at kay Satanas, at sa gayo'y maibalik muli sa pakikiugnay at pakikiisa sa ating mahabaging Dios. Ano pang mas higit na maibibigay ng Dios upang ipakita sa atin kung gaano Niya tayo kamahal, kundi ang sarili Niyang Anak? Anong klaseng pag-ibig ang dito'y ipinakita?
     "Oo, inibig kita ng walang hanggang pag-ibig; kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob." Jeremias 31:3.

     Ito ang dahilan kung bakit ang tunay na Ebanghelyo ay naka-sentrong paikot kay Jesukristo; hindi kay Buddha, o Krishna, o Confucius, o Maitreya, o sinumang tao; kundi paikot kay Jesus.(17) Tanging si Jesus ng Nazareth ang Siyang pinakahuling pahayag ng walanghanggang pag-ibig ng Ama sa iyo at sa akin.(18)
     "Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, Ako ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko...Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama..." Juan 14:6,9.

     Subalit paanong nagbigay si Jesus ng daan ng pagkalaya sa atin? Sa pagkakaroon ng walanghanggang tipan sa Dios Ama para sa kaligtasan ng sangkatauhan.(19)
     Nuong piliin ng tao na labagin ang kautusan ng Dios at magkasala, kamatayan ang kabayaran. Subalit ang kabayarang ito ay di kaagad ipinatupad sapagkat kusang-loob Niyang pinahintulutan ang Kaniyang bugtong na Anak na ialay ang sarili na kahalili upang magdanas sa kabayaran ng kasalanan sa ating lugar. Ang walanghanggang tipan para sa ating kaligtasan ay naganap sa gitna ng Ama at ng Kanyang Anak. Si Jesukristo ay mag-aalay ng Kanyang sariling buhay upang maging handog kahalili ng ating buhay! Siya'y nagkusang-loob na mamatay, at magbuhos ng Kanyang sariling mamahaling dugo, upang bigyan ang nahulog na sangkatauhan ng pag-asa na mailigtas at maibalik muli sa Ama. Kaya't kahit si Adan at Eba ay may pagkaligtas! Kung kaya't si Jesus ay, sa pinakadiwa, pinatay na mula pa ng itatag ang mundo!(20)
     Ito ay nangangahulugan lang na si Jesukristo ay umiiral o nananatili na bago paman nagkasala si Adan at Eba, sapagkat inalay na Niya ang Kanyang buhay na ipapatay para sa kabayaran ng kasalanan mula pa ng itatag, o pasimula, ng mundo. At ito mismo ang siyang ipinahayag ng Mga Kasulatan.(21)
     Sa katunayan, si Jesus ang lumikha ng mundo at lahat ng narito!
     "Nang pasimula Siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan Niya, at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala Siya." Juan 1:1-3.

     "[Ang Dios] ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan ng Kaniyang Anak, na Siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman Niya'y ginawa ang sanlibutan." Hebreo 1:2.

     Kaya itong maluwalhating Ebanghelyo ng kaligtasan ay ipinangaral na kay Adan at Eba pagkatapos nilang magkasala, na siyang nagbigay sa kanila ng daan ng pagkalaya mula sa tiyak na kamatayan - na talaga nga namang tunay na mabuti at masayang pabalita sa kanila!

     At saka, upang lubos na maikintal ang kateriblihan ng paglabag sa walang katapusan at di-mababagong kautusan ng Dios,(22) at mapaturo kay Jesus bilang ating handog sa kasalanan, itinatag ng Dios ang sistema na tumawag sa paghahandog ng inosenteng tupa. Itong maamong hayop ay papatayin at ang dugo nito'y ibubuhos sa bawat isa at bawat saglit na ang kautusan ng Dios ay labagin at magkasala ang isang tao. Ang sistema ng paghahandog na ito ay ibinigay kay Adan at Eba at sa kanilang mga kasunod na salin lahi,(23) at siyang simbolo ni Jesus bilang handog sa ating mga kasalanan, ay nakaturo pasulong sa kung kailan si Jesus ay literal na ihahandog bilang tupa at patayin, na ang Kanyang dugo ay mabuhos, para maging handog sa ating kasalanan.(24) Kaya, ang maaninong sistema ng paghahandog at ang mga kautusan na ito ay pinatibay pa ang Ebanghelyo, at sa simbolo ay itinaas si Jesus na Siya lamang ang tanging pag-asa sa kaligtasan.
     Ang Ebanghelyo rin na ito ay ipinangaral hanggang kay Abraham, at nakaturo patungo sa kung kailan si Jesus ay bababa mula sa langit at pahintulutan ang Sarili na maging kahalili natin para sa kasalanan, na tanggapin Niya ang kabayarang kamatayan upang bigyan tayo ng isa lamang daan ng pagkalaya mula sa pagka-alipin kay Satanas.(25)
     Pagkatapos ng Exodo mula sa Egipto, muling ipinagkaloob ng Dios ang dalawang pares na mga kautusan na ito sa Kanyang bayan. Muli Niyang ibinigay ang Kanyang di-nababago at walang katapusang kautusan sa pamamagitan ng pagbibigkas nito sa buong pandinig ng lahat Niyang bayan,(26) at ang Dios mismo ang Siyang sumulat sa pamamagitan ng Kanyang sariling kamay(27) upang wala ni isa man na makalimot nitong sampung utos.(28) At pangalawa, muling ipinagkaloob ng Dios ang Kanyang sistema ng paghahandog kalakip ang mga kautusan nito, at payagang isulat naman ito ni Moses.(29) Kaya ang Dios ang nagsalita at sumulat ng Kanyang sampung utos, subalit pinayagan Niyang isulat ni Moses ang mga kautusan ng paghahandog at
seremonya. Ginawa Niya ito para ipakita ang pagkakaiba nitong dalawang pares na mga kautusan at palatuntunan. At upang lalu pang ipakita ang pagkakaiba, ang patotoo o ang sampung utos ay inilagay sa loob ng kaban ng tipan doon mismo sa ilalim ng upuan ng awa,(30) na nagsasaad na ang awa ay ipagkakaloob doon sa sinomang makalabag ng alinman sa sampung walang-katapusang mga utos ng Dios. Datapwa't ang mga kautusan ng paghahandog ay inilagay sa tabi ng kaban,(31) na nagsasaad naman na ang mga kautusang ito'y pansamantala lamang.

     Ang lahat ng sistemang ito ng paghahandog at seremonya ay matibay na itinatag at naka-sentro kay Kristo. Kahit na ang saserdote, na siyang naglagay ng nabuhos na dugo ng tupa doon sa altar upang kabayaran o kapalit sa inihayag na kasalanan, ay kumakatawan kay Kristo. Kung kaya't sa tuwing ang sinoman ay mamamangha kung bakit ang inosenteng hayop, na wala anumang bahid (bilang sakdal) ay dapat na ihandog at ang kanyang dugo ay bumuhos upang kabayaran sa kasalanan, ang kanilang mga isip ay mapapabaling lamang kay Jesus! Kaya ang Ebanghelyo ay walang tigil na ipinangaral sa simbolo at anino sa buong kasaysayan.

     Ang maaninong pangangaral ng Ebanghelong ito ay pinatupad hanggang sa takdang panahon na si Kristo ay lumisan sa trono ng Kanyang Ama at ng Kanyang maluwalhating tahanan, hubarin ang Kanyang korona at makaharing damit, iwanan ang Kanyang posisyon na awtoridad at karangalan sa mga korte ng kalangitan, lisaning lahat ang pagsamba ng lahat ng di-nagkasalang mga anghel, at bumaba dito sa madilim na mundo na punung-puno ng pagkatuyot at pagkasira bakas ng sumpa ng kasalanan.(32)
     "[Si Jesukristo] na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: at palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus." Filipos 2:6-8.

     Ito ay totoong mahiwaga!
     "At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; yaong nahayag sa laman, pinapaging banal sa Espiritu, nakita ng mga anghel, ipinangaral sa mga bansa, sinampalatayanan sa sanlibutan, tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian." 1 Timoteo 3:16.

     Bakit nga ba ang Anak ng Dios ay bumaba dito sa mundo at ipanganak na isang mahinang sanggol? "At siya'y [Maria] manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS: sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan [mula] sa kanilang mga kasalanan." Mateo 1:21.

     Ngunit paanong maililigtas ni Jesus ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan, at sa gayo'y makamtan nila ang buhay na walanghanggan? "Sapagkat sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagkat si Kristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya; na siya'y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang Kaniyang bibig..." 1 Pedro 2:21-22.

     Si Jesus ang huwaran, o ang halimbawa, o ang kopya ng lahat ng sangkatauhan na gayahan upang mapasa kanya ang walanghanggang buhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya.(33) At sa pagtingin kay Jesus - ang Awtor ng ating pananampalataya(34) - at sa pagsusuri sa Kanyang buhay, tiyak nating makikita ang dapat rin nating gawin at kopyahin sa ating buhay. At ano nga ba ang naging tema ng buhay ni Kristo?
     "Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso." Mga Awit 40:8.

     Bakit inilagay ni Jesus sa loob ng Kanyang puso o isip ang kautusan o salita ng Kaniyang Ama?
     "Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo." Mga Awit 119:11.

     "Sapagka't ang salita ng hari ay may kapangyarihan..." Eclesiastes 8:4.

     Kaya nga pinili ni Jesus na hayaan ang kautusan ng Dios na maisulat sa Kanyang puso, upang sa gayon ay mapasa Kanya ang biyaya at banal na kapangyarihan upang Siya'y di makalabag sa kautusan ng Dios at makagawa ng kasalanan.

     Namuhay ba si Kristo sa buo Niyang buhay na may lubos na pagsang-ayon at pagsunod sa walang hanggang kautusan at alituntunin ng Kanyang Ama na di lumabag kahit isa man doon at nakagawa ng sala ni isang saglit? Oo!(35) At ang Mga Kasulatan ay nagsasabi sa atin na si Kristo ay tinukso na gumawa ng masama at magkasala sa bawat yapak ng Kanyang buhay.(36)

     Subalit ang Dios ba ay matutukso na gumawa ng masama at magkasala? Hindi.(37) Ngunit si Jesus ay tinukso upang makagawa ng mga bagay na ito! Kaya't sa anong likas namuhay si Jesus sa buo Niyang buhay habang nandito sa mundo upang mabigyan ang nahulog na sangkatauhan ng halimbawa at huwaran ng pagsunod na di malabag ang mga kautusan ng Kanyang Ama? Si Jesus ay namuhay sa likas ng tao!

     Si Jesus ay kapwa Dios(38) at tao(39) na magkasabay.(40) Subalit hindi pinili ni Jesus na mamuhay sa likas ng Kaniyang Kadiyosan habang nandito sa mundo sapagka't hindi natin kayang tumagal sa Kanyang liwanag at luwalhati. Pinili Niyang takpan ang Kanyang pagka-Dios at kaluwalhatian sa paggamit ng ating likas sa laman upang Siya'y makapamuhay sa ating kalagitnaan na katulad natin.
     Subalit pinili ba ni Jesus na mabuhay at gapiin ang tukso at kasalanan sa di-nahulog na likas - na siyang likas ng mga anghel at siyang taglay ni Adan bago siya magkasala? O sa nahulog na likas na siyang taglay mo at ako?
     "Sapagkat tunay na hindi niya tinutulungan ang [o sa mas malapit na salin - 'taglay ang likas ng'] mga anghel; kundi tinutulungan [o taglay] niya ang binhi ni Abraham." Hebreo 2:16.

     Hindi nakuhang taglayin ni Kristo ang di-nahulog na likas ng mga anghel, bagkus Kanyang nakuhang taglayin sa Kanyang sarili ang nahulog na likas na mayroon si Abraham at David, at likas na mayroon tayong lahat.(41)
     "Kaya't nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kanyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan." Hebreo 2:17.

     Ibig sabihin lang nito na ang ating Tagapagligtas ay nagtaglay ng nahulog, makasalanang likas ng tao sa Kanyang sarili, kaya nga't nadarama ang lahat ng tindi ng mga pagnanasa at pagkakiling sa kalooban Niya(42) patungo sa pagkagawa ng kasalanan - katulad ng karanasan mo at ako.(43) Subali't si Kristo, sa patuloy Niyang pagtitiwala sa Kanyang Ama para sa kalakasan at biyaya,(44) ay hindi kailanman Siya bumigay sa mga tukso ni Satanas at dito sa panloob na puwersa ng pagnanasa na magkasala, kahit na sa pinakamaliit na bagay.(45) Kanyang tinuligsa ang kasalanan sa Kanyang sariling katawan(46) at sumunod sa kolooban at kautusan ng Dios na sakdal.(47) At bakit kinuhang taglayin ni Kristo ang nahulog na likas ng tao sa Kanyang sarili? Upang Kanyang maranasang tuwiran sa Kanyang sarili kung ano ba ang dinadanas mo at ako kung tayo'y tinutukso at sa gayo'y karapat-dapat na makatulong natin sa oras na tayo'y tinutukso; at upang Kanyang patunayan na ang kautusan ng Dios ay kayang maingatan - sa nahulog na likas ng tao - na hindi nalalabag ito. Kung kaya't si Kristo ay tunay ngang karapat-dapat na magbigay ginhawa at tulong sa atin na daigin ang anumang mga tukso.
     "Palibhasa's nagbata Siya sa pagkatukso, Siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso." Hebreo 2:18.

     "Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa [kay Kristo na] nagpapalakas sa akin." Filipos 4:13.

     Nang ipanganak, si Kristo ay sakdal at walang kasalanan,(48) subalit Siya ay wala pang ganap at kumpletong pagkatao o karakter.(49) Siya, katulad mo at ako, ay dapat na lumago sa Kanyang karakter tungo sa katuwiran sa pamamagitan ng pag-aaral ng pagsunod sa Dios at Kanyang mga kautusan.(50) Natuto si Jesus na sumunod kaya't lumago ang Kanyang karakter tungo sa katuwiran sa pagtanggi Niya sa mga tukso - sa pagtanggi Niyang ipagkaloob ang mga pagnanasa ng Kanyang nahulog na likas ng tao na siya Niyang tinaglay. Kinailangan Niyang tanggihan ang sarili at isuko ang Kanyang kalooban tulad ng isang alipin,(51) di upang kaluguran ang Sarili,(52) kundi para sundin ang kalooban ng Kanyang Ama sa lahat ng bagay. Dahil sa patuloy na pagtanggi ni Kristo sa Kaniyang sarili, ito'y nagdulot ng labis na mga pakikipagbaka sa kalooban na naganap laban sa Kanyang nahulog na likas ng tao. Ngunit sa pagtitiwala Niya doon sa Ama para sa lakas at biyaya, si Kristo ay palagi namang naging masunurin sa kautusan at mga alituntunin ng Dios, at magwagi sa lahat ng kasamaan. Kaya nga't si Kristo ay lumago sa Kanyang karakter tungo sa pagkasakdal sa pamamagitan ng mga bagay na Kanyang binata sapagka't Siya'y umayaw sa tukso at kasalanan.(53)
     "Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot; bagama't siya'y Anak, gayonmay natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis; at nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walanghanggang kaligtasan ng lahat ng mga nagsisitalima sa kaniya..." Hebreo 5:7-9.

     "Sapagka't marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng sakit." Hebreo 2:10.

     Si Kristo ay naging masunurin hanggang kamatayan - kahit na ang kamatayan sa mapusok na krus.(54) Kaya Siya ay nagbigay sa buong sangkatauhan ng isang sakdal na halimbawa at huwaran na kung paanong tayo rin naman ay magwagi sa bawa't isang uri ng tukso katulad ng ginawa Niya.
     "Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan." Hebreo 4:15.

     Kaya si Jesus, ang ating mahabaging Tagapagligtas at Mananakop ay hindi malayo mula sa sangkatauhan,(55) subali't pinili Niya na maging napakalapit sa iyo at sa akin - pinili Niyang maging isa sa atin upang malaman Niya ang parehong mga pakikibaka ng kalooban na ating pinagdadaanan habang sinisikap nating ayawan ang tukso! Siya'y naging kabilang ng sangkatauhan upang ilayo tayo mula sa kasalanan tungo sa Kanya - upang iligtas tayo "mula sa ating mga kasalanan" hindi sa loob ng ating mga kasalanan!(56) At lagi Niyang pakikinggan ang panalangin ng yaong mga tunay na humihingi sa Kanya ng tulong.(57)

     Si Kristo, ang ating Manlilikha, ay kusang-loob na pumili na ipababa ang Sarili sa pamamagitan ng pakikiisa sa Kanyang sariling nilikha. Hindi lamang ito, kundi husto pa Niyang ipinababa ang Sarili sa pamamagitan ng pagkapanganak sa loob ng mababang klase ng lipunan; isang bata na galing sa isang klase ng dukhang manggagawa na alipin;(58) pinalaki sa loob ng pinakamasamang siyudad;(59) at kabilang sa lahat ng nasa ilalim ng pagka-alipin ng isang mananakop na bansa.(60) Hindi Niya pinili na ipanganak sa loob ng maharlikang pamilya ng isang namumunong hari, o sa loob ng isang mayamang pamilya, kundi Siya'y pumili na mapabilang sa pinakamababa. Anong klase ng pagpapakumbaba ang dito'y ipinahayag ng ating Tagapagligtas?
     Isang walanghanggang pagpapakumbaba! At wala ni isa man ang posibleng nagkaroon ng mahirap na karanasan ng kahirapan, kagipitan, kapighatian, o pagkatukso kaysa sa naranasan ni Kristo. Si Kristo ay nagkusang pinili na gawin ito para sa atin upang maabot ang kalaliman ng kapighatian at mababang kalagayan ng tao, at sa gayo'y karapatdapat na maihaon ang lahat ng tao pataas para matunghayan ang kanilang mapagmahal na Dios at Ama! Anong klase ng pag-ibig ang dito'y ipinakita sa atin? Isang walanghanggang pag-ibig!
     Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesukristo - ang naguugnay na kawing sa gitna ng Dios at tao - tayo'y magiging ganap sa harapan ng Dios,(61) magtamo ng biyaya at lakas upang tumayo,(62) makipagbaka laban sa at matagumpay na magwagi sa lahat ng mga tukso at mga kasalanan(63) patungo sa katuwiran(64) sa pamamagitan ni Kristo(65) na nagpapalakas sa atin.(66)
     Maaari bang itakwil palayo ng Dios ang sinoman kung sila'y lalapit sa Kanya ng may pagpapakumbaba at katapatan? Hindi! Ang ating Ama at ang Kanyang Anak na si Jesus ay hindi maitatakwil palayo ni isa mang tao - kahit ano pa ang kanilang nagawa sa ibang tao, o gaano karaming kasalanan ang kanilang natipon laban sa kanila!
     "At ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy." Juan 6:37.

     "Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya..." Hebreo 7:25.

     Si Jesus ang nagligtas sa atin mula sa walanghanggang kamatayan(67) sa pagdadala sa atin pabalik sa pagsangayon at pakikipagisa sa walanghanggang Ama at Kanyang walanghanggang salita o kautusan.(68) Ang ating Ama ay hindi sabik na parusahan yaong mga nagkasala ng isang mapusok ng kamatayan,(69) subali't nagsasaya na may awitin sa bawat taong nagbibigay ng kanyang puso sa Kanya!(70) At kung tayo ay tapat sa Dios hanggang sa wakas, tayo rin nama'y magaani ng walanghanggang buhay - hindi ng walanghanggang kamatayan.(71) Ito nga ay tunay na mabuti at masayang mga pabalita ng malaking katuwaan!

     Ang Dios Anak ay nakiisa sa Kanyang sariling nilikha upang Kanyang tuligsain ang lahat ng kasalanan sa loob ng nahulog na likas ng tao,(72) sa gayon ipinapakita at pinapatunayan sa lahat na kung ang tao (ikaw at ako) ay makiisa sa dibinidad o kabanalan (ang kapangyarihan at kalakasan ng Dios), ang kasalanan ay hindi pipiliin o gagawin man.(73) Sa gayon, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesukristo, tayo'y hindi na nga pipili pa na magkasala!
     "Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kanya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan; na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanlibutan dahil sa masamang pita." 2 Pedro 1:3-4.

     "Ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala, sapagka't ang kaniyang binhi ay nananahan sa kanya: at siya'y hindi maaaring magkasala, sapagka't siya'y ipinanganak ng Dios...Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kanyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama." 1 Juan 3:9, 5:18.

     Dahil sa walanghanggang pag-ibig sa iyo at sa akin - si Kristo ang siyang nagbata ng ating mga kasalanan - ginawa ang Kanyang sarili na kasalanan para sa atin.(74) Si Kristo ang nasugatan para sa ating mga kasalanan; Siya'y nasaktan dahil sa ating paglabag sa kautusan ng Dios. Siya ang nagbata ng ating kawalang katuwiran, upang tayo nama'y makatanggap ng Kanyang katuwiran. Siya ang hinampas at tumanggap ng maraming sugat, upang tayo nama'y mangagsigaling.(75) Siya ang nagbata ng kamatayan na ito nga ay sa atin, upang tayo nama'y makatanggap ng buhay na ito nga ay sa Kanya.
     "Siya'y hinamak at itinakwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinahalagahan siya. Tunay na kanyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. Ngunit siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalansang, siya'y nabugbug dahil sa ating mga kasamaan: ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat." Isaias 53:3-6.

     Pinili ni Kristo na kusang-loob na mamatay doon sa malupit na krus at mapatay tulad ng inosenteng tupa na may pagbubuhos ng Kanyang mamahaling dugo upang pagtibayin ang walanghanggang tipang ginawa sa Kanyang Ama at magdala ng kapayapaan sa gitna ng Dios at natin.(76) Sa Kanyang pagkamatay ay natupad at nagbigay ng katapusan sa maaninong sistema ng paghahandog ng mga uri at mga seremonya(77) upang Siya'y maging ating mataas na Saserdote(78) at Manananggol para sa harapan ng Kanyang Ama.(79) Kaya nga si Kristo ay nararapat na dalhin o alisin ang kasalanan ng buong mundo,(80) at linisin, ng Kanyang mamahaling dugo,(81) ang lahat nang yaong nagpapahayag at tumalikod sa lahat nilang mga kasalanan(82) mula sa lahat nilang kawalang-kaganapan.(83) Sa gayon tayo'y may pagkaligtas mula sa pagkaalipin ng kasamaan(84) at
maibalik muli sa ating Ama.(85)

     Ang pagkamatay ni Kristo sa krus ay tanging nagbigay lamang ng katapusan sa mga kautusan ng paghahandog at seremonya na isinulat ni Moses. Subalit ang pagkamatay ni Kristo ay di nag-alis, nagpalit, o nagbago man ng sampung utos ng Dios. Bagkus, ang pagkamatay ni Kristo ay ang pinakadakilang katibayan na nagpapakita na ang sampung utos ay dapat na sundin hanggang ngayon! Dahil kung mababago ng Dios ang Kanyang kautusan, si Kristo nga ay hindi kailangan pang mamatay para sa paglabag sa kautusan na iyan. Si Kristo mismo ang naghayag na ang kautusan ng Dios sa wala anomang paraan ay mawawala hanggang ang lahat ng langit at lupa ay mawala.
     "Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay." Mateo 5:17-18.

     Kahit noong pagkatapos mamatay ni Kristo, sinabi ni San Pablo na ang sampung kautusan ay "banal, at matuwid, at mabuti" (Roma 7:12). Inihayag pati ni Pablo na kung ang alin man sa mga sampung kautusan ay babaguhin o papalitan, ito ay dapat na gawin bago mamatay si Kristo - hindi pagkatapos - katulad ng isang testamento na dapat baguhin o palitan bago mamatay ang taong gumawa ng testamento - hindi pagkatapos.(86) Dahil si Kristo ay hindi binago ang sampung utos bago Siya namatay sa kalbaryo, kundi bagkus inihayag pa na ito'y hindi mababago - kahit na sa maliit na antas - kung kaya ang mga kautusan ng Dios ay umiiral parin hanggang ngayon doon sa lahat ng may nais na maging mga alagad ng Dios.(87) Lalung-lalo na ang ikaapat na utos ay ipinapatupad pa rin!
     Ang banal na Sabbath ng Dios ay ang ikapitong araw ng isang linggo o Sabado, hindi ang Linggo na siyang ikaunang araw ng isang linggo.(88) Maraming mga mabuting kristiano ang naniniwala na ang araw ng Sabbath o Kapahingahan ng Dios ay nabago na mula sa Sabado tungo sa Linggo pagkatapos na si Kristo'y mamatay bilang pagkilala sa Kanyang muling pagkabuhay. Subali't ang Biblia ay hindi nagtuturo ng gayong bagay.

     Kahit pagkatapos ng pagkabuhay na muli ni Kristo, mismong si Pablo ay nagsabi na ang tanging araw ng Sabbath na dapat ipangilin ng mga alagad ng Dios bilang isang banal na kapahingahan ay ang kaparehong araw ng kapahingahan na itinatag doon sa Eden ng Dios - ang ikapitong araw ng isang linggo!
     "Sapagka't sa isang dako ay sinabi niya [Dios] ang ganito tungkol sa ikapitong araw, At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa...ay muling nagtangi siya ng isang araw...May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios. Sapagka't ang pumasok sa kanyang kapahingahan ay nagpahinga nga naman sa kaniyang mga gawa, gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa. Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway." Hebreo 4:4, 7, 9-11.

     Si Jesus mismo ang naghayag sa Sarili na Panginoon ng araw ng Sabbath,(89) at Siya parin ay hanggang ngayon ang parehong Panginoon ng kaparehong araw ng Sabbath! Sa katunayan, kung ating subukin na alisin ang sampung utos ng Dios sa pagsasabi na ito'y napako na sa krus, gayon ma'y atin ding inaalis ang pangangailangan kay Kristo bilang ating Tagapagligtas!
     Sa pamamagitan lang ng kautusan na ang kasalanan ay malalaman na kamalian.(90) Kaya kung ating alisin ang kautusan, samakatuwid wala ni isa man ang magkakasala sa paggawa ng kasalanan.(91) At kung wala ni isa man ang nagkakasala sa paggawa ng kasalanan, samakatuwid wala ni isa man ang dadanas ng kamatayan na kabayaran.(92) Kung gayon, bakit kinakailangan pa natin si Kristo bilang ating Tagapagligtas mula sa kasalanan at kamatayan?
     At isa pa, bakit kinakailangan pa natin ang mga ministro at relihion - na ang tanging layunin nito ay ilapit tayo kay Kristo para sa kaligtasan?
     Kaya iyong malinaw na makikita, na kung aalisin kahit isa sa kautusan ng Dios, iyo rin namang inaalis si Kristo at ang pangangailangan ng relihion.
     Kung kaya yaong sinoman na mag-angkin na alagad ni Kristo, gayonma'y ihayag na ang kautusan ng Dios ay hindi na dapat pang sundin, kanila lamang sinisira ang pinakapananampalataya na kanilang hinahawakan at inaalis ang Tagapagligtas na kanilang inaangking sinusunod!
     Hindi ang 10 utos ang siyang napako doon sa krus, kundi ang maaninong kautusan ng paghahandog at mga ordinansang seremonyal ang siyang napako doon sa krus sapagka't ito'y nagkaroon na ng buong katuparan kay Kristo bilang ating Handog at Mataas na Saserdote.(93) Dahil dito, ang lahat ng sampung utos - na sinulat ng Dios sa dalawang tapyas na bato ng Kaniyang Sariling kamay - ay hanggang sa ngayo'y umiiral pa rin.
     "Winawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi pinagtitibay pa nga natin ang kautusan." Roma 3:31.

     Nais ng Dios na isulat itong walanghanggang mga kautusan sa loob nang tapyas ng ating mga isip at puso.(94) At dito sa bagong tipan, o ang pagkaranas ng pagkanganak muli, tayo'y makakapag-silbi at makakasunod sa Dios mula sa di-hating puso na piliing huwag na hindi sundin Siya, kundi nagpapasiyang labanan ang Diablo at huwag nang makagawa ng kasalanan pa.(95)
     Subali't itong kautusan ng Dios ay walang kapangyarihan na iligtas ang sinoman. Ang tanging gawain lamang nito ay ituro palabas ang kasalanan sa ating buhay at hatulan tayo bilang karapatdapat sa kamatayan.(96) Ang kaalamang ito ang siyang magtutulak sa atin tungo kay Jesus - na Siyang tangi nating Tagapagligtas mula sa kasalanan at kamatayan.(97)

     Datapwa't, katulad din naman noong dalawang libong taon na nakaraan, marami sa mga nagpapanggap na alagad ni Kristo ay muling itinatakwil Siya. Hindi nila nais na ingatan ang lahat ng Kanyang mga utos upang lumaya mula sa kasalanan, sapagkat nais nilang magpatuloy sa pamumuhay nito! Ngunit ang tunay na kristiano ay patay sa kasalanan, at buhay kay Kristo: ang tunay na kristiano ay di nag-sisilbi at namumuhay sa kasalanan, kundi nagsisilbi at namumuhay kay Kristo.(98)

     Noong si Jesus ay dumating dito sa mundo bilang isang sanggol, lumaking ganap na lalaki, at nagsimulang ipangaral itong maluwalhating walanghanggang ebanghelyo sa iba, hindi mo ba iisipin na Siya'y magalak na tatanggapin nang mga nagpapanggap na sila'y mga alagad ng Dios? Hindi mo ba iisipin na Siya'y lubos na iibigin sa pagbibigay sa lahat ng tao, sa paghahandog ng sarili Niyang buhay, ng isang daan ng kaligtasan mula sa kasalanan at walang katapusang kamatayan? Subali't ano ba talaga ang nangyari?

     Si Kristo ay dumating upang magdala sa lahat ng tao, hindi lang sa isang lahi, palabas ng kadiliman patungo sa Kanyang kahangahangang liwanag ng katotohanan.(99) Ito'y ginawa upang palayain ang sangkatauhan mula sa ilalim ng pagkabilanggo sa kasalanan,(100) at mula sa pagiging mga bilanggo sa bulok na patutot ng mga iglesya (tinatawag na mga kulungang bahay o balon) at masamang pamumuno na piliing tanggihan itong katotohanan ng Ebanghelyo, na magpatuloy sa kasalanan, at yaong pumipigil sa iba na mapahiwalay at malaya kay Jesus.(101)
     Ang iglesyang bulok at karamihan sa mga tao ay itinakwil si Kristo at tunay ngang desidido na hadlangan itong Ebanghelyo na maipamulat sa iba sa paggamit ng mga taktika tulad ng pananakot, pagbabanta, at kahit kamatayan doon sa mga naghayag ng katotohan ng Ebanghelyong ito.(102) Ito'y nagdulot kay Jesus ng kalungkutan at paghihinagpis.(103)
     Si Jesus ay itinatwa din naman ng isa sa Kanyang sariling mga alagad na naghatid sa Kanya sa bulok na iglesya at masamang panguluhan.(104) At wala ni isa man sa mga alagad ni Kristo ang pumili na tumayo sa Kanyang tabi noong una; ngunit silang lahat ay tinalikuran Siya.(105) Ang bulok na iglesya at ang bayan ay nagkaisa kasama ng maykapangyarihang sibil ng Estado na ilagay si Kristo at ang Kanyang mga alagad sa kamatayan.(106) At ang pagkakaisang ito ang nagdulot sa iglesya at ng kanyang bayan na mapabilang sa espirituwal na Babilonia na isinusumpa ng salita ng Dios.(107)
     Si Kristo ay hinampas, pinalo, sinuntok, inabuso, dinuraan, pinagtawanan, hinila ang Kanyang balbas hanggang sa mabunot ito, pinutungan ng matulis na mga tinik hanggang tumusok sa Kanyang ulo at mga pakong pinukpok sa kapwa Niyang mga kamay at paa, at ipinako sa magaspang na kahoy na krus ng mga taong nagpapanggap na sila'y mga alagad ng Dios.(108) Ang mismong bayan na nagsasabing sila'y tagapagingat ng kautasan ng Dios ang siyang pumatay sa sarili nilang Tagapagligtas - ang Mensahero ng tipan ng kapayapaan sa Dios.(109) Ginawa nila ito, at pinagmalupitan ang mga tunay na alagad ni Kristo, sapagka't hindi nila nais na maging malaya mula sa kasalanan, kundi nagnais na magpatuloy na mamuhay dito.(110) At ang ganitong kasaysayan ay muling mauulit doon sa nangangaral at tumatayo para sa katotohanan ng Dios ngayon.(111) Hindi lahat ng nagsasabi na sila ay kay Kristo ay tunay Niyang mga alagad!(112) Ngunit ang ating posisyon nga ay "dapat muna tayong magsitalima sa Dios bago sa mga tao" (Mga Gawa 5:29).(113)
Ngunit ang ating mapagpalang Tagapagligtas ay di nagtigil sa hukay, nguni't matagumpay na bumangon mula doon.(114) Siya ay umakyat sa langit upang humarap sa Dios bilang ating Mataas na Saserdote at Tagapagtanggol.(115)
     Siya ngayon ay nagtutubos at nagpapatawad ng mga ipinahayag at iniwanang kasalanan ng Kaniyang nagsisising bayan kasama ng Kanyang dugo, hanggang Kanyang matapos ang Kanyang gawaing pagtutubos sa kabanalbanalang dako ng sanktuaryo sa langit.(116)

     Maraming naniniwala na ang gawaing pagtutubos ni Kristo ay natapos na doon sa krus nuong 2,000 taong nakakaraan na. Ngunit ang Biblia ay hindi itinuturo ito. Sinasabi sa atin ng Dios na bago ang anumang kasalanan ay matubos, ang isang paghahandog, kasama ng pagbubuhos ng dugo nito, ay kailangang maganap muna. Pagkatapos, itong nabuhos na dugo ay kinakailangang dalhin ng saserdote sa loob ng sanktuaryo at ilagay sa ibabaw ng altar.(117) Ang pagkamatay ni Kristo sa krus, kasama ng Kanyang mamahaling dugo na nabuhos, ang Siyang pinakahuli at isang beses na paghahandog para sa katubusan ng kasalanan.(118) Kaya nga, ang pagtutubos ay hindi nga maaring matapos doon sa krus dahil si Kristo ay hindi pa nga namumuno bilang ating Mataas na Saserdote doon sa Sanktuaryo sa langit hanggang pagkatapos ng Kanyang pag-akyat sa langit.(119) Ngunit si Kristo ay namumuno ngayon bilang ating Mataas na Saserdote sa kabanalbanalang dako ng sanktuaryo sa langit na nagpapatawad at nagtutubos para sa ating mga ipinahayag at iwinaksing kasalanan kasama ng Kanyang mamahaling dugo na kusang-loob Niyang ibinuhos para sa iyo at sa akin.
     "Datapwa't siya [Jesukristo], sapagka't namamalagi magpakailanman ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan. Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila." Hebreo 7:24-25.

     Purihin ang Dios sapagka't si Kristo ngayon ay namamagitan at nagtutubos para sa Kanyang bayan dahil sa patuloy na paggawa ng kasalanan. At si Kristo ay magpapatuloy na magtutubos at magpapatawad ng ating mga ipinahayag at iwinaksing kasalanan hanggang matapos ang Kanyang gawaing pagtutubos. Pagkaraan na si Kristo ay matapos nang Kanyang gawaing pagtutubos, ang pinto ng awa ay sarado na, at kung ang sinoman ay makagawa ng kasalanan pagkatapos ng panahong ito, ito ay hindi na mapapatawad pa.(120)
     Kaya ang lahat ng kasalanan ay kailangan na iwaksi na ngayon bago pa matapos ni Kristo ang Kanyang gawaing pagtutubos.(121) Si Kristo ay muli ngang babalik sa ikalawang ulit(122) upang iligtas ang Kanyang bayan na nagiingat ng Kanyang utos mula sa lahat nilang mga kaaway,(123) at bigyan ang Kanyang masunuring bayan ng nararapat nilang gantimpala sa pagdadala sa kanila sa langit na maging kasama Niya at ng Kanyang Ama magpakailanman.(124)
     Samantala yaong nagpatuloy na masuwayin ay tatanggap naman ng nararapat nilang gantimpala at mapapawalay naman mula kay Kristo at sa Kanyang Ama magpakailanman sa pagkapuksa.(125)
Ngunit walang sinoman ang kailangan na mapahiwalay mula sa Dios at mapuksa sapagka't si Kristo ay gumawa na ng posibleng paraan upang ang lahat ng tao ay maging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya at banalin sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, at sa gayon ay magmana ng walanghanggang buhay.

     Marami ang nais na manahan lamang sa ibabaw ng pagiging-ganap sa pananampalataya lamang at tuluyang kalimutan ang kahalagahan ng pagpapakabanal. Nguni't kapwa ang pagaaring-ganap at pagpapakabanal ay kinakailangan para sa kaligtasan!
     Ang pag-aaring ganap ay ang walang bayad na kaloob ng Dios at ang buong kapatawaran mula sa nakaraan, kinilala, ipinahayag, at iwinaksing mga kasalanan, at ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.(126) Wala ni isa tayong kakayanan, kahit malaki o maliit man, na maging karapatdapat sa ating sarili na mapaaring-ganap.(127) Ang pagaaring-ganap ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus bilang ating personal na Tagapagligtas.(128) Kung tayo'y mapagkumbabang lalapit sa Kanya na tinatalikuran ang ating masasamang gawain. Kung kaya't si Kristo ay aariin tayong ganap, patatawarin ang mga ipinahayag na mga kasalanan ng nakaraan, at isusuot ang Kanyang mamahaling damit ng katuwiran sa ibabaw ng ating kahubaran.(129) Nguni't ang pagaaring-ganap ay hindi mananatili habang ating binabalewala ang kautusan ng Dios; lalo pang hindi matatakpan ng mamahaling puting damit ni Kristo kahit ni isang nalaman na kasalanan ngunit hindi ipinahayag ito(130) - ito ay hindi minsa'y naligtas, lagi na lang naligtas.
     Nguni't ang pagpapakabanal ay hindi makakamtan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang; ito'y dumarating sa pamamagitan ng paglakad araw-araw kasama ni Jesus - ang ipinapamuhay sa ating sarili ang Kanyang buhay, at gumaganap ng Kanyang salita.(131) Ang pagaaring-ganap ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, samantala ang pagpapakabanal ay ang paglalahok ng pananampalataya at mga gawa. Oo, tayo ay inaring-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, ngunit tayo ay hahatulan sa pamamagitan ng ating mga gawa.(132)

     Ang katotohanan tungkol sa pagaaring-ganap at pagpapakabanal ay may tulad sa pagsasagwan ng isang bangka; ang isang sagwan ay pananampalataya, at ang isa naman ay mga gawa. Kung ikaw ay magsasagwan lamang ng sagwan ng pananampalataya, ikaw ay lulutang lamang paikot sa laot at sa bandang huli ay maaanod sa talon tungo sa pagkawasak. Ang eksaktong kaparehong bagay ang mangyayari kung ikaw ay magsasagwan lamang ng sagwan ng mga gawa. Nguni't kung iyong gagamitin kapwa ang pananampalataya at mga gawa ng magkasabay, ikaw ay panatag ng makakaahon sa agos at maiwasan ang kamatayan.

     Dapat tayong LUMAKAD sa matuwid na daanan ng kaligtasan;(133) dapat tayong LUMAKAD ayon sa Espiritu(134) na iniingatan ang lahat ng mga utos ng Dios,(135) hindi lang nakatayo na walang ginagawa at basta lamang naniniwala na maaabot natin ang dulo ng landas sa pamamagitan ng positibong pagiisip. Dapat tayong TUMAKBO sa takbuhang nakatakda sa harap natin,(136) at maging TAGATUPAD ng mga kautusan ng Dios kung nais nating makamtan ang buhay na walanghanggan.(137) Kung naniniwala tayo na makakamtan natin ang langit sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, nguni't patuloy nating nilalabag ang mga utos ng Dios at mamuhay sa kasalanan, samakatuwid ang ating pananampalataya ay hindi buhay at nagliligtas na pananampalataya, kundi isang patay at palalong pananampalataya!
     "Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? Makakapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?...Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay sa kaniyang sarili...Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay." Santiago 2:14, 17, 26.

     Sa katunayan, yaon lamang mga lumakad dito sa matuwid at pataas na makipot na daan ng pagpapakabanal, at hindi yaong mga naniniwala lamang na ang pananampalataya lamang ang makapagliligtas sa kanila, ang siyang maililigtas ng Dios at maiingatan sila mula sa pagkatisod sa kasalanan(138) at kung magkagayon ay maihaharap silang walang kapintasan sa harapan ng Kanyang trono!
     "Ngayon doon sa mapagiingat sa inyo (yaong mga tinawag o pinabanal - tingnan ang ber.  Mula sa pagkatisod, at sa inyo'y makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian..." Judas 24.

     Nguni't gaano karaming mga nagpapanggap na alagad ng Dios, sa panahon ni Kristo, ang pumiling tanggapin Siya bilang kanilang Tagapagligtas at tanggapin itong walanghanggang Ebanghelyo? Napaka unti. At gaano karaming mga nagpapanggap na alagad ni Kristo ngayon ang tatanggap nitong kaparehong mensahe ng Ebanghelyo ng kaligtasan at kalayaan mula sa kasalanan? Napaka unti.(139) Marami ang kukuha ng katulad ng masamang hakbang ng mga Judiong saserdote, at ipapakong muli si Kristo sa pamamagitan ng pagtatanggi nila dito sa tunay na Ebanghelyo.(140) Ikaw din ba, mahal na bumabasa, ay muling ipapako si Kristo sa pagtatanggi nitong maluwalhating Ebanghelyo ng iyong kaligtasan mula sa kasalanan? O iyo bang tatanggapin itong maluwalhating Ebanghelyo at hayaang papasukin si Jesus sa iyong puso at buhay, upang maging tagasunod ng kalooban at salita ng Dios? Iyo bang itatakwil ang malaking sakripisyo ng pag-ibig ni Kristo para sa iyo, at hayaan Siyang mamatay ng walang saysay para sa iyong kaluluwa? O iyo bang tatanggapin Siya at lumakad sa daan at kaligtasan na ang iyong kamay ay nasa Kanyang malakas na bisig? Iyo bang yayakapin ang kasalanan at tatanggihan si Jesus, at magdusa ng walanghanggang kamatayan? O iyo bang yayakapin si Jesus at tatanggihan ang kasalanan, at magtamasa ng walanghanggang buhay? Gayunpaman, kahit alam na ni Jesus na Siya ay tatanggihan at ipapako ng sarili Niyang nagpapanggap na bayan, Siya'y nagnais pa ring magpatuloy sa lahat ng ganitong sakripisyo(141) upang ikaw at ako, kung mahal natin Siya, at may nais na tanggapin itong liwanag at katotohanan,(142) at may nais na mapasailalim ng maluwalhating Ebanghelyong ito,(143) ay maipanganak na muli na maging mga anak ng Dios.(144) Kaya tayo'y magkakaroon ng pagaalitan sa kasalanan sa halip na pagkakasundo dito,(145) at magkaroon ng kapayapaan at pagkakasundo sa Dios.(146) Tayo naman pagkatapos ay mapagiiisa ang ating sarili sa Dios at kabanalan at lubusin ang gawain ng ating sariling pagkaligtas(147) sa pamamagitan ng pamumuhay ng sakdal na halimbawa ni Jesus sa ating buhay.(148)
     Sa lubos nating pagmamahal sa Dios atin namang pipiliin na tumigil na sa pagkakasala sa patuloy na pagsuko ng ating kalooban sa Kanyang kalooban na iniingatan ang lahat Niyang mga kautusan ng walang kamalian(149) sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiwala sa Dios(150) at sa pamamagitan ng lakas(151) at biyaya mula sa Kanyang trono.(152)
     Sa paggawa nito, sa pamamagitan ni Kristo, tayo'y makakagamit ng binanal na pagsisikap upang sumulong sa bawa't isang ikot ng pagkaperpekto ng karakter,(153) na namumunga ng mga mamahaling bunga ng katuwiran.(154) Ito ay hindi "minsa'y naligtas lagi ng naligtas" na karanasan, kundi ito ay ang araw-araw na pagpupunyagi laban sa kasalanan(155) upang linisin at dalisayin ang ating mga karakter tungo sa kabanalan.(156)
     Ito'y matutupad lamang sa pamamagitan ng mga bagay na ating binabata(157) sapagka't ating napaglabanan ang tukso sa halip na bumigay sa mga ito.(158) Kung tayo'y magpapatuloy sa ganitong gawain ng pagpapakabanal ng matapat hanggang sa wakas,(159) nagpapatuloy na lumakad at sundin itong Ebanghelyo(160) at magtamo ng tagumpay sa bawa't kasalanan(161) sa pagkakaroon nitong pag-asa sa loob natin,(162) tayo naman ay karapatdapat na magtamo ng kaluwalhatian(163) at imortalidad sa ikalawang pagdating ni Jesus.(164) Sa ikalawang pagdating ni Jesus sa mga alapaap ng langit, lahat ng nangamatay kay Kristo ay bubuhayin,(165) at yaong mga tapat na banal ay bibigyan ng walanghanggang buhay,(166) at tayo naman ay makapagtataas ng ating walang katapusang tinig sa pagbibigay ng papuri at pagsamba at mga pagpapala doon sa walanghanggang Dios,(167) ang ating walanghanggang Hari,(168) na may walanghanggang saya(169) habang tayo'y pumapasok sa walanghanggang mga pintuan(170) doon sa walanghanggang kaharian(171) na lumakad sa walanghanggang liwanag nito.(172)
     Ito ang maluwalhating walanghanggang Ebanghelyo ng kaharian ng langit,(173) na siyang itinakda na sa sangkatauhan buhat pa ng itatag ang mundo,(174) at ito ay ipinangaral sa lahat ng bansa at bayan.(175) Ang Ebanghelyo na ito ang maghihiwalay doon sa sinomang tatanggap at isasakabuhayan ito,(176) mula doon sa sinomang tatanggi na tanggapin at isakabuhayan ito(177) - lalu pang mula sa mga Babiloniang iglesya.(178) Kaya ang Dios ay may dalisay na bayan na kung saan Siya'y nagagalak na manahan at lalakad sa kanila.(179)

     Ngunit ano naman ang magiging kawakasan ng mga hindi sumunod nitong Ebanghelyo ni Jesus,(180) ngunit sila'y pumili na pabayaan ang Panginoon ng kaluwalhatian?
     Sila ay matutupok(181) sa pamamagitan ng kagalitan ng Dios,(182) na may walanghanggang pagkapuksa sa apoy.(183) Ito ang kanilang kabayaran sa utang ng bawa't kasalanan at masamang kilos na kanilang ginawa,(184) at sila'y magpapatuloy na masunog hanggang ang bawa't utang ay mabayaran ng buo,(185) at ang kanilang apoy ay mawala na.(186) Kaya sila ay susunugin hanggang maging abo,(187) at para bagang sila ay hindi umiral(188) - kasama mismo si Satanas.(189) Kaya ang kasalanan, at yaong mga yumakap dito, ay mawawala na at hindi na muling babangon pa ng ikalawang beses.(190)

     Nguni't hindi ito ang dapat mong maging kapalaran, sapagka't si Jesus ay nagbayad na ng iyong utang ng kasalanan sa pamamagitan ng paglasap ng kamatayan sa bawa't isang lalaki at babae.(191) Kung iyo lamang tatanggapin Siya bilang iyong personal na Tagapagligtas, ikumpisal at iwanan ang iyong mga nakaraang kasalanan, at lumakad sa katulad na daan ng pagsunod sa Dios at ng Kanyang mga utos tulad ng ginawa ni Kristo,(192) samakatuwid ikaw ay magiging matagumpay at hindi na parurusahan nitong walang katapusang kamatayan,(193) bagkus ikaw ay magsasaya ng buhay na walanghanggan. At sa pagbibigay ng puso mo sa Dios, iyong gagawan ang buong langit ng umalingawngaw na may himig!

     Kung ito ang matapat mong pagnanais, gayon nga'y mapagkumbabang lumapit ka kay Jesus na may bukas at walang reserbang puso. At ipahayag itong simpleng panalangin:
     "Panginoon, ako ay makasalanan, hindi karapatdapat, mahina; iligtas Mo po ako, o ako'y mamamatay."

     Kung ikaw ay lumapit na kay Jesus, Siya'y kusang loob na tatanggapin ka sa Kanyang malakas na bisig, at papaginitin ang iyong puso ng Kanyang maniningning na sinag ng banal na pag-ibig.(194) Kung iyong lubusang bubuksan ang iyong puso kay Jesus, Siya ay papasok at maging isang mananahang Panauhin, Tagapagtanggol, matalik na Kaibigan, at Ilaw ng iyong buhay.(195)

     Kaya lumapit, at ating tanggapin at panghawakan hanggang sa wakas(196) itong maluwalhating Ebanghelyo ng katotohanan ng ating matuwid na Hari, sa paglalagay nitong mamahaling salita ng buhay sa loob ng ating mga puso at mga isip at magkamit ng kapangyarihan(197) na sumulong tungo sa tagumpay(198) sa pamamagitan ni Jesus.(199) Ating gunitain ang ating mga lakad(200) at ingatan ang ating sarili na hiwalay sa pagtanggap ng iba pang ebanghelyo(201) at sa pagsunod at pagtitiwala sa mga bulok na iglesya at ministro(202) na sundin lamang ang walanghanggang daan ng katuwiran.(203) Kaya nga tayo ay mamumuhay kasama ng ating karapatdapat na Dios at Tagapagligtas,(204) at mamumunong mga saserdote at hari(205) kasama Niya sa Kanyang trono(206) sa Kanyang kaharian(207) magpakailanpaman.(208)

     Sino ang sasama sa akin na sikaping "magsipasok sa pintuang makipot" " na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa Ebanghelyo;" sapagka't "hindi pa kayo nakikipaglaban hanggang sa mabubo ang dugo, na nakikipagaway laban sa kasalanan...Kaya't itaas ninyo ang mga kamay na nakababa, ang mga tuhod namang nanginginig; at magsigawa kayo ng matuwid na landas sa inyong mga paa, upang huwag maligaw ang pilay, kundi bagkus gumaling."
     "Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon." "Datapwa't ngayo'y tapusin din naman ninyo ang paggawa; upang kung paanong nagkaroon ng sikap ng pagnanais, ay gayon din namang magkaroon ng pagkatapos ayon sa inyong kaya."
     "Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan, mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo...Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran; at ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng ebanghelyo ng kapayapaan; bukod dito, ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama, at magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios; na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa boong panahon, at mangagpuyat sa boong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal." "Na sa
kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil; na ito'y si Kristo na nasa inyo, na pag-asa ninyo sa kaluwalhatian: na siya naming inihahayag, na pinaaalalahanan ang bawa't tao at tinutulungan ang bawa't tao, sa boong karunungan, upang maiharap naming sakdal kay Kristo ang bawa't tao; na dahil dito'y nagpapagal din naman ako, na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa, na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan."
     "Sapagka't ito ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong pagpapakabanal, na kayo'y magsiilag sa pakikiapid: na ang bawa't isa sa inyo'y makaalam na maging mapagpigil sa kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan." "Kaya't tayo'y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Kristo, at tayo'y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa," sapagka't "pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin," at hindi Niya "pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay." (Lucas 13:24; Filipos 1:27; Hebreo 12:4, 12-14; 2 Corinto 8:11; Efeso 6:10-11, 14-18; Colosas 1:27-29; 1 Tesalonica 4:3-4; Hebreo 6:1; Mga Awit 138:8).

     Kaya tayo ay "pumaroon sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin silang magsipasok, upang mapuno ang bahay [ng Panginoon]." (Lucas 14:23)




FOOTNOTES


 1. 2 Timoteo 3:16-17; Kawikaan 30:5.
 2. Isaias 52:7; Roma 10:15.
 3. Efeso. 1:13.
 4. Genesis 1:31.
 5. Genesis 1:27.
 6. Genesis 3:6-13; 1 Juan 3:4.
 7. Genesis 3:19-24; Romo 6:23; Deuteronomio 24:16; 2 Cronica 25:4; 2 Mga Hari 14:7.
 8. Isaias 14:12-17; Ezekiel 28:13-17; Apocalipsis. 12:7-10; Lucas 10:18; Juan 8:44.
 9. Roma 6:16; 2 Pedro 2:19; Juan 8:34.
 10. Exodo 19:21; 1 Timoteo 6:16; Genesis 3:24; Isaias 59:2.
 11. Malakias 3:6; Santiago 1:17.
 12. 1 Samuel 2:9; Nehemias 1:5; 1 Mga Hari 8:23.
 13. Galacia 3:16.
 14. 2 Juan 3; Juan 1:34; Lucas 4:41.
 15. Isaias 59:2.
 16. Juan 14:6; Genesis 28:12-13.
 17. Marcos 1:1; Roma 1:9.
 18. Mateo 11:27; Juan 10:25-30; Roma 16:25-27; Efeso 1:17-23.
 19. 2 Samuel 23:5; Isaias 45;17.
 20. Juan 1:34, 36; Apocalipsis 13:8, 5:6,9,12.
 21. Kawikaan 8:22-30; 1 Pedro 1:20; Mga Awit 90:1-2; Apocalipsis 3:14; Mikas 5:2; Habacuc 1:12; Juan 17:5,8,24.
 22. Mga Awit 111:7-8.
 23. Genesis 4:1-7.
 24. Tingnan ang aklat ng Levitico.
 25. Galacia 3:8; Genesis 22:1-18.
 26. Deuteronomio 5:4-28.
 27. Exodo 24:12-18; Deuteronomio 5:22, 9:9-10.
 28. Exodo 20:1-23.
 29. Exodo 21-40; Levitico 1-27.
 30. Exodo 30:6, 40:21; Deuteronomio 10:2,5.
 31. Deuteronomio 31:25-26.
 32. Galacia 4:3-5; Mga Awit 40:6-8; Hebreo 10:5; Zakarias 2:10-11; Isaias 7:14; Mateo 1:23; Isaias 9:2,6-7, 40:9-11; Lucas 2:8-14,30-35; Isaias 8:14-16.
 33. Juan 13:15; 1 Timoteo 1:15-16.
 34. Hebreo 12:2.
 35. 2 Corinto 5:21.
 36. Mateo 4:1-11; Marcos 1:12-13; Lucas 4:1-13; Hebreo 4:15.
 37. Santiago 1:13.
 38. Hebreo 1:8-9; Mga Awit 45:6-7; Juan 1:1; Colasas 2:9.
 39. 1 Timoteo 2:5; Juan 8:40, 10:33.
 40. Isaias 9:6; Roma 1:3-4, 9:5.
 41. Roma 1:3-4; Mateo 12:23; Apocalipsis 22:16; Isaias 11:1; Jeremias 33:15; Mga Awit 132:11; Lucas 1:31-32; Mateo 1:1,16-17.
 42. Juan 2:25.
 43. Santiago 1:14.
 44. Lucas 2:40; Mga Awit 71:6-7.
 45. Juan 14:30.
 46. Roma 8:3-4.
 47. Juan 8:29.
 48. Lucas 1:35.
 49. Isaias 7:16.
 50. Isaias 11:2-5; Juan 8:26-28, 55.
 51. Filipos 2:6-7.
 52. Roma 15:3.
 53. Lucas 2:52.
 54. Filipos 2:8; Hebreo 12:2.
 55. Mga Awit 119:51; Isaias 50:7-9; Jeremias 23:23; Kawikaan 15:29.
 56. Mateo 1:21.
 57. Jonas 2:1-2,7,9.
 58. Lucas 2:11-12; Levitico 12:7-8; Marcos 6:3.
 59. Mateo 2:23; Lucas 2:51; Juan 1:45-46.
 60. Lucas 2:1-5; Juan 19:6-10.
 61. Isaias 45:25; Roma 3:28; Galacia 2:16; Roma 3:24; Tito 3:7; 1 Corinto 6:11; Roma 5:9, 3:4; Mateo 12:37; Roma 2:13; Santiago 2:20-24.
 62. Roma 5:1-5; Efeso 6:10-18; Galacia 5:1.
 63. Roma 8:1-2.
 64. Roma 6:16, 5:21.
 65. Jeremias 23:6; Isaias 61:10.
 66. Filipos 4:13.
 67. 2 Corinto 1:9-10.
 68. Isaias 40:8.
 69. Ezekiel 18:23, 32.
 70. Zefanias 3:17.
 71. Roma 6:22.
 72. Roma 8:3.
 73. 1 Juan 3:6.
 74. Isaias 53:10-12; 2 Corinto 5:21; 1 Corinto 15:3.
 75. 1 Pedro 2:24.
 76. Mga Awit 85:8-10; Filemon 3.
 77. Daniel 9:26-27; Hebreo. 9:1-18, 10:1-24.
 78. Hebreo 8:1-4.
 79. 1 Juan 2:1.
 80. Juan 1:29; 1 Juan 2:2, 3:5.
 81. Apocalipsis 1:5.
 82. 1 Juan 1:7.
 83. 1 Juan 1:9; Efeso 5:25-27.
 84. Galacia 1:4; Mateo 6:13; 2 Timoteo 4:18.
 85. 1 Pedro 3:18.
 86. Hebreo 9:16-17; Galacia 3:15.
 87. Eclesiastes 12:13-14.
 88. Genesis 2:2-3; Exodo 20:8-11; Mateo 28:1; Marcos 16:1-2, 9.
 89. Mateo 12:8; Marcos 2:28; Lucas 6:5.
 90. Roma 3:20, 7:7, 9.
 91. Roma 5:13, 4:15.
 92. Roma 6:23.
 93. Colosas 2:9-14,17; Efeso 2:15; Hebreo 9:9-12; Santiago 2:10-11.
 94. Kawikaan 7:1-3; Jeremias 31:33-34; Hebreo 10:16-17.
 95. Santiago 1:8, 4:7-8; 1 Mga Hari 18:21; Lucas 16:13; Mga Hukom 8:21; Roma 6:16.
 96. Roma 7:7-13.
 97. Galacia 3:24; Roma 7:24-25, 8:1-14.
 98. Roma 6:1-23; Hebreo 12:1-4; Filipos 1:21.
 99. Isaias 60:2-3, 9:2, 11:10; Zakarias 9:9-10; Oseas 2:23; Juan 10:15-16.
 100. Juan 1:29; Isaias 61:1-2; Juan 8:34-36.
 101. Mateo 10:34-39, 23:1-39; Isaias 9:16, 42:7, 5:13; Zakarias 9:11; Juan 10:3-4, 4:20-24; Isaias 37:31-32; Zefanias 3:1-4.
 102. Lucas 9:22, 17:25; Marcos 12:10; Juan 9:22, 7:13; Mateo 26: 3-5; Juan 11:47-53.
 103. Isaias 53:1-3.
 104. Lucas 22:21-22; Juan 18:2-5; Lucas 22:47-48.
 105. Mateo 26:31, 36; Mga Awit 88:8.
 106. Marcos 10:33-34; Lucas 20:19-20; Mga Gawa 13:28; Mateo 27:1-2,11-31; Lucas 23:22-25; Juan 19:6-7,14-16.
 107. Apocalipsis 17:1-2,18, 14:8, 18:2-4.
 108. Marcos 15:15-20; Isaias 53:45, 50:6; Panaghoy 1:12; Mga Awit 22:16; Juan 19:18; Mga Awit 22:6-8; Mateo 27:42-43; Mga Awit 22:1; Mateo 27:46.
 109. Malakias 3:1; Isaias 49:8, 54:10.
 110. Amos 5:10; Juan 8:37,40, 16:9.
 111. Mateo 24:4-14; Juan 15:18-25, 16:1-4.
 112. Roma 9:6.
 113. Tingnan din ang Isaias 31:4; Jeremias 1:8-9,17; Ezekiel 3:8-11; Isaias 51:12; Josue 1:9; Mga Awit 112:7, 23:1-6.
 114. Mga Awit 16:10, 71:20; Mateo 28:2-6.
 115. Lucas 24:51; Marcos 16:19; Mga Gawa 1:9-11; 1 Pedro 3:22; Hebreo 12:2, 10:12.
 116. Hebreo 9:3, 7, 24, 10:19-21.
 117. Tingnan ang Exodo 29-30; Levitico 16-17.
 118. Roma 6:10; Hebreo 7:27, 9:28, 10:12; 1Pedro 3:18.
 119. Hebreo 8:1-4.
 120. Daniel 12:1; Apocalipsis 22:11; Lucas 13:25-28.
 121. Efeso 4:22-24,31; Colosas 3:8-13.
 122. Hebreo 9:28.
 123. Mga Awit 7:1, 27:12-14, 41:1-2, 50:15, 59:1-5, 71:1-5; 2 Timoteo 4:17-18; Isaias 51:21-23; Kawikaan 11:8; Esther 3-9; 1 Cronica 16:34-35; 2 Mga Hari 17:39.
 124. Ruth 2:12; 1 Tesalonica 4:16-17; Kawikaan 11:31, 13:13.
 125. Mateo 13:40-42, 49-50, 25:41,46; Judas 14-15.
 126. Kawikaan 28:13; 1 Juan 1:9; Roma 5:1; Galacia 3:24.
 127. Galacia 2:16.
 128. 1 Corinto 6:11; Galacia 3:11.
 129. Isaias 61:10; Jeremias 23:6; Apocalipsis 3:18.
 130. Roma 2:13; Santiago 2:24.
 131. 1 Tesalonica 4:3-4; 2 Tesalonica 2:13; 1 Pedro 1:2; Juan 17:17-19.
 132. Mateo 25:14-46.
 133. Kawikaan 12:28, 16:17; Mga Awit 23:3; Roma 6:4.
 134. Roma 8:1, 4; Galacia 5:16; Filipos 3:8-19.
 135. 2 Juan 6; Apocalipsis 21:24.
 136. 1 Corinto 9:23-27; Hebreo 12:1.
 137. Apocalipsis 22:14-15; Santiago 1:22.
 138. Kawikaan 11:5.
 139. Mateo 7:14, 20:16, 22:14; Lucas 13:23-24.
 140. Galacia 3:1; Hebreo 6:4-6, 10:26-31.
 141. Isaias 53:11-12.
 142. 2 Corinto 4:6; Efeso 1:13; Colosas 1:5-6.
 143. Hebreo 12:9; Santiago 4:7; 2 Corinto 9:13; 1 Corinto 9:23-27.
 144. 1 Corinto 4:15; Efeso 1:5-6; Galacia 3:26; Roma 8:16-17,21.
 145. Genesis 3:15; Roma 16:19-20.
 146. Lucas 1:78-79; Mga Gawa 10:36; Roma 5:1; Colosas 1:20.
 147. Filipos 2:12-13, 1:6; Efeso 3:16-21.
 148. Juan 13:15; 1 Pedro 2:21-25; Roma 12:1-2; Efeso 4:23-24; Filipos 2:5; Mateo 22:37; Isaias 26:3; Hebreo 8:10.
 149. Mateo 5:48; 1 Juan 2:3-7; Juan 14:15,23, 15:9-14; Apocalipsis 14:12; Roma 7:1,12,14-16, 22; Hebreo 4:2-11.
 150. 1 Juan 5:4-5,19; 1 Timoteo 4:10.
 151. Isaias 26:3-4, 40:28-31.
 152. Hebreo 4:16; Mga Gawa 20:24.
 153. 2 Pedro 1:5-10.
 154. Galacia 5:22-25.
 155. Filipos 1:27.
 156. Tito 2:11-15; 1 Pedro 1:15-16; Roma 6:19-22.
 157. 2 Timoteo 1:8; 1 Pedro 4:1-2,12-16,19.
 158. 1 Corinto 10:12-13.
 159. Mateo 25:19-23, 10:22, 24:13; Apocalipsis 2:26; Hebreo 3:6,14.
 160. 1 Tesalonica 4:1-4; 3 Juan 3; Colosas 1:23.
 161. 1 Corinto 15:57-58.
 162. 1 Timoteo 1:1; Hebreo 6:17-20; Colosas 1:27; Roma 8:10; 1 Juan 3:3; Colosas 1:5-6; 1 Juan 4:4; 1 Pedro 3:15; Efeso 6:19.
 163. 2 Tesalonica 2:14.
 164. 1 Corinto 15:51-54.
 165. Apocalipsis 1:7; Job 19:26-27; Mateo 26:24; 2 Tesalonica 1:7.
 166. 1 Tesalonica 4:16-17; Juan 4:14, 6:27, 47, 12:50.
 167. Mga Awit 106:48.
 168. Mga Awit 2:2, 6-7, 29:10; Juan 1:49; Jeremias 10:10.
 169. Isaias 35:10, 51:11.
 170. Mga Awit 24:7-10.
 171. Mga Awit 145:13; Daniel 4:3, 7:27; 2 Pedro 1:11.
 172. Apocalipsis 21:23-25; Isaias 60:19-20.
 173. Apocalipsis 14:6; Mateo 4:23, 9:35.
 174. Mateo 25:34.
 175. Mateo 24:14; Mga Awit 68:11; Roma 10:18; Apocalipsis 14:7-11, 18:1-4; Mga Bilang 14:21; Habacuc 2:14.
 176. Roma 1:1.
 177. Roma 10:16; Efeso 5:8-11; 2 Timoteo 3:1-7; 2 Pedro 3:1-18; Ezra 9:14-15; 1 Juan 2:18-28; 2 Juan 6-11; Mga Awit 2:3.
 178. Isaias 52:11; Jeremias 51:6; Amos 3:3; Apocalipsis 14:8, 18:1-5.
 179. 2 Corinto 6:14-18.
 180. 1 Pedro 4:17-18.
 181. Isaias 1:28.
 182. Efeso 5:6; Apocalipsis 16.
 183. 2 Tesalonica 1:8; Apocalipsis 14:9-11, 19:20, 20:10, 14-15, 21:8, 27.
 184. Mga Awit 28:4; Apocalipsis 22:12; Isaias 59:18; Roma 2:5-8; Judas 15.
 185. Mateo 18:34.
 186. Isaias 47:14.
 187. Malakias 4:1-3.
 188. Obadias 15-16; Mga Awit 37:10.
 189. Ezekiel 28:12-19.
 190. Nahum 1:2-9; Apocalipsis 21:4-5.
 191. Hebreo 2:9.
 192. Apocalipsis 3:21.
 193. Juan 8:51-52.
 194. Awit ng Mga Awit 2:4.
 195. Apocalipsis 3:20; Joel 2:12-13.
 196. Apocalipsis 2:25-26; 3:8-12.
 197. Eclesiates 8:4.
 198. Mga Awit 98:1.
 199. 1 Corinto 15:57; Apocalipsis 15:2.
 200. Hagai 1:7.
 201. 2 Corinto 11:3-4; Galacia 1:6-9.
 202. 2 Corinto 6:14-18; Apocalipsis 18:1-14; Jeremias 17:5; Isaias 9:16.
 203. Mga Awit 139:23-24, 98:2.
 204. Apocalipsis 4:11, 5:9,11-13.
 205. Apocalipsis 1:5-6, 5:10, 20:6.
 206. Apocalipsis 3:21.
 207. Apocalipsis 2:7; 2 Tesalonica 1:5.
 208. 1 Juan 2:17,25; Apocalipsis 22:5.